bc

Pleasure Me Ninong Mannox

book_age18+
5.8K
FOLLOW
58.1K
READ
HE
age gap
lighthearted
bold
city
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

[❗WARNING SUPER SPG WITH DETAILED s*x SCENES AND VULGAR WORDS❗] Mula sa probinsya ay lumuwas si Cassandra sa Manila para doon mag aral. Pag aaralin sya ng kanyang ninong na halos sampung taon din nyang di nakita. Si Ninong Mannox. Wala itong social media kaya di na nya eksaktong matandaan ang hitsura nito. Basta ang alam nya ay gwapo ang kanyang Ninong Mannox at galante. At ng makita nga nya ito sa Manila ay mas gwapo pa ito kesa sa inaasahan nya. Mali mang maramdaman pero kinilig sya sa kanyang Ninong Mannox at iba ang dating nito sa kanya. Pinagiinit nito ang kanyang dugo at katawang lupa. Ang kaso lang ay may asawa na ito na ubod naman ng selosa at bruha. Si Veronica na isang half American na mainit lagi ang dugo sa kanya. Sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan na paninirahan nya sa bahay ng kanyang Ninong Mannox ay lalong tumitindi ang nararamdaman nyang pagkagusto dito. Tila sasabog na ang kanyang dibdib sa nararamdaman nya at di na nya iyon mapipigilan. Kaya isang desisyon ang gagawin nya na magpapabago ng buhay nya. Aakitin nya ang kanyang Ninong Mannox hanggang sa mapasakanya ito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
[❗WARNING SUPER SPG WITH DETAILED s*x SCENES AND VULGAR WORDS❗] Cassandra POV "CASSANDRA ano ba! Alas otso na tulog ka pa rin! Gumising ka na nga!" Nagising ako sa malakas na boses at malakas na katok ng step mother ko sa pinto ng aking kwarto. "Cassandra ano ba! Gigising ka ba o gigibain ko itong pinto?" Umungol ako at nagkamot sa ulo. "Opo tita, lalabas na." Sabi ko at bumangon na kahit inaantok pa. "Letse ka, para kang prinsesa na may taga gising pa. Bilisan mo na dyan!" Umikot ang mata ko at inis na tumayo na. Niligpit ko na ang kumot at unan. Antok na antok pa ako at gusto ko pang matulog. Alas dies na ako nakauwi kagabi galing sa factory dahil nag overtime ako. Pagod na pagod ako at masakit ang katawan ko. Ang balak ko sana ay bumawi ng tulog at pahinga ngayong araw tutal naman ay day off ko. Pero paano nga pala ako makakapagpahinga eh nandito ang aking evil step mother. Evil talaga sya dahil kontrabida sya sa buhay ko. Walong taon na ang nakaraan mula ng mamatay si nanay mula sa sakit sa baga. Makalipas ang dalawang taon ay muling nag asawa si tatay, si Tita Amanda. Noong unang dalawang taon ay mabait naman sya. Pero nagbago ang ugali nya ng ma-stroke si tatay at di na makapagtrabaho. Naging mainitin ang ulo nya sa akin at madalas na akong awayin. Ng dahil sa kondisyon ngayon ni tatay ay hindi na ako nakapag aral ng college dahil malabo pa sa sebo ng baka na pag aralin nya ako. Kaya nagtrabaho na lang ako pagkagraduate ko ng senior high. Gusto kong mag ipon para makapag aral ulit at makapag tapos. At kapag may trabaho na akong maganda ay palalayasin ko si Tita Amanda dito sa bahay namin na pinagrereynahan nya ngayon. Lumabas na ako sa maliit kong kwarto at dumiretso sa banyo para umihi at maghilamos. Hindi ko na nakita si Tita Amanda. Siguro ay lumabas at nakipag marites na naman at malamang ako na naman ang topic nila. Sumakit sana ang mga tiyan nila. Tumungo ako sa mesa para magkape. Pero walang laman ang garapon ng asukal. Bumuntong hininga ako at dinukot ang barya sa bulsa ng shorts. Sakto pambili ng 3in1. "Anak, gising ka na pala." Lumingon ako ng marinig ang boses ni tatay. "O tay, nagpaaraw na kayo sa labas?" "Oo nak, heto binilhan na kita ng 3in1 at tinapay. Tinago ko yan sa loob ng damit ko para di makita ni Amanda." Nakangiting sabi ni tatay at inabot sa akin ang 3in1 at tinapay. Kinuha ko naman yun at ngumiti sa kanya. "Salamat po tay. Malapit na po ang sahod ko, maggo-grocery po tayo." Sabi ko. Tumango tango naman sya. "Gusto mo ipagtimpla na kita?" "Hindi na tay ako na. Kayo po ba nagkape na?" Kinuha ko ang mug ko at nilapag sa mesa. "Nagkape na ako anak, ikaw na lang." Ani tatay at umupo na sa upuan. Isinandal nya sa mesa ang kanyang tungkod na kahoy. Simula ng ma-stroke si tatay ay malaki na ang pinagbago ng kanyang katawan. Pumayat sya at paralisado ang kalahati ng katawan. May pag asa namang bumalik sa normal na pagkilos si tatay kung nate-therapy sya. Pero dahil kapos na kapos kami ay self therapy na lang ang ginagawa namin, ako lang pala dahil parang wala ng pakialam si Tita Amanda sa kanya. Bukod sa walang bayad sa therapist ay hirap din kami makabili ng maintenance nyang gamot. Ako lang ang bumibili ng gamot nya. Kaya tinitipid ko talaga ang sahod ko para makabili ng gamot ni tatay. Pero si Tita Amanda naman ang sumasagot ng pagkain namin pero may halong panunumbat iyon. "Mukhang mainit na naman ang ulo ni Tita Amanda, tay." Sambit ko sa pagitan ng paghigop ng kape. Bumuntong hininga si tatay at kumamot sa batok. "Eh, nangangalabit sya kagabi. Kaya lang tumanggi ako. Alam naman nyang di na ako 'makakapag trabaho'. Ayun nagalit, mainit ang ulo paggising. Bakit anak? Inaway ka na naman?" Ngumiwi ako. Kaya naman pala mainit na naman ang ulo ni Tita Amanda dahil hindi na naman sya nadaligan ni tatay. Tigang na tigang na ang lola mo. Dahil nga paralisado ang kalahating katawan ni tatay ay damay din ang lato lato nya. "Hindi naman po nya ako inaway tay. Binulahaw lang nya ang tulog ko. Kung makagising akala mo may sunog." Himutok ko. "Pagpasensyahan mo na ang Tita Amanda mo anak." Mahinahong sabi ni tatay. "Ano pa nga ba ang ginagawa ko tay? Alam mo tay, naisip ko lang. Mukhang ayaw na sa atin ni Tita Amanda, bakit di na lang sya umalis? Mas masaya pa tayo kapag wala sya." Malalim na bumuntong hininga si tatay. "Alam mo anak, minsan gusto ko na rin syang umalis dito sa bahay natin. Dahil hindi ko rin naman gusto na lagi ka nyang inaaway. Pero mahal ko ang Tita Amanda mo eh. Naging mabuti naman sya sa atin noon. Naging ganyan lang sya simula ng magkasakit ako. Siguro babalik din sya dati kapag gumaling na ako at mabigay ko na ang gusto nya." Ako naman ang napabuntong hininga sa sinabi ni tatay. Yun lang. Mahal ni tatay si Tita Amanda kaya hirap din syang bitawan ito. "Pero huwag ka lang nyang sasaktan ng pisikal, dahil magkakapisikalan din talaga kami. Aba syempre, kung mahal ko sya eh mas mahal ko naman ang prinsesa ko." Nakangising sabi pa ni tatay. Napangiti naman ako at na-touch. Alam ko namang mahal na mahal ako ni tatay. Naiipit lang sya minsan sa amin ni Tita Amanda. Pero kapag nakikita nyang wala na sa katwiran si Tita Amanda ay inaaway nya rin yun. Kahit noong bata pa ako ay kami talaga ni tatay ang magkakampi. Mas close pa kaming dalawa kesa mas close kami ni nanay. Lagi kaming magkakampi kahit sa kalokohan. Kaya gusto ko talagang makapag aral ng kolehiyo at makapagtapos at maghanap ng magandang trabaho para maipatherapy ko si tatay para maipagamot ko na sya ng maayos. At para rin mapalayas ko na dito sa bahay si Tita Amanda. "O mabuti naman at gising ka na. Akala ko tutulog tulog ka pa eh." Mataray na bungad agad sa akin ni Tita Amanda pagpasok nya ng bahay. Mukhang tapos na syang makipag marites. Ang bilis ah! Hindi na lang ako sumagot at pasimpleng inikot na lang ang mata. Dahil kapag sumagot ako siguradong magbabardagulan lang kami. Mai-stress lang si tatay. "Aalis ako Cassandra, may meeting sa coop namin. Baka mga hapon pa ako makauwi dahil didiretso ako sa mga kapatid ko sa kabilang baranggay. Tutal naman wala kang pasok, maglaba ka. Tambak na ang labahan natin. Ikaw na rin ang bahala sa pagkain nyo ng tatay mo sa pananghalian. Siguro naman ay may pera ka." Bumuntong hininga ako. "Opo Tita Amanda." Hindi na nagsalita si Tita Amanda at pumasok na sa kwarto nila ni tatay. Nagtinginan naman kaming mag ama at sabay na ngumiti. Kahit papaano ay magiging maganda ang araw ko dahil aalis si Tita Amanda. "Tay, ako na pong bahala dyan. Maupo na lang po kayo." Saway ko kay tatay na nagtatabo ng tubig at nilalagay sa washing. "Kuh, hayaan mo na ako rito anak. Ito na lang ang maitutulong ko. Saka exercise na rin." Napangiti ako habang nagluluglog ng maruruming tubig. Kahit hirap kumilos si tatay ay gumagawa pa rin sya ng paraan para makatulong kahit sa maliit na bagay lang. Hindi naman masyadong marami ang damit namin dahil tatlo lang naman kami dito sa bahay at may washing naman na kahit luma na ay maganda pa rin ang kilos. "Sya nga pala anak, may good news pala ako. Nakalimutan kong sabihin sayo kanina." Napadta ako sa narinig at tumingin kay tatay. "Anong good news po tay?" Ngumiti si tatay. "Makakapag aral ka na anak." Namilog ang mata ko. "Talaga po?" *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook