bc

Faithless (Filipino)

book_age12+
477
FOLLOW
5.0K
READ
billionaire
badboy
confident
student
sweet
bxg
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

All the young - In Dalton High, si Irene ay kilala bilang isang strict na school prefect, ngunit nang makilala niya si Hayden Zarchavez ay nag bago ang lahat sa kanya, pati na ang pag-ibig niya sa kanyang past M.U.

Subalit si Hayden ay kilala din bilang arrogant trouble maker and made Irene get involved into his life by using her as a tool for him to easily access everything in Dalton High where anonymous gangsters are hiding.

Can Irene handle Hayden's hidden bad boy character? While seeking herself death in his own hands by obeying his rules?

chap-preview
Free preview
~ Chapter One ~
A/N: Hi this story is written personally by yours truly and any ideas and events that might connect to other's personal life were honestly done by coincidence whether it may be names, places, time and etc.  I wrote this through my own thoughts and imagination kaya wag seryosohin ang mga bagay na hindi dapat kasi masasaktan ka lang wag na i push, and if ever I caught someone copying my finish product I won't be good as hell kasi akin ito at wala kang karapatang kunin ang hindi sayo, wag makapal mukha kung ayaw mo masabugan ng mainit na tubig. And lastly sa perfect na mga tao kung hindi mo kaya bumasa ng unedited edition ng book ay wag mo ng basahin kasi alam ko na puro pangungutya lang gagawin mo at ma ha-highblood pa ako, hindi lahat kasing talino niyo at isa pa mas mabuting sumulat ng madaling intindihin kesa sa magpahirap pa ng mga readers, I stand my own point here at pag ito hindi mo pa naintindihan, aba! taga ibang planeta ka galing. Anyways enjoy :) - Millyrics (3nd Year Highschool) IRENE'S P.O.V "Is everyone here familiar with Alexander the great?" "Yes, Miss!" "Good, now before we would start let me tell you a story behind his wishes and his death." "Irene! psst!" "Hmmm."  "Irene gising!" Dinig kong pukaw sakin ni Ysa kaso ayokong gumising ang sarap pang matulog puyat na puyat kasi ako kagabi dahil sa projects na ginawa ko. "Irene malalagot tayo gumising kana!"  "Mamaya na maaga pa." Tugon ko sa kanya. 6 AM pa eh mamayang 7:30 pa yung class namin kahit thirty minutes lang okay na.  "Anong maaga pa? Please naman gumising ka terror teacher natin ngayon bes!" "5 minutes lang." Pilit ko. "Miss Andalio wake up!" sigaw sakin ng isang pamilyar na boses that made me stood quickly out of my seat. I looked around my sorroundings and shemay! Nakakahiya nasa klase pala ako ngayon and bad trip! Sa klase pa talaga ni Miss Bartolome! To be exact philosophy! "And what do you think your doing in my class miss Andalio?!" Sita niya sa akin na tila ba galit na galit kasi nakatulog ako. Nakakahiya sobra! "Miss I'm so sorry."  "Sorry? Look miss Andalio I am not here in this class to tolerate people who are sleeping while I stand here teaching. You're may be one of the campus prefects but your actions don't seem to like one." Pagpapahiya niya sa akin which caused me to belittle myself again. Narining ko naman ang mga classmates kong nagbubulung-bulongan, kung hindi ako matalino iisipin kong wala silang pakealam kaso hindi, ibig sabihin nun pinag-u-usapan na nila ako and masama sa reputation ko ito kasi malapit na ang campus election.  "Sorry po talaga." "Anyways I might give you a chance if you are really paying attention to my class, you should answer my questions correctly." "Yes, miss." "Now, what are the three wishes of Alexander the Great before he died." For a second nag loading ako, alam kong nagbasa ako kagabi ng notes and nag advance study kasi prefer ko na mas mauna pa sa lesson na ituturo. Medyo nahihiya din ako kasi firstime to nangyari sakin. "Well,miss Andalio?" Inhale. Exhale.... "According to what I know miss, Alexander the Great had three wishes and his wishes were to only have the best doctors carry his coffin, let his wealth scatter in the road and make his hands dangling out from his coffin," I answered simply which made Miss Bartolome quite impressed. "Feeling genius." Someone huffed and sure ako na si Jennica iyon. "Good, now Miss Flores what is the meaning behind Alexander the Great's wishes?" Biglang tanong niya kay Jennica. Gusto kong matuwa kasi finally sinita na siya ni miss Bartolome. Kitang kita mo kay Jennica na medyo kinakabahan syempre kasi her boyfriend is watching her at ayaw na ayaw niyang na papahiya infont of her boyfriend. "Ano na miss Flores?" Yumuko naman siya na tila may halong inis at galit. "Hindi ko po alam." "See hindi mo alam pero marunong manghusga sa iba? How pathetic of a person you are practicing miss Flores? Now sit down and listen well!" Tumingin naman ako kay Jennica at nang magkatagpo ang mara naming dalawa saka niya ako inirapan. "Naku butasin ko mata niyan eh!" Inis na sabi ni Ysa. "Shh tumahimik kana at baka ikaw naman sitahin ni miss bartolome sige ka." "Sus may masasagot naman ako eh di tulad ng iba dyan." Pang a-asar niya. Everything was well during the discussion at hindi na ako nagpumilit matulog ulit. As usual maraming pinagawa ulit si miss Bartolome leaving me to be exhausted again. Honestly ang hirap maging perfect na anak.  Then break time came and here we go may meeting sa office nanaman. "Feeling ko hindi tayo magsasabay kumain ngayon, kasi ayan na si Elvin oh parang may meeting kayo." "Feeling ko nga bes... Feeling ko hindi na kaya ng katawan ko." Reklamo ko kay Ysa. "Gaga..  sino ba naman kasi may sabi maging perfect na anak ka? Naku yang magulang mo kulang nalang isipin ko ampon ka nila eh." "Mahal nila ako alam ko yon."  "Sus! ayan na crush mo pumunta kana dun, shu!" "Anong crush pinagsasabi mo tumigil ka nga!" "Denial che!" "Hindi--" "Excuse me pwede ko ba hiramin si Irene sandali Ysa?" Tanong ni Elvin  "Oh sure kahit hindi mo na yan ibalik Elvin sayo na siya!" Tukso ni Irene dahilan para samaan ko siya ng tingin, kung ano-ano pinagsasabi eh. "Loko ka talaga Ysa sge mauna na kami." "Bye lovebirds! Opps haha!" "Loka loka talaga yung babaeng yun." Komento ko para hindi awkward sa amin ni Elvin nahihiya ako eh. "Okay lang mas maganda nga yung ganon siya eh." sabi niya na medyo nag loading ako. "Ha?" Ngumiti naman siya dahilan sa pagkailang ko at nag change topic. "Tungkol saan ba ang meeting natin ngayon Mr. President?" "About sa incoming activities to ngayong valentines, alam mo na most awaited part yan ng lahat at syempre most awaited day ko din." Nakangiting sabi niya na tila hindi maipinta ang saya sa kanya mga mata. Excited siya para sa kanila ni Jennica. "Ahh ganon ba sige." "Ikaw pala pinili ko para ma assign sa listings and inventory magaling ka kasi dun sabihin mo lang sakin kung hindi mo kaya ha, medyo pagod ka kasi latety na ngangayat kana oh!" Tukso niya sakin. "Wag ka nga! Sexy kaya ako kahit payat sus!" Biro ko at siyang pag tawa naming dalawa. Sana ganito nalang palagi. Every campus prefects gathered around the office and talked about the incoming school event this coming February fourteen. I-ilan sa amin ay excited ng mag celebrate at counted na dun si Mr. President.  Maganda ang mga ideas na naisip nila lalo na sa part na magkakaroon ng mascarade ball. Sigurado ako na maraming in favor dito at makakadagdag na rin ng fund sa school since it will be compulsory.  "So everyone... agree ba kayo sa plans natin?" Tanong ni Elvin sa lahat. "Yes naman Elvin I think ito ang magiging pinaka succesful event natin." sabi ng Vice pres namin. "Hopefully, and by the way tulungan din niyo naman si miss secretary natin kasi ang payat na oh hahaha!" pang a-asar nanaman ni Elvin. "Naku parang kailangan na ata magka lovelife ni Miss Perfect ah." Dagdag pa ng iba. "Tigilan niyo ako ha."  "Di nga seryoso tulungan natin kasi medyo busy siya ngayon kasi nilagay ko siya sa inventory kaya guys do well in this event ha?" "Yes naman Mr. Pres!"  Hindi ko mapigilang ngumiti ng saglit kasi kahit sa kabila ng lahat may tao parin na inaapreciate ang pagod at effort ko sa school.  Perfect boyfriend nga si Elvin no wonder kaya siya ang crush ng buong campus. "Irene, may nag kakagulo sa hallway!" Biglang sabat sa usapan namin ng kaklase ko. "Excuse me muna guys ha." Paumanhin ko pero pinigilan ako ni Elvin bago ako makaalis at usisain ang gulong nangyayare sa labas. "Sasama ako." sabi niya. Pagpunta ko sa hallway madaming sumisigaw, ang daming estudyante at amoy na amoy ko ang dugo ng tao. "Tigilan niyo na yan!" Sita ko sa kanila at pumagitna sa dalawa. Kung hindi ako nagkakamali si Hayden ang nasa right side ko at si Jorge ang nasa left side ko.  Sila nanaman?! "Tumigil kayong dalawa ha irereport ko na kayo sa Police! hindi na principal hindi sa guidance kundi sa Police!" Sigaw ko ng galit na galit kasi sinisira nanaman nila ang image ng campus. "Wala akong pake sayo Irene gusto kong patayin yang gago na yan!" Sigaw ni Jorge. Tumingin ako ng masama kay Hayden.  Ano nanaman bang kalokohan ginawa nito?! "Ano nanaman bang ginawa mo?!" Sigaw ko sa kanya. "Umalis ka dyan."  "Ano?! Tumigil na nga kayo eh!" "Puta ano ha?! Hahayaan mo nalang ba ang babae magpatigil ng away dito?! Ano magpatayan na tayo!" Pilit ni Jorge. Kita ko naman na wala sa gana si Hayden makipagaway ngayon dahil sa pawis at dami ng dugo na umaagas sa kanya.  Ano ba nangyare? Tumingin naman ako sa bandang tiyan niya at nakita ang isang malalim na saksak. What the hell?! "Guys! Bilis tumawag kayo ng ambulansiya! Mawawalan ng dugo si Hayden!" Sigaw ko at inalalayan si Hayden. Takot man ako sa kanya ay hindi ko na iyon pinansin kasi tao din siya at isang studyante sa campus. "Hindi pa ako tapos." Dinig kong sigaw ni Jorge na siyang sumunggab ng saksak papalapit sa akin nang bigla akong i corner ng mabilis ni hayden na siyang na saksak mula sa kanyang likod. "Hayden!" sigaw ko mula sa takot dahil ramdam na ramdam ko ang init ng tumutulong dugo galing sa kanya. Nang mang tugma ang aming mga mata doon ako nakaramdam ng kaba dahilan upang ako ay matakot ng sobra sa isang tao alam kong hindi mapagkakatiwalaan ng buhay. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

My Favorite Subject

read
216.9K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
454.0K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.0K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.5K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook