bc

TEACHER, GOT ME

book_age0+
496
FOLLOW
3.6K
READ
love-triangle
possessive
teacherxstudent
opposites attract
dare to love and hate
others
student
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

This is not an ordinary story about Teacher who unexpectedly fell in love with students, would she fight for it or choose to give it up because of her profession?

Hope you enjoy their love story.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
              Nagising ako sa lamig na nararamdaman ko mula sa aircon. Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin habang nakasilid ang kaniyang mukha sa aking leeg. Nanlaki ang aking mata, marahil dahil ang buong akala ko ay panaginip lamang ang lahat. Unti-unti kong inilibot ang aking mga mata kung nasaan na nga ba ako. Wala ako sa bahay ko, agad kong ipinikit ang aking mga mata, “Tsss…. Ano bang ginawa mo, maya-maya pa’y mas lalong napakunot ang aking mukha habang nakapikit ng maalala kong lahat ng nangyari sa amin ng lalaking nakayakap sa akin ngayon. Muli ko siyang tinignan, napakahimbing ng tulog niya kaya naman dahan-dahan kong inalis ang kaniyang mga kamay sa pagkakayakap sa akin at siniguradong hindi siya magising. Tinignan ko ang oras sa aking cellphone, it’s 3:45a.m. Iniwan ko siyang mag-isa habang natutulog. Walang kahit na anong salita. Kailangan kong umuwi agad dahil kailangan ko pang pumasok sa trabaho sa araw na iyon. Saka ko na iisipin ang susunod na gagawin.                 “Hoy girl, tulaley lang ang peg? Anyare? Hapong-hapo yang mukha mo?”, biglang sambit ni Ivy, co teacher ko and a close friend of mine too.  “Am I that obvious?”, pinilit kong iayos ang sarili at tinignan ang oras sa aking cellphone. “oras na, anong gagawin ko mamaya?, biglang lakas ng kalabog sa puso ko, napakagat ako sa aking ibabang labi at tapik sa magkabila kong pisngi para gumising ako at mag-isip ng tama.                 Ivy: ano veh? Okay ka lang ba girl?, ano may problem a ba?                 Aaahhh… wala naman, medyo kulang lang ako sa tulog at di ko naaral ang lesson ko ngayong araw.                 Magkaiba kami ng year level na hawak , parehong Retorika pero sa Senior High Schoolako while she is in the Junior High naman nagtuturo. Humarap ako sa salamin, inayos ang aking sarili, tulad ng lagi kong ayos, naglagay ako kaunting pulbos, manipis na blush on at syempre ang paborito kong red lipstick. Hindi ako makapal mag make up pero makapal ako mag lipstick. Hehe.                 Buti nalang at may nahiram ako kay ma’am Leny na photocopies ng Unit test para sa klase ko. Atleast hindi ko kailangang magsalita sa klase at makakalma ko ang sarili kahit pa magkita kami.Nasa kabilang building ang klase ko kaya kinailangan ko pang lumakad ng ilang minute. Dugdug..dugdug…dugdug. Jusko! Nanlalamig na ako at nanginginig, sinasabayan pa ng napakalas na kalabog sa dibdib ko.                 Kalma Claire, kalma… hooh! Buntong hiniga ko ng lalong matanaw ang pinto ng klase nila. Bahagya akong napakagat sa aking ibabang labi sabay hingang malalim. Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil hindi pupwedeng may makapansin sa aking kakaibang kilos.                 Pinilit kong ngumiti ng maayos, “Magandang umaga klase”, “magandang umaga rin po Bb. Reyes”, balik na pagbati nila. Maingat kong iniikot ang aking paningin, at nakahinga ako ng maayos ng masiguro kong wala siya sa loob ng klase. Bumaba ang temperatura ko at nakalama ang sarili. Mabuti at wala siya ngayon, siguro hindi siya nagising ng maaga dahil sa kalasingan. Ibinigay ko na ang aking instruction sa klase at sinimulang idistribute ang kanilang test papers. Nang lahat ay maayos na, piasimulan ko na sa kanila ang take ng test. Naupo ako sa mesa at sinimulan ding sagutan ang questionnaire para macheck naming agad kung matapos sila ng maaga sa pagsagot. Habang binabasa ko pa lamang ang ikatlong tanong ay bigla akong nangatog sa kaba at naramdaman ko ang pag-init ng aking buong mukha. Ang boses nay un.                 “Magandang umaga Bb. Reyes, pasensiya na at nahuli ako”. Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin, mahagya akong napahinto at nablangko, s-siya…. Dumating siya. Nakatitig siya sa aking mga mata na seryoso at may kadiliman ang mga mata. Bumalik ako sa ulirat, gising Claire, gising. “ aaahhh… sige maupo ka na… kasisimula pa lamang naman nila”, nakayuko kong sagot sa kaniya na hindi magawang matitigan siya sa sobra kong kaba.                 “Ma’am, ma’am… pahingi daw po ng test paper si Riz”, tulala pa akong napatingin sa nagsasalita, si Tyrone lang pala na katabi niya. Buti hindi na siya mismo ang lumapit para kumuha, napabuntong hininga ako pagkaaboT ng test paper. Habang lumilipas ang ilang minuto ay bahagya akong nakakaramdam ng pagkulo ng aking tiyan, pinagpapawisan din ako kahit na napakalakas naman ng aircon sa loob ng classroom. Alam kong nakatingin siya sa akin, ramdam ko yun. Kaya hindi ko na rin magawa pang mapakali sa kinauupuan ko. Unti-unti kong binalin ang paningin sa klase upang di naman nila mahalata ang pag iwas ko. Dahan-dahan kong nilibot ang paningin patungo sa dako kung saan siya nakaupo, at laking nginig ko ng Makita ang mga mata niyan titig na titig sa akin, matalas ang tingin niya, para bang may gusting sabihin. Hindi ko kinaya kaya ako ang agad na nagtanggal ng tingin. Hindi ko na nagawang sagutan ang questionnaire na hawak ko kaya nagpasya akong sa Lunes na lamang ang pagchecheck ng kanilang papel. Nagpaalam na ako sa kanilang klase. Hindi ko na siya muling tinignan, pero lama kong kahit sa pagtalikod ko palabas ng classroom ay hindi niya ako nilubayan ng tingin. Nakahinga na lamang ako ng maluwag ng tuluyan na akong nakalayo sa classroom nila.  Friday ngayon kaya dalawa lang ang nagging klase ko. Tatlong magkakasunod ang vacant ko hanggang uwian.                 Napuyat ako kagabi kaya naramdaman ko ang pagkahilo at antok  ng matapos ang pananghalian. Kaya naman isinandal ko ang aking ulo sa aking lamesa at di namalayan  agarang pagkatulog habang nakakabit sa aking mga tainga ang headset at nakikinig ng music mula sa king phone                 “Uy Claire, hindi ka pa ba uuwi, may sundo kami ngayon kaya mauuna na kaming bumaba”, narinig kong sabi ni Ivy, at sa sobrang pagkakatulog ko’y tango na lamang ang naisagot ko sa kaniya. Maya-maya pa’y saka rumehistro ang mga sinabi ni Ivy sa akin, mauna na sila ? pambihira, wala akong kasabay, pabigla kong dilat na para bang wala pa sa sarili. Napatingin ako sa paligid at biglang napatayo ng mapagtanto kong ako na lamang ang naiwan sa loob ng faculty. “Pambhira, hindi manlang nila ako ginising, madilim na sa labas ng dungawin ko ang bintana.                 Mabilis kong inayos ang aking mga gamit para makababa na dahil ayaw ko namang maiwan ng matagal roon ng mag-isa. Maya-maya pa’y sinara na ang ilaw ng bawat pasilyo. Mas binilisan ko pa ang pagkilos para di abutin ng mas madilim pang kapaligiran. Sinigurado ko munang sarado ng mabuti ang lahat ng pinto at humakbang na sa pasilyo papuntang hagdan pababa.                 Nakakailang hakbang pa lamang ako ng bigla akong mapahinto, anino, hindi, isang pamilyar na anino ng lalaki ang nakita kong nakaabang sa madilim na bahagi ng hagdan.Hindi ako maaring magkamali. Ang matangkad niyang height, magandang tindig at bagsak na buhok. Bigla akong nakaramdam ng panlalambot ng tuhod at ang malakas na kabog ng dibdib ang siyang tangi kong naririnig.                 A-Anong ginagawa niya rito, bulong ko sa sarili habang nakikita siyang unti-inting lumalapit sa akin. Gumalaw ka Claire, galaw.. pilit kong sinasabi sa sarili ng di namamalayang nasa harap ko na siya. “ Ri-Rizman, anong--- napapalunok pa ako ng laway. “Wala ka ba talagang balak kausapin ako? Kanina bakit umalis ka ng di manlang nagpapalam” “tumigil ka!” pasigaw ngunit pigil kong pagpipigil sa kaniya, “umayos ka ng pakikipag-usap sa akin, teacher mo pa rin ako”, pagdidiin ko. Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mukha ng marinig ang sinabi ko. “Teka, akala ko”,--utal-utal niyang sambit, “nag-alala lang naman ako, hinanap kita, ni wala ka manlang text o paalam, akala---“ ,hindi ko na hinayaan pang matapos ang sinasabi niya, nasa school kami, ayokong may ibang makarinig. “Isang malaking pagkakamali Riz, isang malaking pagkakamali”. Napahinto siya, nakita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata ng marinig ang mga sinabi ko, pero hindi ko pinansin pa yun. Ayoko, ayokong mahalata niya ang kahit na anong panghihina, mali, maling mali ang lahat ng ito. Kailangan kong itama ang lahat ng pangyayari. Ito ang alam kong tama.                 “Kalimutan mo na ang lahat, walang ibig sabihin ang nangyari sa atin. Wala”. Madiin kong pagkakasabi sa kaniya, ni hindi ko nililingon ang mukha niya, dahil ayokong ientertain pa ang kahit na ano pang nararamdaman ko para sa kaniya.                 Noong gabing iyon, yung araw na yun tuluyan ko siyang iniwang umiiyak. Pero umiiyak din naman ako, masakit sobra. Hinayaan kong mahulog ang loob ko sa isang taong di ko pa pwedeng mahalin.  Sa maling panahon at sa maling pagkakataon.                 ‘I’m sorry Rizman. I’m sorry”. At tuluyang tumulo ang luhang pilit kong pinipigilan sa harapan ng lalaking mahal ko. Oo. Mahal ko na siya, sobra pero di pwede ang gusto ko.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.8K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook