bc

Brilliant Plans

book_age0+
5.7K
FOLLOW
40.2K
READ
revenge
fated
second chance
arranged marriage
badgirl
drama
like
intro-logo
Blurb

Paano kung dumating ang araw na ang lahat ng nasa iyo ay bigla na lang nawalan ng saysay sa buhay mo? At ang tanging asam nalang ng iyong puso ay matakasan ang lahat ng mga ito?

chap-preview
Free preview
B-Plans (Prologue)
Jelna’s POV “Ma, I’m too young to get married,” reklamo ko. Kasasabi lang kasi nila ni Papa na ipapakasal nila ako kay Nate. Si Nate ang boyfriend ko at anak ng business partner nila. “Doon din naman ang tuloy ninyo. Why don’t you make it a little earlier?” tanong naman ni Papa. I sighed. “Wag mong sabihing ayaw mong magpakasal kay Nate?” segunda naman ni Mama. It’s really hard to argue with them. “Hindi naman sa ganun, ma. I love Nate but I’m too young. Gusto kong maenjoy muna ang pagiging single.” Napatawa sila pareho sa sinabi ko. Seriously? Ano bang nakakatawa dun? “Basta, right after graduation. We will prepare for your wedding.” Pinal na saad ni papa. Kahit naiinis ako ay wala akong magawa. Lahat na lang ng bagay pinipilit nila. I never wanted to take up business course pero pinakuha pa rin nila ako at wala akong nagawa. Masama ang loob kong umakyat sa kuwarto at nagkulong.   “Sweetheart, open the door!” I heard Nate’s voice. Mas lalo tuloy akong nainis. He is my boyfriend at siya ang gusto ng magulang ko na pakasalan ko. Wala naman akong duda sa kanya kaya lang feeling ko masyado pang maaga para magpakasal kami. I didn’t budge. Naramdaman ko nalang na umupo siya sa kama ko at hinaplos ang buhok ko. Tsk! Pinapabuksan ang pinto, may duplicate key naman. Hmp! “What’s the matter?” saad nito. Umupo naman ako at sumandal sa headboard. “Nate, don’t you think it’s a little too early para magpakasal tayo?” tanong ko. “Ayaw mo bang magpakasal sa akin?” Sumeryoso ang mukha niya. I didn’t utter any word. Ayoko nga ba? “I wanna marry you because I love you. Whether it’s early or not, it makes no difference.” Saad niya. “But Nate, I’m still too young.” Reklamo ko. “So? If you really love me then marry me!” saad nito. Napabuntong-hininga ako. Wala na talaga akong kawala. “Unless you don’t love me!” saad nito nang di ako umimik. Bakit kasi di nila ma-gets yung point na gusto ko lang ienjoy muna ang buhay ko bilang single but in the end siya pa rin naman ang papakasalan ko? Wag lang sana muna ngayon. Haisst! Bumalik nalang ako sa pagkakahiga at nagtalukbong na ng kumot.   Mahal ko naman talaga si Nate. Sa lahat ng nanligaw sa akin, siya lang ang nagustuhan ko. Well, siya lang naman kasi ang totally nakakalapit sa akin dahil may dalawa akong body guards at dahil gusto siya ng parents ko kaya siya nakakalapit sa akin freely. Meron din namang anak ng mga business partners ng parents ko na pinapayagan nilang manligaw sa akin dati kaya lang di ko trip ang mga ugali. They are either too arrogant or conceited kasi nga mga anak-mayaman. Hmp! As if I care about their money. Kahit nga umupo nalang ako habam-buhay magiging marangya pa rin ako dahil sa yaman ng parents ko. But Nate is different. He is not overbearing kahit mas mayaman siya sa akin at mas matalino. Pero siyempre mas gusto ko rin siya kesa sa ibang lalaki noon pa dahil sikat siya sa university namin. Student Council President kasi siya at star player ng basketball team. Ang daming naiinggit sa akin sa tuwing magkasama kami sa school. I was sophomore then and he was in his Senior year. Walang magawa ang ibang mga babae noon kundi mainggit sa tabi. Di rin naman nila ako puwedeng awayin dahil may mga bodyguards ako plus they all know how bitchy I can be.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.7K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook