bc

The Retired Assassin's Reincarnation

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
independent
tragedy
sweet
bxb
witty
mercenary
highschool
mythology
magical world
superpower
multiple personality
sassy
love at the first sight
assistant
servant
like
intro-logo
Blurb

Jake Carter, isang assassin na nag retiro sa kanyang trabaho upang mamuhay na lamang ng tahimik at malayo sa lahat ng gulo sa mundo, ngunit ang taong marami nang nalalaman sa isang natatagong organisasyon ay isang banta para sa kanila. Sa huling mga sandali ay alam ni Jake ang dahilan at nauunawaan n'ya ito, kung bakit kailangan s'yang burahin sa mundo ng organisasyon na kanyang tapat na pinag lingkuran sa loob ng maraming taon.Tanggap man ni Jake ang kalupitan ng mundo ay hindi n'ya inaasahan ang mga pangyayari, nagising s'ya sa katawan ng isang batang lalaki, sa hindi malamang dahilan at marahil na rin sa nakasanayan ni Jake ang umayon sa daloy ng buhay, mabilis na prinoseso ng kanyang isipan ang mga nagaganap. Namuhay si Jake bagong pagkakakilanlan bilang anak ng isang Baron, tinanggap n'ya ang katotohanan na s'ya ay mabubuhay sa bagong mundo bilang si Huazen Ryousukei Vuerer. Sa panibagong pagkakataon na meron sya ay pinili n'ya ang mabuhay ayon sa kanyang nais, walang sinusunod na organisasyon, walang sapilitang pagtatrabaho, ngunit sinusunod ang responsibilidad at obligasyon bilang isang anak. Sa pagnanais na protektahan ang mga mahal sa buhay na sa nakaraang buhay ay wala s'ya, pinili n'ya ang parehong paraan ng pamumuhay, ngunit sa pagkakataong ito ay upang pumrotekta at hindi para kumitil ng walang sapat na rason. Ginawa lahat ni Huazen ang tingin n'ya ay kailangan at tamang paraan para sa ikabubuti ng kanyang pamilya, bukod sa pagiging assassin na kilala sa terminolohiyang mersenaryo ay pinasok n'ya pati ang pagiging kawal sa palasyo, maging ang paggamit ng mahika ay kanyang kinabisa. Sa mundong kanyang kinalalagyan, mahika ang batas at kapangyarihan, hindi lang basta koneksyon at kayamanan, sa mundong monarkiya ang uri ng pamahalaan siya lang ang may kaalaman at talino na wala rito, ang mundo na tila ba kapanahunan ng Ikalabingwalong siglo kung ikukumpara sa dati niyang mundo, siya lang ang makabago. Siya si Jake Carter sa katauhan ni Huazen Ryousukei Vuerer, isang assassin na namayapa sa makabagong mundo at nagising sa katauhan ng isang batang lalaki sa makalumang mundo, isang anak ng Baron, isa sa pinakamababang uri ng aristokrata sa monarkiya, ngunit pinaka mahalaga dahil sila ang pinagmumulan ng kasaganahan ng ekonomiya. Sa kanyang maayos na pamumuhay kung saan maayos na nakakalkula ang mga maaaring mangyari ay may misteryo ang dumating, dalawang nilalang na gumagabay sa kanya sa hindi niya alam na dahilan, ngunit mas pinili niyang magtiwala sa kanyang kutob at sa dikta ng puso't isipan. Kasabay ng misteryong ito ay ang pagtibok ng kanyang dibdib na alam niyang maaaring maging hadlang sa kanyang mga kalkulasyon. Isang digmaan ang nagbabadya sa di inaasahang panahon, isang digmaan na matagal nang nakakubli sa dilim, ngunit dahil sa kanyang ginawa ay lumutang sa liwanag, isang responsibilidad na hindi n'ya inasadya na ini-atang n'ya sa sariling balikat. Dahil sa nalalapit na digmaan at sa unti-unting paglutang ng banta nito ay maraming nagbago, mula sa pananaw ni Huazen sa bagong mundong iyon at sa kanyang damdamin, maraming bagay ang kanyang napagtanto at sa hindi inaasahan ay maraming bagay siyang natutunan. Maraming bagay man ang gumulo sa isip at damdamin ni Huazen, iisa parin ang naging desisyon n'ya sa huli, iyon ay ang lumaban, hindi para sa bansa, hindi para sa sarili, kundi para sa mga taong naghihintay sa kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan.

chap-preview
Free preview
๐๐ซ๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฎ๐ž, ๐Ÿ. ๐“๐ก๐ž ๐‘๐ž๐ข๐ง๐œ๐š๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง
๐๐ซ๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฎ๐ž Jade Carter isang 52 years old assassin, gender: male, rank:1, sa edad na 52 at sa 52 years of existence rin na iyon, buong buhay ni Jade ay walang ginawa kundi ang pum*tay para mabuhay, para kumita ng pera dahil ganon pinalaki si Jade ng kanyang namayapang ama Simula pagkabata pa lang ay pagp*tay na ang kanyang kinagisnan, ito ang itinuro sa kanya ng kanyang ama hanggang sa siya ay lumaki, malungkot ang buhay ni Jade at walang kalayaan, sabi ng iba maswerte sya dahil mayroon sya ng lahat ng materyal na bagay na hinahangad ng karamihan Mula sa pera, magagandang damit, magarang sasakyan, magarang mansyon, masasarap na pagkain at mga alahas, ngunit sa likod ng karangyaang iyon ay ang paghihirap ni Jade, paghihirap sa mga pagsasanay sa pakikipaglaban na halos buong buhay nya nang ginagawa Hindi nya naranasan ang maglaro o ang humawak ng laruan maski ang maging bata ay hindi nya naranasan, dahil sa edad na pito ay armas ang ipinagawak sa kanya ng kanyang ama imbis na laruan, tinuruan siyang huwag basta basta magtitiwala imbis na ang maging palakaibigan Umiikot ang mundo ni Jade sa mga bagay ba sinabi at intinuro ng kanyang ama, nang pumanaw naman ito ay pumalit naman ang organisasyon na kinabibilangan nito, ang organisasyon naman ang naging dahilan kung bakit wala siyang kalayaan Sa bawat utos ay kailangan niyang sumunod ng walang reklamo, ang bawat misyon ay dapat na matagumpay na matapos, hindi dapat ipinapakita ang sariling emosyon, dapat itong itago at walang sinuman ang dapat na makakita ng iyong emosyon, dahil iyon ang magiging kahinaan mo Nabuhay na parang robot sa buong buhay nya si Jade hanggang sa hindi inaasahang pangyayari, ninais ni Jade ang mag early retirement sa trabaho bilang assassin, ngunit hindi iyon pinalampas ng organisasyon na kanyang kinabibilangan Matapos mapirmahan ang kanyang early retirement paper at maaprobahan ay umuwi na si Jade, ngunit ang kanyang buong mansyon pala ay pinataniman ng organisasyon ng mga bomba sa mga kapwa niya assassin Kahit na alam ni Jade ang plano ng organisasyon na siya ay ipap*tay at alam niya na may mga nakatanim na bomba sa kanyang mansyon ay hinayaan nya ito at pumasok pa rin doon, dahil sa mga panahong iyon , ang nais ni Jade ay wlang iba kung hindi ang magpahinga mula sa masalimuot niyang buhay..... ..................... 1: The reincarnation Jade POV I woke up from the sunlight, a sunlight that came from the slight open window curtain, tumayo ako at lumapit doon, inabot ko ang kurtina pero iba ang nakakuha ng atensyon ko Maliit na mga kamay, maliit na mga kamay ang nakita ko na humawak sa kurtina, payat din ang mga braso, tila mataas ang mga bagay na nasa paligid ko at hindi ako sanay sa aking mga nakikita Halong pagtataka, takot, pangamba at pagkalito ang aking nararamdaman ng mga oras na ito at talaga namang tila blangko ang aking isipan at hindi makapag isip ng matino 'anong nangyari sakin?' Tanong ko saking sarili, saka ko lang naalala ang mga naganap, mula sa aking pagre-retired hangang sa pag-uwi at ang tunog na nagsasabing may sasabog na bomba Napatingin ako sa aking mga kamay at nakita ko ang maliliit na kamay ng isang bata, maiikli ang mga braso at gayon din ang mga binti, agad na humanap ako ng salamin at hindi naman ako nabigo Sa isang whole body size atique mirror ay nakita ko ang sariling repleksyon, napa kurap-kurap pa ako at hindi makapaniwala sa aking nakikita, isang batang lalaki na may itim na itim na buhok na kapantay na ng siko at mga matang kulay abo na mistulang mga mata ng pusa Inilibot ko ang aking paningin at saka ko lang napansin na tila ay nasa sinaunang panahon ako, lahat ng gamit ay elegante at makaluma, ngunit hindi maitatanggi ang kalidad ng mga ito Sa isang sulok ay lamesa na tila study table katabi ng isang book shelf na punong puno ng mga libro, sa gilid ay may dalawang mahabang sopa na magkaharap sa isang mababang lamesa Mayroon din akong nakitang dalawang pintuan, ang isa ay bathroom at ang isa ay closet, kung titignan ang kabuoan ng silid ay mas marami ang libro at gamit sa pag a-aral kaysa mga laruan o gamit na naaangkop para sa isang bata Tinungo ko ang isang pintuan at pumasok doon para maligo at saka nagbihis na rin dahil wala naman akong alam na dapat gawin, lito pa rin kasi ang isip ko at hindi ko alam ang dapat na gawing hakbang Naupo ako sa kama at saka pinagmasdan ang kabuuan ng silid nang biglang may kumatok sa pinto "Papasok po ako young master" saad sa labas sabay ang pagbukas ng pinto Pumasok ang isang katulong at nagulat pa ito nang makita akong nakaupo sa kama "Nakapag bihis kana young master" gulat na saad nito Hindi ko ito kinibo at tinignan lang siya at inobserbahan ang kanyang mga gagawin na tila ikina ilang naman nito "Naparito po ako para tulungan kayong magbihis ngunit nakabihis na po pala kayo, kailangan nyo na pong bumaba para sa agahan, ikaw na lang po ang hinihintay ng Lord" mahabang paliwanag nito Tinanguan ko lang ito at saka bumaba sa kama, nauna naman itong lumabas upang ituro ang daan patungo sa silid kainan Habang naglalakad sa hallway ay may ilang pinta ang makikita, hanggang sa nakita ko ang isang pinta kung saan naroroon din ang mukha ng katawang kinalalagyan ko ngayon 'Vuerer(Vu-wer-er) Family, Lord Hawyen, Lady Zina and Young master Huazen' iyon ang nakalagay sa ibaba ng pinta, sa tingin ko ay napunta ang pagkatao ko sa batang si Huazen(Hu- wa- zen) na sa tingin ko ay kasalukuyang nasa edad na anim(6) Makalipas pa ilang sandali ay narating din namin ang silid kainan, sa aking pag pasok ay nadatnan ko ang mag asawang Veurer na tila inaantay akong dumating bago magsimulang kumain Nakita ko na nag bow muna ang katulong bago ito lumabas at isinarado ang pintuan, walang imik na nag bow muna ako ng kaunti bago umupo sa katapat na puwesto ng babae "Ahem" tikhim ng lalaki "Timid as always, I see, lets eat then" saad nito at saka nagsimula nang kumain........ Nagsimula na lang din akong kumain nang walang imik na kumain ang babae na katapat ng aking puwesto, Sa kalagitnaan ng pagkain ay tumikhim ang lalaki para basagin ang katahikan ng silid "How have you been doing Huazen?" Tanong nito " I am fine" kalmado kong sagot " I see, magpahinga ka ng ilang araw, kailangan ng katawan mo iyon" saad nito "Yes sir" sagot ko Ayon sa ala-ala ng katawang ito, ipinanganak itong may mahinang pangangatawan at laging may sakit, lagi lang ito sa sariling silid upang maiwasan ang manghina ang katawan nito ng husto Dahil sa mahina nitong katawan ay dissapointed ang mga magulang niya sa kanya, pero kahit na ganon ay lagi naman itong kinukumusta ng ama Sa anim na taong buhay ni Huazen ay hindi siya nakaranas na maglaro, nakakalabas lang siya sa silid kapag kailangan niya ng preskong hangin at maglakad lakad sa hardin Ang mga magulang niya ang nagpapatakbo sa buong bayan ng Karo, ama niya ang Lord ng bayan, habang ang ina ay anak ng isang baron na ngayon ay nagpapatakbo ng ilang negosyo Natapos ang agahan na puno ng pagkailang ang buong silid dahil sa nakabibinging katahimikan, matapos ay pinabalik ako sa silid upang magpahinga Dahil na rin sa walang magawa ay nagbasa na lang ako ng aklat na nakita ko sa book shelf, sa kalagitnaan naman ng aking pagbabasa ay dumating ang isang manggagamot Isa itong clerk na bihasa sa pang gagamot ng ibat ibang uri ng sakit, mataas ang katungkulan nito ayon sa obserbasyon ko sa badge nito Ayon sa kanya ay gumaganda na ang kalagayan ko at di magtatagal ay tuluyan na akong gagaling, ayon pa sa kanya ay unti unti nang lumalakas ang pangangatawan ko Matapos non ay umalis na rin ito, sa tingin ko ay ipina alam niya sa aking ama ang aking kalagayan bago siya tuluyang umalis Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga libro at di na nagabalang lumabas para sa tanghalian, ipinadala ko na lang ito sa katulong at sa silid kumain Sa hapon ay inubos ko rin ang aking oras sa pagbabasa, hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakatulog na lang ako sa study table habang nagbabasa........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.5K
bc

NINONG II

read
651.1K
bc

NINONG

read
392.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
294.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook