bc

Kabit

book_age18+
7.8K
FOLLOW
26.2K
READ
drama
comedy
twisted
gxg
bisexual
seductive
like
intro-logo
Blurb

Masakit malaman na may kabit ang asawa ko. Ano na lang iisipin ng mga tao at anak ko sa oras na malaman nilang niloko ako ng asawa ko? Ang masakit pa ay ipinagpalit ako sa mas maganda. Oo aaminin kong maganda sya dahil kahit ako ay napapatulala sa kanya.

GXG

chap-preview
Free preview
Prologue
"Paano mo nagawa sakin 'to?!" maiyak-iyak na sabi ko habang pinagpapalo ang asawa kong walangyang nagawa akong lokohin. "Stop!" sabi nya habang pilit na pinipigilan ako pero sobra akong nasaktan sa ginawa nya. Gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko, gusto ko malaman nya kung gaano ako nasasaktan sa ginawa nyang panloloko sakin. "Ikaw ang tumigil! walangya ka! may asawa't anak ka na nagawa mo pang mambabae!" mas nilakasan ko ang paghampas ko sa kanya. "Napakasama mo!" naiiyak kong sabi. "Ang sama sama mo!" patuloy ko syang pinaghahampas at sya naman ay pilit na umiilag. "Bakit mo 'to nagawa sakin? hindi pa ba ako sapat para mambabae ka?" tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot kaya mas lalo akong napaiyak. Lumuhod ako at tinakpan ng mga palad ko ang mukha ko. Ang sakit sakit. Ano bang nagawa ko para gawin nya sakin ito? "I'm sorry." rinig kong sabi nya na nagpapintig ng tenga ko. Sorry? sorry lang ang sasabihin nya? napakawalangya nya! "Mahal kita." napaangat ang tingin ko sa kanya. Bigla akong natawa. "Mahal?!" tumayo ako at hinarap sya. "Kung mahal mo ako hindi ka mambabae! pero ano ginawa mo?! nambabae ka at dinala mo pa talaga dito sa pamamahay na 'to! napakawalangya mo!" kinuha ko ang unan sa sofa at pinaghahampas sa kanya. "Stop it! baka magising si Kevin!" tumigil ako at masamang tinignan sya. "Wow ah?! nag-aalala ka na baka magising ang anak mo? Bakit? ayaw mo bang malaman ng anak mo na may babae ka at dinala mo pa dito huh?!" sigaw ko at gigil na binato sa kanya ang unan. "I said stop it!" sigaw nya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Sasabihin ko kay Kevin ang totoo." hindi akong makapaniwalang napabugha ng hangin. "Are you f*****g stupid?! sasabihin mo yan kay Kevin?! hindi ka na nahiya sa anak mo Lorenzo! napakawala mo talagang puso!" kumuha ulit ako ng unan o kahit anong bagay para maibato sa kanya. "f**k tumigil ka na Maru! hindi ka na nakakatuwa!" sabi nya habang umiiwas sa mga bato ko. "Hindi rin ako natutuwa Lorenzo! sa tingin mo matutuwa ako na may babae ka?!" "Tumigil ka na Maru kung ayaw mong masaktan kita!" "Tanga ka ba?! sa tingin mo hindi ako nasaktan sa ginawa mong mambabae?!" patuloy ko pa din sya sa pagbato na halos lahat na ata ng gamit sa sala ay binato ko na sa kanya. "Babe." napatigil ako sa pagbato sa asawa ko ng kung ano na may mala-anghel na boses na nagsalita. Isang maganda-no, hindi lang sya basta maganda, dyosa sya na nag-uumapaw ang kagandahan na nakatayo sa kalagitnaan ng hagdanan habang ang kumot lang ang tanging nakabalot sa mapuputi at makinis nyang katawan. Hindi ko maiwasan humanga sa kagandahan nyang taglay. Para syang anghel na bumaba sa lupa at dyosa na wala pang hihigat pa kung kanino man. Pero nung ma-realize ko kung ano lang ang nagtatakpan sa katawan nya at tawag nya sa asawa ko. Hindi ko mapigilan magalit ulit at binaling lahat sa asawa kong natulala sa babae nya. "Napakawalangya mo talaga!" -----------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.7K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

Married By Mistake

read
170.7K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.0K
bc

Love Donor

read
86.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook