Galit at pagkabigo ang tanging nararamdaman ni Diem habang nasa byahe. Mas nangibabaw ang kanyang galit sa ama—sa ama na animo'y walang pakialam sa kaniya. Na kahit ilang beses pa siyang magmakaawa, sadyang hindi siya pinakikinggan nito.
Sa bawat mabibigat na salita nitong sinambit at malamig na pakikipag-usap sa kanya, pakiramdam niya’y wala siyang halaga. Iniisip niya na baka isa lamang siyang responsibilidad na gusto na nitong iwasan. Iwanan na parang walang nangyari—sana ganoon lang din kadali, sana maging madali din sa kaniya na itakwil ito.
Masakit.
Nakakahiya.
Nakakalungkot.
Ito ang mga nararamdaman ng dalaga habang binabagtas ang daan patungo sa kanilang tahanan. Nang dahil sa kanilang alitan, dali-dali niyang nilisan ang kanilang tahanan. Hindi siya nagdalawang isip kung tama nga ba ang kanyang gagawin o hindi. Inaasahan niya na sa oras na malaman ng kanyang ama na siya’y lumayas, hahanapin siya nito.
Bigo ang kanyang mga paa nang pagbuksan siya ng gate.
“Iha, saan kaba nanggaling? Bakit ngayon ka lang?” salubong na tanong sa kaniya ni Manang Rita.
Mas nararamdaman pa ng dalaga ang pagmamahal at pag-aaruga sa kanilang manang kaysa sa tunay niyang ama.
“Manang, hindi niyo man lang ako hinanap?” Mangiyak ngiyak na sambit nito habang papaupo sa sofa. Malapit ang dalawa sa isat’-isa dahil ito rin ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata. “Where is he?” tukoy niya sa kaniyang ama.
Binalot ng katahimikan ang buong kabahayan. Tanging malalim na paghinga lamang ang maririnig sa loob ng sala.
Natigilan sa pagpapalitan ng tingin ang dalaga at matandang babae nang mapansing pababa ang matandang lalaki habang inaayos ang kaniyang rolex na relo.
Maingat ang bawat hakbang nito sa hagdan, maangas ang tikas, at tila walang bahid ng pagkakabahala sa kanyang mukha.
Kasabay ng pagkumpas ng kamay sa manggas ng kanyang barong, bahagya siyang tumikhim bago tumingin sa direksyon ni Diem.
“Oh, you're back.” malamig nitong sambit. "What are you doing here? Hindi ba naglayas ka."
Napayukom ng kamao ang dalaga. Hindi niya inaasahan na iyon lang ang sasabihin ng kanyang ama matapos ang lahat.
“That's it? Akala mo lang? Wala man lang ‘kamusta ka’? Wala man lang tanong kung nasaan ako o kung ligtas ba ako?”
Saglit na katahimikan. Tila iniisip pa ng matandang lalaki kung papatulan ang usapan.
“Nag-iwan ka ng letter diba, sinabi mong huwag kang hanapin. Don't tell me you're expecting na pagaaksayahan ka panahon at oras para hanapin kapa?"
Tikom ang bibig ng dalaga. Napagtanto niya ang sulat.
"So, kahit anong gawin ko, hindi mo talaga ako hahanapin?" pagtatanong niya.
"I'm done with your nonsense, Diem. You always leave this house after an argument, and now you expect me to waste my time on your games?"
Hindi maipagkakaila ang pagkadismaya ng dalaga. Walang pakialam sa kanya ang ama nito.
"Dad!" pigil hininga niyang sigaw.
"I wasn’t raised to be emotional, Diem,” sagot nito, habang lumalapit sa console table at kinukuhang muli ang kanyang susi’t pitaka. "You want to leave, then leave. Do not expect me na pipigilan kita. But if you want to come back here, I will not stop you. This is still your home.”
Bahagyang napatawa ang dalaga sa kaniyang narinig, mapait at puno ng hinanakit. “Home? You call this a home?” She looked around—the cold living room, the perfectly arranged furniture, the silence that screamed louder than words.
“Dad, a home is not just a building with luxury furniture, delicious food, or expensive chandeliers.”
A home is where you feel safe even when you are broken.
A home is where someone listens even when you do not speak.
It is a place where love exists—not in grand gestures, but in the smallest acts of care.
Lumapit siya sa ama, huminto sa tapat nito. Magkalapit sila, ngunit ramdam ang pagitan sa kanilang dalawa—tila hindi magkakilala.
“I was raised without a mother,” tumigil siya saglit, “ikaw, kahit nandito ka, pakiramdam ko ang layo-layo mo.”
“Ano na naman ba ito, Diem? Another episode of your drama?” naiiritang tanong ng kanyang ama.
Drama?
Parang latigong dumampi sa balat ang salitang iyon. Drama lang pala ang sabihin ang kanyang nararamdaman. Isang drama lang ang lahat ng gusto niyang iparating—lahat ng hinanakit, tampo, takot, at pangungulila.
“Napakatigas mo. Ang tigas tigas mo, Dad.”
Bumaga ng hangin ang dalaga, pilit na kinakalma ang sarili, pero halata ang panginginig ng kanyang boses.
Sa halip na amuin ang anak, muling tumalikod ang matanda, he took his coat from the rack and cleared his throat softly.
“I do not like this, Diem. You are making a mess; you look like a mess. If you cannot control your emotions, maybe you need some space.”
Diem felt shattered once more by his cold response. Para siyang ilang ulit na sinasaksak sa mga binitawan nitong salita—but this time, she did not back down. She did not cry. She just nodded.
“Maybe, you’re right,” she replied calmly.
Sa isip ng dalaga, siguro tama ng ama kailangan muna nila ng space para makapag-isip ng maayos. Kahit gaano niya pa kagustong saktan ang ama, hindi niya magawa. Mas pinili niyang manahimik at respetuhin ang desisyon nito.
Tumalikod na ang dalaga.
“Dimeon, hindi kana ba mapipigilan sa pag-alis mo?”
Napalingon ang dalaga sa ama. “Dad, aalis kana naman?”
“Not now, Diem.”
“Dad, please…”
“Tomorrow morning someone will pick you up. Get some sleep.”
At tuluyan na ngang umalis ang kaniyang ama. Kumaripas siya ng takbo sa kanyang silid, pakiramdam niya tuluyan na siyang iiwan nito.
Pagkapasok niya sa silid, bumungad ang nagkalat niyang mga gamit. Kung paano niya ito iniwan, ganoon niya rin nadatnan. Walang nagalaw sa mga gamit, at wala man lang nagtangka na ligpitin ito.
"I hate you, dad!" sigaw niya habang pinipigilan ang pag-iyak. "I hate you!" ulat niya, mas malakas, kasabay ng pagkalat pa kanyang mga gamit.
If there is one thing Diem kept praying for, it was to feel—even just once—that she mattered. Not as the daughter of a wealthy businessman. Not as an heiress.
But as a person who has the right to be loved and heard.
Maybe being loved was a luxury she was never meant to afford.