bc

The Last Song

book_age16+
333
FOLLOW
1K
READ
brave
confident
sweet
campus
childhood crush
first love
friendship
illness
lonely
stubborn
like
intro-logo
Blurb

"Don't cry my love, I am as brilliant as the stars above, I will keep you always here in my heart."

To love is to sacrifice. Huwag mong mahalin kung hindi mo kayang panindigan. But Zag made it all, he is a complete package individual. Pero ang sirkumstanya lamang ang ayaw na mag sama silang dalawa ni Athene. Oo, lumalaban silang pareho pero kung ang tadhana na mismo ang mag hiwalay sa inyo ay mawawalan ka talaga ng lakas na ipaglaban pa. So He sang his heart out for the girl she loves, for the last time hoping they will meet again.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Don't cry my love, I am as brilliant as the stars above. I will keep you always here in my heart." I will tell you a story about two strong hearts. Her name is Athene—a brave soul. Faced all her battles in life with Zag—A risk taker in love. Fate brought them together 'till he sang his last song for her. •••••••••••••• "Zag! Ang bagal mo naman! Tara na at mahuhuli na tayo!" Malakas na boses ni Athene ang umalingangaw sa labas ng bahay nila Zag. Magkapit-bahay lang ang dalawa at at halos sabay na lumaki. Apat na palapag ang bahay nila Zag. Kulay pula ang napakataas nilang gate at pag pasok mo sa loob ay sasalubong sayo ang samo't saring mga uri ng bulaklak. Si Zag ang nag-aalaga noon dahil ito ang tanging ala-ala ng kanyang ina na pumanaw na dahil sa isang malubhang karamdaman. "Saglit lang naman, 'Thene! atat ka naman sa intermission mo, e," sagot naman ng kaibigan nito habang palabas ng kanilang gate. Walking distance lang ang bahay nila mula sa paaralan nilang pinapasukan pero ayaw na ayaw ni Athene na mahuli kahit kailan. "E, kung pagalitan ako ng principal! tungek ka ba, sisirain mo pa image ko e,!" Dadabog dabog ito sa harapan ni Zag. Inakbayan lamang siya nito para kumalma. "Ikaw, ang liit mo pero ang ingay mo ano?" wika nito at pinisil ang ilong ng dalaga. Kasalukuyan na silang nasa Senior High School. Si Athene ay kilala sa A C College bilang singer. Maganda ang boses nito kaya palaging iniimbitahan sa mga programs nila sa school. Si Zag naman ang taga tugtog niya. They were best friends since 2014 at ngayon ay 19 years old na sila at mag kasama paring inaabot ang kanilang pangarap. Hindi bastang paaralan lang ang A C College. It's considered as no.2 best school in Manila at kilala sila pag dating sa music. Alagang alaga nila ang mga talents nila sapagkat isa iyon sa mga asset nila. "Napapakinabangan ko naman ang boses ko no," sagot naman ni Athene. Malapit na sila sa school. Pagkarating nila ay agad na inayos at tinono ni Zag ang kanyang gitara habang si Athene naman ay nag vovocalize. Kasalukuyan silang nasa kanilang classroom. Magkaklase rin kasi silang dalawa under STEM program. Ngayong araw ay gaganapin ang welcoming event nila for freshmens kaya busy ang higher years dahil sila ang in charged for every necessary parts of the entire program. Isa nga sila Zag and Athene doon na naatasan sa intermission. "Ready na kayo?" Tanong ng Student President na si Diez sa dalawa. Nag thumbs up lang sila at sinilip muna ang venue. Sobrang dami nang studyante. Maraming titingin. Kinakabahan na naman ang dalaga. Mas napapadalas ang pag hinga niya ng malalim. Tinapik lang ni Zag ang balikat nito para kumalma at binigyan sya ng isang ngiti. Finally, the event already started. Speeches were done first. Inumpisahan ng welcoming speech ng principal nila na nagngangalang Divine Santos. May mga guest speakers rin na nag bigay ng inspirational speeches. Umingay ang venue at napuno ng masigabong palakpakan. Maya maya pa ay nag salita na ang emcee. "To break the ice may we call on Mr. Zag Davis and Ms. Athene Zamora for an Intermission number." Masiglang tawag ng emcee na hudyat na para lumabas ang dalawa mula sa back stage. Naka suot ang dalaga ng isang mint colored dress na above the knee at medyo naeexpose ang legs nito. Si Zag naman ay simpleng polo-shirt lang ang suot. Nagsi-palakpakan ang mga tao. Panay ang tili ng mga kababaihan. Napaka guwapong binata nga naman ni Zag at karamihan sa ganitong edad ng mga kabataan ay panay ang kilig. Ngumiti si Zag kay Athene bago sinimulang istrum ang kanyang gitara. "Ang Huling El Bimbo" Zag: Kamukha mo si Paraluman, Nung tayo ay bata pa. At ang galing galing mong sumayaw, Mapa bugi man o cha cha. Ngunit ang paborito, ay ang pag sayaw mo nang el bimbo nakaka indak, nakaka aliw, nakakatindig-balahibo. Habang kinakanta ni Zag ang parte na ito ay tili ng tili ang mga babae. Pero ang mata ng binata ay tila naka pako sa iisang babae lamang. Wala nang iba kung hindi kay Athene. Sumipol sipol naman ang mga kalalakihan nang kumanta na si Athene sa chorus. Athene: Magka hawak ang ating kamay at walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay La la la la, la la la la, la la la. Pagkatapos ng isang nakakilig na awitin ay nag umpisa na nga ang hinihintay ng lahat. Ang laro ng lahi. Sack race, luksong baka, luksong tinik, tumbang preso at marami pang iba. Sina Zag at Athene naman ay patuloy lang sa pag-iikot at panonood ng mga studyanteng nakilahok sa laro. Gusto sanang sumali ni Athene pero dahil ayaw ni Zag ay nag papadyak ito ng kanyang paa. "Athene, mapapagod lang tayo mapapawisan ka." Halatang nag-aalala ito sa dalaga. "Eh minsan lang naman ito Zag, at isa pa malapit na tayong grumaduate ano!" Pagmamatigas ni Athene. Pero kahit na ano pa ang gawin nito ay hindi talaga sila sasali dahil pag sinabi ni Zag na ayaw niya ay ayaw niyang talaga. "Bahala ka nga riyan Zag!" Napa crossed arms ang dalaga at nag lakad papalayo. Hindi ito hinabol ni Zag. Hinayaan na lang muna niya itong magpalipas ng init ng ulo. Matigas kasi talaga ang ulo nito at may pagka isip bata pa kung minsan. Nag-ikot nalang muna si Zag sa labas ng venue at napansin niyang may mga banderitas palang naka sabit. Iba't-ibang mga kulay. Siguro ay hindi nila ito napansin kanina dahil na rin sa pag mamadali nila ni Athene. Maraming paninda ngayon ang nag kalat sa paligild kaya't nag pasya si Zag na bilhan ang best friend niyang si Athene. Peace offering na rin niya ito rito. Ibinili niya ng isang box ng chocolates ang dalaga at inumpisahan na niyang hanapin ito. Nauna siyang pumunta sa classroom mismo nila pero wala naman doon ang dalaga. Sinubukan niyang pumunta sa canteen at inisa-isa sa mukha ang mga tao roon. Napakaraming tao. Siguro ay natapos na ang ilang mga palaro kaya't dito na nag kumpulan ang mga tao. Sa malayo ay nahagip ng mg mata ni Zag ang pamilyar na mukha ng kanyang hinahanap — si Athene. Nakikipag-usap ito sa isang lalaki na hindi pamilyar kay Zag kayat hindi mapigilan ng binata na maningkit ang mata. Nilapitan sila nito at napatingin ang dalawa sa kanya. Inirapan lamang siya ni Athene. "Kanina pa kita hinahanap, tara na." Pag yaya ni Zag kay Athene nang hindi tinitignan ang lalaki na kasama nito. "Zag, this is Sevence! mag hi ka naman sa kanya," sabi pa ng dalaga. "Hi pare, iexcuse ko lang saglit itong si Athene." Pag papaalam ni Zag at hinila na nito paalis si Athene. "Woy Zag hindi pa nga tayo bati eh." Pagmamatigas ni Athene. "Oh kumain ka," wika ni Zag pagkatapos ibinigay kay Athene ang isang kahon ng chocolate. Agad naman na lumiwanag ang mga mata nito at kuminang kinang na tila isang bata. "Akala mo naman ay madadaan mo ako rito ano? hindi ka nga nag kamali." Natatawang sabi ni Athene at agad na nilantakan ang chocolates. Napakamot na lang sa ulo si Zag. Pero masaya ito na hindi na nagtatampo ang dalaga sa kanya. "Style mo bulok, tampo tampo ka pa para mabilhan ka lang ng pagkain." Pang-aasar sa kanya ng binata. Masayang nilantakan ni Athene ang chocolates na binili ni Zag. Pauwi na sila ngayon kaya ang kaninang hyper na si Athene ay naubos yata ang enerhiya habang naglalakad sila pauwi. "Damot mo rin minsan ano? hindi mo manlang ako tinirhan ng chocolates." Pagrereklamo ni Zag. "Aba! eh ibinigay mo sa akin ang lahat ano," sagot ni Athene na nag make face pa sa binata. "Tsk, napaka isip-bata minsan," bulong pa ni Zag sa sarili. Mabuti na lamang ay hindi iyon narinig ni Athene kung hindi ay mag papadyak na naman ito ng kanyang mga paa. May kaya pareho sa buhay ang kanilang mga pamilya pero mas gusto nilang nilalakad papuntang school para makapag bonding din naman sila. Minsan pinag-uusapan nilang dalawa ang masungit na server sa cafeteria, minsan ang supladong janitor na ayaw madumihan ang sahig ng cr pero madalas ang pinag-uusapan nilang dalawa ay kung hanggang kailan silang mag kakasama. "Zag, paano kapag nagka boyfriend na ako?" Tanong ni Athene nang huminto sila sa tapat ng gate ng bahay nila. Hindi alam ng binata kung ano ang magiging reakyon niya. "E 'di dapat, ingatan ka talaga niya, madalas tanga ka eh," sagot naman ni Zag habang naka ngisi sa dalaga. Nagtagpo naman ang mga kilay nito sa inis. "Ang sama mo talaga sa akin ano? d'yan ka na nga!" Saka isinara na ni Athene ang kanilang gate at dadabog dabog na pumasok sa loob. Naiwan pa si Zag sa labas ng kanilang gate upang pagmasdan ang pag pasok ng dalaga sa loob. Pagkatapos noon ay umuwi na rin ito sa kanila. Inihagis ng Dalaga ang kanyang bag pack sa kanyang kama at nag bihis na ito ng damit na pang bahay. Binuksan niya ang cellphone niya upang icheck ang kanyang f******k account and she was surprised that her crush sent her a friend request. "Omg! it's Sevence! kailangan tong malaman ni Zag!" Hagikhik ng dalaga ang umalingawngaw sa kanyang silid. Marahil ito ang lalaking kanina lamang ay kausap niya. Dinial ni Athene ang numero ni Zag upang tawagan ito. Sa una ay hindi niya agad ito sinagot kaya nainis ang dalaga pero paulit-ulit niya itong tinawagan. "Ano?!" Pasigaw na sagot ni Zag sa kabilang linya. "Badtrip ka, tagal mo sagutin!" Pagrereklamo ni Athene. "Busy lang, bakit ba?" matabang at masungit parin ang boses ni Zag sa kabilang linya. "Wala! ayaw ko na palang sabihin! tse!" Agad na pinindot ni Athene ang end call button. Kanina ay excited pa sana siyang ibalita sa matalik na kaibigan ang magandang balita pero dahil sa hindi niya nagustohan ang tono ng pananalita nito ay hindi na lamang niya tinuloy. Inaccept na lamang agad niya ang friend request ng bagong kilala niyang si Sevence. ••••••••••• Lumipas ang buong gabi. Kinaumagahan ay hindi na nag hintay pa sa labas ng gate nila Zag ang dalaga. "Mommy, alis na ko!" Halik sa pisnge ang iginawad ni Athene sa kanyang mommy. "Ingat anak, paki sabi kay Zag ingatan ka niya okay?" bilin ng mommy niya. Napairap na lamang sa kahanginan ang dalaga. Iniisip nitong hindi naman sila bati kaya bakit kakausapin niya pa ito? Dumiretso na lamang siya sa school. Ang AC College ay may anim na palapag na gusali. Bawat kwarto ay may kanya-kanyang aircon at 24 inches led television upang mapa dali ang pagtuturo sa mga studyante. Their tuition for senior high school is 20,000 pesos and up depending on the specific strand and included na diyan ang books so it is really affordable with quality learning. Mag isang nilakad ni Athene ang papuntang school nila. She has nothing to do with Zag's attitude. Mag best friends pa rin naman sila kahit anong mangyari. Habang nag lalakad ito ay nagulat na lamang siya dahil may biglang umakbay sa kanya. Laking gulat niya nang makita niyang si Sevence ito. Hindi niya maitanggi sa kanyang sarili na napaka guwapong binata nitong si Sevence. "Uy ba't mag-isa ka yatang naglalakad ngayon? nasaan yung kasama mo kahapon?" tanong nito at tinanggal ang pagkaka akbay sa kanya. "Eh wala eh, ako lang hehehe." Napakamot ito sa ulo. Ayaw nitong sabihin na nag-away sila ay dahil baka mag usisa pa ito. "Malapit lang siguro ang bahay mo dito ano? nilalakad mo lang eh," sabi ni Sevence. "Oo malapit lang, siya nga pala ano bang strand mo? ngayon lang kita nakita eh." Tanong naman ni Athene. "I'm under ICT, transfery kasi ako. Ikaw?" "Wow! kaya pala new face ka, ang galing ng strand mo alam mo ba yon. Ako under STEM eh." "Edi mas magaling ka pala?" Nag biruan lamang ang dalawa sa kung anong strand ang magaling. Hindi nila alam na naka sunod sa likod nilang dalawa si Zag na kanina pang nagmamasid. Kahit na magka away sila ay tinanaw parin niya ito sa malayo upang matiyak na ligtas ito papuntang paaralan at sa kanyang pag mamasid ay hindi niya lubos na naiibigan ang kanyang nakikita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lady Dhampir

read
4.2M
bc

Scattered Dreams (Book 4 of the Blue Moon Series)

read
2.6M
bc

The Mate's Curse

read
212.1K
bc

Sold to the Billionaire Alpha

read
1.6M
bc

Back and Better

read
844.6K
bc

When A Witch Loves A Werewolf

read
229.6K
bc

Deep Desires (Book 5 of the Blue Moon Series)

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook