bc

The Mafia And The Golden Fairy III

book_age16+
355
FOLLOW
1.6K
READ
manipulative
powerful
brave
boss
mafia
drama
genius
female lead
city
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

[BOOK 3]

Magigising ka na lang ulit isang araw at wala na ang lahat sa iyo. Yung sakit ay nagdulot ng malalim na sugat sa puso mo. -Solemn

◾◾?◾◾

The game that started long ago will already come to an end because the chess pieces have fallen to its rightful places.

Muling bumalik si Sora bilang isang assassin sa ilalim ng D Mafia. 'The fallen queen. The angel who has fallen from grace.' Iyan ang mga titulong nakatatak na sa kaniya, ngunit nanatili lang siyang kalmado. Kung ano man ang plano niya, malapit nang lumabas ang tunay na motibo ng golden fairy ang Reyna ng Royal mafia.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"I'm Alive?" ◾◾?◾◾ CHAPTER 1 FALLEN ANGEL "I am just an angel who has fallen from grace." Suot ang malaking itim na headset. Itim na heels na may napakanipis na takong at itim na bestidang umaabot sa kaniyang tuhod ay tila ba isang itim na anghel ang babaeng may malagintong maikling buhok. Mula sa CCTV camera ay pinanood ko lang kung paano siya naglakad papunta sa main hallway ng resort at kung paano nito patigilin ang lahat ng tao sa loob ng events room-- ang orchard area. "Sino yan?" "Hindi ko alam. Isang reyna na nanggaling pa sa England? Duchess?" Hula ko. "At bakit tingin mo ata isang royalty ang gintong iyan?" Taas naman ng kilay ng aking kasama. "Aba! Kung nakita mo lang kung paano siya maglakad habang taas noong walang pakielam na pumasok sa orchard! Iisipin mo talagang isang dugong bughaw ang babaeng iyan." Ngisi ko. Napairap na lang si Layla sa akin bago ibinaling ang inis sa lalaking nakatali sa likod ng pinto. Siya ang nagkataon na bantay dito sa CCTV room at masasabi ko talagang hindi ito ang maswerteng araw para sa kaniya. "Sino dudukot kay Mr. Sy?" Mahina kong tanong habang napako ang aking tingin kay golden girl. May iba sa kaniyang aura na ngayon ko lang napansin at hindi ko ata gusto iyon. "Sabi ni Big Boss ay darating daw ang kaniyang pinakamagaling na reaper." Lumapit na si Layla bago naupo sa katabing upuan. "Pero base sa nakikita ko ay wala pa si Piper." Si Piper ang legendary ng aming organisasyon. Pinakamagaling na reaper. Hindi pumapalya at malinis gumawa. "Hindi ko pa nga siya namataan. Mamaya lang darating na si Mr. Sy, dapat nakapwesto na sa loob si Piper." Sambit ko habang nakapako pa rin ang tingin sa babae. "Yung babaeng iyan." Turo ni Layla kay Goldie. "Feeling ko may binabalak din siya, pero mukhang ganiyan lang talaga s--" Pareho kaming halos mapigil ang hininga nang diretsong tumingin ang babae sa CCTV camera at wala pang ilang segundo ay napalitan ang lahat ng screen ng mukha nung babae. Ang asul na mga mata nito ay tila ba ang bermuda triangle. Malalim at nakakatakot--hindi mo alam kung makakaligtas ka pa ba. Kasabay nang pagpikit ng mga mata ng babae ay ang pagblackout ng screens. "Sh*t! Yannah, tignan mo ang power! Bilis!" Tarantang sigaw ni Layla. "Sabi na nga ba may balak ang gintong iyon! Tsk!" Ayaw nang gumana ng power button kaya sa tingin ko ay nagalaw ito mula sa labas. Nawalan rin ng power ang buong kwarto. Panigurado gano'n din ang nangyari sa buong resort. "Lumabas na tayo dito, Lay." Hila ko sa kaniya. Tahimik naming binagtas ang koridor paakyat sa main hallway. Tahimik ang paligid at ni isang ingay ay wala kang maririnig. Anong meron? Dapat naghahanap na ng paraan ang mga crew ng resort kung paano ibabalik ang power. "Yan--" "--shhh." Pareho kaming tumigil sa paglalakad nang lumikha ng matinis na ingay ang mga speaker ng resort. Iyon bang ginagamit sa mga important announcement. "S-sino ka?! Magpakita ka?!" Boses ng lalaki sa speaker. May mga bulungan rin sa background at sa tingin ko ay nanggagaling sa orchard iyon. "Sa Orchard tayo. Sa tingin ko hindi lang tayo ang may misyon kay Mr. Sy." Ngisi ko. "Me?" Malumanay na boses naman ng babae ang aming narinig sa speaker. Hindi kami tumigil sa pagtakbo kahit halos mangapa kami ni Layla sa dilim. "I am just an angel who has fallen from grace." Napatigil ako sa narinig at gayon din si Layla. Ilang minutong namayani ang katahimikan sa speaker at sa sandaling iyon ay sabay-sabay na bumukas ang ilaw sa buong resort. Bumungad naman sa amin ang dahilan ng pananahimik ng lugar. "Patay?" Tanong ko nang magliwanag. Ang mga crew ay nakahandusay sa sahig. Lahat sila ay nagkalat at mabuti na lang din ay hindi kami napatid kanina. "Walang malay." Sagot ni Layla. "Bakit hindi natin napansin na may nauna na palang umatake kesa sa atin?" "Deadly." Kibit-balikat ko. "Umalis na tayo bago pa may makakita sa atin." Agaran kaming dumaan sa emergency exit ng resort bago pumuslit sa madilim nitong likod. Di kalayuan naman sa pinanggalingan ay nakapark ang itim na Toyota Vios. Mission failed. Iyan lang ang masasabi kong report ngayon gabi. "Lagot na..." Buntong hininga ng aking kasama bago isandal ang ulo sa headrest ng upuan. "Bumalik na tayo kahit hindi pa tayo handang harapin ang dragon."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.1K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook