bc

THE WICKED DOCTOR: DRA.AMORE

book_age0+
1.4K
FOLLOW
8.8K
READ
dark
powerful
doctor
Twilight
bxg
like
intro-logo
Blurb

Dra. Amore Steveen is a simple and beautiful woman,er... she-wolf. Isang doktora na walang nais sa mahaba niyang buhay kundi ang makatulong sa mga tao na nagangailangan ng kalinga sa tulong ng kan'yang propesyon. Ang panggagamot.

She's not a witch or a healer. Isang lobo na nag-aral ng medisina gaya ng mga tao na nag-aaral sa larangan iyon.

Inaakyat niya ang kabundukan at pinapasok niya ultimo kaliblib-libliban lugar ng buong pilipinas makapaghatid lamang ng kunti tulong sa mga mahihirap.

Nagkaroon siya ng pamilya mula sa isang kaibigan na si Amelia Stonex-Dornan. Naging saksi siya ng pagtatagpo ng mga kanya-kanya mate ng mga anak ng kanyang mga kaibigan na magkakapatid na Stonex.

Sa hundred years na pamumuhay niya sa mundong ito ni kailanman ay hindi sya umasa na matatagpuan din niya ang lalaking tinakda sa kanya.

Her mate.

Nalibot na niya ang buong pilipinas pero kailanman ay hindi niya natagpuan ang lalaki itinakda sa kanya hanggang sa isang araw ay bigla nagbago ang takbo ng buhay at pagtibok ng puso niya.

Sa wakas nagtagpo na sila ng kan'yang mate. Oras na para siya naman ang magkalovelife. At aasa siya na sana ay madali siya matanggap ng lalaki itinakda sa kanya.

chap-preview
Free preview
ONE
Isa-isa niyang tinanggal ang kanyang kasuotan habang tinutungo niya ang banyo sa inuokupa niyang suite na nilaan sa kanya ng pamilyang Dornan. Katatapos lamang ng kasal ng isa sa kambal na anak ng mag-asawang Dave at Amelia Dornan na si Sana'a Dornan. Nahuli pa nga siya ng dating at sa reception na siya nakapunta dahil naantala ang pagbaba niya mula sa kabundukan na kinaroroonan niya dahil nagkaland slide at nahirapan ang mga kasama niya na makababa kung siya lamang ay kaya niyang makababa ng bundok ngunit hindi niya iiwan ang mga kasama niya sa isang medical mission. Aktibo siya sa ganun organisasyon dahil bilang isang doktor tungkulin niya ang makatulong sa mga tao na hindi nabibigyan ng medical attention. Kilala siya ng lahat ng hospital organization sa pagiging kawanggawa niya kaya naman lahat ng hospital ay hinahabol siya dahil unang-una sa lahat nag-uumapaw siya sa yaman na kayang suportahan nang maraming beses ang nasabing mission. Binuksan niya ang shower at bumuhos iyun sa kanyang hubad na katawan. Agad na gumitaw sa isip niya ang isang mukha na lagi sumusulpot sa kanyang isip. That man in the Rose-taurant . Ang lalaking itinakda sa kanya na ilang dekada na niyang hinihintay ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Agad na gumapang ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Akalain mong napakagwapo at napakakisig ng lalaki itinakda sa kanya. Her mate. Aaminin niya ni minsan hindi na siya umasa pa na magtatagpo pa sila pero mukhang aasa na siya ngayon na sana ay maging madali ang lahat at mapalapit siya rito. Makilala ito at makasama ito kung posible man iyun. Nakapokus ang atensyon niya sa pagtulong sa mga tao nangangailngan ng tulong niya. Marahil kapag may oras na siya saka na lang niya gagawan ng paraan na makapaglapit sila ng lalaking iyun. Pagkatapos niyang maligo nagsalin siya ng rose wine sa wineglass na nasa minibar ng silid na iyun . Hinayaan niyang hindi nakabuhol ang tali ng roba niya at malayang sumisilip ang malulusog niyang dibdib at ang pang-ibaba bahagi ng katawan niya. Hindi siya nahihiya na ipangalandakan ang katawan niya may tao man o wala. Alaga siya sa kanyang katawan kahit na natural na iyong maganda ang hubog ng bawat parte ng kanyang katawan. Paano kaya kung makita ng mate niya ang kanyang katawan? Maaakit kaya ito agad sa kanya? Nakagat niya ang pang-ibaba labi sa naisip na kapilyahan na iyun. Sa oras na masilayan ng mate niya ang kaseksihan at alindog niya baka ura-urada ay maangkin na siya nito. Natawa siya sa kapilyahan ng kanyang isip. Nakangisi na sumimsim siya sa kanyang wine habang nakatayo sa floor to ceiling na wallglass tanaw ang payapang pag-alon ng karagatan at ang tahimik na kadiliman ng buong paligid. Isang araw matitikman din niya ang sarap na sinasabi ng lahat sa piling ng isang tao sa isang mainit na eksena. Isang ngisi ang pumagkit sa kanyang mukha. That will going to happen soon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
380.9K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.9K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

NINONG III

read
363.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook