bc

Scintilla of Hope

book_age18+
4.5K
FOLLOW
26.4K
READ
billionaire
possessive
family
age gap
dominant
powerful
drama
bxg
city
school
like
intro-logo
Blurb

BOOK I- Scintilla of Hope (COMPLETED)

BOOK II- YOUNIVERSE SERIES 5: Altheo's Haven (R18)

—-

Hindi kailanman inasahan ni Cena na iibig siya sa isang lalakeng limang taon ang agwat sa kaniya. Simula nang ma-comatose ang kaniyang ina ay naka-pokus lamang siya sa pagtatapos ng pag-aaral hanggang sa dumating sa buhay niya si Altheo--isang medical student na tumulong sa kaniya nang mapilayan siya.

Unti-unti ay nahulog ang loob niya kay Altheo, mas nakilala niya ang ugali nito. Dito niya naramdaman ang seguridad na noon pa niya kailangan.

Pero ang isa sa ikinakatakot ni Cena ay ang step-brother niyang si Dion--ang anak ng napangasawa ng kaniyang mama. Mapanakit si Dion, hindi nito hinahayaan na may ibang lalakeng nakakalapit sa kaniya. Sinisiraan siya nito sa iba dahil may nararamdaman ito para sa kaniya.

Dion loves her. He threatened her that if she love someonelse he will tell the man that she's a w***e. Gagawin nito ang lahat para masira siya.

Hanggang sa malaman nito ang tungkol sa kaniya at kay Altheo. Iyon ang dahilan kaya't umiwas siya sa lalakeng mahal niya.

Ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa ni Altheo.

chap-preview
Free preview
Prologue
WARNING: Under revision. A lot of errors, typo and grammars. Read at your own risk. Scintilla of Hope by: Pennieee Prologue Valerio "Papa!" Hindi ko na maramdaman ang sakit sa aking kaliwang pisngi dahil sa ilang beses na na tumama sa aking mukha ang kamay ni Mayor Fernando Garcia. He is my step-father the mayor of this town, the well-known Fernando Garcia. Maganda ang imahe sa lahat, hindi maaaring madungisan ang magandang pangalan. Ito ang dahilan kung bakit ako nandito sa sahig, dalawa? tatlo? ang pinaka huling sampal niya ang hindi ko kinaya kaya ako natumba. Napangiti ako, ano pa ba ang bago? "Nakakahiya ang ginawa mo Celestina!" sigaw nito sa akin. Lahat ng gawin ko ay nakakahiya para sa kaniya, ano ang gusto niyang gawin ko? Hayaang bastusin ng matandang iyon sa harap ng maraming tao? Hindi na ako bata, hindi na ako tulad ng dati. Kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko ngayon. "Dad, stop it, Cena has nothing to do with this! that Senator Medina is lying!" Dion said to his father. I saw Mayor De Vera glared at his son. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na dumikit sa aking pisngi. Ito ang palagi kong iniiwasan ang ma-involve sa buhay pulitika nila. Dion squat infront of me. He offered his hand but I refuse to take it. Hindi ko kailangan ng tulong niya, matagal na panahon na. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin noon, 3 years and the pain he caused me is still here. Niccolaide Dion Garcia, my step-brother. "Huwag kang makialam dito Dion! you were there! you saw how that woman pushed the senator na naging dahilan ng pagkahulog nito sa pool! that was embarassing! thank God, Senator Medina knows how to swim or kung hindi ay baka namatay na ito kung walang nakapansin!" sabi ni Mayor Fernando. Senator Alfaro Medina was rude, he asked me out and called me a w***e. Gusto ba ni Fernando ay manatili akong tahimik? Binabastos na ako ng harap-harapan ay dapat ba tumahimik pa rin ako? Hindi na ako katulad ng dati na hahayaan na lang ang mga sinasabi sa akin. "Dad, calm down, it was just an accident okay?" sabi ni Dion sa kaniyang ama. Marahas ang naging pagtingin ni Fernando sa kaniyang anak. "Stop defending that woman Dion!" Fernando shouted. Mayor Fernando Garcia glared at me again, then turned his back pero bago siya makaalis ay ang sumunod niyang sinabi ang ikinatigil ng mundo ko. "2 years and your Mother is still unconscious, I cannot waste my money anymore Celestina. I already made a decision. Bukas na bukas ay gumayak ka pupunta tayo sa ospital tatanggalin na nila ang aparato." N-No... hindi pa puwede. Hindi pa ako natatanggap sa trabaho ko, wala pa akong ipon para maipambayad sa pagpapagamot kay mama. Mabilis akong umayos at mula sa pagkaka sadlak ko ay lumuhod ako. Lahat gagawin ko para sa akin ina, huwag lang siyang madamay. Tuluyan nang umagos ang luha sa aking mga mata. Hindi ang mama ko... Huwag ang Mama... "M-Mayor please, huwag po, I can't lose mama, siya lang ang mayroon ako, maawa na po kayo, I will do anything please, please..." I said. Napahinto siya sa paglalakad at nilingon niya ako, nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Ang matatalim niyang mga mata ay nakatingin sa akin. "Wala na akong magagawa, masyado nang nagtatagal ang iyong ina sa ospital at walang pagbabago na nangyayari sa kaniya, nauubos lang ang pera ko," sabi ni Mayor Fernando. Napayuko ako at pinunasan ang mga luha na kumawala sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Parang kailan lang ay sinabi niya sa akin na gagawin niya ang lahat para magising si mama. Hindi rin naman mangyayari ito sa mama kung hindi dahil sa mga kalaban niya sa pulitika. Kung hindi dahil sa mga kaaway niya, nadamay lang ang mama ko. “Babayaran ko po, babayaran ko ang lahat ng inyong nagastos. Maawa na kayo, huwag niyo lang pong isuko ang mama ko, magigising po siya,” sabi ko. Nang muli itong tumalikod ay bagsak ang mga balikat na napayuko ako. Siguro ay kailangan ko na lang talagang tanggapin ang totoo. "Wala na akong magagawa Celestina, napirmahan ko na at bukas na bukas din ay tatanggalin na nila ang aparato, hindi na ako mag-aaksaya pa ng pera para sa taong walang kasiguraduhan kung magigising pa," sabi ni Mayor Fernando. Nang makaalis siya ay natulala ako at saglit na hindi nakapag-isip. "Cena, tumayo ka na," sabi ni Dion na nasa aking tabi. Naramdaman ko ang mga kamay ni Dion sa aking likod. Itinatayo niya ako ngunit pinigilan ko siya. Hindi na ako hihingi muli ng tulong sa kaniya. "Kaya ko na," sabi ko sa malamig na boses. Hindi kami magkadugo ni Dion, anak siya ni Mayor Fernando sa unang asawa. Ang mama ay walang naging anak sa Mayor, maaaring isa sa dahilan kung bakit nagdesisyon na siya kaagad ni bitawan ang pagpapagamot sa aking ina. Tumayo ako at tinulungan ang aking sarili. Ang isang dahilan kung bakit ako nabubuhay ay ang pag-asang magigising si mama at makasama kong muli, pero pati iyon ay kinuha pa sa akin. Nang muli kong maramdaman ang kamay ni Dion sa akin ay pinalis ko iyon. Tumayo ako at pinagpagan ang aking sarili, aalis na sana nang marinig ang boses niya. "Siya pa rin ba Cena? Sabihin mo, inaantay mo pa ba ang lalakeng iyon?" tanong ni Dion. Mahihimigan ang galit sa boses niya. Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. Nagtaas baba ang aking dibdib at nakaramdam ng sakit. Ang poot sa aking puso ay unti-unting umaahon. "Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan?!" Hindi ako nagsalita at naglakad na ngunit napahinto ako sa pagsigaw niya. "Hindi ba maliwanag sayo na iniwan ka at nangibang bansa dahil pinaglaruan ka lang?!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para bumalik at bigyan siya ng isang sampal. Pumaling ang ulo ni Dion at napahawak siya sa parteng tinamaan. Galit ko siyang tinitigan, hindi ko pa rin nakakalimutan kung bakit siya umalis noon sa mansion at iyon ay dahil sa ginawa niyang pananakit sa akin, niloko nila akong mag-ama na pumunta siya sa ibang bansa pero ang totoo pala ay narito pa rin siya sa pilipinas. Ngayon wala siyang karapatan na kuwestyunin ang nararamdaman ko. Wala. “Sabihin mo, Cena, si Altheo pa rin ba?” tanong ni Dion sa akin. Marahas ang naging pagtingin ko sa kaniya. Nagbabadya na ring tumulo ang luha sa aking mga mata. "Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng taong iyon sa harap ko,” sabi ko. Matalim ko siyang tinitigan. "Ngayong binitawan na ni Mayor Fernando ang pagpapagamot kay mama ay wala nang dahilan pa para manatili ako rito," sabi ko. Umalis ako sa harapan ni Dion at dumiretso sa aking kwarto. Ni pangalan o tungkol sa taong 'yon ay ayokong marinig. Kahit anong pangyayari na kaugnay siya ay ayokong maalala. Ang taong nagsabi na hindi ako iiwan at hindi ako pababayaan, ang taong minahal ko higit pa sa sarili ko. Altheo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tamed to Be Yours

read
384.8K
bc

Love Donor

read
85.9K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.0K
bc

Reckless Hearts

read
255.7K
bc

Be Mine Again

read
98.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook