bc

One Step Closer(Tagalog)

book_age16+
12.7K
FOLLOW
75.0K
READ
billionaire
possessive
second chance
friends to lovers
goodgirl
sensitive
student
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

At the age of ten Natalie had a crush on Clifford Mondragon her brother's friend. Even though she knew their age gap it was not a hindrance for Natalie to continue her love for Clifford. But her brother doesn't want her to take serious about love. Because she is still young.

The first time he laid his eyes on Natalie the younger sister of his friend Axel. He can't avoid to admire her. But Clifford knew it is not just an admiration, but he think he fell in love with a kid. He wanted to pursue her, but he need to wait for the right time.

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Natie doon kayo maglaro sa labas ni Sherry. Manggugulo lang kayo, nakita mong may bisita ako." Saway sa amin ni Kuya Axel. Napadaan lang naman kami ni Sherry dito, ah? Manggugulo talaga? Naghahabulan kasi kaming dalawa, sakto na napatakbo kami sa may labas kung saan sila nag-iinuman. Napanguso ako sa sinabi ni Kuya. Manggugulo talaga? Hindi naman namin sadya na pumunta doon. Marami ang bisita ni Kuya birthday niya kasi ngayon. Pero kapag weekend narito din sila para mag-inom. Malayo ang agwat ng edad namin ni Kuya Axel. I am only 10 years old samantalang si Kuya nasa 20 years old na. Siya ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Meron pa akong kuya. Siya si Kuya Devon. 15 years old naman siya. Hindi ko masyadong makasundo si Kuya Devon dahil palagi niya akong inaasar o di kaya naman inaaway. Makulit raw kasi ako. Siya nga itong makulit palaging napapagalitan ni Tatay. Tinatawag ko siya minsan devonyo eh kasi naman lagi niya akong inaasar. Inaaway niya pa ako. Makulit daw kasi ako. 5 years naman ang age gap namin. “Halika na Sherry pinapaalis na tayo ni Kuya Axel.” hinila ko si Sherry. “Bakit naglalaro lang naman tayo ah? Sungit talaga ng Kuya mo kahit kailan!” pinatahimik ko siya ng tumaas ang boses niya. Inirapan niya ako. Napilitan na rin sumunod si Sherry kahit ayaw niya. Bago pa kami makapasok sa loob napasulyap ako sa kinaroroonan nila Kuya. Natuon ang tingin ko sa katabi ni Kuya. Ang pogi niya, ngayon ko lang siya nakita. Nakita ko na ang ibang barkada ni Kuya Axel kaya kilala ko na sila. Nahuli kong nakatitig rin sa akin ang poging kabarkada ni kuya. Bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang aming mga mata. Mas dumoble ang bilis ng t***k ng puso ko nang ngumiti sa akin ang lalaki. Pumasok na ako sa loob. Nagtago ako sa isang sulok at sinilip ang lalaking ngumiti sa akin. Nakikipag-usap na siya sa mga kabarkada ni Kuya. Nagtatawanan na sila. Mas lalo siyang naging guwapo kapag nakangiti. Napangiti ako. Kinikilig ako. Kinalabit ko si Sherry sa likod. "Sherry, nakita mo ‘yong isang barkada ni Kuya Axel? Ang guwapo niya crush ko siya. Ano kaya name niya?" kinikilig na sabi ko. Pinanlakihan niya ako ng mata sabay takip sa bibig niya. "Luh, ang landi mo Natie ang bata pa natin para sa ganyan. Crush-crush ka pa diyan. Isusumbong kita kay Nanay mo. Kukurutin ka sa singit mo. Halika na nga maglaro na lang tayo. Wala naman akong pakialam sa mga guwapo na sinasabi mo." sabi sa akin ng bestfriend ko. Hinila na niya ang braso ko. Kainis ito para sinasabai lang. Eh sa crush ko iyong lalaki. Ano’ng masama roon? Napalingon ako at nakita kong muli siya. Sa likod ng bahay na lang kami naglaro ni Sherry. Halos pawisan na kami ni Sherry sa kalalaro ng habulan at piko. Pinahid ko ang pawis ko sa noo. "Teka Sherry punta muna ko sa kusina kukuha lang ako tubig nauuhaw ako. " paalam ko sa bestfriend ko. Tinaguan niya ako. Kumuha ako ng tubig sa ref , kinuha ko ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Sinarado ko ang ref pagkatapos humarap nang may nabangga akong tao. Natapon sa taong iyon ang tubig at nahulog sa sahig ang baso. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. "Sorry po Kuya hindi ko po sinasadya.” Hinging paumanhin ko sa kanya. Napatingin ako sa lalaki walang iba kung hindi ang crush ko. Nakakahiya sa kanya nabasa ko pa damit nya. Nakakahiya ka Natie. Kastigo ko sa sarili. Yumuko ako para pupulutin sana ang nabasag na baso. Ngunit pinigilan niya ako. “It’s okay, baby, ako na ang pupulot baka masugatan ka pa.” Aniya. Pinulot nga ng crush ko ang bubog. Kumuha na lang ako ng dustpan para doon niya ilagay ang mga bubog. Bakit niya ako tinawag na baby? Kinikilig ako sa tawag niya sa akin. Nag-init bigla ang pisngi ko. Malamang pulang-pula na. Nilagay niya sa isang tabi ang dustpan tsaka niya ako hinarap. Umupo ako sa upuan. Kabang-kaba ang nararamdaman ko. Ewan ko kung bakit. Dahil kaya narito sa harapan ko ang crush ko? Napangiti ako ng alanganin dahil sa nararamdamang hiya sa kanya. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya. Mas nanaig sa akin ang hiya kaya hindi ako makapagsalita. Hindi ko talaga mapigilan ang magkaroon ng paghanga sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Napakapogi niya. "What’s your name, baby?" tanong niya sabay ngiti sa akin. Dahil sa pagtitig niya sa akin natulala ako sa kanya. Nakita ko ngmalapitan ang mukha nya. Ang tangos ng ilong tapos ang ganda ng kulay ng mga mata niya. Asul ang kulay ng kanyang mga mata. Ang kanyang buhok naman ay kulay dark brown. At ang lips naman niya mapula pati ang cheeks . Hindi kaya may lahi siyang amerikano? "Ako po si Natalie, puwede niyo po akong tawaging Natie. Kayo po kuya ano ang pangalan mo?" lakas loob na tanong ko sa kanya. Inilahad ko ang palad ko sa kanya. Nakipagkamay siya sa akin. Parang may kuryenta ang kanyang kamay. Kaya nabitawan ko bigla ang kamay niya. Bakit may kuryente ang kamay niya? "I'm Clifford Allen. Just call me kuya Cliff" Pakilala niya sa akin. Titig na titig ako sa pogi niyang mukha. Hindi ako makapagsalita. " Hey babe narito ka lang pala. Come on magstart na ang videoke” pareho kaming napatingin sa babaeng dumating. Lumapit ito sa crush ko. Yumakap siya sa kanya. Maganda ang babae, matangkad at sexy. Nanlaki ang mata ko ng hinalikan ng babae sa lips ang crush ko kaya yumuko ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “Stop it may bata” narinig kong sabi ng crush “ Sorry hindi ko lang mapigilan babe.” gusto kong mapanguso sa sinabi ng babae. "Hi, kiddo ikaw ba ang little sister ni Axel?" Sabi ng babae. " Opo" sagot ko at tinango ko ang ulo ko. Hindi ako makatingin ng maayos kanila. Nahiya ako at nakita ko ang paghahalikan nila. "Ang ganda mo naman kiddo kamukha mo ang Kuya Axel mo." puri ni ate sa akin. Napangiti ako ng alanganin. Marami nga ang nagsasabi na kamukha ko raw si Kuya Axel. Para nga daw akong girl version ni Kuya. "Thank you po ate" pasasalamat ko. "Sige mauna na kami sa iyo Natie" sabi ni Kuya.Cliff. Napasulyap ako sa kanya. Parang gusto kong magtatalon ng bigyan niya ako ng isang kindat at may kasama pang ngiti. Napangiti ako ng makaalis na sila. My gosh, nginitian niya ako. Hinawakan ko ang ibabaw ng dibdib ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Bumalik muli ako sa labas kung saan kami naglalaro ni Sherry. Masaya ako. Feeling ko nakalutang ako sa ulap. Mukha akong tanga na ngumingiti mag-isa. Kinikilig kasi ako. “Hoy, anong nangyari sa iyo? Bakit ngumingiti kang mag-isa para kang tanga?” turan ni Sherry. “Nakita ko siya ng malapitan kinindatan niya ako.” Kinikilig na sabi ko. Hinawakan ko ang braso ni Sherry at niyugyog. Napakamot na lang ng ulo ang bestfriend niya sa inasal ko.Copyright © 2021 by coalchamber13

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Contract - Tagalog

read
753.5K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
454.0K
bc

CLOSER

read
140.5K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

Unwanted

read
510.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook