bc

Sunshine And You 2 Forever

book_age0+
9.2K
FOLLOW
74.9K
READ
billionaire
possessive
pregnant
arrogant
dominant
kinky
drama
tragedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Daniel Cavelli—the man with oozing s*x appeal, bold, and mysterious—has Porphyria. Hindi ito puwedeng masikatan ng araw dahil maaari nito iyong ikamatay. Pero kahit natuklasan na ni Celine ang hiwagang iyon ay hindi pa rin tumigil ang puso niya na mahalin ang lalaki. Tanggap niya ito. Mahal niya si Daniel kahit na ano pa ito.

Ngayon ay asawa na niya si Daniel. Sa isla Cavelli, ibinahagi sa Daniel kay Celine ang mundo nito pero pakiramdam ni Celine ay hindi pa rin niya lubusang mapasok ang mundo ng kanyang asawa lalo na sa mga pagkakataong sinusumpong ito ng sakit. At paano nila haharapin ang isang pagta-traydor?

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE SA LOOB ng ilang sandali ay hindi magawang magsalita ni Celine. Oras na para ihayag ang kanyang wedding vow pero pakiramdam ni Celine sa sandaling ibuka niya ang kanyang bibig ay hahagulhol siya ng iyak. Ngayon pa nga lang ay nag-iinit na ang mga mata niya. Kinagat ni Celine ang dila niya bago nagbuga ng hangin para kalmahin ang kanyang masigabong emosyon.             “D-Daniel…” panimula niya. At hayon nga, hindi siya nagkamali dahil tuluyang namuo ang mga luha sa mga mata niya. Tuloy-tuloy iyong naglandas sa mga pisngi niya. Maging si Daniel ay namumula din ang mga mata. He was biting his lightly trembling lower lip to contain his emotions. Maging ang malalapit na kaibigan at kamag-anak na sumasaksi sa pag-iisang dibdib nila ay damang-dama ang kadalisayan at solemnity ng sandaling iyon. It was a beach wedding, an island beach wedding. Papalubog na ang araw nang simulan ang seremonyas ng kasal. Napakaguwapo ni Daniel sa sandaling ito. More dashing than she had ever imagine. Ang buhok ay bahagyang inililipad ng hangin. He was so gorgeous, sinfully gorgeous. Nakasuot ito ng three-piece suit and he was standing tall and powerful. “Daniel Cavelli, ngayong araw… sa harap ng Diyos, n-nangangako ako na mamahalin ka ng walang hesitasyon,” garalgal ang tinig na pagpapatuloy niya. Paminsan-minsan ay tumitigil para huminga at pagluwagin ang kalooban. Ang mga guest ay sumisinghot na rin. “I promise to be your forever friend, wife, and lover. I will laugh with you in times of joy, and comfort you in times of sorrow…” Tuluyan na ring tumulo ang luha ni Daniel. Ang ilong nito ay namumula. I love you. So much… he mouthed at her. Sinagot niya iyon. Bumuka at inusal din niya ang mga salita ng pagmamahal. Pagmamahal na naghhumiyaw sa kanilang mga aura. “I w-will take care of you, stand beside you, and share with you all of life’s adversities and all of its joys… I promise to always be your biggest fan. I love you with all my heart, Daniel. From this day forward and all the days of my life, I bind my life to yours.”   OH, GOD! bulalas ni Daniel sa isipan bago ipinikit-pikit ang kanyang mga mata para kahit papaano ay mapawi ang mga luha. But his tears were rebels. Hindi iyon makontrol. Patuloy pa ring tumatakas ang mga iyon sa kanyang mga mata. Alam niyang namumula na ang kanyang mga mata, gayundin ang kanyang ilong. Pulang-pula na rin marahil ang labi niya dahil sa pagkagat na ginagawa roon para mapigilan kahit papaano ang emosyon. Ah, paano nga ba mapipigilan ang ganoon katinding emosyon?             Araw ng kasal niya. Araw ng kasal sa babaeng may-ari ng puso niya, sa babaeng ina ng anak niya, sa babaeng sinasamba niya. Parang puputok ang dibdib ni Daniel sa kaligayahan. Tama si Celine sa minsang sinabi nito sa kanya na minsan ang mga luha ay dulot rin ng kaligayahan. Na hindi iyon laging bunga ng sakit, pait, at pighati. She was so right after all.             “Y-you know… y-you know who I am,” panimula niya sa nanginginig ring tinig. And, hell! Nagpaligsahan na naman sa pagtakas ang mga luha niya. “…and you still accept me, love me, and now you’re marrying me. How lucky and blessed I am?” Sumigok si Celine at patuloy na namalibis ang mga luha. Ah! Napakaganda nito, mukhang diyosa, mukhang perpekto. She’s looking so ethereal in her wedding dress. She is the woman who own his heart. “M-may parte pa rin sa akin na hindi makapaniwala na narito na tayo sa sandaling ito, T-that i'm marrying the woman who’d been the light to my dark world. I feel truly blessed because I’ve found a love that is patient, kind, and unconditional.” Daniel bit his lip. Umiiyak din ang mga audience pero hindi gaanong mapansin ang mga iyon. Ibinibigay niya ang wedding vow niya at inuusal niya iyon mula sa kaibuturan ng puso niya. Huminga siya ng malalim. Isa siyang kumplikadong tao pero hindi niya kailanman inakala na may babaeng darating sa buhay niya at parang mananakop na walang babalang aangkinin ang puso niya. “M-mamahalin kita ng tapat, sa hirap man o ginhawa. I will cherish you and love you forever. I vow to be joy to your heart and food for your soul. I will keep you and hold you, comfort and tend you, protect you and shelter you, for all the days of my life. From this day forward, I, Daniel Cavelli, devote my love and life to you. I love you, Sunshine.”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.2K
bc

Billionaire's Twins

read
263.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

A Night With My Professor

read
496.0K
bc

NINONG III

read
363.2K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook