bc

Tournament of Power

book_age16+
612
FOLLOW
2.0K
READ
adventure
HE
drama
tragedy
sweet
humorous
heavy
serious
magical world
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Ang Tournament of Power. Laro kung saan buhay ang nakataya. Ang bayang mananalo ang siyang magkakaroon ng pabuya.

Ang bayan ng Grandi ang pinakamahirap na bayan sa kaharian ng Zendar. Isa sa mga bayang kalahok sa Tournament of Power. Ang bayan kung saan wala ni isa sa mga napili ang nanalo sa Tournament. Sa bagong patakaran ng Tournament kung saan magkakaroon ng grupo na binubuo ng mga iba't ibang bayan sa siyudad.

Anong siyudad ang mananalo? Ano ang iyong kayang isuko upang ipanalo ang iyong grupo? Sa laro kung saan buhay ang nakataya. Tournament of Power.

chap-preview
Free preview
Simula
Minulat ko ang aking mga mata, nasilaw ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa akin. Bahagya kong ipinikit ang mata ko at iminulat muli. Nagulat ako sa aking nakita. Isang malawak na karagatan ang nakikita ko at nasa isang maliit na bangka ako nakahiga. Bumangon ako ng dahan dahan upang hindi tumaob ang bangka. Tok... Tok... Kinatok ko pa ang bangka upang malaman kung saan ito gawa. Base sa tunog ay gawa lang ito sa isang kahoy. Kumuha ako ng kaunting tubig sa karagatan upang malaman kung ilusyon lamang ang nakikita ko. Ngunit mukhang mali ako ng inaakala. Ramdam ko ang pagkabasa ng kamay ko, ininom ko pa ang tubig at medyo maalat ito. Luminga linga ako, mali ata ang nakalap na impormasyon ng mga tagapamahala. Sinabi sa amin na gaganapin ang paligsahan sa kagubatan ng Zendar. Ngunit bakit nagkaroon ng karagatan rito. 'Maligayang pagdating sa Tournament of Power. Ngayon ay gising na kayong lahat nais kong ipahayag sa inyo ang tagubilin ng Tournament. Mayroon kayong mga numero sa inyong likuran. Ang mga numero na iyan ay magsisilbing puntos at inyo ring buhay. Ang bilang na nasa inyong likuran ay magsisilbing buhay ninyo, diyan nakasalalay kung ilang araw kayo mabubuhay. Sa isang araw na magdaan sa tournament ay siya ring pagkawala ng isang puntos sa inyong likuran, at sa oras na maubos ang puntos na nasa inyong likuran ay siya ring pagkawala niyo sa magandang mundong ito. Kaya naman nais namin kayong hikayatin na kumuha ng puntos sa inyong kalaban gamit ang pakikipaglaban. Sa pagtatapos ng Tournament pumunta kayo sa safe zone na aming itatalaga upang makaligtas kayo sa pagkawasak ng buong lugar. Isang grupo lamang ang maaaring makalabas ng buhay sa tournament. Habang kayo ay nasa karagatan mayroon kaming inilagay sa inyong katawan upang hindi niyo magamit ng panandalian ang inyong mga exousia. Kaya naman nais namin na lubos kayong mag-ingat dahil hindi lamang mga exousian ng ibang grupo ang inyong makakalaban, makakasalamuha niyo rin ang ilan sa mga Demon Beast sa karagatan. Umpisahan niyo ng magsagwan ngayon pa lamang upang agad kayong makarating sa isla kung saan ganap na gaganapin ang totoong pakikipaglaban. Iyon lamang at opisyal ng magsisimula ang Tournament of Power. Ang lahat ng ito ay para sa karanglan ng inyong bayan!'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook