bc

A SCENERY OF TOMORROW

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
HE
second chance
neighbor
single mother
heir/heiress
no-couple
lighthearted
bold
campus
office/work place
secrets
addiction
like
intro-logo
Blurb

What does tomorrow means for you?For Caramel a tomorrow means being on his side every time she opens her eyes in the morning.Waking up in the morning without him is just 'another day' an ordinary plain and boring day. But having him in her side every time she close her eyes at night she is sure that she'll have a tomorrow not another day....A tomorrow of hope and love, A tomorrow of forever.Because for her he is her tomorrow.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE (Grammatical Errors Ahead)
"Sige na Caramel pumayag kana" pagmimilit sa akin ni Marshall,ang aking manager. Pinipilit kasi ako nitong magmodelo para sa isang companya. "Marsh marami ka namang ibang alaga diyan at mas bata pa sa akin"sagot ko Kahit gustuhin ko man ay parang ayoko na dahil hindi na mapapanatili ang pang twenty two kong balakang. Nasa twenty seven na ako iba na ang shape ng balakang ko. "Caramel ikaw ang request ng CEO ng company, saka pag hindi daw ikaw ang model e hindi nalang daw sila kukuha sa akin"mahabang paliwanag nito sa kabilang linya. "ge na please , promise last na ito pagkatapos nito pede ka ng magritiro sa career mo"pagmamakaawa nito. Huminga ako ng malalim. "Oo na pumapayag na ako"saad ko "Talaga!,ohh my!,CARA MELANDRIE HERNANDEZ THANK YOU!"tiling saad nito sa kabilang linya. napairap nalang ako dahil sa pagsambit niya sa buo kong pangalan.Kahit di ko ito nakikita alam kong abot tenga ang ngiti nito. Pagkatapos nalang ng project na ito ako magreretiro "I'll just text you the details,thank you tlaga"masayang sabi niya "Welcome, I'll hang up now"casual na sabi ko. "Bye- 'Di ko na ito pinatapos sa pagsasalita at pinatay na ang tawag. Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko kay Marshall hindi talaga ako papayag.Nung lumuwas kami ng nanay ko sa Maynila ay si Marshall ang tumulong sa amin.Isa akong waiter nun sa isang coffee shop nung nilapitan niya ako at inalok sa pagmomodelo. Ipinasok niya ako sa modeling industry dahil nakitaan niya raw ako ng potential.Siya rin ang matiyagang nagturo sa akin hanggang sa naging mahusay ako.Dahil sa pagmomodelo ay nakapagtapos rin ako sa aking pag-aaral bilang isang Fashion designer at ngayon ay may naitayo na akong botique mayroon na itong apat na branch. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Maya maya pa ay nag vibrate ang cellphone ko tinignan ko iyon. It was Marshall's message about the details of meeting for tomorrow. Ohh gosh wala ng atrasan ito!! Bumaba na ako para maghaponan. " 'Nak tamang tama, halika rito kain na tayo"masayang sabi ni mama "Si aling Eva ho umuwi na ba?"tanong ko ng mapansing wala na ang nag iisang katulong namin "Oo 'nak, maagang umuwi may importante pa daw siyang lalakarin" "Auhh ganun ho ba"sabi ko at umupo na saka kumuha ng kanina at ulam "Nga pala ma bukas di ako makakasama sayo " "Bakit nak?,may lakad ka ba?" Tumango tango ako at ngumuya muna bago sumagot. "Ma kasi si Marshall pinakiusapan akong tanggapin ang contrata sa pagmomodelo para sa isang company kaya ayun bukas may meeting"paliwanag ko kay mama "Auhh kaya pala...ay!okay lang yun nak,at goodluck!"masayang sabi ni mama "Naku ma ayoko sanang tanggapin,kasi naman ma di na pang twenty two ang balakang ko twenty seven na kaya ako."nakanguso kong saad. "Sus! twenty seven kanga pero 'yang balakang mo pang twenty palang" "Ma naman e binibiro mo naman ako" "Hindi kaya! Ang sexy at ang ganda mo nga mana sa akin nak"natatawang sabi ni mama kaya napatawa rin ako. "Buti nalang mayroon akong maganda,sexy, at higit sa lahat mabait na mama" "Sus biniro mo pa ako" "Ma hindi ahh mana nga ako sayo diba" "Yiee nagbublush siya" "Tigilan no nga akong bata ka" "Joke lang ma" "Cge na tapusin na natin to at ng makapagbeauty rest tayo" tumatawang sabi ni mama. "Hahaha beauty rest panga" Sabay kaming napahalakhak ni mama. Pagkatapos nun ay nagbulontaryo na ako ang magliligpit sa kinainan namin.Pinagpahinga ko na si mama dahil bukas maaga siyang gigising para sa family outing at celebration ng birthday ng tita ko. Pagkatapos kong magligpit ay umakyat narin ako at nagpahinga na. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko.Nakapikit ang mata ko itong inabot at pinatay.Nag-inat ako at bumangon na, niligpit ko muna ang hinigaan ko bago bumaba sa kusina.Napangiti ako ng makita ang maliit na note sa ibabaw ng plato na may takip. Mahal kong anak, Good morning nak!, breakfast kana pinagluto muna kita. Umalis na ang mama...ingat nak always take care...I love you...❤ Nagmamahal, Mama mong maganda Nakangiti akong nagtimpla ng kape. Ang swerte ko sa mama ko.Kaya di ako sanay na malayo sa kaniya. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng tumunog ang phone ko,agad ko itong sinagot ng hindi man lang tinitignan ang caller. "Good morning Caramel"masiglang bati ni Marshall "Good morning din"bati ko "I just want to remind you about that meeting 10:00- "But marsh it's just 6:50 in the morning, its too early for that" "I'm just excited!"tiling saad nito kaya agad kong inilayo ang phone sa tenga ko. Ano namang nakaka excite doon? "Why your so excited?"tanong ko "Kasi mamemeet ko na inperson ang pinakagwapo at pinakabatang CEO sa buong pilipinas"kinikilig na saad nito Ohh gosh baklang tohh! "Paano naman naging excited yun?" "Gaga ikaw lang ata ang babaeng hindi excited makita ang gwaping na CEO" "Wala naman kasing nakaka excite dun" "Ewan ko sayo...sige na babye na...basta meeting mamayang 10:00 puntahan nalang kita sa inyo"mahabang sabi nito "Oo na, sige babye din" Binababa ko na ang phone at pinagpatuloy ang pagakain, nang matapos ay iniligpit ko iyon at nagpunta sa garden.Tutal matagal pa naman mag alas diyes ay magdidilig lang muna ako.Wala ngayon si Aling Eva dahil di ko na pinapasok kasi wala naman si mama at ako aalis din. Kamusta na kaya siya ngayon? Antagal na panahon na ngunit hindi ko parin siya makalimutan.Simula ng mawalay ako sa kaniya ni minsan hindi siya nawala sa isip ko.Parati ko siyang naaalala lalo na tuwing Christmas, new year,at pati yung birthday niya. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ko kayang ibigay ang buong puso ko sa mga naging nobyo ko, kaya hindi nagtatagal ang mga nakaraang relasyon ko.Parati kong hinahanap ang mga ugali niya o di kaya ay kinukumpara ko sa kaniya ang nagiging nobyo ko. Napabuntong hininga nalang ako.Tinapos ko na ang pagdidilig at nagbunot naman ako ng mga d**o. Kalian ko kaya siya makikita? Hinihiling ko na sana magtapo muli ang landas naming dalawa.Nangungulila ako ng sobra sa kaniya.Pitong taon na mula ang mawalay ako sa kaniya...Pero lahat ng ala-ala ay presko parin sa aking isipan.Pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat.Sana makita ko siyang muli. Sana nga. "Ay hala, lagot"mahina kong saad ng mapansing ang pananim na ni mama ang nabubunot ko. " 'no ba 'yan,"inis na sabi ko. Tumigil nalang ako sa pagbubunot at baka kung ano pa ang mangyari sa tanim ni mama.Umakyat na ako sa taas para makapaghanda na ako.Maya maya andito na yun si Marshall excited kasi. At tama ako dahil hindi pa ako tapos mag ayos ay dumating na si Marashall para sunduin ako kaya halos magkandarapa ako sa pag-aayos sa aking sarili. "Ohh my gosh!, Finally mamemeet ko na siya!"tiling sabi ni Marshall Lulan na kami sa elevator at itong kasama ko kanina pa 'to tili ng tili minsan pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. "Pang twenty mo na 'yang sinabi "irap na sabi ko. "Duh! excited lang ako noh!"maarting sabi niya. "Ano bang nakakaexcite dun?,meeting lang naman ang mayroon"bored kong saad. "Hay, ewan ko sayo ikaw lang ata ang babaeng hindi excited na mameet siya"irap niyang sabi "Bakit ba napakabitter mo?"tanong nito "Hindi ako bitter"sagot ko "Really?.Did someone hurt you from the past? kaya ganyan ka"tanong nito habang naniningkit na nakatingin sa akin napaiwas tuloy ako ng tingin. "Wala pang nanakit sa akin" Kasi ako naman ang nanakit "Why do you hate guys?"makulit na tanong nito Bakit ba antagal ng elevator! Kinukulit na ako, God help me! "I don't hate them,I just don't like them" "Why- naputol ang sasabihin ni Marshall ng tumunog ang elevator Ambilis naman ata ng sagot ni God Tinahak namin ang hallway bago narating ang office ng CEO. Agad akong napatigil sa harap ng pinto.Tila nakatulos ako sa aking kinatatayuan.Nanlamig ang pakiramdam ko ,kumabog ng napakalakas ang aking dibdib matapos mabasa ang nakalagay sa pinto. OFFICE OF THE CEO: WESLEY KIM ARANETA Ohh God ambilis naman ata ng sagot Parang kanina ko lang hiniling andito na agad 'Yan ang nakalagay sa may pinto.Wari'y gusto kong tumakbo pero tila nakapako ang aking paa. Napabalik ako sa aking ulirat ng hilahin ako ni Marshal papasok.Nahigit ko ang aking hininga ng makapsok kami.Nagulat ako ng makita ang lalaking nakaupo sa swivel chair abala ito sa pagtitipa sa laptop. Wesley Sabi ko ngunit walang tinig na lumabas sa aking bibig. Napahawak ako sa braso ni Marshall ng maramdaman kung nanghihina ang aking tuhod,nanlamig ang aking pakiramdam.Nag aalala na namang napatingin sa akin si Marshall. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko ng unti unti itong nag angat ng tingin. Walang emosyong mukha nito ,malamig itong nakatingin sa amin na para bang hindi niya ako kilala.Tila muling nabuhay ang aking damdamin na akala ko'y patay na. "Good morning Mr.Araneta!"masiglang sabi ni Marshall. Tila ako'y napipi, ni hindi ko magawang magsalita. Tanging tango lang ang tinugon nito. "Have a sit"he said in a cold tone and he gesture to the sofa. Ng hindi ako na tinag ay hinila na ako ni Marhsall pa upo. "What do you want coffee or juice?"malamig na tanong niya. "Coffee is fine for us"nakangiting sagot ni Marshall. Lumapit ito sa intercom at tinawag ang secretary para dalhin ang coffee. "My secretary will be the one to discuss it"pormal niyang sabi. "She already know it right?"tanong niya "Yes Mr.Araneta"sagot ni Marshall "We just came here to sign the contract and know the other details"dagdag pa niya. Dumating na ang secretary niya dala ang coffee at ang contract.Nagsimula na ang meeting.They just discuss about the project and how long it will take.Nakikinig lamang ako ni hindi ko pa din magawang magsalita. Nakikinig nga ako pero wala namang naiintindihan. "I'll expecting you to be there"sabi niya habang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. "Yes Mr.Araneta- "Wesley...just call me Wesley"putol nito sa sasabihin ni Marshall. "Yes Mr.- I mean Yes Wesley we'll be there"masayang sabi ni Marshall. "Yes I'll be there"tanging sabi ko Nakauwi na ako ngunit tila wala parin ako sa aking sarili.Pakiramdam ko nakakita ako ng multo. Mutlo ng nakaraan! Nakailang palit na ako ng posisyon ng paghiga ngunit di parin ako makatulog Ala una ng umaga at dilat parin ang aking mga mata. Hindi ko inaasahang makikita kong muli ang dati kong nobyo. Nabuhay muli ang aking pangungulila sa kaniya. God I miss him so much! Muli kong naramdaman ang pagtibok ng aking puso na matagal ng natutulog. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit galit siya sa akin?. Naaninag ko sa kaniyang mga mata ang galit. Wala naman akong ginawa maliban sa aking paglisan ng walang paalam. Ngunit kong hindi ko iyun ginawa siguro wala si mama sa aking tabi. Muling nanumbalik ang sakit sa akin. Muling akong nakaramdam ng guilt. Napabuntong hininga nalang ako. Wala na akong magagawa tapos na yun.Nangyari na. Tumayo ako at naglakad papuntang bintana. Mukhang kailangan kong makalanghap ng hangin upang mapagaan ang bigat na nararamdaman. Hinawi ko ang kurtina at binuksan iyon hinayaan kong pumasok ang malamig na hangin.Napapikit ako ng tumama iyon sa aking mukha kasabay nun ang pagbalik ng aking alaala mula sa nakaraan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
310.7K
bc

Too Late for Regret

read
289.4K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
138.0K
bc

The Lost Pack

read
402.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
147.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook