bc

Story Of Us Trilogy Book 3:

book_age0+
5.8K
FOLLOW
37.8K
READ
billionaire
possessive
pregnant
arrogant
single mother
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Isang malaking biyaya ang pagkakaroon ng isang anak ngunit paano kung ni hindi mo alam kung sino at paano ka nagdalang-tao? Iyon ang malaking dilemma ni Christinr. She wa ssuffering from retrogade amnesia because of an accident.

Nagtagpo ang mga landas nila ng sikat na modelo na si Alexander Mondragon. He was larger than life. Hindi niya inakala na ang simpleng babae na tulad niya ay mapapansin ng isang celebrity na katulda nito. He even showed affection to her daughter Daphne.

Paano kung bumalik ang alaala niya at malaman na niya kung sino ang ama ng anak niya? Paano na sila ni Alexander?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“ALL IS WELL…” nakangiting wika ni Christine patungkol sa kabubukas lang niya na negosyo, ang CC o Christine Collection. Successful ang opening ng unang boutique niya sa Mall Of Asia dahil marami agad ang nagpakita ng interes. Sa katunayan, mataas din ang kanilang opening sales. Kung ganoon nang ganoon ang mangyayari, mukhang hindi magtatagal ay magtatayo siya ng branch ng CC. Itinuturing siyang prinsesa ng kanyang ina at Kuya Neil. Bata pa lang siya nang maulila sa ama, subalit hindi naging dahilan iyon para hindi siya magkaroon ng isang masayang pamilya. She was twenty-six year old. Nagtapos siya ng kursong Business Management at nakakuha na rin ng masteral degree para doon. Ilang taon siyang nagtrabaho sa software company ng Kuya Neil niya na nakabase sa Barcelona bago niya naisipang magtayo ng sariling negosyo, ang Christine Collection nga na isang fashion boutique. Habang minamaneho ang sariling sasakyan, nadaanan niya ang isang malaking billboard sa kahabaan ng Ortigas Extension. Unti-unti niyang pinabagal ang andar ng sasakyan at itinabi sa gawing bangketa na malapit sa billboard. Alexander…sambit niya sa isip habang nakatitig sa guwapo at makisig na modelo sa billboard. Kapag bumibisita siya sa garments factory kung saan tinatahi ang mga damit sa CC, sa Ortigas siya dumadaan subalit ngayon lang niya napansin ang billboard ng modelong walang iba kundi si Alexander Mondragon. Marahil ay kalalagay lang niyon. Ito ang isa sa pinakasikat at hinahangaang Filipino model sa mundo ng catwalk at print ads hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Napakatangkad nito at makatawag-pansin ang kaguwapuhan nito. Ngiti pa lang nito ay nakakaakit na. The camera loved his handsome face. His eyes very expressive. He was her greatest crush. Nangyari iyon dahil sa mommy niya. Hangang-hanga kasi ang kanyang ina sa kapatid ni Alexander na si Capt. Vladimir Mondragon na celebrity na ring maituturing lalo na at madalas na naikakabit sa pangalan nito ang sikat na kapatid na modelo. Hindi niya makakalimutan ang unang pagkakataon na nakita niya si Alexander sa TV. Naka-closeup ang guwapong mukha nito habang nakapaskil sa mga labi ang isang killer smile. Tila nabatubalani siya sa pagtitig sa mukha nito at hindi mapuknat-puknat ang mga mata niya rito. Napuyat siya nang gabing iyon sa kaka-replay sa isip ng guwapong mukha nito. Daig pa niya ang nagayuma at first sight kahit sabihing sa TV lang iyon. Hindi iyon ang first time na humanga siya sa isang celebrity, pero iyon ang first time na nakaramdam siya ng ganoon katinding crush para sa isang celebrity. Mula noon, naging kasa-kasama na siya ng mommy niya sa pagsubaybay sa magkapatid na Mondragon. “It had been three months…” usal niya, may ngiti sa mga labi. It had been three months since that fateful, unforgettable day in Paris. She left no trace of her. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago muling binuhay ang sasakyan at umalis na. Binabaybay na niya ang kahabaan ng EDSA nang makaramdam siya ng matinding hilo. Tila umiikot ang paligid niya. Nataranta siya lalo at nagmamaneho siya. Pilit niyang pinaglabanan ang pag-ikot ng paningin subalit hindi niya magawa. Nasa gitnang lane pa naman siya. Pinagana niya ang warning signal bilang senyales sa mga motorista na tatabi siya. Pero nagulat siya nang biglang may sumingit na sasakyan sa kanan niya. “God!” takot na takot na sigaw niya nang maramdaman niya ang impact ng pagbunggo sa sasakyan niya. Narinig niya ang sigawan ng mga tao bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya…       NAGMULAT ng mga mata si Christine. Tila tuyong-tuyo ang lalamunan niya. She needed water badly. Bumulaga rin sa kanya ang puting kisame. Nanuot sa ilong niya ang amoy ng mga antiseptic. Iginala niya ang paningin at base sa mga instrumentong nakikita niya ay nasa ospital siya. Pero bakit siya nasa ospital? Noon bumukas ang pinto ng silid. Mula roon ay pumasok ang ina niya at ang kanyang Kuya Neil. “Christine! Salamat sa Diyos at nagising ka na! Ang anak ko,” anang mommy niya bago tinakbo ang distansiyang nakapagitan sa kanila. Humagulhol ito ng iyak habang yakap-yakap siya. Umupo sa ulunan niya ang kuya niya at hinagkan ang noo niya. “Welcome back, Chris. Welcome back…” anitong kumikislap ang mga mata dahil sa mga luhang namumuo roon. “Tatawag ako ng doktor,” anito bago lumabas ng silid. “Mom, ano’ng nangyari? Bakit nasa ospital ako?” Gusto sana niyang itanong pero hindi niya mahagilap ang tinig. Sa halip, naramdaman uli niya ang panunuyo ng lalamunan. “T-tubig,” aniya sa paos na tinig. Maagap  na unti-unting binasa ng mommy niya ng tubig ang mga labi niya gamit ang bulak. Dumating ang doktor at nurse para i-examine siya. Marami siyang nais itanong pero sinarili na lang muna niya ang mga iyon hanggang sa matapos ang mga ito sa ginagawa. Maayos daw ang vital signs niya. Hindi pa tapos ang mga doktor sa pag-examine sa kanya nang mapatingin siya sa kanyang tiyan. Medyo nakaumbok iyon sa suot niyang hospital gown. “M-Mom?” hintakot na bulalas niya na puno ng pagkalito. Nanlalamig siya at pakiramdam niya ay tatakasan siya ng ulirat anumang sandali. Bakit malaki ang tiyan niya? Iyon ba ang dahilan kaya nasa ospital siya? What was it? Cancer? Hindi nakaligtas sa kanya ang pagpapalitan ng tingin ng mommy niya at kapatid. Tumikhim ang mommy niya. “W-wala ka bang natatandaan, Christine?” “A-ano’ng dapat kong matandaan?” nalilitong tanong niya. “A-ano ba’ng nangyari? Bakit nasa ospital ako?” Bumaling siya sa kuya niya. “K-Kuya, answer me.” Nakakaramdam na siya ng pagpa-panic. Nang hindi agad sumagot ang kapatid niya ay sumigaw na siya. Kasabay niyon ay nagpapasag siya. Pilit siyang bumabangon habang pigil-pigil siya ng kanyang kuya at ng isang nurse. Kasunod niyang namalayan ay may itinuturok na sa kanya ang doktor. Ilang sandali pa at namigat na ang talukap ng kanyang mga mata.   HINDI alam ni Christine kung gaano katagal siyang nakatulog. Pagdilat niya, nakita niyang naroon pa rin ang ina at kapatid niya. “Mommy?” tawag niya rito. Mabilis na tumayo ito sa kinauupuang sofa para lumapit sa kanya. Tinawag naman ng kuya niya ang doktor. “Mom, ano ang sakit ko? Bakit malaki ang tiyan ko?” mahinahon nang tanong niya kahit naroon pa rin ang takot na naramdaman niya kanina. “Anak, y-you’re pregnant,” anito sa kanya. “B-buntis ako?” Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Paano nangyari iyon? Hinaplos niya ang kanyang tiyan. She tried to calm herself para hindi na siya mag-break down pero hindi niya napigilan ang mga luhang naglalandas sa mga pisngi niya. Tumango ang mommy niya. “Oo, anak,” namamasa ang mga matang sabi nito. Akmang may sasabihin pa ito nang pumasok ang doktor at isang nurse. Tinanong uli siya at in-examine ng doktor. Maraming tanong ang doktor, mga simpleng bagay na alam niya ang sagot katulad ng birthday niya, miyembro ng pamilya niya, kung saan siya nag-aral at kung ano-ano pa. Pinagbilang at pinag-identify pa siya ng mga kulay ng mga ito. “Ano’ng pinagkakaabalahan mo lately?” tanong ng doktor. Sandaling nag-isip siya. “Lately… ahm, abala ako sa negosyong bubuksan ko, ang Christine Collection. May scheduled Paris trip ako. Pagkatapos n’on ay ang grand opening na ng unang CC sa MOA kaya medyo busy talaga ako,” sagot niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagpapalitan ng tingin ng doktor, ng mommy at ng kuya niya. “Mom?” nagtatanong ang mga matang baling niya sa ina. “Hija, n-nanggaling ka na sa Paris at nangyari na ang opening ng CC sa MOA mahigit tatlong buwan na ang nakararaan,” anang mommy niya kasabay ng marahang pagpisil sa kanyang kamay. Lumunok ito para pigilin ang emosyon subalit hindi iyon nakatulong dahil tuloy-tuloy paring naglandas sa magkabilang pisngi ang mga luhang ayaw paawat sa pagtulo. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla.Gusto niyang magsalita subalit hindi niya matagpuan ang sariling tinig. “Hindi mo ba matandaan ang mga detalyeng iyon, hija?” tanong ng doktor. Pumikit siya at pilit hinagilap sa kanyang memorya ang pagyayaring iyon subalit kahit ano ang gawin niya, wala siyang mahanap na sagot. “W-wala akong matandaan…” Ilang sandaling nanahimik ang doktor bago sila hinarap. “May idea na ako kung ano ang kondisyon mo, hija,” anang doktor. “You are suffering from amnesia.” “Amnesia? Memory lost? Pero, Doc, nakikilala naman kami ni Christine. She can recall almost everything,” anang kuya niya. “Almost but not all,” sagot ng doktor. “Maraming klase ang amnesia. One of which is retrograde amnesia. Ang ganitong klase ng amnesia ay recent memories lang ang nawawala sa memory storage prior sa aksidente. People suffering from retrograde amnesia are more likely to remember general knowledge rather than specifics. Sa kaso ni Christine, hindi niya matandaan ang mga pangyayari ilang buwan na ang nakararaan bago ang aksidente kaya kasama roon ang pagbubuntis niya at ang mga detalye tungkol doon.  “Ang head injury niya ay sapat na rason na para magkaroon siya ng amnesia. Most likely, defense mechanism ng utak ang amnesia kapag nakakaranas iyon ng isang traumatic experience. Ang aksidente ni Christine ay traumatic na para dito lalo pa at ilang linggo rin siyang comatose. Don’t worry, temporary lang ang condition na ito. Anytime ay babalik din kay Christine ang kompletong alaala niya. And of course, patuloy nating imo-monitor ang kanyang head injury.” Maraming sinabi at ipinaliwanag ang doktor pero hindi na niya maunawaan ang mga iyon. Halos hindi pa maproseso ng utak niya ang mga narinig. Pero bakit siya naaksidente? Hinintay muna niyang makaalis ang mga doktor. Alam kasi niyang wala ring maibibigay na sagot ang mga ito sa kanya. “Mom, Kuya, please sabihin n’yo sa akin kung ano ang nangyari…” wika niya nang makaalis ang doktor na tumingin sa kanya. “Christine, ipahinga mo muna ang isip m—” “Kuya, hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman ang lahat. Why am I here? Why am I pregnant? Diyos ko! Ang dami kong mga tanong, Kuya!” putol niya sa sinasabi nito. Hindi niya napigilang humagulhol. “Gaano na ba ako katagal dito sa ospital? Kailan ka dumating mula sa Barcelona?” “Naaksidente ka, Christine. Ayon sa nakasaksi, akmang tatabi sa sidewalk ang kotse mo nang may humahagibis na sasakyan na bumangga mula sa kanan mo.” Umiling ito. “Hindi ko dapat sinasabi sa `yo ang mga bagay na ito ngayon, sis. Baka makasama sa `yo at ma-stress ka—” Umiling siya. “Oh, please, sabihin n’yo na sa akin ngayon. K-kumusta `yong nakabangga sa akin?” “Pareho kayong isinugod dito sa ospital na ito pero mas nauna siyang na-discharge sa iyo. Nakausap namin siya bago siya ma-discharge. Panay ang paghingi niya ng tawad sa amin. May emergency raw sa bahay nila kaya nagmamadali siya nang araw na iyon. Tuliro na raw siya noong nagmamaneho siya kaya hindi na niya gaanong napansin ang warning light ng kotse mo. Sasagutin daw niya ang lahat ng magagastos dito sa ospital. Gusto mo bang magsampa ng kaso laban sa kanya?” tanong ng kuya niya. Umiling siya. “Hindi na, Kuya. Maayos naman na ako at hindi naman nalaglag ang b-baby ko. Ano pa ang nangyari, Kuya? Gaano ako katagal dito?” “Ilang linggo kang comatose, Chris. Kulang-kulang isang buwan.” “Comatose?” nahihindik na tanong niya. “Mom?” baling niya sa ina. Kaya marahil nangangati ang likod niya ay dahil sa matagal niyang pagkakahiga sa hospital bed. Marahil ay nagka-rashes na siya dahil doon. “Tama ang narinig mo, Christine. Mabuti na lang at malapit sa isang MMDA post ang pinangyarihan ng aksidente kaya may mga tumulong agad sa `yo at sa nakabangga sa iyo. Isang concerned citizen ang nakakuha ng cell phone mo at tinawagan ako para ipaalam ang nangyari sa inyo. Tinawagan ko agad si Neil kaya umuwi rin agad dito ang kuya mo.” “Dito na namin sa ospital nalaman na buntis ka. You were so weak and you had spotting. The doctor wanted to terminate the pregnancy by forced abortion.” Nanayo ang mga balahibo niya. “N-no!” pagtutol niya. Wala siyang alam ni katiting na detalye sa pagbubuntis niya pero tila hindi niya matanggap na tatanggalin mula sa katawan niya ang bata. Tumututol ang maternal instinct na nasa loob niya. Dinama niya ng palad ang kanyang sinapupunan na parang pinoprotektahan ang bata na nasa loob niyon. Napangiti ang mommy niya sa nakitang ginawa niya. “Hindi rin kami pumayag. Thank God dahil sa paglipas ng mga araw ay tumatatag ang kapit ng bata sa sinapupunan mo. Ikaw rin, lumalakas ang katawan mo. Ayon sa doktor, isang malaking himala na nakaligtas ang baby mo sa kabila ng malakas na impact ng pagkakabangga sa sasakyan mo. I guess, the baby is a fighter like you.” Pumikit siya. Kung buntis siya, sino ang ama ng ipinagbubuntis niya? Matagal-tagal na rin silang hiwalay ng huling boyfriend niya at wala namang nangyari sa kanila kahit kailan. Wala rin siyang napupusuan sa kasalukuyan. She had crushes, all right, pero hanggang doon lang iyon. “Mom, Kuya, h-hindi ko matandaan ni isang bagay tungkol sa pagbubuntis ko. Ilang buwan na raw ba ang b-baby ko?” “Magpo-four months na ang bata and it’s a healthy baby girl. Kailangan kasing i-ultrasound ka kaya nalaman namin ang kasarian ng baby.” Baby girl pala ang magiging anak ko. “M-may alam po ba kayo kung s-sino ang… ama ng magiging anak ko?” hindi niya napigilang tanong dito. Umaasa siya na may maibibigay na sagot ang kanyang pamilya. Subalit ang pananahimik ng mga ito ay sapat nang sagot para malaman niya na wala ring alam ang mga ito. “Huwag ka munang mag-isip nang mag-isip, hija. Pansamantala lang naman ang amnesia mo `sabi ng doktor. Huwag mong piliting alalahanin ang lahat ngayon. Isang araw ay babalik din ang buong memorya mo. For now, magpagaling ka muna. Masama sa baby mo ang pag-aalala mo. Narito lang kami ng kuya mo.” Tumango na lang siya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.5K
bc

Payment of Debt

read
87.4K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
45.9K
bc

Stubborn Love

read
98.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook