bc

Way Back (R-18)

book_age18+
642
FOLLOW
3.4K
READ
others
sensitive
student
drama
tragedy
twisted
lighthearted
brilliant
like
intro-logo
Blurb

Ang dalawang nag-iibigan ay babalik sa nakaraan para guluhin ang buhay ng mga taong tahimik na nabubuhay sa taong 1896

chap-preview
Free preview
PANIMULA
NAG LALAKAD si Lesley Dominguez na basang basa ang suot nitong damit dahil sa biglaang pag-ulan. Gabi na, pero nasa Bulacan State University pa din s'ya, kung saan s'ya nag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Tourism. Hinihintay n'ya si Cridd, ang kaniyang boyfriend. Nasanay na kasing lagi s'yang sinusundo ni Cridd pag katapos ng kaniyang klase, kaya nag hintay ito ng matagal hanggang sa gabihin na ito. Lalong lumalakas ang pag patak ng ulan. Napagdesisyonan ni Lesley na pumasok muna sa loob ng school para sumilong at doon na rin hintayin ang kaniyang boyfriend na si Cridd. Nag paalam s'ya sa guard na naka-assign sa main gate ng school nila. Umupo ito sa bench chair na naka-open sa mga studyante na nag-aaral duon. Nakayakap na sa sarili ang dalaga dahil sa lamig ng paligid, nanginginig ang katawan ng dalaga, rinig sa tahimik na lugar ang pag dikit ng mga ngipin n’ya dahil sa lamig. Hindi na n'ya kinaya ang lamig kaya pumasok na ito ng tuluyan sa loob ng campus. Pupunta dapat s'ya sa Athlete's quarter ng makita n'ya patay sindi ang ilaw na nanduon, pumunta na lang ito sa Natividad hall; mag papalipas muna si Lesley ng ulan sa isang room doon. Pag punta n'ya sa isang area sa loob ng Natividad hall ay sinubukan n'yang buksan ang mga room na nandoon, pero nabigo ito dahil sa mga naka-lock na pinto doon. Yakap-yakap pa rin n'ya ang sarili na lumabas sa Engineering building. Nag-iisa na lang si Lesley na tao sa lugar na iyun, dahil sa gabi na ang paligid. Napahinto si Lesley ng may marinig itong ingay na nag mumula sa Engineering building. Biglang kinabahan si Lesley ng maalala n'ya ang kwento tungkol sa babaeng nag papakita sa Natividad hall. Natatakot man ay dahan-dahan na nag lakad pabalik si Lesley sa loob ng building habang yakap ang sarili n’ya. Kinakabahan at nilalamig man ay lakas loob n’yang sinilip kung may bang tao doon. Sinilip n'ya ang bawat kwarto sa building na iyon hanggang sa madala s'ya ng paa n'ya sa pinaka dulo ng hall. Pag silip n'ya doon ay kinakabahan pa ito dahil baka ano ang makita n'ya. May naririnig itong kumakaluskos sa loob ng kwarto. Hinawakan n'ya ang malamig na bakal na door knob, dahan-dahan n'ya iyung pinihit, sa sobrang tahimik ng lugar na tanging ulan na lang ang maririnig na ingay ay rinig na rinig ang pag langitngit ng pabubukas na pinto na hawak ni Lesley. Isang babae at lalaki ang nakikita n'yang nag hahalikan sa loob ng isang madilim na silid, tanging dalawang tao lang ang nandoon. "Cridd... Jamie?!" gulat na tawag ni Lesley kina Cridd at Jamie. Halatang nagulat din ang dalawa sa biglang pag sulpot ni Lesley. "Les..." tawag ni Cridd kay Lesley. "Sorry... nakakaabala pala ako sa inyo," malamig na sabi ni Lesley sa dalawa. Hindi naman alam ni Cridd ang gagawin n'ya. "Akala ko babae lang ang nag papakita sa Engineering building. Hindi ko alam na mayroon na pala itong kasama," sarcastic na sabi ni Lesley. Hindi pinapakita ni Lesley na nasasaktan s'ya na makita ang dalawa na nag hahalikan sa isang kwarto sa engineering building. "Les, mag papaliwanag ako." Lumapit si Cridd kay Lesley, pero pinigilan s'ya ni Lesley na makalapit sa kan'ya. "Paliwanagan mo lolo mo. Gago ka!" kalmado lang na pag kakasabi ni Lesley, pero bakas ang galit sa salitang binibitawan n'ya. "Wag kang susunod..." Masamang nakatingin si Lesley kay Cridd. "Sira-ulo ka!" inis na dagdag na sabi ni Lesley. Tumakbo si Lesley palabas ng Engineering building.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Billionaire In Disguise

read
654.1K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.9K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

Fight for my son's right

read
146.7K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook