Share:

Si Dok at Si Mam(Completed)

READING AGE 16+

bluemama-pilipinas Romance

2816 reads

Dalawang nilalang na magkaiba ang mundong ginagalawan ang pinagtagpo sa magkaibang pangangailangan. Ang isa ay para sa kaligtasan ng mahal sa buhay at ang isa ay para maibsan ang pangungulila.

Si Leonard ay isang doctor na halos ay wala ng oras para sa sarili. Maaga siyang naulila sa asawa dahil sa isang trahedya. Dahil sa tawag ng kanyang propesyon ay nawawalan na rin siya ng oras sa nag-iisa niyang anak. Makahanap pa kaya siya ng magpapatibok ng kanyang puso sa pangalawang pagkakataon?

Si Jasmine ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap. Pangarap niya ang makapagtapos ng kolehiyo para sa mga magulang at mga kapatid. Pangarap din niya ang makatagpo ng isang lalake na mamahalin at pag-aalayan ng kanyang pagkabirhen. Ngunit isang trahedya ang nagpabago ng kanyang buhay. Wala siyang pagpipilian kundi isakripisyo ang kanyang pinaka-iingat-ingatan. Paano na ang kanyang mga pangarap kung magiging dahilan ito ng pagkasira ng kanyang pagkatao?

Malampasan kaya ng ating mga pangunahing tauhan ang mga pagsubok na darating sa kanilang buhay?

Abangan ang mangugulo sa buhay ng ating mga bida.

Unfold

Tags: one-night standfamilydoctordramatragedysweetbxgoffice/work placelonelyteacher
Latest Updated
Chapter 17

Chapter 17

“Hello Nurse. You’re new here.” Bati ng doktorang pumasok sa suite ni Jas. Nakamask ito at PPE suit.

Tumango ang nurse na tinanong. Binasa ng nurse ang name tag ng doktora. “Dra. Lapig, okay naman po ang pasyente.”

“Good,” wika nito sa Nurse. Ina-adjust na nito ang flow control ng dextrose ng pasyente. “It’s time fo……

Comment