bc

Card High

book_age16+
274
FOLLOW
1K
READ
dark
playboy
badboy
badgirl
kickass heroine
bxg
mystery
brilliant
enimies to lovers
special ability
like
intro-logo
Blurb

[Book 2 of Game of Cards]

“Welcome to the game. Welcome to Card High.”

In every story, there’s a flaw. In every memory, there’s a missing puzzle. Entering ‘Elite Card High’ is one of the ways for you to fill the puzzle. The real game is here. The real monsters are here. Your real friends may not be here.

In a game of cards, what will you do? What can you do? What should you do?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
‘Strangers’   “Tito! This is not right! Bakit nakatanggap kami ng invitation na ganito?!” Tinapon agad ni Xie ang invitation letter sa harap ni Duke. Tumayo naman si Rachel at hinawakan ang braso ni Xie para pakalmahin siya.   “We already talked about this, Xie.” Sabi ni Rachel kaya tiningnan naman siya ni Xie. Rachel was looking at Xie as if Xie was the reason for this to happen. Ginulo nalang ni Xie ang buhok niya at umupo na sa sofa.   “E-Eh kasi.. I wanted Xi back. I just wanted her b-back. Bakit ito ang kapalit?” Sinapo na ni Xie ang noo niya. Kaninang umaga pa sumasakit ang ulo niya and now he’s dealing with a serious business. Ang daming nangyayari at hindi na yata ito kinakaya ng utak ni Xie.   “I’m sorry, Xie. Pero wala akong magagawa dito.” Tumayo na si Duke at lumapit kay Xie sabay hawak ng balikat nito at nginitian ito.   “Have strength, Xie. You’re gonna need it.” Aniya at napapikit nalang si Xie. Naramdaman naman ni Xie ang yakap ni Rachel sa kanya. In Xie’s thoughts, he was too young to manage everything. Noon ay akala niyang madali lang. Madali lang kapag bumalik na sa kanya si Xia. Pero lahat pala ng bagay may kapalit. Isang malaking kapalit.   “Umuwi ka muna. Xia is waiting for you.” Sabi ni Duke kay Xie. Tumayo na Xie at ngumuko kina Duke at Rachel bago umalis. Paglabas niya ng opisina ni Duke ay sinalubong kaagad siya ni Tetsuya.   “How did it go?” Tanong nito habang sinasabayan si Xie maglakad palabas ng bahay ni Duke. Ginulo lang ni Xie ang necktie niya at hindi nagsalita.   ✥✥   Bumaba na si Xie sa kotse at tumingin sa mga maids at butler ng Chi-Mafia na nililinis ang mga nagkalat ng sulat sa grounds ng mansion. Nakita naman ni Xie si Warren na parang tangang kinakausap ‘yung mga sulat. Sinapo nalang ni Xie ang noo niya nung malamang lasing na naman si Warren.   “Tetsuya, please knock Warren down.” Sabi ni Xie dahil para nang tanga si Warren na tinatawanan ‘yung sulat. Xie thought that maybe Warren’s brain cells already exploded dahil sa dami ng mga nangyayari.   “Kanina ko pa gustong gawin ‘yan.” Nakangising sabi ni Tetsuya at nilapitan na si Warren. Tumingin nalang si Xie sa main window ng mansion at nakita niya si Xia na nakatingin sa kanya. Kumaway siya kay Xia pero tumalikod lang ito at umalis. Napabuga nalang ng hangin si Xie at tsaka namulsa. ‘Kailan ba kasi eepekto ang gamot?’ Isip niya at naglakad na papasok.   Xie is furious about Card High dahil ang Card High na ito ay iba. Iba sa unang Card High na pinasukan nina Xia. This Card High is the real deal. Akala ni Xie ay hindi totoo ‘yung paaralang ‘yun. It was considered as the ‘Elite Card High’. ‘Yung Card High na pinasukan ni Xia ay isa lamang starter grounds. Kumbaga, level one. ‘Elite Card High’ is the school for all the mafia clan’s monsters. Entering ‘Elite Card High’ will be like entering the school of monsters.   “Hyung!” Bumalik kaagad si Xie sa katinuan nung naramdaman niyang may humawak sa laylayan ng tuxedo niya. Tumingin siya pababa at nakita niya si Jisung na hawak-hawak ang bola niya na nakangiti.   “Wae, Jisung-ah?” Xie asked. May kinuha naman si Jisung sa bulsa niya kaya kumunot ang noo ni Xie nung nakita niya ang isang sulat na dinudukot ni Jisung. Binigay ito ni Jisung kay Xie at tumakbo na papasok sa mansion. Kunot-noo namang binuksan ni Xie ang sulat at binasa ito.   ‘Play or be played. Find your cards and get ready to gamble’   “Piece of shit.” Xie mumbled at tinapon kaagad ‘yung sulat at naglakad papasok. Nakita niya kaagad si Warren na parang tangang kinakausap ‘yung ref.   “Alam mo.. ikhaw lang ‘yung nakikinig sa akhin e—hik! Besprends na ta’y—hik!” Napasapo nalang si Xie sa mukha niya at tumingin sa kanilang lahat na naka-upo sa sofa at tinatawanan si Warren.   “Akala ko ba pinatulog mo na ‘to?” Tanong ni Xie kay Tetsuya pero nagkibit-balikat lang ito. Mas lalong sumasakit ang ulo ni Xie sa lugar na ‘to kaya umalis nalang siya at dumiretso na sa kwarto niya at humiga sa kama sabay sapo ng noo niya. His head was aching. Narinig niyang may kumatok sa pinto kaya tumingin siya rito. Dahan-dahan itong bumukas at dumungaw ang ulo ni Xia. Umupo kaagad si Xie para tingnan siya.   “You need something?” Tanong niya dito pero lumingo-lingo lang si Xia. Pumasok na siya ng tuluyan at doon lang nakita ni Xie ang dalang tray ni Xia na may tubig at mga gamot.   “You’ve been so stressed. Magpahinga ka naman.” Sabi ni Xia sa kanya. Naninibago parin si Xie sa pakikitungo nito sa kanya. She was like the combination of the Chi-Mafia Xia and the Card High Xia. Nilapag ni Xia ang tray na hawak niya at hinawakan ang noo ni Xie.   “You have a fever.” Hindi nagsalita si Xie at hinayaan lang si Xia sa mga ginagawa niya. Pinabihis nito si Xie ng pantulog at pagbalik ni Xie mula sa walk-in closet niya ay nakita niya si Xia na hinahanda ang kama niya at inaayos ang mga gamit ni Xie. Umupo si Xie sa kama niya at pinainom siya ni Xia ng gamot. Nilagyan narin ni Xia ng ointment ang noo ni Xie at minasahe ng kunti ang kamay niya pero habang minamasahe ni Xia ang kamay ni Xie ay bigla nalang siyang tumigil at kumunot ang noo.   “What’s wrong?” Tanong ni Xie sa kanya pero lumingo-lingo lang siya at dali-daling inayos ang kumot sa katawan ni Xie at tiningnan ito. “Hindi mo kayang gawin ang lahat ng mag-isa.” Sabi ni Xia at ngumiti kay Xie. It was the first smile that Xia gave him ever since she woke up.   ✥✥   To Xia, waking up and not remembering a thing is such bullshit. Kailangan niyang alalahanin kung anong nangyari. Kailangan niyang alamin kung bakit ngayon lang siya nagising mula sa matagal na pagkakatulog. She was like asleep for so many years na paggising niya, 18 years old na siya. Everything was strange. Humiga na si Xia sa kama niya at dahan-dahang tiningnan ang bracelet na nasa kamay niya. A heart inside a diamond. She’s been trying to take it off simula nung nagising siya pero ayaw matanggal.   “Strange..” Aniya dahil kanina kasi habang minamasahe niya ang kamay ni Xie, something just came up in her mind. It’s like it happened before. With a guy but his face was not clear. Ginulo nalang ni Xia ang buhok niya. She was so frustrated.   “B-Bithawan niyo nga akho! Hindi naman kayo nakiking—hik shakin eh! M-Mabuti pa ‘yung—hik r-ref!” Kumunot ang noo ni Xia dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. She almost forgot that she was surrounded by strangers. But they’re not entirely strangers. Xia knows them. Warren, Mike, Kevin and Harvin. She knows their faces and names and what they do for our Clan. But that’s it. Wala na siyang ibang alam.   “Damnit! Matulog ka na nga, Warren!” Umupo si Xia sa kama niya at nakinig sa ingay na ginagawa nila.   “Ayhoko nga—hik! Bhigyan niyo nga akhong—hik kausap!” For an unknown reason, natawa si Xia. It’s like they were close friends at sanay na siya sa mga ginagawa nila at sa ingay na ginagawa ni Warren. That’s how strange it is. Ngumiti si Xia at tumingin sa pinto. Tumayo siya at naglakad palapit sa pinto ng kwarto niya at binuksan ito. Nakita niya silang lahat na pilit pinapasuot si Warren ng t-shirt niya. At nung nasuot na ito, mukha ni Xia ang unang nakita ni Warren.   “Uy! Shi sleephing b-beauty—hik!” Hinila kaagad ni Harvin si Warren at pinalayo kay Xia.   “Sorry for disturbing your peace, Xi—” Tumigil kaagad si Kevin bago pa niya mabanggit ang pangalan ni Xia at yumuko siya tsaka tumingin ulit kay Xia.   “Sorry for disturbing your peace, Young Lady.” Parang nakaramdam ng kung anong hindi magandang pakiramdaman si Xia. Isang pakiramdam na ayaw mong maramdaman. ‘Yung pakiramdaman na hindi tama ‘yung narinig niya kahit ‘yun naman dapat ang marinig niya. The three of them bowed to Xia at hinila na palayo si Warren. Kumaway pa si Warren kay Xia at ngumiti. Binatukan tuloy ito ni Mike. Xia gave out a huge sigh at kinamot nalang ang batok niya. Something was not right.   No, everything is not right. Ginulo nalang ni Xia ang buhok niya at tsaka pumikit.   “I’m going crazy.” Aniya at humiga nalang muli sa kama niya. --

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
27.8K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.8K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.4K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
443.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook