bc

I Met You In Seoul

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
fated
friends to lovers
arrogant
boss
drama
sweet
bxg
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Umalis si Fresia Wilson hindi para mangarap. Umalis siya para mabuhay ang ama niyang may sakit.

Sa South Korea, akala niya puro pagod at puyat lang ang naghihintay sa kanya.

Tapos dumating si Jae-han Park.

Senior high. Part-timer sa convenience store. Tahimik, malamig ang mga mata, pero malalim kung tumitig.

Customer lang siya. Part-timer lang ito. Iyon lang dapat. Pero naging routine nila ang isa't isa. Nagsimula sa tissue at lunchbox ang pagkakaibigang hindi nila pinlano.

At sa loob ng pitong taon, naging mundo nila ang isa't isa. Ngayon, tapos na yung convenience store era nila.

He's no longer the boy behind the counter. He's her boss.

She's no longer the tired factory girl. She's his intern.

Sabi nila, friends lang sila.

Pero bakit parang sinasapak sa dibdib si Jae-han tuwing may ibang lalaking nagpapangiti kay Fresia?

At bakit nasisira ang araw ni Fresia tuwing may ibang babae sa tabi ni Jae-han?

Sa pagitan ng noon at ngayon, isang tanong na lang ang kailangan nilang sagutin:

Kailan ba talaga naging more than friends ang lahat sa kanila?

chap-preview
Free preview
Prologue
FRESIA: Abala ako sa pag-translate ng ads. Korean to English, Tagalog, at French. Nasa sala ako nang biglang nagdilim ang paligid. Blackout. Tanging liwanag lang galing sa laptop ko ang nagsilbing ilaw sa buong sala. Kinapa ko ang phone ko pero naalala ko nakacharge pala sa silid ko. Tumayo ako para kumuha ng emergency light. Pagdaan ko sa tapat ng banyo, sakto namang bumukas ang pinto at lumabas si Jaehan. "What's with the sudden blackout?" sabi niya. At dahil nga sa madilim, hindi kami nakailag sa isa't-isa. Nagkabanggaan kami. Natumba kami, at ako, nakapatong sa kanya. Nakatapis lang siya ng tuwalya sa baywang. Wala siyang pang-itaas. At yung kamay ko, sa basang dibdib niya pa nag-landing. Pareho kaming hindi makagalaw agad. Sobrang lapit ng mukha namin. Amoy na amoy ko yung sabon niya, at ramdam ko yung mainit niyang hininga sa mukha ko. Tapos may naramdaman akong matigas sa bandang puson ko. _Ano yon?!_ Sakto namang bumalik na ang ilaw. Pareho pa kaming napamulagat nang ma-realize ang ayos namin. Agad akong tumayo. Magkakahalo ang emosyon ko, hiya, gulat, at....yung puso ko, ang bilis ng t***k! Tapos nag-init ang pisngi ko nang ma-realize ko kung ano yung kanina. "Sh*t!" bulalas ni Jaehan, halatang gulat rin siya at namumula rin ang mukha niya. Mabilis siyang tumayo at pumasok sa kwarto niya. Ni hindi niya ako pinansin. At ako, naiwan pa ring nakatayo doon, parang naging estatwa. *** JAEHAN What the h*** just happened! Kanina lang, nasa shower ako nang biglang namatay ang ilaw. Lumabas ako ng banyo, nakatapis lang ng tuwalya sa baywang. Ang sunod na nangyari, nasa ibabaw ko na siya. Nakalapat ang palad niya sa dibdib ko. Ang lapit ng mukha niya sakin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga. I froze. We both froze. I held my breath as I felt something rushing inside me. My eyes went down below my waist. _Da*n it! Get a grip! She's your friend for Heaven's sake! How could you... _ Bumalik ang ilaw. Kita ko ang paglaki ng mata niya. Namumula ang magkabilang pisngi niya. Mabilis siyang tumayo na akala mo napaso. Walang nakapagsalita sa amin. "Sh*t!" Mabilis akong pumasok sa silid ko. Napalakas pa ang sara ko ng pinto. Hindi na ako nakapag sorry or anything. Gusto ko nang makaalis sa harapan niya dahil batid kong napansin niya yung... My heart was pounding. Para akong tumakbo ng ilang kilometro. _This is bad. This is so bad_ *** FRESIA: Kinabukasan. Maaga akong nagising kahit hindi ako nakatulog nang maayos. Paano ba naman hindi maalis sa isip ko yung eksena kagabi. Paglabas ko ng kwarto, amoy ko agad ang pini-pritong itlog at bacon. Nasa kusina si Jaehan, nakatalikod. Naka-grey shirt siya at joggers. Pero sa isang kisap, parang yung tapis niyang tuwalya pa rin yung nakita ko. At yung 8-pack abs niya. Tapos, naalala ko yung... OMG! Ano ba! Erase! Erase! Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong iniisip ko! Humakbang ako papasok ng kusina. Lumingon siya. Nagtama ang paningin namin. Pareho kaming natigilan. Nag-iwas agad ako ng tingin. Umiinit na naman ang pisngi ko. "Good morning," sabi niya, normal lang yung tono niya. "G-good morning," sagot ko na tila may bara sa lalamunan ko. Tahimik na. Wala nang nagsalita, pareho kaming nagpapakiramdaman. Ang awkward! Teka, bakit kami ganito? Dati naman kaming nagdidikitan ng katawan ah, nagkatabi pa nga kaming natulog noon years ago. Bakit ngayon, dahil lang sa aksidenteng pumatong ako sa kanya, awkward na kami? _Hello! Kasi naman Sia, dati kahit nagyayakapan kayo, kahit binubuhat ka pa niya, noon may damit siya. Eh kagabi ba?_ pagtataray sa akin ng kontrabidang left side ng brain ko. "Last night—" "About the pro—" sabay kaming nagsalita na ikinatawa namin. And just like that, gumaan na yung awkwardness sa paligid. "You first," sabi niya. "Hindi, ikaw na," sabi ko. Ipinatong niya sa mesa yung niluto niyang itlog at bacon. Ang bango ng bacon. "Well, last night. About t-that thing... Sorry about that. Just... just a normal... men thing... you know," tila nahihirapan niyang sabi. Bakas sa boses niya ang hiya. Napangiti ako. Ang cute niya pag nauutal siya, ako lang yata ang nakakakita sa side niyang iyon. Sa office, halos ilag sa kanya ang mga kasama kong interns dahil cold daw siya. "Okay lang! Ako nga yung nasa ibabaw mo eh. Ako dapat mag-sorry," sabi ko, tapos bigla kong na-realize kung anong tunog ng sinabi ko. "I mean...y-yung pagkahulog! Yung pagka—" Ako naman ang nautal. Gosh! Tumawa siya. Natawa na rin ako. "Anyway, what were you going to say?" tanong niya. Inabot niya ang plato. Tinulungan ko na siya, kumuha ako ng baso at tubig, nilagay ko sa mesa. "Ah... Yung proposal, about sa Hyacinth ads. Natapos ko na yung translation," sabi ko. "Good. What about the La Belle's?" Bigla siyang naging seryoso. Boss mode on siya. Nasa bahay pa lang kami. "I'll be done before noon today," sagot ko. Inuna ko yung English translation ng Hyacinth bago yung French ng La Belle. Tumango siya. "Let's eat," sabi niya, naupo siya sa tapat ko. "Thank you for the food," sabi ko, dahil siya ulit ang nagluto. Actually, mas madalas na siya ang nagluluto. He really is the best-bestfriend in the world. Friends lang kami pero para kaming couple dahil maliban sa super close kami ay magkasama din kami dito sa bahay niya, halos free loader na nga ako dito dahil ayaw naman niyang tanggapin ang rent ko, kaya ginagawa ko naggu-grocery na lang ako para hindi na niya matanggihan. Madalas din kaming mapagkamalang mag-jowa sa labas at minsan pa nga mag-asawa na tinatawanan at ikinikibit-balikat na lang namin. "Are we still going separately today?" tanong niya habang kumakain kami. That's right, hindi ako sumasabay sa kanya papasok ng office. Kapag sumasabay man ako minsan ay nagpapababa ako malapit sa kumpanya. Ayokong malaman ng ka-work namin na magkasama kami sa bahay niya. Ni hindi rin nila alam na magkaibigan kami. No way na gustuhin kong malaman nila ang relasyon namin dahil isa lang akong intern habang siya ang boss. Nangangamba lang ako na baka mag-iba ang tingin at pakikisama nila sa akin kapag nalaman nilang parachute ako through our CEO. Ayokong masira yung 1 month kong binuong samahan sa kanila dahil noong una ilag na sila sa akin dahil foreigner ako, paano na lang kapag nalaman nila ang connection ko kay Jaehan. "Yes. Until my internship ends, hiwalay tayong papasok," tugon ko. Napahinto siya sa pagnguya, pagkuwa'y tumango siya. Hindi na siya umimik. Pero napansin kong parang may gusto pa siyang sabihin. Hindi ko na siya inusisa pa. *** Somewhere in the future, isang blackout lang ang nagdala sa amin kung nasaan kami ngayon. Kung nanatili ba kaming magkaibigan, naging higit pa roon, o tuluyang nasira ang lahat, doon tayo papunta. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
14.7K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.7K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.7K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.2K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.0K
bc

In Bed With Kuya Red

read
53.0K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook