bc

Banana Heaven

book_age16+
840
FOLLOW
4.8K
READ
friends to lovers
sensitive
single mother
sweet
like
intro-logo
Blurb

“Kahit single moms, may karapatan din naman makahanap ng makakasama nila sa buhay. Hindi naman siguro destined na mag-isa ang single moms sa buong buhay nila. Hindi extra baggage ang anak ninyo. Extra blessing ang tawag diyan.”

Single mom. Mas magandang termino para sa isang dalagang-ina na tulad ni Erica Mae. Tiannggap niyang iyon ang kapalaran niya. Wala siyang magagawa. Ang tanging lakas niya para maging matapang sa hamon ng buhay ay ang anak niya mismo si Onyok.

Maayos naman ang buhay nilang mag-ina. Suwerte nga sa kanya ang pagdating ni Onyok dahil maging sa negosyo ay umunlad din siya. Everything runs smoothly, maliban sa paminsan-minsang pangungulit ni Onyok na magkaroon daw sana ito ng ama.

Ha? tatay ng anak niya? Ano iyon? Wala sa isip niya iyon. Besides, hindi naman kapos sa father figure si Onyok. Mayroon itong Ninong Rory na kumakarir sa pagiging pangalawang ama sa buhay ng anak niya.

Pero bakit nang magsimula siyang mag-entertain ng suitor, nag-iba rin ang hihip ng hingin kay Rory? Bigla na lang ay nagparamdaman itong maging tunay na bahagi ng buhay nilang mag-ina.

It could be me. It should be me. Puwedeng ibang lalaki ang piliin mo para maging ama ng anak mo pero pwede rin namang ako, hindi ba? diga nito sa kanya.

Pero paano si Lee Min Ho na masugid na manliligaw niya? At paano din kung bigla na lang ay bumalik ang tatay ni Onyok sa buhay niya?

chap-preview
Free preview
Part 1
“HELLO, SINGLE moms!” kuwelang bati ni Erica Mae nang pumasok siya sa B2. She fondly called the second branch of Angelicious Cake Shop as B2. As usual diretso siya sa work area kung saan naroroon ang staff nila. “Anong latest na tsismis?” tanong niya habang inuusyoso ang ginagawang fondant cupcake topper ni Gwen. “Madaming orders, as usual. Hello, Madam Em,” sagot ni Gwen. Si Gwen ang  pinakamatiyaga sa paggawa ng mga maliliit na detalye sa disenyo. Ni hindi ito nag-angat ng tingin nang sumagot sa kanya. “Luma nang tsismis iyan.  Sa love life, ano bago?” Noon nag-angat ng mukha si Gwen habang nagsimulang umugong ang tawanan ng iba pa doon. “Ano pa ang magiging bago? Single mom pa rin,” sabi ni Rica. Busy naman ito sa pagmamasa ng fondant. Ito ang pinaka-petite sa mga bakers doon pero ito ang pinakamalakas ang pulso pagdating sa kneading. “Hoy, byuda, may solusyon dyan sa pagiging single mom mo. Paligaw ka kaya. Cute mo pa naman,” buska niya dito. Rica was a young widow. Ang alam niya halos kapapanganak pa lang yata nito nang mabiyuda. Alam din niya, open din naman si Rica na magkaroon ng bagong karelasyon. At iyon ang hindi siya updated sa ngayon. Bumaling siya ng tingin kay Gabby. “Ikaw rin, hanapan mo na ng tatay si Erin. Hanapan mo na habang hindi pa marunong kumontra,” tukoy niya sa bata pang anak nito. Sa lahat ng empleyado nila doon, si Gabby ang hindi niya masyadong alam ang kuwento. Misteryosa ang dating nito sa kanya pero wala naman siyang balak na usisain ito nang higit sa impormasyong boluntaryong ibinibigay nito. Basta gaya nilang lahat doon, single mom din ito. “Madam Em, kumustahin mo ako,” nakangiting sabad ni Mari, ang head at branch manager na rin ng shop. She was a pastry chef by profession.  Ito rin ang unang-unang kinuha ni Angelique nang  mag-hire ito ng staff para sa branch na iyon. Hindi niya kinuwestyon si Angelique nang malaman niyang puro single moms ang kinuha nitong empleyado. They were BFF for more than a decade now. May mga desisyon itong kahit hindi niya itanong ay alam na niya kung bakit lalo na sa paghawak nito ng negosyo. Magkasosyo sila ni Angelique sa negosyong iyon. Alam niyang hindi madali maging single moms. Mahirap lalo at walang stable na trabaho. Parang charity na rin na pinili ni Angeliquer ang apat. At hindi naman ito nagkamali sa pagpili. Lahat nga iyon ay masisipag at dedicated sa trabaho. Halos pamilya na rin ang turing nila sa mga ito. “May love life ka na, Mari?” interesadong tanong niya “Wala nga din, eh.” Sumabog ang tawanan sa work place. “Ang saya naman dito?” Bumungad si Angelique at nag-flying kiss sa kanya. “Tara, merienda tayo. May dala akong ice cream.” “Hello, Ma’am Angelique,” halos chorus na bati ng mga bakers dito. “Banana flavor?” nakangising tanong naman niya at sinipat ang dala nitong ice cream. “Mukha ka talagang saging,” tukso nito sa kanya. “Vanilla flavor ito. The most premium vanilla in town. The best partner to any cake---” “The best blah-blah-blah,” sabi niya at binuksan na ang ice cream. “Huwag na nating patagalin at matutunaw lang ito. Gabby, please get me scooper.” Malapit lang sa kanya ang mga cup kaya siya na ang kumuha niyon. “Best friend Anj, mas masarap talaga kung banana ice cream. Nagde-develop ako ng recipe.” “Patok sa mga bata iyang ice cream. Paborito iyan ni Angge-pot,” tukoy nito sa sariling anak. “Paborito din ni Onyok ko. Ano na nga ba ginagawa nila ni Onyok?”  Kaninang umaga ay iniwan niya ang anak niyang si Onyok at ang yaya nito sa bahay ni Angelique saka niya pinuntahan ang mga business dealings niya. Sanay naman ang mga tao sa bahay ni Angelique na doon niya iniiwan si Onyok dahil magkalaro ang mga anak nila palagi. Magkaaway din madalas. “Alin sa dalawa, kundi magkasundo, magkaaway sila. Anong recipe iyang dine-develop mo?” “O-ha? Umiilaw na naman iyang mga mata mo, best friend. May peso sign na naman diyan. Chillax ka lang, nasa early stage pa ako.” “Saging na naman iyan?” Pilya na iginala niya ang tingin sa mga bakers nila. “May langit sa saging, di ba, cupcakes?” “Nakalimutan ko na iyang saging na iyan,” ani Rica. “Anong saging ba ang pinag-uusapan?” sabi naman ni Gwen. Ito ang virgin single mom. Hindi naman kasi ito nanganak. Napilitan lang maging ina sa pamangkin na nakamatayan ng kapatid nito. Tatlong taon na rin si Mint, ang cute na batang lalaki na inari na nitong anak. “Balang-araw, Gwen, mare-realize mo rin ang langit na tanging saging lang ang makakapagbigay sa iyo.” Dinilaan niya ito. “Em,” baling sa kanya ni Angelique. “Dinner meeting tayo mamaya?” “Pag saging ang topic, sure na gorabels ako riyan.” Tinikman niya ang ice cream. “Ay, tama si Angge. Ang sarap nitong ice cream niya. Lasang pahingi pa.” “Ay, naku basta si Madam Em, ang saya lang ng buhay. Parang walang problema,” sabad ni Mari. “Pa-easy-easy lang,” ayon ni Gabby. “Malaki pa sa taniman namin ng saging sa Cebu ang problema ko. Ayoko lang intindihin masyado dahil malaki ring problema magpakinis ng mukha. Hala, kain na kayo nitong pinagmamalaki ni Angge na vanilla ice cream. Pag naimbento ko yung banana ice cream cake na gusto ko, mas dadayuhin tayo dito sa shop. Papabor iyon sa mga bulsa natin.”    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.4K
bc

NINONG II

read
611.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

The Sex Web

read
131.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook