Chapter Two

1444 Words
Early in the morning, Dimeon was already in the grand dining hall, tahimik na kumakain. Tulad ng nakasanayan, tahimik ang paligid—walang masyadong ingay, kundi ang kaluskos ng kutsara sa plato. But today felt different. Kapansin-pansin ang hindi pagbaba ng kanyang anak para sa agahan. Diem was never early, but she was never this late either. He checked his watch, and it was already 7a.m. Tapos na siyang kumain ngunit wala pa rin ang kanyang anak. "Hmm," he murmured, taking a sip of his coffee while holding a newspaper. "She should be down by now." Napabuntong hininga siya. He wanted to believe it was just one of her usual mood swings—but deep inside, he knew something was wrong. Kahit kailan hindi pa siya nagkamali ng hinala. Or maybe something has been wrong for a long time. Nagdesisyon nang tumayo ang matanda. Sapo-sapo and dibdib habang umaakyat sa napaka-eleganteng staircase, bawat hakbang ay tila'y umaalingawngaw sa tahimik na hallway. Pagdating sa tapat ng kwarto ng kanyang anak, dali-dali niya itong kinatok. "Diem? Anak?" he called softly, kahit nangingibabaw pa rin ang pangamba. Walang sumagot. He knocked again, this time mas malakas pa na katok. "Diem, hindi kaba talaga lalabas? Alam kong gising kana." Still no reply. He hesitated for a second, then slowly turned the doorknob. Unlocked. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya and magulong kwarto—open suitcase on the bed, scattered clothes, and a note resting on top of a pillow. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Pinulot niya ang nagkalat na mga gamit ng kanyang anak kasama ang kapiranggot na sulat. "Don't look for me. You'll never understand what I need anyway." Dimeon froze as he read the note from her daughter. Sa unang pagkakataon, the powerful, unshaken businessman felt something he rarely allowed himself to feel. Panic. Fear. And guilt. He sank onto the edge of the bed, clutching the note. His lips moved slightly, whispering her daughter's name. "Diem..." Tila'y natauhan ang matanda nang marinig ang boses—boses na nanggagaling sa silid ng kanyang anak. Mahinahon ngunit puno ng pagtatanong. Dahan-dahan lumapit ang dikaputian na matandang babae, ang kanyang buhok ay sinlamig ng abo. Bawat yabag ay may bigat na pangambang baka tama ang kanyang nasa isip. Takot at awa ang bumabalot sa kanya habang papalapit sa matandang lalaki. "Anong nangyari, Dimeon? Bakit tila sinalanta ng bagyo ang silid na ito?" Biglang tumayo ang matandang lalaki. Wala siyang masabi. Tahimik niyang iniabot ang kapirasong papal sa may-edad na babae. Nangingig pa ang kanyang kamay. Tahimik naman na kinuha ito ng matandang babae. Habang binabasa, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha—mula sa pagkalito, tungo sa pangamba, at saka sa masalimuot na pangamba na baka mas lumala pa ang sitwasyon ngayon. Mariin na pumikit ang matandang babae. "Dimeon, anak..." mahina niyang tawag, pun ng pag-aalala at awa," Hindi mo ba siya hahanapin?" Hindi agad sumagot ang kausap nito. Sa halip dahan-dahan siyang naupo muli sa kama, Saka marahang hinimas ang kanyang noo. Sa kabilang kamay, hawak niya ang nag-iisang litrato nila ng kanyang anak—isang kupas na larawan, na halatang pinaglipasan na ng panahon. Ang una at huling litrato na magkasama silang dalawa. Larawan ng isang masayang alaala, ngunit sa likod ng ngiting iyon ang nakakubli na masakit na katotohanan. "Pang-ilang bases na ba niya ito ginawa, Manang?" halos bulong niyang tanong, pilit pinapakalma ang nanginginig niyang tono, "Paglalayas ang lagi niyang ginagawa sa tuwing pinagsasabihan ko siya... sa tuwing sinusubukan kong itama ang mga ginagawa niya." Lumapit si Manang Rita, marahang naupo sa tabi ng kanyang alaga. "Bakit hindi mo nalang sa kana sabihin ang totoo? Marahil sa paraan na iyon ay mas maintindihan niya?" Pilit na tawa ang lumabas sa bibig ni Dimeon—hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa matinding pagkabigo. "At ano ang sasabihin ko sa kanya, manang?" bakas ang pait sa kanyang tinig, hindi maipinta ang kanyang mukha. "Na, anak, pasensiya na, mas pinili ko ang negosyo kaysa maging ama?" sa pilitan siyang tumawa at tumayo. "Dimeon, alam kong alam mo kung ano ang pinupunto ko," nanggagalaiting sambit ng matanda, sabat tayo at turo sa kanya. "Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat. Pero kailangan niyang maramdaman ang sinsiridad mo. Kailangan niyang makita na importante siya sayo, na binibigyan mo ng importansiya kung ano man ang mararamdaman niya." Hindi nakatingin si Dimeon. Nakayuko na lamang siya, pinipigilan ang sariling damdaming matagal nang kinikimkim. His eyes were torn between letting the tears fall or holding them back—just like he always did. "Mahirap, Manang," mahinahong tugon niya. "Katulad niya hindi pa rin ako handa." "Anak, hindi mo kailangang maging handa para sabihin sa kanya ang katotohanan." "Manang, napaka-imposible naman ata ng sinasabi mo. For a daughter like her," salit siyang napahinto, pilit nilulunok ang bigat ng salita, "na lumaking walang yakap, walang kwento, walang gabay mula sa akin...paano niya matatatanggap ang totoo?" Tumayo ang matanda at lumapit sa kanyang alaga, "Tutulungan kitang ipaintindi sa kanya." "Matigas ang batang iyon. I know you know that too, Manang. She doesn't listen. She always complains, always looking for something. She always gets what she wants—even when she does nothing to deserve it." Manang Rita shook her head gently, but her voice remained calm. "O baka naman kaya siya laging may hinahanap ay dahil may matagal na siyang hindi nahanap sa'yo." The room fell silent. Tanging ang mahinang tunog ng orasan ang naririnig sa pagitan nila. "Hindi lahat ng binibigay mo ay kailangan nica," dugtong pa ni Manang. "Minsan, ang hinahanap o hinihingi ng isang anak ay hindi regalo o kahit anumang materyal na bagay, kundi 'yung presensiya at pagmamahal ng isang magulang." "I love her, Manang. I love her..." He paused, swallowing the lump in his throat, his gaze fixed on the photograph in his hand. "Babalik din ang batang iyon. Nasa tamang edad na siya to make her own decisions," dagdag pa ni Dimeon. Tanging pag-iling na lamang nagawa ni Manang Rita. "Kung gaano katigas ang ulo ng anak mo, ganoon din katigas ang puso mo. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit ganyan siya umasta." Tahimik si Dimeon, ngunit bakas sa kanyang mga mata ang kirot na pilit niyang nilulunok. Ayaw niyang aminin na tama ang sinasabi ni Manang Rita, lahat nang sinambit nito ay pawang katotohanan lamang. "Lumaki siyang walang amang umaalalay sa kanya sa tuwing siyaa ay nadadapa, walang inang nagpapatahan sa tuwing umiiyak siya. Lumaki siya na puno ng mga tanong—mga tanong na hindi niya maintindihan, at walang gustong sumagot. At hanggang ngayon, patuloy niyang hinahanap ang isang bagay na hanggang ngayon ay hindi mo maibigay. Isang bagay na hindi mo kailanman naibigay—kahit sanayin mo siya sa mga materyal na bagay hindi ka niya titigilan." Dimeon was snapped back to reality when his cellphone rang. He immediately took it out of the pocket of his pants. "Sagutin mo." Tanging sambit ni Manang Rita. Sapilitang ngumiti ang kanyang kausap, at sinagot ang tawag. "Modotte kite kudasai." Agad na binaba ni Dimeon ang tawag at hinarap ang matanda. "I need to go back to Japan." "Aalis kana agad? Akala ko ba sa susunod na buwan pa ang alis mo?" tanong ni Manang Rita, halatang nabigla. "Manang, it's an urgent mater," sagot ni Dimeon, habang inaayos ang lumang litrato na hawak niya— maingat niya tong ibinalik sa mesa. "Paano ang anak mo? Hindi mo man lang ba siya tatawagan? Hindi mo ba siya hahanapin?" sunod-sunod na tanong ni Manang, puno ng pag-aalala ang kanyang tinig. "Hindi naman siya limang taon gulang para hindi makauwi," malamig ngunit pagoda na sagot ni Dimeon. "Sanay na siyang lumayo, lumayas sa tuwing pinagsasabihan ko siya, at sanay na rin akong maghintay." Tahimik silang lumabas sa silid ng dalaga. Sa kanyang huling sulyap, naglabas ng malalim na buntong hininga si Dimeon. "Huwag n'yong lilinisin ang kanyang solid," mariin na utos into bago tuluyang bumaba sa hagdan. "Kung paano niya ito iniwan, ganoon niya rin ito babalikan." Kagaya nang sinabi ni Dimeon, wala siyang planong hanapin ang kanyang anak dahil alam niyang kusa rin itong babalik—hindi dahil sa wala siyang pakialam, kundi gusto niya itong matuto. He wants her to reflect on her actions, to feel the silence, perhaps sa pagpo-protesta maintindihan niya yung mga bagay na pilit niyang sinusuway. It has never been easy for a father to manage her stubborn daughter. But for some reason, leaving her might be the only way for her to grow up—to reflect, and to widen her perspective about life. Kung dumating man ang araw na handa na siyang makinig, he will not hesitate to tell her the truth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD