bc

Too Bad To Be Loved(On-going)

book_age18+
52
FOLLOW
1K
READ
sex
second chance
arrogant
badgirl
heir/heiress
bxg
heavy
serious
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Diem Elizabeth ay ang nag iisang anak na babae ni Dimeon Puerriah–ang kanyang ama ay isang tanyag na negosyante sa business world. Sa kabila ng karangyaan na tinatamasa niya, may isang bagay ang pinagkait sa kanya at iyon ang magkaroon ng buo at masayang pamilya.

Upang makuha ang isang daang libo na pinag-usapan nila ng kanyang ama, kailangan niyang manirahan sa probinsiya kasama ang lalaking lumaki sa nag uumapaw na pagmamahal ng kanilang mga magulang.

Magagawa niya bang mamuhay mag-isa na hindi humihingi ng tulong sa kanyang ama o hahayaan niya ang sarili na mahalin ang isang magsasaka?

chap-preview
Free preview
Chapter One: Money over Family
"Diem, what's your plan?" "P-lan? I don't have a plan today, dad. Why?" "Diem, I'm serious. Anong plano mo sa buhay? Almost two years na mula nang magtapos ka sa kolehiyo. Anong balak mo ngayon?" "Do I really need to answer that kind of question, dad? For pete sake! Can't you see I'm busy?" Nagpatuloy lang sa pagpi-picture ang dalaga. Higit isang oras na siya sa kanyang ginagawa ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pag-pose at pagkuha ng tamang angle para sa ipo-post niya sa kanyang social media accounts. "I know that you're busy..." Huminga muna ng malalim ang matandang lalaki. Kung pagbabasehan ang kanyang mukha, siguro ang edad niya ay nasa around 30s dahil sa mala-baby face nitong itsura. "Busy sa mga walang kwentang bagay. Ano ba talagang balak mo? Wala ka bang plano para sa sarili mo?" Nakaramdam ng pagkainis ang dalaga. Halos lumuwa na ang mata nito sa matinding pag-irap niya sa kanyang ama. Nasa living room silang mag-ama. Kakauwi lang ng matanda galing sa business trip nito sa Korea. "Dad, ano ba?!" Umirap ang dalaga. "You're getting on my nerves! How many times do I need to tell you that I'm busy? Can't you understand that? I'm busy! So please don't disturb me. I need to upload a picture today. " Kung pwede lang saktan ng matandang lalaki ang kanyang anak, matagal na niyang ginawa dahil sa bastos na pag-uugali nito at walang galang kung makipag-usap sa kanya. Ngunit baka lumala lamamg ang sitwasyon kung gagawin niya iyon. "Come on, Diem, 23 years old kana...pero palamunin kapa rin. Hanggang kailan ka aasa sa yaman ko? Hanggang kailan ka magwawaldas ng pera na hindi mo naman pinaghirapan?" Huminto sa pagkuha ng litrato ang dalaga. Tumayo siya at hinarap ang kanyang ama. Masama ang loob niya dahil sa sinabi ng kanyang ama. Hindi niya inaasahan na makakarinig siya ng masakit na salita mula sa taong mahal niya. "And now, you're hurting me!" Pumapadyak padyak ito "You're hurting my feelings! " Pagrereklamo ni Diem. Pwersahang binato ng dalaga ang kanyang iphone13 sa katabing pader. Hindi pa siya nakuntento at tinapak-tapakan ito. Para siyang bata sa kanyang kinikilos. Pagkairita at pagkadismaya ang naramdaman ng kanyang ama habang pinapanood siya. "Grow up, Diem Elizabeth!" He shouted. "You're not a kid anymore! Kailan kaba magi-isip ng matino?" "What did you say, dad? So, nagagawa mo na akong husgahan ngayon?" Nasapo ng matandang lalaki ang kanyang noo dahil sa walang kwentang tanong ng kanyang anak. "I want you to grow up na naaayon sa edad mo, anak. Hanggang kailan kaba magiging isip bata?" "I'm still a kid, dad. I'm still your child. I don't need to change myself para lang matanggap mo ako." "Wh-aat? Oh Come on! Ano ba'ng utak mayroon ka? Lahat ng sinasabi mo walang konek sa pinapayo ko sa'yo. Parang hindi kita pinag-aral ng college sa inaasta mo ngayon." Kung may isang pagkakamali ang nagawa ng isang ama para sa kanyang anak ay 'yun ang hinayaan niyang maging kampante at komportable si Diem sa kanilang buhay marangya. Kahit na ang kinalabasan nito ay hindi kaaya-aya at tunay na nakakapang init ng ulo. "I hate you, dad! I hate you! Kung nandirito lang si mommy paniguradong magagalit siya sa'yo." "Kung nandito... pero wala siya. Wala siya rito, Diem! Kaya pwede ba umayos ka naman." Konti nalang at susuko na ang matanda dahil sa kakulitan at pag-uugali ng kanyang anak. "Bakit ba kasi pinipilit mo akong mag trabaho? Kulang paba 'yung perang kinikita mo sa kompanya?" "What did you say?" Tila'y nabingi ang kanyang ama sa kanyang sinabi. "Ulitin mo nga 'yung sinabi mo. Baka nagkamali lang ako ng pandinig." Pilit kinukumbinsi ng ama ang kanyang sarili na baka mali ang narinig niya. "Kailangan mo ba talaga akong pilitin mag trabaho para sa pera? Marami na tayong pera, daddy." Nakangiting sabi ni Diem. "Ayokong mag work, dad, beside ako lang naman ang nag-iisang anak mo na magmamana ng lahat ng ari-arian mo." Hindi maipagkakaila ang disappointment na nararamdaman ng matandang lalaki. Pigil hininga niyang pinagmamasdan ang kilos ng kanyang anak. "Paano ka nakakasiguro na bibigyan kita ng mana?" Giit ng kanyang ama. "It's obvious naman na ako lang naman ang anak mo, dad. Syempre, sa'kin lahat mapupunta ang yaman mo." Lumingkis ang dalaga sa braso ng kanyang ama. Yinakap niya ito ng mahigpit na parang walang nangyari. "Ako lang naman ang anak mo, right, dad?" May bahid ng lungkot ang pananalita ng dalaga nang itanong niya 'yun sa kanyang ama. Tumaas ang kilay ng matanda. Naguguluhan siya sa kinikilos ng kanyang anak. Alam niyang na-spoiled ng sobra si Diem pero nasa tamang edad na siya para mamuhay ng mag-isa. Kailangan niyang matutunan kung paano kumayod para matustusan ang sarili. Kailangan niyang malaman ang takbo ng buhay at kung paano siya makaka-survive with his help nor his money. "Listen to me, Diem." Inalis ng ama ang braso ng dalaga. Lumayo siya ng kaunti rito. "Listen to me, okay? I want you to grow up. I want you to explore, to learn on your own. I want you to live without my help or money. I want you to be independent, anak." Masakit man sa dibdib ngunit kailangan ng ama na pilitin ang kanyang anak na mamuhay ng mag-isa para sa ikakabuti nito. “NO!” Pagtanggi ni Diem. “Hindi ako mag ta-trabaho. Ayokong mag trabaho. I don't want to be independent. And that's my final answer, dad!” “Diem, anak, kung hindi ka magta-trabaho anong gagawin mo rito sa bahay? Maghapon tatambay?” “Yes, dad, and beside there's nothing wrong sa pagiging tambay. Could you respect my decision, dad? Aside from that, will you please stop forcing me to work on something that I don't want to do. I'm not your employee neither a slave, tss.” “But you're my daughter, Diem, whether you like it or not magta-trabaho ka. You must learn how to earn money. Hindi ‘yung umaasa ka sa pinaghirapan ko.” “Dad!” Hinampas ng dalaga ang balikat ng kanyang ama. “I said no! I don't like to work. Isa akong taga pagmana tapos pagtatrabahuhin mo ako?” “Kahit ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ko hinding-hindi mapupunta sa'yo lahat ng pinaghirapan ko. Ni singko wala kang makukuha sa akin.” Pangduduro sa kanya ng ama. Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “Dahil lang sa ayaw kong mag trabaho hindi mo na ako bibigyan ng mana? Napaka unfair mo naman, dad! Sobrang unfair mo!” “I‘m your father, Diem, you have no right to question my decision especially ngayon pa na ganiyang attitude ang pinapakita mo sa akin. Do you think may makukuha kapa sakin? Wala na, anak.” Para sa isang ama na katulad ni Dimeon napakasakit na makita ang kanyang anak na walang pangarap. Na walang patutunguhan ang buhay... kahit na gaano pa karami ang pera niya hinding hindi mababago ang walang kwentang pananaw ng kanyang anak. Nakakapagtaka lang at kung bakit mas mukhang pinapahalagahan pa ni Diem ang kayamanan na pinaghirapan niya kaysa sundin ang payo niya. “Then, don't you dare to call me, ‘anak’, again! I'm not your daughter anymore!” Habang tumatagal ang kanilang pag-uusap mas lalo lang lumalala ang pambabastos na ginagawa ni Diem sa kanyang ama. “Are you threatening me, Diem Elizabeth?” Matikas ang pagsasalita ni Dimeon. Mukhang hindi na rin siya makapagtimpi dahil sa basurang pag-uugali ng kanyang anak. “Oh. Are you threatened, dad?” Ngumisi si Diem. “It seems like you're afraid of losing your only beautiful daughter, dad.” She smiled widely. “Sure. Sa oras na‘to, wala na tayong koneksyon sa isat-isa. Hindi na tayo mag-ama. Wala na akong anak. Wala kana ring ama. Isipin mo nalang at hindi tayo magkakilala. Kaya naman umalis kana sa pamamahay ko!” Masama ang loob ng Dimeon sa tabas ng pananalita ng kanyang anak. For 22 years parang nauwi lang sa wala lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sa kaisa-isang babaeng anak niya. “Yaya! Manang!” Nakakatakot na pagtawag ang sumalubong sa silid-tulugan ng mga kasambahay. “Paki-ayos lahat ng mga gamit ni Diem Elizabeth!” Napansin naman ni Manang Rita ang itsura ng kanyang alaga. “Anak, Dimeon, anong nangyari?” Pilit niya pinipigilan na hindi maluha. Nauna nang umalis ang tatlong kasambahay sa silid-tulugan nila. “Dimeon, iho, ano bang nangyari? Bakit malungkot ka?” Sinandal ni Dimeon ang kanyang kamay sa pinto. Tumalikod siyak kay Manang Rita. “Huwag mo sana akong pag-isipan ng masama, anak, pero ano ba talagang nangyari? Nag away na naman ba kayong dalawa?” “Habang tumatagal mas lalong tumitigas ang ulo ni Diem. Mas lalong nagbabago ang pag-uugali niya–lumalala na siya.” “Hindi ka paba nasanay sa kanya? Alam mo namang mula pagkabata ganiyan na ‘yan. Masyado mo kasing in-spoiled.” “Iyon nga ang mali ko, Manang, hinayaan ko siyang maging kampante sa buhay namin ngayon. Hinayaan ko siya sa lahat ng bagay na gusto niya. Sa tingin mo ba mali ang pagpapalaki ko sa kanya?” “Inaamin ko masyado kang naging busy sa kompanya, sa trabaho. Siguro kaya naging ganiyan ang ugali ni Diem ay dahil wala siyang nakakasama maski sa pagkain.” Lumaking walang kinikilalang Ina si Diem kaya napakahirap para kay Dimeon na palakihing mag-isa ang kanyang anak. Sanggol palang si Diem nang iwanan sila ng babaeng minahal at pinagkatiwalaan niya. “Pero ginagawa mo naman lahat ng makakaya mo para maging maayos ang buhay niya...” dagdag pa ni Manang. Matagal ng nagta-trabaho si Manang Rita sa pamilyang Puerriah. Siya ang nag-alaga kay Dimeon. Kaya kabisado na niya ang pag-uugali nito, kahit ang takbo ng isip niya. “Siguro hindi lang sapat na ibigay ko lahat ng materyal na bagay sa kaniya.” Matagal na pinag-isipan ni Dimeon kung ano ang gagawin niya sa kanyang anak. “Kailangan kong pumunta sa Japan.” “Sandali nga, Dimeon anong gagawin mo sa Japan? Ano na naman ang pumasok sa isip mo at balak mo na namang iwanan ang anak mo rito?” “Gustuhin ko man na isama siya pero hindi pwede. Magpapaliwanag nalang ako sa kanya pagkabalik ko ng bansa.” “Hanggang kailan ka mag stay sa Japan?” “Two months or more than a year. I don't know, Manang. Hindi ko pa talaga alam kung hanggang kailan ako ro‘n. May kailangan lang akong asikasuhin. For the meantime, huwag ka muna magtanong, Manang, tatawagan nalang kita.” Naguguluhan man si Manang Rita sa biglaang pag-alis ni Dimeon, wala na rin siyang nagawa kundi intindihin ito. Naniniwala siya na may rason kung bakit hindi niya pa magawang sabihin ang rason kung bakit siya aalis. “Bukas na bukas din ipapadala ko si Diem sa probinsiya–sa anak ng matalik kong kaibigan.” “Anong ibig mong sabihin, Dimeon? Papaalisin mo ang sarili mong anak?” “I have no choice, Manang, I need to do that para matuto siya. Kung hindi ko siya ilalayo sa lugar na ito–sa buhay na sa isang pitik lang niya nakukuha niya agad baka tumanda siyang walang alam.” “Pero, Dimeon, isipin mo naman ang anak mo. Kailangan ka niya. Baka kaya nagiging ganiyan siya ay dahil kailangan niya ng atensyon mo–ang atensyon ng isang ama, ng magulang.” “Alam ko po iyon, Manang, pero kailangan kong gawin ‘to. Kailangan kong umalis ng bansa para sa ikakabuti niya.” “Tiyak na masasaktan ang nag-iisang anak mo kapag nalaman niyang aalis ka.” “Ito lang ang tanging paraan para maging maayos siya. Ipapadala ko siya sa probinsiya para pakasalan ang anak ng yumao kong kaibigan.” “Dimeon!” Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Manang Rita. “Nababaliw kana ba? Ano ba ang tumatakbo sa isip mo? I-iwanan mo nga ang anak mo tapos ipapadala mo lang siya sa probinsiya para mag-asawa? Nag-iisip ka ba?” “Manang, para sa kinabukasan po ni Diem ang ginagawa ko. Soon, maiintindihan niyo rin akong dalawa.” “Hindi, Dimeon, ako palang naguguluhan na sa kinikilos mo, ‘yun pa kaya ang sarili mong anak na mas matigas ang ulo kaysa sa'yo? Paniguradong magtatanim ng galit ang batang iyon sa'yo.” Sapo-sapo na ni Manang Rita ang kanyang noo. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Dimeon. Ngayong pupunta siya sa Japan sa hindi malaman na dahilan, baka lumala lang ang sitwasyon. Na baka sa pag-uwi niya hindi na siya kilalaning ama ng sarili niyang anak. Baka dumating ‘yung araw na maisipan na naman ni Diem na wakasan ang kanyang buhay kagaya ng ginawa niya noon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
28.8K
bc

Just Got Lucky

read
141.5K
bc

The Luna He Rejected

read
101.9K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
92.9K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
10.0K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.0K
bc

Cruel Love

read
773.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook