bc

A Little Too Hot (Book 1 of HPH Trilogy R18)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
7.1K
READ
drama
bxg
bold
betrayal
friendship
like
intro-logo
Blurb

Sergio Ventura is a perfect husband...almost.

Perpekto na ang lahat nang ikasal sina Eva at Sergio. Para na nilang nakamit ang lahat sa mundo. Ngunit paano kung walang kamalay-malay si Eva na ang lalaking minahal at pinakasalan niya ay isa palang pornstar?

Maaatim niya bang makihati sa mga babaeng nakakatrabaho ni Sergio? O mas nanaisin niyang itigil na lang ang nasimulan nilang pag-iibigan ni Sergio?

Is job enough reason for him to live a lie?

A Little Too Hot - Book 1 of Her Pornstar Husband

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "KASABAY pala ng pagdating mo ay ang pagdating din ng problema sa buhay ko! Ahas ka!" Pak! Malakas ang pagkakasampal ko sa kanya at buong buo ang loob ko nang gawin ko iyon dahil punung-puno na ang damdamin ko ng sama ng loob. Sapu-sapo niya ang kaliwa niyang pisngi nang masampal ko siya. "How dare you!" Aambahan niya ako ng sampal ngunit buong lakas kong hinawakan ang kamay niya dahilan para mapigilan ko siya sa pagsampal niya sa akin. "Maaaring nalinlang mo ako sa mga matatamis mong salita pero hindi na ngayon. Itinuring kitang kadugo, matalik na kaibigan at pinagkatiwalaan kita. Binuhusan kita nang mga panahong walang wala ka. Pinakain kita sa mga palad ko at tinanggap ka namin sa aming pamilya, pero anong ginawa mo? Inahas mo ang asawa ko!" Buong lakas ko siyang itinulak at muli kong pinadama sa kanya ang bigat ng aking kaliwang palad nang dumapo ito sa kanyang kanang pisngi. Hindi niya kayang manlaban ngayon dahil nabigla siya sa aking pagbangon. Hindi niya rin inaasahan ang pagpunta ko ngayon sa condo unit niya kaya't naging biglaan lang ang lahat sa kanya. "Ngayon Sonia, sabihin mo, ano ang nagawa kong mali para gawin mo ito sa akin?" Unti-unti nang bumigay ang loob ko at nanginginig akong tumingin sa kanyang mga mata. Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na bumagsak dahil sa sobrang sama ng loob ko. "Wala akong ginawang mali. Wala akong pagkukulang sa'yo bilang kaibigan. Napakaraming lalaki! Bakit ang asawa ko pa? Bakit Sonia? Bakit?" Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak dahil sa totoo lang ay mas lalo pang nakadagdag sa bigat ng aking nadarama ang lahat ng bagay na pumapasok sa aking isipan. "I love Sergio and I want him for me!" Malakas ang loob niyang magsabi nito ngayon at tila ba mayroon siyang ipinagmamalaki kaya naman nagtataka ako kung ano ang bagay na iyon. "I would like to remind you b***h that...love doesn't always end well!" Sinapak ko siyang muli ng malakas sa pisngi at ngayon ay nanlaban na siya sa akin. Hinawakan niya ako sa buhok at ngayon naman ay nahagip ko naman ang kulot niya ring buhok. "Hayop ka! Ikaw pa ang mayroong ganang magmatapang sa akin, ikaw na nga itong nang-agaw ng asawa!" Kahit na hirap na hirap na ako dahil mahahaba ang kanyang mga kuko ay pilit pa rin akong lumalaban sa kanya. "I didn't force him to love me. Siya ang kusang sumama!" "Still, you are a b***h by that!" "Tawagin mo na akong kabit, kerida, malandi at ahas pero hindi niyon mababawi ang katotohanan na ako ang gusto ng asawa mo!" Pagkasabi niya nito ay buong lakas niya akong itinulak na dahilan para mapaupo ako sa sahig. Dinamdam ko ang kakaibang sakit sa aking tiyan nang dahil doon kaya naman namilipit ako sa sakit. "Aray!" "At kahit na anong gawin mo ay hindi ako susuko sa aking kagustuhan dahil nasimulan ko nang gawin ang gusto ko. Sergio loves me and I want him in my life. Kaya't kahit anong mangyari, I won't give up." Patuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit pa nahihirapan ako. "Walang hiya ka!" Sigaw ko habang ako ay umiiyak pa rin. "Ikaw nga ang legal na asawa pero ako ang minahal. Ikaw nga ang unang minahal pero sa akin niya natagpuan ang ligaya at mga bagay na hindi niya matagpuan sa'yo. Wala kang kwentang asawa!" Sigaw niya at ngayon ay nagkaroon na siya ng malaking pagkakataon upang sabihin ang mga bagay na iyon sa akin. "Tulooong!" Sigaw ko dahil sobrang sakit na ng aking tiyan. Hanggang sa maramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa aking lagusan at hindi ko lubos maisip na baka ito ang dahilan upang mahulog ang bata sa aking sinapupunan. "Now, get out of my condo. Kasalanan mo iyan at ikaw ang sumugod dito. I didn't do anything. Ikaw ang nauna." "Help me! Heellppp!" Sigaw ko dahil hindi ko na talaga kayang tiisin ang sakit. Hanggang sa bumukas ang pintuan ng condo at iniluwa nito si Sergio na tila ba galing sa gym dahil nakasuot siya ng tank top na Grey at shorts na itim at namumuo ang pawis sa kanyang dibdib. Mayroon din siyang bitbit na bag at isang bottle of mineral water. "What happened?" Agad na tumakbo palapit si Sergio at inalalayan ako upang tumayo. "Magbabayad kayo kapag mayroong masamang nangyari sa anak ko!" Naiiyak akong tumayo habang inaalalayan ako ni Sergio. "Why did you come here, baby, huh? Why?" Nakita ko ang matinding pag-aalala ni Sergio sa akin habang ako ay inaalalayan niyang tumayo. "Hayaan mo siya Sergio. Let her suffer!" Sigaw naman ni Sonia saka lumapit sa amin. "You please shut your mouth and stop telling me what to do! She's still my wife!" Idinuro-duro ni Sergio si Sonia sa harapan ko at nakita ko kung gaano siya nakaramdam ng galit dahil kumuyom ang kanyang mga kamay. "Bring me to the hospital, now!" Sigaw ko dahil humihilab na talaga ang tiyan ko. I am four months pregnant at walang nakaaalam nito kundi ako lang at si Sergio. At kapag nawala ang baby ko ay hinding hindi ako titigil hangga't walang nananagot sa kanilang dalawa. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay bigla bigla nang nagdilim ang paningin ko at wala na akong ibang maramdaman at tila ba namamanhid na ang aking katawan. "Hey, stay awake, babe. I'll bring you to the hospital." Alalang alala si Sergio sa lagay ko ngayon habang ako ay nahihirapan na ng husto. "Sergio, come back kapag naihatid mo na siya!" Sigaw ni Sonia. "Stop telling me on what to do!" Ito ang wika ni Sergio saka ako agad binuhat at binuksan ang pintuan ng condo. "My baby can't die, Sergio. Hindi pwede!" Naiiyak na akong nagsabi nito habang nararamdaman ko ang unti-unti kong panghihina. "Eva, don't lose hope. Baby, please!" And then everything went black. Wala na akong maramdaman sa aking kapaligiran. Nawalan na ako ng malay. PAGGISING ko ay nasa isang kwarto na ako at nang magmulat ako ng aking mga mata ay nasa tabi ko si Sergio at hawak ang aking kamay. "What happened?" I asked na sobrang nag-aalala. Hanggang sa umiling na lang siya at tumulo ang butil ng mga luha sa kanyang mga mata. "No! Noooo!" Nawala ang baby ko, ang anak ko. Magbabayad sila!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook