bc

FIXING THE BROKEN VOW

book_age18+
91
FOLLOW
1K
READ
drama
bxg
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

Kapatid, asawa. Paano kung dumating ang araw na ang mga taong pinagkatiwalaan mo ay sila pa ang magiging dahilan kung bakit tuluyan mawasak ang mapilyang buo mo.

Written by: @Monzuki23, @Loizmical, @SRRedilla, @Jimsheen 28, and @Ambitch_Yosa

chap-preview
Free preview
Short story with SSREDILLA, AMBITCH_YOSA, LOIZMICAL,MONZUKI,JIMSHEEN 28
Title: Fixing The Broken Vow By: Monzuki23, Loizmical, SRRedilla, Jimsheen 28, and Ambitch_Yosa Nagising akong may kumikiliti sa aking tainga at naramdaman ko ang pamamasa niyon. Lihim akong napangisi. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino at alam ko na agad na asawa ko iyon. Pinihit ko ang katawan ko paharap at hindi nga ako nagkamali dahil bumungad sa harapan ko ang nakangiting mukha ng asawa ko. "Good morning, my love," bati niya. Kasabay niyon ay ang paghawak ng kamay niya sa dibdib ko at bahagya iyong nilamas. Wala akong saplot dahil magdamag kaming magkaniig ng aking asawa kagabi, ngunit hindi pa yata ito nakuntento dahil gusto pa nitong makaisa. "Ohh..." Napaungol ako dahil sa sensasyong bumalot sa katawan ko, lalo na nang inipit nito ng dalawang daliri ang ut*ng ko. "M-mahal... I have a doctor's appointment. I don't want to be late." Ngunit tila bingi ang aking asawa at nagpatuloy sa ginagawa nito. Bumaba pa ang katawan nito at nang lumebel ang mukha niya sa dibdib ko ay isinubo nito ang u***g ko saka bahagyang kinagat-kagat bago dinilaan upang pahirin ang sakit. Nag-init ang katawan ko dahil sa ginawa niya, ngunit kahit gustong-gusto kong matikman muli ang kahabaan niya ay hindi puwede. Papagalitan na naman ako ng doktor ko kapag hindi ako pumunta sa appointment ko. Pilit kong pinatigil ang asawa ko, na lumukot ang mukha dahil hindi napagbigyan. Hindi ko siya pinansin at kaagad na naligo at nagbihis saka umalis. *** Mag-aalas-kuwatro na ng hapon ng makabalik ako sa bahay, dahil pagkatapos ng appointment ko ay dumaan muna ako sa mall upang bumili ng gamit para kay baby. My baby will come out in a month time, but the bearer was not me. Hindi ko kayang magkaanak dahil sa sakit kong Endometrial cancer. Nagpapa-therapy ako, at iyon ang ipinunta ko kanina sa doktor. Dahil gusto ng aking asawa na magkaanak na kami ay napagdesisyunan naming kumuha ng surrogate, pero kadugo rin namin kaya nakiusap ako sa kakambal ko na kung maari ay pagbigyan niya ako sa aking gusto. Sa una ay ayaw niyang pumayag ngunit napilit din namin siya ni Dominic, ang asawa ko, kaya pumayag din ito sa huli. Magka-close kami ng kakambal ko at madali itong pakiusapan. Ngayon nga ay malapit na itong manganak at excited na kaming tatlo. Pagkapasok ko sa bahay ay nagtaka ako nang walang sumalubong sa akin. Usually ay nasa sala na ang asawa ko at si Lizzy ng ganitong oras. Ngunit wala akong nakita. "Baka namasyal lang ang kakambal." Isip-isip ko. Baka hindi pa rin nakauwi ang asawa ko galing opisina. Dumiretso ako sa kuwarto naming mag-asawa upang maligo dahil nanlalagkit na ang katawan ko. My lips stretched wide as I walked inside my room remembering the doctor's advice. Malaki raw ang tsansang malapit na akong gumaling. It's an occasion to be happy. Isa pa malapit ko na ring masilayan ang anak namin. Dobleng kasiyahan iyon para sa akin. Malapit na ako sa banyo nang marinig ko ang paglagaslas ng tubig. Kaagad na nangunot ang noo ko. "My husband is here?" Akmang itutulak ko ang pinto na hindi nakasara ng ayos nang may marinig akong ungol. It wasn't ordinary grunt, but a moan! A moan of two people having s*x. Kaagad na sumalakay ang matinding kaba sa dibdib ko. I know that it was my husband. Pamilyar na sa akin ang ungol niya. But who is the other woman? Nanginginig ang tuhod ko habang patuloy sa pakikinig. My eyes welled up in tears as the extreme pain slowly build up inside knowing that my husband is cheating on me. "Ahh! Babe, faster!" Natutop ko ang bibig ko upang pigilan ang salitang nais tumakas. I can clearly heard and recognized that voice even in the midst of the water splashing. Paano ko ba hindi makilala ang boses na 'yon? It was my twin sister Lizzy! Hindi ko alam ang aking gagawin habang papalapit ako sa banyo namin na mag-asawa, dahil sa palakas nang palakas ang mga ungol na aking naririnig. “Oh f**k!” usal ng aking asawa na si Dominic. Nang nasa tapat na ako ng banyo ay dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pintuan ng aming banyo kung saan nanggaling ang mga ungol na aking naririnig, at tumambad sa aking mga mata na sarap na sarap ang aking kakambal habang patuwad siyang nakatalikod sa aking asawa na mabilis na tumutulos. Nagdilim ang aking paningin at hindi ako nagdalawang isip na sugurin silang dalawa. “Mga hayop kayo!” sigaw ko na punong-puno ng galit mula sa aking dibdib na ikinagulat ng aking kapatid at asawa. “Farah, magpapaliwa—” Hindi na natapos ni Dominic ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang sampalin. Nanginginig ako na tinitigan si Dominic. “Dom, paano mong nagawang lokohin?!” Hindi nakapagsalita si Dominic kay hinarap ko naman ang aking kapatid. “Lizzy, bakit?!” Ngumisi ako. “Ang usapan natin magiging surrogate ka lang namin! Hindi maging kerida!” At isang sampal ang binigay ko sa kanya. Pagkatapos ay tumingin ako sa aking asawa. "At ikaw naman, Dom, buhay na buhay pa ako! Nagawa mo na akong ipagpalit sa iba! Siguro nga may cancer ako sa ovary. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mamatay na ako!" Tumingin sa akin si Lizzy. “I’m sorry. Pero, Farah, mahal ko ang asawa mo,” pagtatapat niya sa akin. Umiling ako. “No! Hindi mangyayari ang gusto mo! Dahil akin lang ang asawa ko!” singhal ko sa aking kapatid. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong ipagpalit ni Dominic sa sarili kong kapatid. Pakiramdam ko ay magugunaw ang aking mundo dahil sa aking natuklasan. Tumingin sa akin ang kakambal ko. "Yes, sa iyo nga siya. Pero pagdating sa kama, sa akin siya. Mas masarap ako kaysa sa iyo, kambal. At saka nagbago na rin ang isip ko. Hindi lang ang magdala ng anak niyo ang gusto ko . . .” Inilapit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong, “. . .gusto ko pati ang asawa mo,” dagdag niya na labis na ikinakulo ng aking dugo. Napanganga ako sa sinabi niya. Walang kasing kapal ang mukha niya. Hindi ko lubos akalain na hahantong sa ganito ang lahat. Diyos ko! Tama ba ang naging desisyon namin na siya ang magdala ng aming magiging anak? Parang hindi ko matatanggap ito lalo at sariling kadugo ko at kakambal ko pa ang magiging kahati ko sa aking asawa. Lalong lumabas ang masaganang luha sa aking mga mata dahil sa mga tinuran niya. "Farah, ngayong alam mo kung ano ang gusto kong mangyari, siguro naman ay puwede ka nang lumabas dahil hindi pa kami tapos sa aming ginagawa. O baka naman gusto mong manood habang pinagsasaluhan namin ang init ng isa’t isa? Saka kahit umiyak ka pa ng dugo riyan, hindi na rin mababago na sa akin magkakaanak ang asawa mo dahil isa kang baog at walang silbing babae!" pasigaw na saad ni Lizzy sa akin. “Sobrang tigas ng mukha mo! Inupahan ko lang ang sinapupunan mo at hindi kasali ang asawa ko sa trabaho mo!” Tumingin ako sa asawa ko ngunit nag-iwas siya ng tingin. Sa sobrang bigat na aking nararamdaman ay mabilis kong hinila ang buhok ni Lizzy at buong puwersang sinabunutan. Umawat si Dominic, samantalang si Lizzy naman ay panay ang sigaw. "Magsitigil kayo!” awat ni Dominic. Ngunit sa halip na tumigil ay siya ang binalingan ko. Ilang beses ko siyang sinampal hanggang sa mamanhid ang mga palad ko. "Ang kapal ng mukha mo! Alam mong magkapatid kami pero ano'ng ginawa mo? Sinira mo ang usapan nating tatlo!" "Farah, ang usapan ay puwedeng mabali, saka wala tayong pinirmahan na kontrata na bawal kong mahalin ang asawa mo," singit naman ng hitad kong kapatid. Ngunit mas mabigla ako nang lumapit sa akin si Lizzy. At pagkatapos ay walang babalang hinila ako papalabas ng silid nito. Kaya sa sobrang poot na aking nararamdaman ay hindi ako nagdalawang isip na itulak ito. "Lizzy!" sigaw ng magaling kong asawa. Hindi ako nagpatinag sa ginawa sa akin ni Lizzy. Mahigpit ko siyang hinawakan sa kaniyang pulsuhan at muli ko siyang hinarap. Nasa gilid na rin namin si Dominic. “Ikaw dapat ang lumabas sa silid namin! You heard it right? Silid naming mag-asawa! Ako ang may karapatan sa silid na ito dahil ako ang legal, original at lalong hindi kabit!” nanlilisik ang mata kong sabi. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding galit sa kakambal ko. “Ngunit hindi sa pagkakataon na ito, Farah! Dahil akin na ang asawa mo! Pagod na akong maging pangalawa! Maging anino mo!” balik nitong sigaw sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig. Hindi ito ang pagkakilala ko sa kaniya. Lagi siyang nakasuporta at masaya sa bawat achievements ko pero bakit nasabi niya ito? “Lahat na lang paborito ka! Kay kesyo ikaw na ang maganda! Ikaw na ang magaling at matalino! Pati ang kaisa-isang taong minahal ko ikaw ang gusto! Pati ang mga magulang natin ikaw ang lagi nilang binibida! Pero ako ang tingin nila sa akin pabigat. Walang kuwenta. Dahil ba sa wala akong naabot?” muling palatak nito at tumulo ang luha sa kaniyang pisngi na inikinalunok ko. Akala ko kilala ko na ang kambal ko ’yon pala nagkakamali ako. Lahat pala na pinakita niya sa aking kabaitan ay isang pagbabalat kayo. May lihim pala siya na inggit sa akin. Pinahid nito ang kaniyang luha at kapag kuwan ngumisi sa akin. “Pero sa pagkakataon na’to. Hindi ako papayag na ako na naman ang kawawa at mawawalan. Dahil sisiguraduhin ko ako ang magwawagi sa laban na ito!” nakangising saad nito. “I said enough! Lizzy tumigil ka na!” Napabaling ang tingin ko kay Dominic. “Bakit Dom? Natatakot ka ba na malalaman ng mahal kong kapatid kong paano ka nasasarapan sa akin?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook