bc

His To Pleasure-R+18

book_age18+
9.9K
FOLLOW
79.4K
READ
billionaire
escape while being pregnant
brave
inspirational
boss
student
comedy
bxg
cheating
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Warning: R+18 story

Contains some explicit scenes not suitable for young readers.

Paano kung ang ex mo ay siyang magiging boss mo?

Cross Vasiliev Zhen

Shan Chun Hei

"I am not his slave, but I am HIS to pleasure."

chap-preview
Free preview
Prologue
Nakatingin lamang ang dalaga sa cellphone niya. Wala pa ring tumatawag ngayong araw. Napahinga siya nang malalim at napatingin sa kusina nila. Kaunting pagkain na lang ang natitira. Kailangan na niyang makahanap ng trabaho. Mabilis na sinagot niya ang cellphone niya nang may tumawag. Nanginginig ang kamay na nagsalita siya. "Hello?" "Good evening, is this Shan Chun Hei?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. "Speaking," sagot niya. "Ms. Hei, maaring pumunta po kayo bukas ng alas siyete sa ZV Building para sa karagdagang impormasiyon ukol sa inyong magiging trabaho." Kaagad na nanlaki ang mata ni Shan sa narinig. "T-totoo po?" "Yes, we'll be expecting you tomorrow. Good night and good luck," saad nito bago pinatay ang tawag. "Yes!" sigaw niya at masayang pinuntahan ang ina niya na nagluluto. "Ma, may trabaho na ako," masayang balita niya. "Mabuti naman anak. Sino ba naman ang aayaw sa anak kong magaling?" nakangiting wika nito. "Kanino pa ba ako magmamana?" sagot niya. Kaagad na napangiti naman si Shan. Nag-resign na kasi ang Mama niya sa hospital na pinagtarabahuan nito dahil sa hindi na nito kaya ang trabaho. May katandaan na rin kasi ang ina niya. "Sige na, maupo ka na at kakain na tayo." Tumango naman si Shan at nakatingin lamang sa Mama niyang naghahain. Malaki talaga ang pangarap niya para sa buhay nila. Kaya't ngayong tapos na siya ng pag-aaral gagawin niya ang lahat para mabigyan ito ng magandang buhay. Kinabukasan ay maaga siyang naghanda. Suot ang black pencil skirt at white long sleeves na medyo hapit sa katawan niya ay nagpaalam na siya sa ina niya na aalis. Pumara siya ng traysikel at nagpahatid sa terminal ng bus at sumakay papunta sa kompaniya. Nang makarating ay nahigit niya ang kaniyang hininga nang makitang napakalaki ng building. Ang akala niya ay iyong maliliit na company lang. Mabuti na lamang at nakapag-apply siya rito kahit thru online lang. Lalo pa at may kalayuan ito sa bahay nila. Bago pa mawala sa sariling isip ay naglakad na siya papasok. "Good morning po, puwede po bang malaman kung saan ang opisina ni, Mr. Ben Marayag?" tanong niya sa guard. "Good morning po Ma'am, nasa second floor po. Paglabas mo may malaking pinto na glass, pasok lang po kayo roon," sagot ng guwardiya. Kaagad na napangiti si Shan. "Thank you po," aniya at naglakad na papuntang elevator. Ilang sandali lang naman ay may nakasabay na siya. Saktong pa-second floor din ito. Halatang pareho pa silang tinawag para sa trabaho. "Pupunta ka rin kay, Mr. Ben?" tanong niya sa babae. Tiningnan lamang siya nito at tinaasan ng kilay. "Yes," sagot nito at hindi na siya pinansin. Nagkibit balikat na lang din ang dalaga. Nang bumukas ay kaagad na pumasok sila sa opisina ni Mr. Ben. "Good morning po," malambing na bati nu'ng babae kanina. Bumati na rin si Shan. Akala niya ay lalaki si Mr. Ben. Kumekembot pala at halatang may pagkaistrikto. "Sino si, Shan Chun Hei?" tanong nito. Kaagad na itinaas naman ni Shan ang kamay niya. "A-ako po," sagot niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at tinanguan. "Tanggap ka na, wait for me outside at nang maihatid kita sa opisina ni, CEO Zhen," saad nito. Kaagad na nanlaki ang mata niya. "T-talaga po? " hindi makapaniwlanag tanong niya. Tinaasan siya ng kilay nito. "Klaro naman ang pagkakasabi ko right? Unless ayaw mo ang trabaho," wika nito. Kaagad na umiling siya at nagpasalamat. Nag-usap pa saglit ang dalawa sa loob. Nang lapitan siya nito ay sumunod lamang siya sa sinasabi nito. Pumasok sila sa loob ng elevator at pinindot ang top floor. "You will be working as our CEO's secretary. Thirty-five thousand a month, all benefits included. Just follow what he says. Kung ano ang makikita mo sa loob ng opisina niya maging bulag, pipi at bingi ka lalo na sa personal life niya. Ayaw niya ng issue kahit siya mismo ay isang issue, you know what I mean?" malditang wika ng bakla. Kaagad na tumango nan si Shan. "Sinasabi ko sa 'yo, ang boss natin ay isang demi-god. Isang biyaya ng kalangitan para sa ating mga kababaehan. Huwag na huwag kang mai-in love sa boss natin dahil siguradong magre-resign ka nang sapilitan. Goodbye sahod ka kaya ayusin mo ang pagtatrabaho, " dagdag pa nito. "Opo," "Sundin mo lang kung ano ang iuutos niya lalo na kung tungkol sa trabaho. He's a devil too, Ms. Hei lalo na pagdating sa trabaho. And lastly, know your place. Ilang sekretarya na ang napatalsik dito dahil sa attitude na akala mo ay asawa ang CEO," saad nito. "Tatandaan ko po lahat. Huwag po kayong mag-aalala," nakangiting sambit niya. Bumukas na ang elevator. Nilingon siya ni Mr. Ben. "Good," anito at nauna na. Sumunod naman siya. Kumatok si Mr. Ben sa pinto at ilang saglit lang ay binuksan na ito. Nakangiting pumasok na si Shan at akmang babati na nang makita niya ang mukha ng boss niya. Kaagad na bumilis ang t***k ng puso niya at hindi makapagsalita. Nakatingin lang din ang binata sa kaniya nang taimtim. Siniko naman siya ni Mr. Ben. Napakurap siya at kaagad na bumati. "M-magandang araw po, ako po si Shan Chun Hei," aniya. "She will be your new secretary, Sir," wika ni Mr. Ben. Kaagad na napasinghap si Shan sa narinig. She'll be working with her ex. Cross Vasiliev Zhen.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook