Chapter One
"Diem, what's your plan?"
"P-lan? I don't have a plan for today, dad. Why?"
"Diem, I'm serious. Anong plano mo sa buhay? Almost two years na mula nang magtapos ka sa kolehiyo. Anong balak mo ngayon?"
"Do I really need to answer that kind of question, dad? For pete sake! Can't you see I'm busy?"
Nagpatuloy lang sa pagkuha ng litrato ang dalaga upang may ma-post sa kanyang social media accounts.
"I know that you're busy..." his father let out a heavy sigh, the weight of unspoken worries in his breath. "You're just wasting your time with these useless things." he pointed to the scattered makeup kits, unfinished sketches, and headphones tangled on the desk.
"Tell me—do you really think any of this will give you a better future?"
She just shrugged, "Dad, not now, please... I'm begging you."
The old man closed his eyes, unable to hide the disappointment that washed over him. "Do you really have any plans for yourself?"
"Plans?"
"Do I really need to make plans for myself?" tila may galit sa bawat salitang binitiwan niya.
Her father just shook his head, dismayed by her sudden outburst, "At tinataasan mo na ako ng boses? I'm your father, Diem Elizabeth! You're in my territory!"
"Dad, ano ba!" she rolled her almond-shaped eyes, framed by long lashes. "You're getting on my nerves!" How many times do I need to tell you that I'm busy? Can't you understand that? I'm busy! So please don't disturb me. I need to upload a picture today. "
She just stood up and pretended like nothing had happened.
"Masyado ka nang pabigat sa bahay na to Diem." pailing-iling na sambit ng kanyang ama.
Awtomatikong napatigil sa pagkuha ng litrato ang dalaga. "Dad, you're so mean to me. What do you want me to do? Ito ba?" she pointed her iPhone 16 pro at binato iyon sa kung saan. "Happy?"
"Grow up, Diem Elizabeth!" he shouted. "You're not a kid anymore! Kailan kaba magtitino?"
"Matino naman ako, Dad." she smiled bitterly, "Hindi ko lang maintindihan kung bakit galit na galit ka sakin." she walked away, leaving her father alone in the living room.
Napailing na lamang ang kanyang ama. "I want you to grow up na naaayon sa edad mo, anak. Hanggang kailan kaba magiging isip bata?"
"I'm still a kid, dad. I'm still your child. I don't need to change myself para lang matanggap mo ako."
"Wh-aat? Oh, come on! What kind of thinking is that? You're not listening to me. Kung umasta ka parang hindi kita nabigyan ng magandang edukasyon." His father slowly sat on the sofa, the weight of disappointment pulling him down. "Baka nga kailangan mo pa mag-aral para mas maging edukada ka."
If there is one mistake a father ever made for his child, it was allowing his daughter to grow too comfortable and complacent in their luxury life. Masyadong dumepende ang kanyang anak sa kanya.
"I hate you, Dad! I hate you! If Mom were here, she'd definitely be mad at you!"
"Yes, if she were here—but she's nowhere to be found." Her father faked a smile." Enough with the nonsense." Her father stood up.
"You're going to start working in our company—end of discussion."
"Why are you forcing me to work in the company? Kulang paba 'yung perang kinikita mo sa kompanya?"
"What did you say?" Tila'y nabingi ang kanyang ama sa kanyang sinabi. "Did I hear that wrong?" pailing-iling ang kanyang ama.
"Do you seriously have to force me to work just for the sake of money?" napahalakhak ang dalaga. "Dad, marami kang pera. "You're rich, you're a famous and respectable business person." Nakangiting sabi ni Diem. "Besides, I don't want to work. I'm your only daughter—and the sole heir to your company and other inheritance. Isn't that enough?"
Hindi maipagkakaila ang disappointment na nararamdaman ng matandang lalaki. Pailing-iling lamang siyaa habang pinagmamasdan na umaakyat ang dalaga sa pangalawang palapag.
"How sure are you na may mamanahin ka?" Giit ng kanyang ama.
"Oh, come on dad. It is very obvious. I'm your only unica iha. Syempre, sa akin lahat mapupunta ang yaman mo." Nanatiling nakatayo sa hagdan ang dalaga. "Ako lang naman ang anak mo, right, dad?" May bahid ng lungkot ang pananalita ng dalaga nang itanong niya 'yun sa kanyang ama.
Alam ng matanda na spoiled niya ito pero hindi na tama na dumepende na lamang sa kanya ang kanyang anak. Kailangan niyang matutuhan kung paano kumayod para matustusan ang sarili. Kailangan niyang malaman ang takbo ng buhay at kung paano siya makaka-survive na hindi humihingi ng tulong sa kanya.
"Listen to me, okay? I want you to grow up. I want you to explore, to learn on your own. I want you to live without my help or money. "I want you to be independent."
Masakit man sa dibdib ngunit kailangan ng ama na pilitin ang kanyang anak na mamuhay nang mag-isa para sa kapakanan nito.
“NO!” Pagtanggi ni Diem. “Hindi ako mag ta-trabaho. Ayokong mag trabaho. I don't want to be independent. And that's my final answer, dad!”
“Diem, anak, kung hindi ka magtatrabaho anong gagawin mo rito sa bahay? Maghapon tatambay?”
“Yes, dad, and besides there's nothing wrong sa pagiging tambay. Could you respect my decision, dad? Aside from that, will you please stop forcing me to work on something that I don't want to do? I'm not your employee, nor a slave—I am your daughter."
“Yes, you're my daughter, Diem, whether you like it or not magtatrabaho ka. You must learn how to earn money. Hindi ‘yung umaasa ka sa pinaghirapan ko.”
“I said no! I don't like to work. Isa akong taga pagmana tapos pagtatrabahuhin mo ako?”
“Kahit ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ko hinding-hindi mapupunta sa'yo lahat ng pinaghirapan ko. Ni singko wala kang makukuha sa akin.” Pangduduro sa kanya ng ama. Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.
“Dahil lang sa ayaw kong mag trabaho hindi mo na ako bibigyan ng mana? Napaka unfair mo naman, dad! Sobrang unfair mo!”
“I’m your father, Diem, you have no right to question my decision, especially ngayon pa na ganiyang attitude ang pinapakita mo sa akin. Do you think may makukuha kapa sakin? Wala na, anak.”
Para sa isang ama na katulad ni Dimeon napakasakit na makita ang kanyang anak na walang pangarap. Na walang patutunguhan ang buhay. Kahit na gaano pa karami ang pera niya hinding hindi mababago ang walang kwentang pananaw ng kanyang anak.
“Then, don't you dare to call me, ‘anak’, again! I'm not your daughter anymore!”
Habang tumatagal ang kanilang pag-uusap mas lalo lang lumalala ang pambabastos na ginagawa ni Diem sa kanyang ama.
“Are you threatening me, Diem Elizabeth?” Matikas ang pagsasalita ni Dimeon. Mukhang hindi na rin siya makapagtimpi dahil sa basurang pag-uugali ng kanyang anak.
“Are you threatened, dad?” Ngumisi si Diem. “It seems like you're afraid of losing your only beautiful daughter, dad.” She smiled widely.
“Sure. Sa oras na‘to, wala na tayong koneksyon sa isat-isa. Hindi na tayo mag-ama. Wala na akong anak. Wala kana ring ama. Isipin mo nalang at hindi tayo magkakilala. Kaya naman umalis kana sa pamamahay ko!” Kumaripas ng takbo ang dalaga patungo sa kanyang silid.
Masama ang loob ng Dimeon sa tabas ng pananalita ng kanyang anak. For 22 years parang nauwi lang sa wala lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sa kaisa-isang babaeng anak niya.
“Manang!” Nakakatakot na pagtawag ang sumalubong sa silid-tulugan ng mga kasambahay. “Paki-ayos lahat ng mga gamit ni Diem Elizabeth!”
Napansin naman ni Manang Rita ang itsura ng kanyang alaga. “Anak, Dimeon, anong nangyari?” Pilit niyang pinipigilan ang tubig sa kanyang mata na nagbabadya nang tumulo.
Nauna nang umalis ang tatlong kasambahay sa silid-tulugan nila. “Dimeon, iho, ano bang nangyari? Bakit malungkot ka?”
Sinandal ni Dimeon ang kanyang kamay sa pinto. Tumalikod sica kay Manang Rita.
“Hindi naman sa nanghihimasok ako pero ano ba talagang nangyari? Nag away na naman ba kayong dalawa?”
“Habang tumatagal mas lalong tumitigas ang ulo ni Diem. Mas lalong nagbabago ang pag-uugali niya–lumalala na siya.”
“Hindi ka paba nasanay sa kanya? Alam mo namang mula pagkabata ganiyan na ‘yan. Masyado mo kasing in-spoiled.”
“Iyon nga ang mali ko, Manang, hinayaan ko siyang maging kampante sa buhay namin ngayon. Hinayaan ko siya sa lahat ng bagay na gusto niya. Sa tingin mo ba mali ang pagpapalaki ko sa kanya?”
“Inaamin ko masyado kang naging busy sa kompanya, sa trabaho. Siguro kaya naging ganiyan ang ugali ni Diem ay dahil wala siyang nakakasama maski sa pagkain.”
Lumaking walang kinikilalang Ina si Diem kaya napakahirap para kay Dimeon na palakihing mag-isa ang kanyang anak. Sanggol palang si Diem nang iwananan sila ng babaeng minahal at pinagkatiwalaan niya.
“Pero ginagawa mo naman lahat ng makakaya mo para maging maayos ang buhay niya...” dagdag pa ni Manang.
Matagal nang nagtatrabaho si Manang Rita sa pamilyang Puerriah. Siya ang nag-alaga kay Dimeon. Kaya kabisado na niya ang pag-uugali nito, kahit ang takbo ng kanyang isip.
“Siguro hindi lang sapat na ibigay ko lahat ng materyal na bagay sa kaniya.” Matagal nang pinag-isipan ni Dimeon kung ano ang gagawin niya sa kanyang anak. “Kailangan kong pumunta sa Japan.”
“Sandali nga, Dimeon anong gagawin mo sa Japan? Ano na naman ang pumasok sa isip mo at balak mo na namang iwanan ang anak mo rito?”
“Gustuhin ko man na isama siya pero hindi pwede. Magpapaliwanag nalang ako sa kanya pagkabalik ko ng bansa.”
“Hanggang kailan ka mananatili sa Japan?”
"It might be months or more than a year. I don't know, Manang. Hindi ko pa talaga alam kung hanggang kailan ako roon. May kailangan lang akong asikasuhin. For the meantime, huwag ka munang magtanong. Tatawagan nalang kita.”
Naguguluhan man si Manang Rita sa biglaang pag-alis ni Dimeon, wala na rin siyang nagawa kundi intindihin ito. Naniniwala siya na may rason kung bakit hindi niya pa magawang sabihin ang rason kung bakit siya aalis.
“Bukas na bukas din ipapadala ko si Diem sa probinsiya—sa anak ng matalik kong kaibigan."
“Anong ibig mong sabihin, Dimeon? Papaalisin mo ang sarili mong anak?”
“I have no choice, Manang, I need to do that para matuto siya. Kung hindi ko siya ilalayo sa lugar na ito–sa buhay na sa isang pitik lang niya nakukuha niya agad—baka tumanda siyang walang alam.”
Bakas sa mukha ng matanda na hindi na siya mapipigilan pa. Mukhang buo na rin ang desisyon nito na ilayo ang kanyang anak at kasabay noon ang paglayo niya. Pauunahin niya munang makaalis and dalaga bago ito lumisan ng bansa.