bc

The Hottest Billionaires 2nd Generation: Accidentally Married To A Billionaire

book_age18+
15.4K
FOLLOW
79.6K
READ
billionaire
possessive
age gap
forced
arrogant
student
gangster
twisted
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Nang dahil sa pagkakakulong ng ama kaya napilitan si Kan Lao na maging temporary wife ng lalaking hindi niya kilala, kapalit ng malaking halaga, sa Las Vegas.

Temporary dahil after one or two weeks daw ay magdi-divorce din agad sila. Kailangan lang daw nito ng asawa na maihaharap sa pamilya ng babaeng gustong pumikot dito.

Nalaman na lang ni Kan sa mismong araw ng pagkuha nila ng marriage license na ang lalaking pakakasalan pala niya ay walang iba kundi ang kilalang bilyonaryo na si Nicolas Gonzales.

Minsan nang nakilala ng dalaga si Nicolas nang may ialok ito sa kaniya.

"Be my wife," walang gatol na alok nito kay Kan.

Napamulagat ang dalaga. Tama ba ang narinig niya. "Pardon?"

"I said, be my wife," pag-uulit ni Nicolas na bakas ang kaseryosohan sa mukha. "Bibigyan kita ng pitong milyon kapalit ng pagpayag mo bilang asawa ko."

Ngunit isang kalokohan ang magpakasal sa hindi naman niya personal na kilala at hindi niya mahal. Kaya tinanggihan iyon ni Kan kahit ubod ito ng guwapo.

Pero ngayon na kailangan niya ang pera nito, papayag na kaya ang dalaga? Kahit ang ibig sabihin niyon ay makakasama niya sa iisang bubong ang lalaking saksakan ng babaero at kinamumuhian pa niya?

chap-preview
Free preview
Prologue-MGA NAPAPALA NG PLAYBOY
NAPANGISI si Nicolas nang hawakan ni Honoka ang kamay niya at hinila siya papasok sa kuwarto nito. Alam na niya ang gustong mangyari ng babae. Noon pa man ay alam na niyang patay na patay ito sa kaniya. Pero nagdalawang isip siya na patulan dahil malapit na kaibigan ng kaniyang abuela ang ama nito na isang American-Japanese at police general sa Las Vegas. But Honoka was pretty and sexy. Ito ang tipo ng mga babaeng gustong maikama ni Nicolas. May boyfriend lang ito noon kaya iniiwasan niya sa tuwing nagpapakita ng motibo sa kaniya. Pero ngayon na pareho na silang single at ito pa mismo ang lumapit sa kaniya, tatanggi pa ba siya? Tao siya at hindi santo para tumanggi sa nakakatakam na putahe. "I want you, Nicolas..." nang-aakit na bulong nito sa likod ng kaniyang tainga nang makarating sila sa loob. Yumakap ito mula sa likuran niya at sensual na hinahagod ng daliri ang kaniyang leeg. "But how about your boyfriend?" tanong ni Nicolas sa tonong naninigurado. Kahit naman playboy siya ay hindi niya ugali ang manira ng relasyon. Lalong hindi niya kailangan na mang-agaw para magkaroon ng babae sa buhay niya. "Nakipag-break na ako sa kaniya. Matagal na. Kasi..." She licked his earblobe, "ikaw ang totoong gusto ko. He was so boring. He could not even kiss me well. Unlike you na masarap daw humalik, kagaya ng sabi nila." Hindi siya sumagot. Sanay na si Nicolas na marinig ang mga ganoong salita. Wala naman yatang babae na nakakakilala sa kaniya ang hindi nagkagusto sa kaniya. Ang sabi nga ng iba, tanga na lang daw ang babaeng tatanggi sa isang tulad niya. Guwapo at mayaman. "I really want you, Nicolas. Noon pa man ay patay na patay na ako sa'yo..." pag-aamin pa ni Honoka at bigla na lang siyang itinulak pahiga sa kama nito. At sa isang iglap lang ay nakaibabaw na ito sa kaniya. Nandidilim sa pagnanasa ang mga mata nito habang nakatitig sa mga labi niya. She took off his shirt and started to remove his pants also. Ni hindi nito pinapayagan na kumilos si Nicolas. Sa tuwing sinubukan niyang gumalaw ay pinipigilan ni Honoka. Kahit sa pinakamaliit na saplot na suot niya ay ito rin ang nagtanggal. She was so aggressive and he don't like it. Yes, gusto niya ng mga babaeng palaban. Pero hindi ang mga babaeng mas agresibo pa kaysa kaniya. Mas gusto ni Nicolas na siya palagi ang nasa kontrol. Hindi niya maramdaman ang totoong thrill kapag nakahilata lang siya sa kama. "Slow down, Honoka..." saway niya rito sa tonong dismayado na. "We've got all the time in the world." Umiling-iling lang ang babae. "I can't, Nicolas. Matagal ko nang hinintay ang araw na ito. Ang maging akin ka. Kapag hindi pa ito natuloy ay baka mabaliw na talaga ako." Pakiramdam niya ay kinilabutan siya sa sinabing iyon ng babae. Lalo na nang siilin siya ng halik nito. Mabuti na lang at kaagad siyang nakaiwas. Naninindig ang mga balahibo niya sa pagiging agresibo nito. Turn off na turn off na siya kay Honoka dahil parang hindi na disenteng babae kung magsalita at umasta. "I can't do it, Honoka." Mabilis niyang inalis sa kaniyang ibabaw ang babae at akmang babangon nang bigla siya nitong dinaganan. "No, you can't stop me, Nicolas!" puno ng determinasyon na wika nito at isa-isang inalis ang mga saplot sa katawan. "Ngayon na napasakamay na kita, hindi ako papayag na hindi ka magiging akin. By any means, you are going to be my husband." Tila nag-ibang anyo na ang babae sa paningin ni Nicolas nang mga oras na iyon. Hindi na ito ang sexy at magandang Honoka na gusto niyang matikman kanina. Nakikita niya sa mga mata nito na hindi lang ang katawan niya ang gusto nito. Kundi higit pa roon! This is trouble! Bilang playboy ay aware si Nicolas sa mga babaeng tulad ni Honoka na handang mamikot, mapasakamay lang ang lalaking gusto. Pero hindi maaari. Hindi pa ipinanganak ang babaeng tatapos sa pagiging binata niya. Buong puwersa na binuhat ni Nicolas si Honoka mula sa ibabaw niya at ibinagsak sa kama. At saka siya dali-daling lumayo rito at isa-isang pinulot ang mga saplot niya na inihagis nito sa sahig kanina. Nang dahil sa libido niya ay mukhang mapahamak pa yata siya! "What the hell are you doing?" maang na tanong sa kaniya ni Honoka nang makita ang ginagawa niya. "Let's stop this, Honoka. Alam ko ang pinaplano mo sa'kin at hindi ko iyon papayagan na mangyari." Ang akala niya ay itatanggi iyon ng babae. Kaya nga nagulat siya nang bigla itong tumawa. "It's too late, Nicolas. Dahil parating na si Daddy at sisiguraduhin kong maikakasal ka sa'kin. I will be Mrs. Honoka Gonzales whether you like it or not." "What--" Hindi na natapos ni Nicolas ang pagsasalita nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Honoka. Bumungad doon ang gulat na gulat na mukha ng ama nito at hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Ngunit mas nagulat siya nang bigla na lang bumulahaw ng iyak si Honoka. Nagsisisigaw ito na tila nagahasa. Lumarawan ang galit sa mukha ng ama nito nang makitang walang suot na pang-itaas ang anak. "What the hell is the meaning of this?" malakas na sigaw ng ama ni Honoka sabay bunot sa baril na nakasukbit sa baywang nito at itinutok iyon sa kaniya. "Ngayon din ay pakakasalan mo ang anak ko, Nicolas!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook