bc

Valencia Brood Series: Book 4 Cedrick

book_age0+
7.3K
FOLLOW
58.0K
READ
billionaire
possessive
opposites attract
friends to lovers
arranged marriage
arrogant
CEO
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sina Katrina at Cedrick ay parehong nakatakdang ikasal sa iba. Si Katrina ay nakatali sa isang arranged marriage habang si Cedrick ay magpapakasal bilang pagtupad sa pangako. Subalit naglaro ang tadhana at ilang beses na pinagtagpo ang mga landas nila. AT doon sa isang isla, umusbong ang pag-ibig sa pagitan nila...

chap-preview
Free preview
Part 1
“SANA’Y wala akong nalimutan,” mahinang wika ni Katrina habang ipinipila ang kanyang grocery cart sa cashier’s booth. It was Saturday morning at iyon lamang ang libreng araw niya para makapamili ng kanyang weekly grocery supplies. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang isang cart lang ang sinusundan niya. Ang ibig sabihin lamang niyon ay hindi siya gugugol ng maraming oras doon. Habang papalapit sa cashier ay muli niyang pinasadahan ng tingin ang mga grocery items. At doon ay napansin niya na wala pa pala siyang nakukuhang oatmeal.         Tiningnan ni Katrina ang nauuna sa kanya sa pila. Sa kasalukuyan ay nagbabayad pa ito. Ipinasya niyang iwan muna ang cart para bumalik sa hanay ng mga oatmeal at kumuha niyon. Nakakuha naman agad siya. Pabalik na siya sa cashier nang may maalala na namang grocery item na wala sa kanyang cart. Napapalatak siya bago hinanap ang kinalalagyan ng mga iyon. Next time ay sisiguruhin na talaga niyang mayroon siyang listahan na dala-dala nang sa gayon ay wala siyang nakalilimutan.         Nang makuha ang kailangan ay bumalik na siya sa cashier.         Napatigil sa paglalakad si Katrina. “Aba’t—!” Kitang-kita niya nang itabi ng isang matangkad na lalaki ang kanyang cart pagkatapos ay ito ang pumuwesto sa harap ng cashier para magbayad ng kung ano mang binili nito. Uminit ang ulo niya. She marched toward the galling man.         “Excuse me, I believe I was first in line.” Hinaluan niya ng katarayan ang boses. Kailangan niyang magsalita ng English dahil nasa ibang bansa siya. San Francisco, California in particular.         Tila slow motion na lumingon ito.         Oh, boy! Hindi alam ni Katrina kung naisatinig niya ang bagay na iyon pero ipinagpasalamat niya na napigilan ang sariling mapasinghap nang matunghayan ang mukha ng lalaki. The man was handsome! Mula sa makakapal na kilay nito hanggang sa prominenteng hugis ng panga. His nose was proud to perfection. And he had the darkest eyes she had ever seen. Tila kaya niyong higupin ang pagkatao niya at basahin ang nilalaman ng kanyang isipan. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito at tumutok doon. Bagaman nakatikom ang mga labi ng lalaki ay tila kay lambot niyon sa paningin niya. And those lips were amazingly reddish!         She was mesmerized. Kung gaano katagal siyang nakatanga lang sa mukha ng lalaki ay hindi niya alam, lalo pa at matangkad ito kung kaya bahagya siyang nakatingala rito. Nagsalita ang lalaki but for crying out loud, she didn’t understand a single word he said. Tila namagneto lamang siya sa pagbuka ng mga labi nito at iniisip kung ilan na kaya ang masuwerteng babaeng nakatikim ng mga labing iyon.         “Is something wrong with my face?”         Rumehistro na sa pandinig ni Katrina ang mga salitang iyon. And it just felt like she was being freed from a trance. Nakakunot ang noo ng lalaki at nanatiling nakatikom ang mga labi. Kay istrikto nitong tingnan. Gayunman, sa kabila ng kapormalan ng mukha ay hindi maitatangging guwapo talaga ang lalaki.         Ramdam ni Katrina ang pag-iinit ng kanyang mukha subalit pinili niyang itago ang pagkapahiya sa kanyang katarayan. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki.         “I said I was first in line!”         Hindi alam ni Katrina kung ano ang nangyari sa kanya. Literal na tinitigan niya ang isang lalaki. Dahil lang sa naguwapuhan siya? Oh! But for goodness’ sake, napapaligiran siya ng mga guwapo!         Guwapo nga sila pero walang sino man sa kanila ang nakakuha ng atensiyon mo, Katrina, anang isip niya na hindi magawang salungatin. Ayaw man niyang aminin pero malakas ang appeal ng lalaki, may karisma. May X-factor. Napakakaswal na tinapunan siya ng tingin ng lalaki bago sumagot. “No, you weren’t in line; a cart was here. Kung hindi ka pa handang magbayad, hindi mo dapat iniiwan ang cart mo. Nakakaabala,” sagot nitong kababakasan ng pagkainip. Bahagyang nagsalubong pa ang mga kilay.          She couldn’t speak. May punto ang lalaki pero hindi iyon ang dahilan ng hindi niya pagsagot. Kinausap siya nito sa wikang Tagalog. Ang ibig sabihin ay Pinoy ito. Oh, he must be half Filipino. Sa tangkad kasi at sa pisikal na hitsura ay maipagkakamali ito na isang Brazilian. She had the Asian features. Pero paano naman ito nakasiguro na Filipina siya?         Napansin niya na nakataas ang isang kilay nito at may paghahamon sa mga mata. Alin man sa dalawa; hinihintay ng lalaki na salungatin niya ang sinabi nito o hinihintay ang kumpirmasyon na magkababayan nga sila.         Inirapan niya ito bago humalukipkip. Nagbayad na ang lalaki para sa mga binili nito. Pagkatapos niyon ay walang lingon-likod na umalis.         “Walang-modo…” mahinang bulong ni Katrina. Bakit kailangang salubungin pa nito ang kasupladahan niya? Bakit hindi na lang ito nagpaliwanag sa kanya sa maayos na paraan?         “Miss…?” Ang boses ng cashier ang nagpagising sa kanyang pagkakatulala. Iniabante na niya ang cart at inilapit iyon sa cashier. WHAT was that, Cedrick? sita niya sa sarili habang malalaki ang hakbang na tinutungo ang kinapaparadahan ng kotse niya.                He had a very bad day. Wala siya sa mood at ang babaeng iyon ang nakatikim ng kasungitan niya. Kahit may punto siya, hindi dapat niya sinungitan ang babae. Bagaman hindi niya alam kung bakit gustong gumuhit ng ngiti sa kanyang mga labi nang makitang titig na titig ang babae sa kanya na animo pinag-aaralan ang kanyang hitsura. He was used to that kind of attention. Kunsabagay, hindi lang naman siya, kundi maging ang kanyang mga pinsan. Bakit hindi gayong ang mga Valencia ay may magandang lahi.         Pero kung ikokompara sa mga pinsan, si Cedrick ang pinakapansinin dahil suplado raw siya at lalong pinalalakas ng supladong aura ang kanyang personalidad. But that was not true. Hindi siya suplado o arogante, tahimik lang siyang tao. Pero ibang kaso na kapag kasama niya ang mga pinsan dahil lumalabas ang kakulitan niya sa mga ito. Yes, first impressions never last. Nagkataon lang talaga na mainit ang ulo niya kanina. Ngayon ay himalang napawi ang pagkabugnot niya. That lady was gorgeous. At nang magtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam niya ay bigla siyang nagkaroon ng koneksiyon sa babae. Something warm enveloped him. Isang pakiramdam na hindi niya alam kung ano ang tawag.         Naisip agad niya na Filipina ito, or half Filipina. He did not know why he felt that way. Basta malakas ang pakiramdam niya na Filipina ito. Para kumpirmahin ang hinala niya ay kinausap niya ang babae sa Tagalog at hindi naman siya binigo ng reaksiyon nito.         Pumihit si Cedrick pabalik sa establisimyento para makahingi ng pasensiya sa babae. Who knows, baka maging magkaibigan silang dalawa. Nakakailang hakbang na siya nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cell phone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Tumigil siya sa paghakbang at kinuha iyon. Agad niya iyong sinagot nang makitang ang kapatid niya ang tumatawag.         “Yes, Sean?”         “Hey, Kuya. Nasaan ka? Let’s go on a food trip. My treat.”         Cedrick groaned. “I know that tone, Sean. Pagkatapos mo akong pakainin, sigurado akong may hihilingin ka naman sa akin.” Pumalatak siya. “Let me guess, hihiramin mo na naman ang isa sa mga credit card ko? `Tapos, kapag dumating sa akin ang bill, magugulat na lang ako dahil sinagad mo ang limit n’on? No.”         Sean laughed. “Hey, big bro, that was ages ago pa. Nakakalimutan mo na bang kumikita na ngayon ang kapatid mo? Therefore, graduate na ako sa mga ganyan. `Mind you, ako na ang nanlibre kina Ate Cassandra at Ate Jillian kahapon. I also took the initiative to book Mom and Dad on a cruise ship for their anniversary.”         Napangiti si Cedrick. “Oh, so it’s payback time, ha? Good. Dahil inilista ko lahat-lahat ng ginastos ko sa `yo. Every cent. Tingnan ko lang kung hindi ka himatayin kapag nakita mo ang figures.”         “What? Ginawa mo `yon?”         Natawa si Cedrick. “Silly. Naniwala ka naman agad.” Nag-warning ang cell phone niya para sa isa pang tawag. Nang i-check niya kung sino ang tumatawag ay agad siyang nagpaalam sa kapatid at nangakong tatawagan ito mamaya.          “Yes, Tito Hector…?” Ang ama iyon ng best friend niyang si Jazmine o Jazz.         “Cedrick, hijo, may alam ka bang problema ni Jazz?”         “Bakit mo naitanong, Tito?” he asked. Gusto lamang niyang siguruhin na maayos ang lagay ni Jazmine.         “Aba’y nagkukulong siya sa silid niya. Naku, ako itong ama pero wala akong kaalam-alam sa problema ng anak ko. Pasensiya ka na. Ikaw lang kasi ang alam kong pinagkakatiwalaan ni Jazmine.”         He held his breath. “Sige po, Tito, pupunta na ako diyan. Ako na ang bahala kay Jazz.”         Tuluyan nang nawaglit sa isip ni Cedrick ang babae sa grocery. Bumalik siya sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. Nang makasakay ay agad niyang binuhay iyon at pinasibad patungo sa bahay nina Jazmine. Malakas ang kutob niyang may kinalaman sa pangyayari dalawang buwan na ang nakararaan ang problema ngayon ni Jazmine.         “God! Huwag naman sana…” nahiling ni Cedrick. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.7K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.6K
bc

Billionaire's Twins

read
263.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook