CHAPTER I
Galingan mo pa sa hamon ng buhay, kaya mo ito kahit anong mangyari magtatagumpay ka, nandito na tayo sa huling hakbang para makatapos, marami kanang napagdaanan, hindi ikaw ung basta bastang sumusuko, kaya mo yan! papasa ka! papasa ka!, Inhale, exhale ; tugon ni Dhalia sa kanya isip habang nakatingin sa gate ng University of Southern Island na may halong kaba sapagkat sya ay magtitake ng entrance exam para sa kursong Enhinyero.
Pumasok na sa campus , "good morning ija, bati ng mamang guard sa kanya.
Good morning din po, Kuya San po dito banda ang tumatanggap ng mga nag eenroll at yong mga nagtitake ng entrance exam para sa Engineering? tanong ni Dhalia sa guard.
Deritso ka lang tas kaliwa sa may punong kahoy na narra tas may kanto kanan ka, tas deritso ng kunti kanan ka ulit pangatlong building, may nakasulat College of Engineering., sagot ng mamong Guard.
Thank you po! , saad ni Dhalia
Sobrang ganda at lawak ng campus, maraming mga estudyante, yong iba naglalaro ng nagbabasketball, tennis, may kumakanta, may mga sumasayaw at yong mga bago nakapila rin para sa pagkuha ng entrance exam.
Hi, dito po ba pila para sa mga mag eentrance exam? , tanong nya sa babaeng nakapila.
Yes po, tugon naman nito sa kanya.
Kanina ka pa dito nakapila? tanong ni Dhalia
Hindi pa naman kakarating ko lang din, sagot sa kanya.
Nakaupo,naghihintay na sa pila. Lumupas ang ilang minuto.
Anong name mo? sunod na tanong ni Dhalia
Nicole, ikaw anong name mo? sagot sa kanya.
Dhalia Samonte, kaw anong Apelyido mo? Sagot naman niya.
Nicole Dela Cruz po, taga san ka? saad nito kay Dhalia.
Sa patuloy nilang pag uusap hindi nila namamalayan na next pala si Nicole.
Next! tawag ng interviewer
Pagkatapos sumunod si Dhalia.
Pagkalipas ng ilang oras tapos na lahat interviewhin, pinapasok na sila para magsimula ng magtake ng exam. Lahat tahimik, bawat isa nagsusumikap na masagutan ang bawat tanong para sa hinahagad na pangarap, walang minuto na pinalagpas, lahat kailangan masagutan ng tama para maipasa at makapasok sa gusto kursong. Ang iba nauunang matapos at ang iba nama'y naghahabol sa minutong natitirang.
Maya maya pa, nagsalita na ang guro na may hawak sa kanila.
"Okay Students, Tapos na ang 3 hours pass your paper na, tapos man o hindi. Mag titext nalang sa inyo kung nakapasa kayo, pagkatapos magreport kayo para sa mga requirements na need pa isubmit, okey po ba? naintindihan? sige yon lang po today, Goodbye and Goodluck to all of you. Ingat kayo sa pag uwi."
Makalipas ang ilang araw, may nareceive na text message si Dhalia na sya'y nakapasa at pinapareport sa susunod na araw.
Ito na to, Thank you Lord sa lahat, the best ka talaga, guide nyo po ako sa journey ma ito, sambit ni Dhalia na may halong excitement.
Sa mga sumunod na araw natapos na ang enrollment period, habang hindi pa nagsisimula sa klase umuwi muna si Dhalia sa kanila probinsya para magkaroon ng break bago sumabak sa pag aaral ng kolehiyo. Napadaan si Aling Tersing, at sakto nasa labas si Dhalia nagwawalis sa kanilang bakuran.
Oyy! Dhalia, nakapag enroll kana pala nuh, sana ayusin mo ang pag aaral ha, baka mamaya mabuntis ka kaagad o mag asawa, may boyfriend kana ba? ; Tugon ni Aling Tersing sa kanya na kapitbahay nila.
Ito naman po si Aling Tersing asawa agad, hehehe, pano po ako mag aasawa eh wala pa po akong boyfriend, pagmeron po ipapakila ko po sa inyo.; Sagot naman ni Dhalia
Hoy! hoy! hoy! magtigil ka nga dyan Dhalia, anong boyfriend?, anong asawa pinagsasabi mo? ha, mag aral ka nang mabuti ng sa ganon makatulong ka naman sa amin ng Papa mo,may mga kapatid ka pa na kailangan mag aral si Dan at si Amara, mabilis lang ang pag aasawa pero mahirap takasan,laging mong tatandaan ng hindi madali ang buhay may pamilya, maraming sakripisyo, kaya ikaw hangga't may chance na mag aral, mag aral ka ng mabuti, kami nga dati kahit gusto naming mag aral kaso walang pangtustus magulang namin. Wala ka pa nga napapatunayan asawa na agad nasa isip mo.; Sabi ng Nanay nya na Si Melda.
Si Nanay talaga kung saan saan na napunta, kung ano-anong sinabi, wala pa nga ho akong boyfriend, asawa agad. ; Sabit ni Dhalia
Ito naman Si Melda, wala ka nang magagawa kung talaga gusto na mag asawa ng anak mo, malay natin makatagpo yan agad, hindi mo matuturuan ang puso katulad sa inyo ni Alfonso. ;sagot naman ni Aling Tersing habang naglalakad papalayo sa kanilang bahay.
Hoy! ikaw ha sinasabi ko sayo Dhalia na pag aaral ang atupagin at asikasuhin mo, hindi ang pag boboyfriend. ; Sabi ni Melda
Opo Ma, Sagot naman nito.
Dapit hapon na ng lumabas si Dhalia ,may usapan kasi silang magkakaibigan na magkita kita sila kaya pumunta sya. Mga kababata at kaibigan nya sila James, Shaira at Erica, magkakaklase sila simula Elementary at Highschool, ngayong College sina James, Shaira at Erica sa ibang School nag entrance exam at papasok kaya minsan nalang sila magkikita kita sa mga susunod pang araw.
Habang naglalakad nakasalubong nya ang pinakaunang high school crush nya na sya lang nakakaalam. "Grabi ang gwapo nya parin, ang linis tingnan at ang bago bago parin nya". ang mga nasa isip nya habang tinatago ang kilig para hindi sya mahalata.
Napatigil sya nga kausapin sya nito.
Uy, Hi! Dhalia ikaw pala, san ka magkacollege, tanong sa kanya ng pinakacrush nya na si Jose Mathew
Hello, Sa ano, sa ano sa Southern Island.; nauutal na sagot nito.
Anong Course mo? sunod na tanong sa kanya.
Nagtry ako ng Engineering, ayon nakapasa naman, hehehe, Sagot naman ni Dhalia
Wow, galing naman, kaya mo yan matalino ka naman, sisiw lang yon sayo,(sabay tapik sa balikat nya), So pano, sige ingat nalang at Goodluck, nagmammadali kasi ako, may pupuntahan pa ako.; Sabi ni Jose Mathew
Sige, sige, Salamat! ikaw din.; maikling sagot nya.
OMG!!!(kinikilig pero hindi pinapahalata) kinausap nya ako, first time, kinausap ako ng crush ko, na heartrub ng campus (highschool) at alam nya pala pangalan ko, akala ko hindi (kinikilig parin)..Sabi ni Dhalia sa utak nya.
Nakarating na sya sa usapang venue, sya nalang din pala hinihintay ng kanya mga kaibigan.
Shaira: Ang tagal mo naman, Dhalia.
Erica: Oo nga, dahil late ka libre mo daw kami sabi ni James, hahaha.
James: Oo nga, future Engr. Dhalia, hahaha
Dhalia: Kayo talaga! Tara na, san ba tayo tatambay? KKK tayo sa food hahahha, wala na me datong.
Pumunta sila sa Plaza para tumambay at usap-usap, na para bang wala ng bukas yong tsimisan nila, na para bang miss agad ang isa't isa.
Dhalia: Uwi na tayo, medyo gabi na din
Shaira: Oo nga tara na.
Erica: Hayst! Bat kasi ang bilis ng oras, bukas Monday na start na ng collage days natin, Goodluck sa ating lahat.
Dhalia: Mamimiss ko kayo at yong mga ganitong bonding natin.
James: Oo nga eh, Chat !chat! or Call may messenger naman nuh, hahah nasa year 2026 na po tayo,hahahha. Anyways, Seryoso na, Goodluck din sa inyo.
Shaira: Goodluck sa atin Guys!
Dhalia: Goodluck, Goodluck sa atin kaya natin to, hahah. Tara na!
Kinabukasan, lahat ng mga estudyante ay nasa gymnassium para sa Orientation para sa mga first year at sinimulan ito ng pambansang awit ng Pilipinas na sinundan naman ng pagwelcome sa nga bagong estudyante.
Start na ang Klase sa lahat ng antas maging pribado man o pampublikong paaralan, maraming mga estudyante, yong iba maagang pumasok at yong iba naman ng hahabol na sapagkat ito'y late na. Hanap dito, hanap doon ng mga assign room.
San kaya banda ang Room ko, hindi ko mahanap, malilate na ako. ; Saad ni Dhalia sa isip nya lang.
Dhalia: Miss, pwed po magtanong saang Room po ni Sir Alejandro?
Estudyanteng napagtanungan: Hinahanap ko nga rin eh, first year palang po kasi ako, kaw din ba?
Dhalia: Oo, Engineering rin po ba cousre mo?
Estudyanteng napagtanungan: Opo, kanina ko pa din yon hinahanap hindi ko makita.
Anong name mo po?
Dhalia: Dhalia , kaw anong name mo po?
Estudyanteng napagtanungan: Angel Javier po, anong last name mo?
Dhalia: Samonte po. Tara sabay nalang natin hanapin ang Room ni Sir Alejandro.
Angel: Sige tara, malilate na tayo.
Nahanap na nila ang Room ni Mr. Alejandro, siya ay teacher sa Algebra na kilala sa pagiging mabait at magaling magturo.
"Good Morning Class, since first day of class, magpakilala ang bawat isa sa atin. Start dito sa first row" ani ni Mr. Alejandro
Nagpakilala ang bawat isa at pagkatapos nag discuss na si Mr. Alejandro para sa kanilang School rules, grading standard, mga lesson at iba pa.
Pagkalabas nakita ni Dhalia si Nicole.
" Hi, Nicole san ka? anong subject mo, Engineering ka di ba?" tanong ni Dhalia kay Nicole.
" Hello, Oo engineering ako, Classmate pala kita sa Algebra, hindi lang ako pumasok kasi late na sa kakahanap ng room, hahaha" Sagot naman ni Nicole
" Kaya nga! natagalan din kami bago mahanap itong room, sya nga pala si Angel Classmate natin din." ani ni Dhalia
" Hello po, Angel " Sagot naman ni Nicole
"Hi, Nicole" sagot ni Angel sabay shake hands.
Makalipas ang ilang araw nakompleto na, lahat pumapasok na naging kaklase at magkakaibigan din sila, Jerico, Nathan, Nicole, Angel,Sophia at pati na rin si Dhalia.
"Gawa tayo Group chat ha" Sabi naman ni Nicole
"Sige para chat chat nalang pagmay mga importante, mga sagot ganon, haah joke." saad naman ni Nathan.
Lumipas ang mga araw, buwan at natapos na din ang midterm exam nila.
" Hanip na yan Dhalia,2 mistakes lang sa Algebra, tas sa ibang mga subjects kaw din ang highest, lupit mo." sabi ni Angel
" Kaya nga! how to be you po, pahiram naman ng utak kahit saglit lang." sunod naman na sinabi ni Nathan
"Tsamba lang yan, ano ba kayo."Sagot naman ni Dhalia
"Hanep na tsamba yan, bat ako hindi ako makatsamba, hahaha." Ani naman ni Nathan.
"Tara na uwi na tayo," sunod naman na sabi ni Dhalia
Naglakad lang sila pauwi dahil sa hapon na rin naman at pupunta sila sa isang park para tumambay.
Mabilis lumipas ang mga araw at buwan, sa paglipas nito'y hindi nila namamalayan patapos na pala ang isang taon.
" Sa wakas patapos na ang klase, musta kaya mga grades natin" wika ni Nicole
"Goodluck nalang hahaha, ang hirap ng finals hindi ko alam kong makakabawi ako, ang baba din ng midterms ko, Hayst bahala! hahaha" sagot naman ni Angel
"Buti pa yong iba dyan, walang problema sa exam, yong halos maperfect ang mga midterm,hindi na ako magtataka kung pati finals one mistake" sabi ni Nathan
"Kaya nga! Sana all nalang biniyayaan ng talino, pashare naman dyan, how to be you po? hahaha " ani ni Sophia
Pagpaparinig nila sa kaibigan na si Dhalia.
" Wala pa ngang result sa Finals kung ano ano na nasa isip nyo, Guys! think postive lang, malay natin kayo pala ung mataas score kaysa sa sakin, pasimple lang kayo. May isa dyan na tahimik lang malay natin diba Jerico." sagot naman ni Dhalia
" Luh! ako talaga, hahaha, sana Dhalia magkatotoo, haha, Nag ooverthink na nga ako kung tama ang mga sagot ko".Sambit naman ni Jerico
" Tara hanap nalang tayo tatambayan, na makakapagparelax sa utak natin.hahha" ani ni Nathan
" Saan?" tanong naman ni Angel
" Hanap nga di ba, Angel, hahahha" pabirong sabi ni Jerico
"hahaha,cge tara, tara" ani ni Sophia
Nag aasaran parin sila habang naglalakad para maibaling nila ang kanila mga isip sapagkat kakatapos lang nang kanilang mga pagsusulit.
"Manglibre naman dyan ang may pera, hahaha, kahit fishball lang" sabi ni Nathan
"Kaya nga! baka naman, nakakagutom ang exam ni Miss Cruz,napatulala nalang ako sa bintana, naghihintay ng himala na masagutan ko ang mga tanong,hahaha" pabirong sabi ni Angel
Nagtawanan ang lahat.
"Don tayo sa may tennis court may nagbibenta don, libre na daw ni Angel,hahaha" sabi naman ni Sophia
" Oy! wala nga akong pera ubos na allowance ko, KKK (kanya kanya) nalang, ito si Jerico marami tong pera, cge na manglibre kana" sagot naman ni Sophia
"Ilan ba tayo, sakto 5 may 100 ako tig 20 tayo,haha ,tara na! tara na!" ani naman ni Jerico
" Yun oh, iba talaga pag nagpapalakas" Sabi naman ni Nathan
Alam kasi ni Nathan na may Crush si Jerico kay Dhalia, inamin nya ng minsa'y nagkainuman sila.
"ahm! sino? kanino?" ani naman ni Angel
"Wala ah,baliw to si Nathan kung ano anong pinagsasabi." Sagot naman ni Jerico
Walang imik si Dhalia, sapagkat wala ito sa mood dahil medyo masakit ang ulo nya.
"Okay ka lang ba Dhalia?" Tanong ni Jerico kay Dhalia habang papunta sa tennis court para bumili ng fishball, medyo nahuhuli sila sa paglalakad.
"Oo naman, medyo masakit lang ulo ko" sagot ni Dhalia
"Baka gutom lang yan, ikain nalang natin yan ng fishball ni Manong,hahaha ,na 20 pesos saka na kita ililibre ng malaki laki pag may pera na ako".ani ni Jerico
"Baka hindi kana mamansin nya. pag mayaman kana, hahah. Salamat sa pafishball. " sagot naman ni Dhalia
Habang nakatambay sila na nakaupo sa tabi ng Tennis court, nakita nila si Joshua na kaklase nila na naglalaro.
" Si Joshua yon ah, Tennis player pala yon". Ani ni Nathan
"Nakita namin Nathan, hahahha".Pabirong sabi ni Sophia
Nagsiuwian na ang lahat.
Habang naglalakad si Dhalia hindi nya pala namamalayan na nakasunod si Jerico sa kanya. Tinitingnan lang sya hanggang sa napansin nya ito.
"Gabi na ah, San Ka?: tanong nito kay Dhalia para hindi halata na sinusundan nya.
"Pupunta sa palengke, bibili ng ulam, kaw san ka? mang chichixs nuh? hehe " Sagot naman nito
"Hindi ah, hindi ko yon gawain, pupunta lang ako sa basketball court manonood". Palusot na sabi nito.
" Ah okay, sige dito na ako". Sagot nya habang pumapasok sa palengke.
"Sige, ingat baka kidnapin ka hahaha" pabirong sagot nito.
" Hay naku Jerico ang torpe torpe mo sa kanya, bakit ha bakit? Kailan ka pa maglalakas ng loob magsabi, paghuli na, pagmay mangligaw na sa kanya na iba. Alam mo di ba na maraming nagkacrush at nagkakagusto don, pano pag may mangligaw don at sagutin. Bat ba kasi ang hina-hina mo pag sya na kaharap mo." sabi ni Jerico sa utak nya habang naglalakad papuntang basketball court.
Kinabukasan lahat kinakabahan dahil dito na malalaman ang scores ng kanilang ibang exams. Subalit hindi pa nakadikit sa bulletin board ang mga resulta.
"May result na ba?" tanong ni Sophia kay Dhalia na nakaupo sa ilalim ng puno malapit sa gate.
" Wala pa nga, chineck ko ang bulletin board" Sagot naman nito
"Bat ka nandito hindi ka pa ba pupunta sa room natin?" sunod na tanong ni Sophia
" Hinihintay ko kayo, haha nagchat ako sa Group chat natin, kung nasa room na kayo kaso walang nagreply kaya naghintay muna ako dito." ani naman ni Dhalia
" Sige,hintayin natin sila, boring don eh pag tayong Dalawa lang." sabi naman ni Sophia
"Baka mamaya pang afterlunch ang results" dagdag naman ni Dhalia
"Siguro, Sana makapasa, Lord Please!."sagot naman ni Sophia
"Pasa yan! tiwala lang hahahah".sambit naman ni Sophia
" Ikaw kasi matalino ka kaya papasa ka talaga, hindi kagaya ko na minsan hindi nakakasagot, hahaha." Pabirong sabi ni Sophia
"Wag ka ngang ganyan, basta papasa ka, tiwala lang, papasa tayong lahat. hahah." ani ni Dhalia.
Habang papunta sila sa Room nakita nila si Celine at Grace na kaklase din nila kaso hindi nila close.
"Alam mo ba Dhalia parang si Celine may gusto kay Joshua, lagi kasi silang magkatabi sa klase, nahahalata ko lang di ako sure." Ani ni Sophia
"Ah talaga di ko yon napapansin, kaw talaga kung ano anong nakikita. Hayaan mo sila." Ani naman ni Dhalia
"Sabagay, pero alam mo yan si Grace naiinis ako, laging papansin sa klase, pabibo,kala mo naman sinong matalino, pareho lang naman kami hindi makasagot, hahaha".sabi ni Sophia
"Wag ka ngang maingay baka marinig tayo."sabi naman ni Dhalia
"San na kaya sila?.sunod na sinabi nito.
Dumating na silang lahat na magkakaibigan sa room at nagkakayaan sa bakasyon. Wala na silang masyadong maayos na pasok dahil patapos na kasi ang School year, nag aasikaso nalang sila sa kanilang grades kung pasado.
"San kayo sa baskayon? baka pwede maligo muna tayo sa dagat,hahaha baka lang naman bago tayong maghiwa-hiwalay",Sabi ni Jerico (ang totoo gusto lang talagang makasama si Dhalia)
"Sige magandang idea yan Jerico since summer din naman, oh ano ambagan na? magkano? hahahha"Sabi naman ni Nathan
"Sige, sige, pwede na ba ang 200 hahha, pansit lang okay na yon. Wait sabihin nayin sa kanila malay mo sumama sila, the more the merrier,"Sabi naman ni Angel
"Guys, sino sasama ,magdagat daw 200 ambag,bago tayo maghiwa-hiwalay, ang may gusto lang para naman may bonding tayong magkaklase,sa akin nalang ambag,hahaha" sunod na sabi naman nito.
Sumang-ayon naman ang iba at ang iba may kanya kanya ng lakad kaya pinapauwi sila ng maaga ng magulang nila.
"Kailan? "tanong naman ni Celine
"Sa sabado na"sagot naman ni Nicole
"Ay sorry guys hindi ako pwede, birthday ng tatay ko yon pinapauwi ako agad".Sunod na sabi naman ni Celine.
"Ako din hindi pwede, sa sunod nalang ako sasama guys".Sabi naman Grace.
"Oy, pre! Kaw Joshua sasama ka sa amin".Tanong naman ni Jerico
"Oo, sige pre para makasama ko naman kayo".tugon ni Joshua
"Sige okay lang Grace at Celine,guys Okay lang naman na hindi sumama, walang sapilitan, yong may mga free time lang." Ani naman ni Sophia.
Kinabukasan, lumabas na ang mga resulta, may iba na nakapasa at ang iba nama'y hindi, nagparemoval ang mga Prof para sa mga hindi nakapasa, pero kung hindi pa din naipasa ang removal automatic na 5 grades na at Nakapasa naman silang lahat na magkakaibigan.
"Muntikan na ako don sa removal kay Me. Enriquez buti nalang naipasa ko". ani naman ni Sophia kay Angel.
"Kaya nga, ako din muntikan na, hayst thank you Lord pasado kami."tugon naman ni Angel.
At dumating na ang araw ng Sabado, busy na ang bawat isa sa paghahanda para pumunta sa beach.
"Angel, chat ka nga sa group chat kung nasaan na sila."ani naman ni Dhalia
"Sige,"sagot naman nito
GROUP CHAT
Angel: San na raw kayo?
Sophia: Dito pa ako sa bahay, may inuutos lang si Mama tas pagkapos punta na kao dyan.
Jerico: Otw na kami ni Nathan
Nicole: Papunta na rin ako. Dala mo ba yong isda na iihawin, Jerico?
Jerico: Yes po ma'am, haha
Nathan: Kaw pare Joshua san kana?
Joshua: Papunta na rin, may dinaanan lang kaya medyo malilate sko.
Nathan:Okay pare,kita kits nalang don sa beach.
Dumating na lahat sa beach. May dala silang pagkain, kunting alak, may nagseset ng tent,may nag iihaw, nag gigitara, kumakanta at sumasayaw. Ang ganda ng alon ng tubig sa dagat, malinaw ang tubig na parang kristal pagnasisinagan ng araw. Ang hangin ang napapalamig sa mainit na sikat na araw at gumuwa ng ingay ang hampas ng alon sa dalampasigan. Mapino ang mga buhangin na sa pag apak ng mga paa'y hindi masasaktan. Mga huni ng ibon na tila ba'y musika na maaring magpaligaya sa isang tanawin sa papalubog na araw.
"Wow gandang ng sunset, picture tayo dali!"wika ni Dhalia
"Tara na tara sama-sama tayo."Sunod na sabi naman ni Nicole
Pagkatapos magpicture at lumubog na ang araw nagpasya na silang gumawa ng bonfire at nagkaroon sila ng sharing sa kanilang life para makilala nila ang isa't isa, isang tanong isang sagot at truth or dare na laro, at medyo natatamaan na din nang alak.
"Pag sayo tumapat ang bote time nyo na sumagot ha,"Ani ni Nathan na sya ang humahawak ng bote para i-spin at tumingin ito kay Jerico na nagsign na sana sabihin na kay Dhalia ang kanya nararamdaman.
" Okay ready, sino kay ang maswerting mauuna (habang inispin ang bote) yon oh ikaw Nicole, Bakit ka nag Engineering?hahahha". Tanong ni Nathan.
" Oh my, ok hahahaha, sabi kasi nila marami o malaki daw sahod, hahaha" sagot naman ni Nicole at sya na ang sunod na mag iispin ng bote.
"Sino kaya ang tatapatan, oh Joshua, hahaha, okey ito tanong ko sayo, Sino crush mo sa Campus?" Ani ni Nicole.
" Grabe naman na tanong na yan. Sige ang clue nalang matalino syang tao,hahah" Sagot naman ni Joshua.
"Pangalan, ang daya namam."sunon naman na sabi ni Nicole.
"May sinagot ako,counted yon. Ako na mag iispin."Sabi naman ni Joshua.
Sumang -ayon naman ang lahat, pasok naman kasi sa rules ng laro, at natapat kay Dhalia ang bote.
" Yon oh, sayo talaga natapat, ano kaya itatanong ko sa isang matalinong tulad mo". Ani ni Joshua na tila ba sinasabi nya ang kanya clue na si Dhalia ang kanyang tinutukoy at nakahalata ang lahat.
" Ooy, Si Dhalia ba yong tinutukoy mo na crush, Joshua?" ani naman ni Angel.
"Oooy kaw ha Joshua." sabi namain ni Sophia.
"Tumigil nga kayo, hindi naman ako matalino nuh, baka sa ibang course tinutukoy ni Joshua, magsitigil nga kayo. Anong tanong mo sa akin Joshua?" Suway naman ni Dhalia sa mga kinikilig na mga kasama.
" Ano ba ang standard mo pagdating sa lalaki?" tanong naman ni Joshua na parang seryoso at nakatitig ito ng deritso kay Dhalia.
"Yan talaga tanong mo Josh? Seryoso ka,hahah. Sige sasagutin ko, sa ngayon hindi ko pa talaga alam kung anong gusto ko sa isang lalaki kasi may iba akong pinagtutuunan ng pansin, Oh ayan na ha nasagot ko na ako naman mag iispin."saad naman ni Dhalia
"oh ikaw naman Nathan, Sino naman Crush mo?" sunod na sabi ni Dhalia
"Sus basic crush lang, Si Sara Montefalco Edu department" Matapang na sagot ni Nathan sabay spin ng bote.
"Ayos sakto pare sayo talaga natapat bote, tagal ko na gustong itanong sayo, bakit ang dami mong picture ni Dhalia sa kwarto mo? hahaha sabihin mo na pre." Deritsong tanong ni Nathan kay Jerico.
Lahat ay gumawa ng ingay, may mga kilig na nabuo sa bawat isa, puro Oooyy ang narinig sa mga labi na kasama sa laro at tumahimik saglit ng sagutin na ni Joshua ang tanong ni Nathan.
"Ahm! Ano kasi, ah ano kasi.(nauutal) Matagal na kasi akong may crush sayo Dhalia, napansin kita sa Physics subject natin, ang astig mo at ang talino mo,sinasalo mo lahat na tanong ni Mr. Alonzo kaya simula na non humanga na ako sayo. Wala naman masama na magkacrush nuh, tao lang ako may pakiramdam." Sobra tapang na sagot ni Jerico habang halatang kinakabahan.
Nagpatuloy pa rin ang laro nila hanggang sa magdesisyon na ang iba na magpahinga at matulog sa tent.
Nakita ni Jerico na nasa labas si Dhalia nakaupo sa buhangin. Nilapitan nya ito at kinausap.(Umupo sa tabi ni Dhalia)
"Bat gising ka pa?" Tanong ni Jerico kay Dhalia
"Hindi ako makatulog, ang likot kasi ni Angel matulog."Saad naman ni Dhalia
"Ah kaya pala." ani naman ni Jerico
"Ikaw bat hindi kapa natulog?"tanong naman ni Dhalia
"Ano kasi ang totoo hindi ako makatulog, kakaisip don sa sinabi ko kanina sa laro natin, Hahaha Childish ba? ito kasi si Nathan minsan pumapasok sa kwarto ko kaya nakita nya yong mga pictures mo." saad naman ni Jerico.
"Di alam ang sasabihin o isasagot ko sayo." nahihiyang tugon ni Dhalia.
" Pero seryoso, nasabi mo don kasi na parang hindi kapa handa magkaroon ng jowa, alam ko naman na seryoso at focus ka sa pag aaral mo, wag mo sana akong pagbawal na makagusto sayo, Dhalia." Sabi namin ni Jerico kay Dhalia.
" Sa ngayon kasi First year palang tayo, marami pa tayong pagdadaanan para makapagtapos." saad ni Dhalia na agad naman pinutol ni Jerico.
"Maghihintay ako or hihintayin kita hanggang sa pwede na, pero pwede ba hayaan mo akong ligawan kita araw-araw, promise hindi ako magiging sagabal sa pag aaral mo." saad naman ni Jerico
"Deritsuhin na kita Jerico ha, sa ngayon wala pa akong maipapangako sayo na masasagot kita, kaw bahala kung anong desisyon mo,wag mo din sanang balewalain ang pag aaral, alam mo naman di ba kung ano talaga priority ko." Ani naman ni Dhalia.
" Naiintindihan naman kita Dhalia, promise gaya ng sabi ko maghihitay ako." saad naman ni Jerico kay Dhalia.
"Ang ganda ng buwan nuh,kasing ganda mo!".Hirit ni Jerico kay Dhalia.
"Hahaha talaga ba? sagot naman ni Dhalia
"Oo naman,aside sa maganda, sobrang
layo mong abutin, haha." biro ni Jerico.
"Tara na tulog na tayo." sunod na sabi nito kay Dhalia.
Tumayo na sila at sabay papunta sa kanya-kanyang tent habang hawak ang mga kamay at inaalalayan ni Jerico si Dhalia.
"Goodnight, sana mabilis lang tong bakasyon para pasukan na ulit, para makita na naman kita." ani ni Jerico
" Goodnight, matulog kana, lasing ka pa yata."saad naman ni Dhalia.
Kinaumagahan, nag ayos na sila para sa kanilang pag uwi.
"Guys, gising na kayo, mag almusal na muna bago tayo umuwi." ani ni Sophia sa mga iba pang natutulog na kasamahan.
"Wow, dami pa pala nating pagkain." saad naman ni Nathan.
"San na si Jerico, Dhalia." sunod na sabi ni Nathan.
" Ooy, oo nga san na ba?" sunod naman na pangangantyaw ni Nicole.
"Ay parang tulog pa, pagising naman Dhalia, sige na." sunod na tugon ni Nathan.
"Sige na puntahan mo na,wag ka nang mahiya sa amin. Go girl."Sabi naman ni Sophia
"Sige na, akin na yan ako magprito ng hotdog na yan." sabi ni Angel at sabay kuha ng plano na may lamang hotdog.
Tahimik lang si Joshua sa tabi na kunwari may kachat.
Pumunta naman si Dhalia sa tent nila Jerico.
" Jerico, Jerico" pagtawag ni Dhalia habang papalapit sa tent at binuksan ang zipper ng tent.
" Jerico, gising na daw sabi nila, Oy gising na daw." ani ni Dhalia.
Agad naman hinawakan ni Jerico ang kamay ni Dhalia at nahila nya ito papunta sa dibdib nya dahil sa naalimpungatan ito at naiyakap nya ang kanyang isang kamay kay Dhalia.
"Aray, balak mo ba ako gulpihin?"ani namin ni Dhalia.
" Sorry, sorry, kaw naman kasi alam mo ng tulog ang tao, nanggugulat ka."sagot naman ni Jerico.
" Kala ko na nanaginip ako na ginigising ako ng crush ko,haha totoo pala." sunod na sabi ni Jerico kay Dhalia.
"Bumangon ka na nga dyan, inutusan nila ako na gisingin ka,para tumigil na sila kaya sinunod ko nalang."ani naman ni Dhalia.
"Babangon na po, sungit naman ng future wife ko."tugon naman ni Jerico
"Future wife ka dyan, di ka pa nga nangliligaw".Saad naman ni Dhalia.
"Edi liligawan na kita, sabi mo yan ha".tugon naman ni Jerico.
"Hay naku! tara na, kain na tayo para makauwi na."saad ni Dhalia
"Yon oh may tayo na agad, sige tara kain na tayo." tugon naman ni Jerico na may halong pang aasar.
"Hintay naman future wife."tugon ni Jerico habang hinabol nya si Dhalia.
Habang nag aalmusal, patuloy parin nilang binabalikan ang mga nangyari kagabi, kwentuhan, tawanan at kantyawan sa mga umanim ng feelings.