bc

Catriona (Erotic Romance) Completed

book_age0+
12.7K
FOLLOW
126.4K
READ
possessive
arrogant
badboy
sensitive
drama
tragedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Catriona del Valle. Gorgeous. Rich. And a troubled woman. Ginugol niya ang nakaraang anim na buwan ng buhay niya sa loob ng isang mental hospital. Paglabas niya, disidido na siyang ayusin ang buhay niya.

Pero nasilayan ng mga mata niya si Trey. He was freaking Hot. Gorgeous. Dangerous. An alpha male.

Pinukaw nito ang sensuwalidad ni Catriona. Ang kagustuhang ayusin na ang buhay niya ay biglang naisantabi. Dahil wala na siyang ibang gusto kundi ang makuha ang lalaki, by hook or by crook.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CATRIONA put her dark shades on before stepping out of the building. Nang makalabas ay tuloy-tuloy niyang tinungo ang kotseng nakatigil sa harap. Nagmamadaling binuksan niya ang pinto sa backseat at sumakay.             “Magandang umaga, Rio,” sabi ng lalaking nakaupo sa driver’s seat.             Catriona ignored him. He was Brix. Hindi lang pagiging driver ang papel nito. Trabaho din nitong paligayahin sa ibabaw ng kama ang tita niya. He’s a leech. Pero hindi dugo ang sinisipsip nito sa tita niya kundi pera. Unfortunately, the money was hers. Wala pa nga lang siyang kapangyarihan sa perang iyon. Kahit hindi tingnan ni Catriona ang lalaki, alam niyang may pag-uyam sa mukha nito. Alam din niyang may pagnanasang nakasungaw sa mga mata nito para sa kanya. Tumingin siya sa labas. Sa pagtanaw, nabasa niya ang mga salitang nakasulat sa glass door ng pinanggalingan niyang building: HERSY Hospital. Malaki iyon. Pribado. At sa isang psychiatric ward niya ginugol ang nakalipas na anim na buwan ng buhay niya.             Pumait ang panlasa ni Catriona kaya itinuon niya ang paningin sa harapan. Pagkatapos ay tila napapagal na isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at pumikit. Ayaw na niyang bumalik sa lugar na iyon. The place was scary and creepy. Masisiraan siya doon ng ulo.  Pagak siyang natawa. Ironic. Hindi nga ba kaya siya nakulong sa HERSY ay dahil may sakit siya? Dahil sira ang ulo niya?             Narinig niya ang pagbukas ng kabilang pinto ng back seat. Kahit hindi imulat ang mga mata, alam niyang ang Tita Valerie niya ang sumakay at tumabi sa kanya. “Are you all right?”             “Yeah,” tipid niyang sagot. Oh, God, she wanted to smirk. Kung hindi lang nakapikit ang mga mata ay iiikot niya iyon. Tinanong siya nito kung okay lang ba siya pero alam niyang hindi iyon bukal sa loob nito. Hindi totoo ang concern nito sa kanya. Kahit naman noong bata pa siya ay alam niyang mainit na ang dugo nito sa kanya. Lagi nitong ipinaparamdam sa kanya na ‘outcast’ s’ya. Oh, well, she was an outcast. After all, ampon lang naman siya. Umandar ang sasakyan.             “Here.” Nagmulat si Catriona ng mga mata. Tinanggal din niya ang suot na shades. Nakita niyang may iniaabot sa kanya ang tiyahin. A paper pouch. Naglalaman iyon ng ilang bote na may lamang tabletas. “Don’t forget to take your medicines. Malibang gusto mong bumalik uli sa HERSY. You lost weight. Hindi ka ba nila trinato ng maganda roon?”             Catriona gave her aunt a sharp look. Pero hindi ito nagpa-intimidate. Tinaasan siya nito ng kilay. May pang-uyam sa sulok ng labi. Her aunt was a cougar and a b***h. Hindi naman totoo ang pagmamalasakit nito sa kanya. But she has money. Minana niya ang pera at kabuhayan ng del Valle nang maulila siya. Kaya lalong kumulo ang dugo ng tita niya sa kanya. Ampon lang siya pero sa kanya pa rin napunta ang kayamanan ng mga del Valle. But because she has issues--- mental issues--- the court appointed her aunt to be her guardian. Unfortunately, pati kayamanan niya ay kontrolado nito. Padarag na inabot ni Catriona ang supot. “Naaalala kong may property na binili si daddy somewhere in Batangas.”             “Hmm, I think so. What about it?”             “Doon ko gustong tumigil pansamantala.” “And why?”  “Dahil gusto ko.” Naiinis niyang sabi. Masyadong maiksi ang pasensiya niya kaya madaling uminit ang ulo niya. At madalas ay nagiging bayolente siya. Her temper was one of her problem. Ayaw niyang kino-question siya. Ang gusto niya ay nakukuha agad ang ano mang magustuhan. Six months ago, she became violent and stabbed someone. Para maiwasan ang makulong ay kinailangan niyang tumigil sa psychiatric ward. “Okay. Pasasamahan kita kay---” “No thanks. Gusto kong mapag-isa.” Beach house ang property. Minsan na siyang naisama roon ng daddy niya noong bata pa siya. And the sceneries were awesome. Gusto niyang mapag-isa. Baka doon niya mahanap ang katahimikan ng isip. Hindi siya matatahimik sa mansiyon dahil bukod sa nandoon din ang tiyahin ay maraming multo ng alaala. At dahil ayaw niya sa mansiyon ay lagi siyang lumalabas. She became a party girl. She became a big spender. Ginagawa niya iyon bilang escape mechanism. Gusto kasi niyang takasan ang kamiserablihan niya. But she suddenly grew tired of partying. She grew tired of spending her money here and there. Gusto niya ng sariwang hangin at ng panibagong environment.             “Hindi p’wedeng mag-isa ka lang. You know how…” Tumigil ito sa pagsasalita nang tingnan niya. She knew contempt was lurking in her eyes. “I want to be alone. Tawagan mo lang si attorney para magpadala siya ng tao doon na maglilinis,” sabi niya. “Okay. As you wish… Princess.”             Princess… umalon ang sikmura ni Catriona. Para siyang tino-torture ng salitang iyon. Kaya niyang ipagkibit-balikat ang masasakit na salita pero ang salitang iyon… Catriona bit her tongue and looked away. That word was her Achilles’ heel and her aunt knows that. Alam nito kung ano ang epekto sa kanya ng salitang iyon. Para iyong asido na sumusunog sa pagkatao niya. Para iyong espada na tumutusok sa puso niya.             Catriona was seven years old nang ampunin siya ng mag-asawang del Valle. They loved her to the moon and back. She became their princess. Wala nang mahihiling pa si Catriona. Pakiramdam niya ay mahal siya ng Diyos kaya ibinigay sa kanya ang mag-asawang hindi siya itinuturing na iba. Pero nagbago ang lahat noong mamatay ang mommy niya. She was ten years old. Sa kasamaang palad ay nasaksihan niya ang aksidente nito. It was a horrific death and she was affected. Madali na siyang matakot. Lagi siyang binabangungot. Pati mood niya ay apektado. Later on she was diagnosed with posttraumatic stress disorder. Her daddy was always there for her. Tinulungan siya nitong maka-recover. Dumating ang Tita Valerie niya mula sa ibang bansa. Sa mansiyon ito tumira. Akala niya ay mabait ito pero tila kabaligtaran ng ugali ng daddy niya ang ugali nito. She always taunted her. Mainit ang dugo nito sa kanya. Kapag wala sa paligid ang ama ay laging ipinaparamdam sa kanya ni Tita Valerie na sampid lang siya sa pamilya del Valle. Na ampon lang siya kaya dapat daw ay alam niya ang lugar niya. Oh, hindi iilang beses na palihim na pinagbuhatan siya nito ng kamay.             At fifteen years old, her worst nightmare happened. She sleep-walked, pagkatapos ay naitulak niya ang daddy sa balkon. He died on the spot. Ni hindi naisugod sa hospital. It was an accident. Hindi siya nakulong dahil nasa medical file naman niya na mula nang mamatay ang mommy niya ay nag-e-sleepwalk na siya. Sumailalim siya sa stress debriefing pero hindi nawawala ang pagiging uneasy at mood swings niya. She had been monitored by a psychiatrist since then. Ini-appoint ng korte ang Tita niya bilang guardian niya. Pati kayamanang naiwan sa kanya ay naging kontrolado nito. Oh, her Tita tried to contest her father’s Last Will and Testament. May parte din ito pero gusto nitong kunin pati ang naiwan sa kanya. Thankfully, hindi ito pinaboran ng korte.             Kaya paano siya matatahimik kung ang taong nagmahal sa kanya ng totoo ay hindi sinasadyang napatay niya? No, she cannot lay that ghost to rest. It was haunting her, always haunting her. So at the age of twenty five she already had a few stay at the hospital to fix her head. Hindi lang kasi siya nag-e-sleep walk, may mga hallucinations din siya.             Natigil ang pagbabalik-tanaw niya nang iabot sa kanya ni Tita Valerie ang tseke at ball pen. “Keep your part of the deal.”             Nakaismid na kinuha ni Catriona ang tseke at sinulatan iyon. Iyon ang kabayaran ng kalayaan niya.   ITINIGIL NI Catriona ang minamaneho niyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Dinampot niya ang papel na may sketch ng direksiyon at sinulyapan iyon. Pagkuwa’y sinulyapan niya ang arko na nasa unahan. Bahagyang napangiti nang makitang hindi siya naliligaw. A few kilometers away at mararating na niya ang destinasyon. Inabot niya ang bottled water at uminom bago nagpatuloy sa pagmamaneho.             Gusto niya ang nakikita sa daan; rice fields, hilera ng mga punong malalaki ang katawan at mayayabong ang mga dahon, mangilan-ngilang bahay, may mga nadadaanan siyang mga hayup tulad ng baka at kambing, mga puno ng niyog, sagingan, at kung ano-ano pa. Pinatay niya ang aircon ng sasakyan bago ibinaba ang salamin ng bintana. Pumasok ang malamig na hangin sa loob ng sasakyan, and Catriona inhaled it and filled her lungs with it.             Lalo siyang naaliw nang dumaan ang sasakyan sa gilid ng isang bundok at tumawid sa isang hanging bridge. “This is awesome,” mahinang sabi niya. She smiled. And that smile stung her eyes. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nakangiti ng totoo. At ngayon, ngayon… it was awesome. Magaan ang pakiramdam ng dalaga. Parang pinapawi ni Mother Nature ang mga alalahanin niya.             Pagkaraan pa ng kalahating oras ay narating na ni Catriona ang beach house. She complimented her sense of direction. Hindi talaga siya naliligaw sa mga lugar na gustong puntahan. Bumaba siya ng sasakyan, inalis ang suot na shades, at pinagmasdan ang paligid. Maliban sa pundasyon at haligi na yari sa semento, gawa sa kahoy, kawayan, at iba pang light materials ang bahay. It was a few meters away from the shore. Medyo mataas ang yari ng bahay dahil kapag high tide ay sumasampa hanggang doon ang tubig. Natatandaan niya na may parte ng sahig ng bahay na gawa sa clear glass. Kapag kasi tumataas ang tubig ay napapadpad din doon ang mga isda, lalo na ang maliliit.             Pagkatapos maipasok ang mga gamit, ang sunod niyang ginawa ay ang i-check ang kusina. Nadismaya ang dalaga nang walang makitang stock ng pagkain.             She grabbed her car keys and wallet. Madali na lang magtanong-tanong kung saan siya puwedeng mamili. Walang problema ang pagluluto because she was a chef.   WOW, I LIKE IT… natutuwang bulalas ni Catriona sa nakikita. Natunton niya ang lugar na itinuro ng napagtanungan niya. Ang sabi ng ale doon daw siya pumunta kung gusto niya ng sariwang isda, gulay, karne, at prutas. Tamang-tama daw dahil Sabado. Apparently, Sabado at Martes lang bukas ang market. To her surprise, hindi pangkaraniwang wet market ang nakita niya.  It was a wet market near a port. And the port was busy at the moment. May mga malalaking bangka na may kargang kalakal na hula niya ay mga gulay o prutas. Sa malalaking kaing kasi nakalagay. Hinahakot ng mga kargador ang kalakal at isinasakay sa mga truck. It was fascinating. Busog ang mga mata niya sa kargador na shirtless. Boy, their abs were yummy.             Tapos na siyang mamili. Nawili siya kaya kahit pagod ay masaya siya. Effective na stress reliever talaga ang pamimili at pagluluto. Hindi naman kasi maselan si Catriona. She was a brat, yes. A brat na nakukuha ang ano mang gustuhin. Pero hindi naman siya maarte na hindi marunong magbanat ng buto.             The place was jam-packed. Kilala din siguro ang lugar dahil hindi lamang mga locals ang mga nandoon. There were foreigners. May mga mayayaman din.             And she was drawing attentions. Aware siyang maraming mga mata ang nakatingin sa direksiyon niya. She was a stunner after all. May mga pagkakataon na trip niyang sexy lagi ang suot na damit at kuntodo make up pa. May mga pagkakataon din naman na gusto niyang simple lang. Today, it was the latter.             Pinuntahan ni Catriona ang hilera ng mga stalls na may mga paninda. Karamihan sa stalls ay ihaw-ihaw ng fresh and sun-dried seafoods. Sa harap ay may mga lamesa at upuan na nalililuman ng malalaking payong. Busog pa naman siya pero nakakapaglaway ang amoy ng inihaw na dried pusit.             Nang makaorder ay inukupa niya ang isang lamesa. She was sipping her soft drinks while waiting for her food.             “Ayan na ang bangka ni Trey, sis!”             “Sigurado ka? OMG!”             Bahagyang tumaas ang kilay ni Catriona. Galing ang boses sa katabi niyang mesa. At hindi lang excited ang mga ito sa kung ano. Parang kinikilig at gustong mamilipit na ewan. Hindi na lang niya pinansin. Baka kinikilig lang sa Trey na nabanggit.             “Oh, Jesus, kahit isang gabi lang sa piling niya, p’wede na akong mamatay.”             “Trey, lahian mo naman ako, oh. Patikim ng talong mo.”             Na-a-amuse na si Catriona sa mga naririnig. Kung ano-anong naughty words na ang sinasabi ng dalawang babae. That Trey must be handsome.             Ah, Catriona already had her fair share of men. Dahil sa kaliwa’t-kanang party, maaga din siyang namulat sa mundo ng s****l act. Maaga niyang na-explore ang sexuality niya. She enjoys the deed and she likes it wild. She was never shy. Sa totoo lang ay hindi na rin niya mabilang kung ilan na ang nakalaro niya sa ibabaw ng kama. She lost the count a long time ago. Because if she likes a guy and if she wants that guy, she will act accordingly. Kasehadong siya pa ang gumawa ng unang hakbang. Hindi siya tumitigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto. Hindi naman siya nahihirapan na makuha ang lalaking gusto dahil mala-anghel ang mukha niya. Mala-diyosa ang katawan. Hindi mahirap sa kanya na makuha at matikman ang lalaking magustuhan. Men couldn’t resist her beauty.             “s**t, s**t, nagwawala na ang ovaries ko.”             “Nakabuka na ang bulaklak ko.”             Catriona almost laugh. Muntikan na siyang masamid ng sinisipsip na soft drinks. Ah, these ladies were making her day. Bakit ba hindi magawa ng mga ito na lumapit at magkasya na lamang sa pagtanaw? Bakit kailangang hanggang tingin at pagpapantasya na lang kung p’wede namang lumapit. Nako-curious tuloy siya sa Trey na iyon.              Sige nga. Tingnan ko nga kung sino ang Trey na ‘yan…             Lumingon siya sa kabilang mesa. Maganda rin ang dalawang babae. They’re wearing a cheap sexy dress. In fairness, their make up was well done. Masasabi niyang mahilig din sa party. Must be a local. Kilala kasi ang ‘Trey’ na binanggit. Hindi mahirap sabihin na nagpapantasya ang mga ito, s****l fantasies. Sinundan niya ng tingin ang direksiyong tinitingnan ng dalawa.             She saw a particular man. Medyo malayo ito sa karamihan. Nakatalikod ito. Naglalakad pabalik sa bangka. Tumaas ang sulok ng labi ni Catriona. Oh boy! That back of him was yummy. Malapad ang kaha ng katawan. Maskulado. Matatag at sigurado ang bawat hakbang. And the butt--- that round butt made the insides of her mouth watered. Isa sa mga turn on niya sa lalaki ang pang-upo. Gusto niyang mapasipol sa paghanga. Ramdam ni Catriona ang pagkabuhay ng dugo niya. He makes her all warm. She was suddenly curious and interested. May misteryosong aura ang lalaking iyon na gusto niyang tuklasin.             Maya-maya ay pabalik na ang lalaki, pasan nito sa balikat ang isang kaing. Tinanggal ni Catriona ang suot na shades para mabistahang maige ang lalaki. Wala siyang pakialam kung may makakakita man sa kanya na nakatitig sa lalaki.             The man was walking wantonly. May karakter. Hindi kataka-taka na pagnasaan ito ng mga babae dahil totoo namang malakas ang s*x appeal nito kahit sa malayo. Iyong klase ng appeal na gigising sa natutulog na sensuality ng sino mang babae. At kung sakaling ‘gising’ ang sensuality, the man’s appeal would surely wreak havoc. May ganoong epekto na agad ang lalaki kahit sa malayo. Hindi tuloy makapaghintay si Catriona na makita ito ng malapitan.             When he was near enough, Catriona almost drew a sharp breath. The man was fatally gorgeous. Guwapo ito, guwapong-guwapo. Prominente at may may karakter ang panga. Arogante ang matangos na ilong. Suplado ang nakatiim na labi. Matikas ito. Lalaking-lalaki ang kilos at aura. Naghuhumiyaw ang muscles sa manggas ng t-shirt na suot. Fit ang pantalong maong. And boy… his bulge was tickling her insides. Hindi ito gumagawa ng eye contact sa sino man at parang nagmamadali itong makaalis.             Intresado siya sa lalaki. Sobrang intresado na natuon lahat ng atensiyon niya rito. She wants him. And what Catriona wants, Catriona gets.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
534.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

A Night With My Professor

read
496.0K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.4K
bc

Payment of Debt

read
87.6K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook