Chapter 01
Chapter 01:
Alice Ceo Perez's POV
Hello! Ako nga pala si Alice Ceo Perez Isang simpleng babae na nagaaral sa Wilson Academy. Kaya lang naman ako nakapasok doon kasi Salutatorian ako, Scholar lang naman ako ehh. Sa hapon nagtatrabaho ako sa isang restaurant at doon ako ay isang Waitress. 4th year highschool na ako.. [Ako yun, yung nasa Multimedia]
Ayy! Oo nga pala. malalate na ako. First daw pa naman ng school year.
Lumabas na ako sa kwarto ko, Nakatira kasi ako sa bahay ni Ate Umi, yung may-ari ng restaurant. Sa taas kasi ng restaurant ay bahay ni Ate Umi, pinayagan naman niya ako na tumira dito.
------
Nakadating na ako sa school namin, and as expected, walang pumapansin saakin but it's okay.
"Kyaaahhhhh!" narinig kong sigaw nung mga tao..
May humintong kotse sa may gate tapos lumabas si Louie Morales, ang Prince, Mabait naman siya ehh, palabiro. cute and never naghuhurt ng feeling ng babae. Pero nakakainis din siya minsan kasi masyado siyang maingay.
Meron namanang humintong kotse at lumabas si Jane Wilma Cruz, ang Princess, Makulit siya tapos gastasera at palangiti pero minsan maarte siya sa sobrang spoiled niya.
Meron namang huminto na kotse at lumabas si Jhake Hernandez, ang Caesar, Caesar ang tawag sakanya kasi sobrang genius niya. Tahimik lang siya tapos masungit pero para sakin siya ang pinakamabait at matino.
Meron namang humintong isang Van at bumaba si Christine Joy Dizon, ang Empress, Well? Conyo siya at uhm minsan kasi sobrang taray niya sa mga girls.
"Kyaaaaaaa!!!!!!!" Sigaw ng lahat ng tao..
Merong isang babaeng nakaabang bumaba si Dylan Salazar, ang Casanova, Pagkababa niya ay hinalikan niya yung babae na naghihintay sakanya for about 6 seconds..
"Break na tayo!" Sabi ni Dylan pagkatapos niyang halikan yung babae. Umiyak naman yung babae at tuluyan ng umalis..
"Ayos ka pre! Kagabi lang kayo ah?" Sabi sakanya ni Louie.
"Syempre naman!" sabi niya
Silang Lima nga pala ang Royal 5 ng school na ito, Classmate ko sila since 3rd year high school. Sa Section 1 ako lagi kasi Salutatorian nga ako, sila naman kasi sikat na, mayaman pa at may communication pa sa school na toh.
Naglakad na sila papuntang classroom at ako rin, nasa may gilid lang naman ako ehh, at alam kong hindi nila ako nakikita.. Huminto sila kasi may nagbigay kay Jane ng Bag at kinuha naman ni Jane. Ako naman dire-diretso na lang.. Wala na kong pakielam dun noh!
Nakapasok na ako sa Classroom at as usual doon ako sa dulo ako, magisa lang.. Pumasok na din yung mga R5 (Royal 5). Pati na rin yung Teacher.
"Okey, Class. I know naman na kilala niyo na ang isa't isa. So let's skip it.." Sabi niya. "Do you want to change the arrangement?" Sabi niya.
"NO!" Sabi nila, except ako at ang R5. Hindi kasi talaga ako pasalita eh, bahala na sila kung anong gusto nilang ayos.
"Ma'am, I think that is a great idea." Sabi ni Joy tapos tumayo pa.. "Right?" Sabi niya.
"Right!" Sabi namang nung R5 except kay Jhake. Tahimik nga diba?
"Well, Gusto pala namin!" Sabi nung isa kong kaklase tapos tumango tango pa yung iba..
Grabe! Ang lakas ng R5 sa mga kaklase ko.. So ayun nga nangyari.. Nagpalitan kami ng Upuan..
Eto na yung Arrangement:
Ako- Vacant- Jane -Classmates namin-
Dylan-Louie-Vacant Joy-Jhake-Vacant
Nakakainis! Bakit dito pa ako nakapwesto? Galit ba sakin si Ma'am? Bakit bakit bakit? Okay okay, ang Oa ko na.
"Uhhm, Miss?" Napatingin ako at Nakatingin saakin si Jane tapos nakangiti.
"Bakit Princess---" Sabi ko pero hindi pa niya pinatapos.
"What's Your name? And please wag mo na akong tawaging Princess!" sabi niya.
Hihihi, mabait naman pala siya eh, Hindi ko kasi sila nakakusap kahit magkakaklase kami eh. As in ngayon lang.
"Alice Ceo Perez!" Sabi ko tapos nakipagkamay ako, Tumango lang siya tapos nakinig na sa lesson..
--Lunch--
Lunch na, Dito ako lagi sa Field kumakain. Meron kasi ditong Kubo at wala namang tumatambay at ako lang magisa. Meron ding tumatambay sa Leisure's room, yung mga R5. Tanaw ko naman sila pero hindi nila ako tanaw.
Kumakain lang ako, hindi ako bumibili sa Canteen dito kasi ang mahal mahal. ayoko naman, sayang ipon ko.. Nagiipon kasi ako para sa College ko.
Nakita ko sa Leisure's room. Si Jane nagbabasa, si Louie kinukulit si Joy, Si Joy kumakain. Si Jhake natutulog at si Dylan naman nasa labas ng leisure's room may kahalikan.. Bawal kasi sila magpasok ng kung sino sino sa loob eh. ewan ko!
Nakita ko namang tumakbo na yung babae at umiiyak, normal na rin saakin yun ehh. wala na kong pakielam sa kanila!
Umalis na ako at pumuntang classroom. Sakto namang nagring na yung bell.
Pumasok na yung teacher namin..
"Okey class, our assignment will be on page 5. Submisson is tomorrow." Sabi niya.
grabe hah? simula pa lang? pagpasok pa lang niya, yan na ang sinabi niya? Narinig naman naming bumukas yung Pinto.
"Good Afternoon sa inyo!" Sabi ni Louise tapos kumaway kaway pa.
"Ay? Late kami?! Sorry!" Sabi ni Jane.
"Sorry ha? We're Lazy kasi! Haha!" Sabi ni Joy tapos umupo na..
"Good afternoon, Beautiful!" Sabi ni Dylan tapos sumigaw yung girls
"Sorry po ma'am." Sabi ni Jhake.
Hay! Buti pa si Jhake, Validictorian kasi yan ehh! Umupo na sila at nakinig na.
Pagkatapos ng school, pumunta na akong restaurant. Agad naman akong nagsimulang magtrabaho.
"Ceo, puntahan mo yung customer natin sa table 3!" Sabi nung may ari dito.
Si Ate Umi ay matatawag kong best friend. 24 years old pa lang kasi siya, bukod dito sobrang baliw din 'to!
"Eto na nga diba?!" Pabirong sabi ko sakanya.
"Bilisan mo diyan ha! Sabay tayong kumain mamaya ah!" sabi niya tapos pumasok na sa kitchen.
--
"CEO! Table 5!!"
Agad naman akong pumunta sa table 5. Medyo busy kami ngayon sa restaurant kasi madaming kumakain, tapos absent pa yung isang waitress.
"Ano pong order ninyo sir?" Pagdating ko sa Table 5, may lalaking nakatakip ang mukha gamit ang dyaryo..
"Somai lang.." Sabi niya.
"Okay, drinks?" Sabi ko.
"Kahit Coke-in-can na lang.." Sabi niya.
Inulit ko yung order niya at umalis na. Binigay ko na yung order niya tapos nakayuko lang siya.
Alice Ceo Perez
Pagkagising ko ay agad akong nag-ayos para sa school. Hinanap ko din si Ate Umi pero hindi ko siya nakita, siguro ay namalengke siya. Naglakad na lang ako papunta sa school, as usual ay maingay padin sila, lalo na nung dumating ang Royal 5.
"Hi Alice!" Hindi ko pinansin yung tumatawag saakin. Una, nahihiya ako. Pangalawa, AYOKONG INIISTORBO SA BINABASA KO.
"Hey?" Sabi nanaman niya. "Alice! Yoohoo!" Tapos may kumalabit saakin at nakita ko si Jane yun.
"A-ako?" Sabi ko tapos tinuro yung sarili ko. Nagulat naman ako kasi kinakausap ako ng isa sa mga pinakasikat sa school!
"Ikaw nga!" Sabi niya saakin. Natatawa pa siya.
"Ahh, sorry! Nagulat lang ako." Sabi ko sakanya.
"Hala! Okay lang noh!" Sabi niya. I nodded, humiram lang naman siya saakin ng ballpen, tapos nagbasa nanaman ako ng libro.
--Recess--
Bumili ako ng ice cream bago pumuntang kubo.
Napasigaw ako nang bigla akong matapilok, dahilan para matapon yung ice cream ko sa damit ng isang student.
Nalungkot naman ako kasi gusto ko yung ice cream na 'yun eh!
"Sorry." Sabi ko habang nakatingin sa kamay ko na natapunan din ng ice cream, tapos napatingin ako sa natapunan ko... hala
"Sorry? Ano ba! Kabibili ko lang kaya nito!" Sabi ni Dylan.
"Hala sorry talaga!" Sabi ko tapos pinunasan yung damit niya.
"Kailangan mong bayaran yan!" Sabi niya saakin. Hala teka, wala akong pera. Bakit ba kasi walang uniform 'tong school na 'to?! Napapasuot tuloy mga students ng mga mamahaling damit! Ugh.
"W-wala akong pera!" Sabi ko sakanya. Gusto ko sanang itanong kung pwedeng labhan ko na lang eh, kaso nakakahiya.
He smirked "Ehh, Kailangan mong bayaran toh! Si Jane nagdesign neto!" Sabi niya tapos nakatingin pa saakin.
"P-paano?" Sabi ko.
"Be my assistant!"
"Ehh?" Sabi ko sakanya.
"Babayaran mo ba ako or you will be my assistant?" Sabi niya.
Ngek! Ayoko! AYOKO! AYOOKOO.
"Bawal bang labhan ko na lang...?" Nagtatakang tanong ko.
"Bawal." He smirked.
Napabuntong hininga ako.
"Fine! Sige na." Sabi ko sakanya.
"Sure thing, wait.. what's your name?" Sabi niya.
"Alice." Sabi ko tapos nginitian ko siya.
"So.. you're my assitant for a month." Sabi niya then umalis na. What was that??
Dylan Salazar's POV
First day of School..
Bumaba ako ng kotse ko. Nakita ko naman yung ka-fling ko na mestisa, ano nga pangalan neto? Cha... Chazline? Chaliz? Chazel? Champorado?
I kissed her tsaka ko sinabing "Break na tayo." Kumaripas siya ng takbo habang umiiyak, Bakit ba iyak ng iyak ang mga babae?
"Ayos ka, pre! Kagabi lang kayo ah?" Sabi saakin ni Louie at palapit na saakin
"Syempre naman!" Tapos nagsmile lang ako.
Lumapit na rin saamin yung ibang R5 tapos pumunta na kami sa Classroom. Napahinto kami kasi may nagbigay kay Jane ng Bag. Nakita ko naman na si Alice papunta na sa Classroom. Kaklase ko si Alice Ceo Perez, Hindi siya tinatablan ng Charms ko.
Matalino siya, maganda at mabait pero wala siyang pakielam samin o sakin manlang. Naglakad na ulit kami sa papunta sa Classroom at napakaingay ni Jane at Louie
"Mas cute kaya yung car ko ngayon kesa dati!!" Ani Jane
"Lul! Bulag ka ba? mas maganda yung kahapon!" Ani Louie
"Ang ugly nun! Mas like ko ang Pink kesa sa Gold no!" Ani Jane
"HAY! Tumahimik na nga kayo!" Pasigaw na sabi ni Jhake.
Nako, nagseselos lang yan. Tahimik yan pero may crush yan kay Jane. Tahimik akong natawa kay Jhake. Kawawa naman, torpe!
"Why are you so quiet, Dylan?" Kinausap ako ni Joy.
"Kesa naman makisabay ako sa ingay nila!" Sabi ko sakanya.
"You know, Why don't you date her?" Sabi niya saakin.
Napatingin ako sakanya. Naintindihan ko naman agad ang sinabi niya.
"Why would I? Wala siyang pakielam sa charms ko." Sabi ko sakanya tapos kinindatan ko siya.
"Ha-Ha! Your charm is lame, Dylan!" Sabi niya saakin tapos tumatawa pa. Nandito na kami sa Classroom at nandito na yung teacher namin.
"Okay, class. I know naman na kilala niyo na ang isa't isa. So let's skip it." Sabi niya. "Do you want to change the seating arrangement?" Sabi niya na nasa harapan ng table niya.
"NO!" Sabi ng classmates namin, pero dahil bida-bida si Joy. Ayon nagsalita nanaman si englishera!
"Ma'am, I think that is a great idea!" Sabi ni Joy tapos tumayo pa, "Right?" Sabi niya tapos tinuro pa kami
"Right!" Todo suporta naman kaming barkada ni Joy. Sarap batukan ni Joy eh, bida-bida masyado haha.
"Well, Gusto pala namin!" Sabi nung mga kaklase namin, tumango tango pa sila. Etong mga 'to talaga, parang mga alipin.
Nagpalitan na kami at nasa harap ko na ngayon si Alice, okay sige masasabi kong may magandang nangyare sa pagka-bida bida ni Joy.
--Lunch--
Kumain na kami ng lunch sa Leisure's Room. Ang leisure's room ay pinagawa ng mga parents namin dito sa loob ng campus. Ang alam ko lang ay maraming shares ang nabigay namin kaya 'yon pinayagan naman na gumawa ng leisure's room namin.
Napatingin kaming lahat nang biglang may kumatok.
"I think that's for you, Dylan. Another girl, Dyan? Ugh." Sabi ni Joy habang kumakain. Minsan pag wala sa mood si Joy nangangalmot yan ng mga girlfriends ko mas lalo na pag masama ugali.
"Pahinge naman, Joy!" Inagaw ni Louie yung pagkain ni Joy.
"Stop, you have pagkain kaya!" Ani Joy.
"Ingay! I'm sleeping!" Ani Jhake.
"Stop it na, Guys!" Ani Jane.
Natatawa akong lumabas sa LR (leisure's room), ang iingay talaga ng mga 'yon.
"Hey, Mr. Casanova!" Napatingin ako sa matangkad na babaeng kumikindat saakin.
"Yes?"
"I heard you're single. Do you want to come to my place later?" Kinindatan niya ako.
"Sure, honey." Binigyan niya ako ng papel, siguro ay yung address niya, tsaka niya ako hinalikan. I enjoyed it.
"Ang landi mo, Dylan!" Sabi saakin ni Jane tapos inirapan ako sabay bato ng Magazine.
"Ouch! Alam naman nila pinasok nila eh!" Sabi ko sakanya.
"He's really masama, He will learn his lesson some day." Sabi ni Joy na kumakain ng ice cream.
Inakbayan naman ako ni Louie "Bakit hindi ka gumaya saakin?" Sabi niya saakin.
Inalis ko yung kamay niya "Katulad mong torpe?" I smirked, umiwas naman siya ng tingin.
Nang marinig namin yung bell na tumunog, agad naman kaming nagmadali papuntang classroom.
-Dismissal-
"Don't you wanna come with us?" Sabi ni Joy.
Inaaya kasi nila ako magshopping, Pumayag naman yung dalawang asungot. Ako, ayoko nga! Pagbitbitin pa nila ako tapos magtatanong tanong lang mga yun sakin!
"No." Sabi ko sakanya.
"Wag kang mambababae ha!" Sabi naman saakin ni Jane.
"Oo naman!" Sabi ko sakanya.
"Sige, alis na kami." Sabi naman ni Louie at umalis na sila. Dinala ko naman yung kotse ko papunta sa Umi's Restaurant diyan din nagtatrabaho si Alice. Umupo na ako sa gilid na table.
"Ano pong order ninyo sir?" Si Alice yun noh? Nagtakip ako ng Newspaper sa mukha ko.
"Somai lang." Sabi ko sakanya.
Aksidente kong nadiskubre na dito nagtatrabaho si Alice. Simula noon ay kumakain na ako dito paminsan minsan.
Para saakin ay kakaiba si Alice. Hindi katulad namin, masipag siya. Siya na ang bumubuhay sa sarili niya.
"Okay, drinks?" Sabi naman niya
"Kahit Coke-in-can na lang."
Ni-repeat naman niya yung orders ko at tumango naman ako. Mga ilang minutes lang. nasaakin na yung inorder ko. Nakayuko lang ako, hindi ako masyadong kita eh. Pagkatapos kong kumain lumabas na ako ng Restaurant.
Napatingin ako sa phone ko nang makita ko itong magring. Calling, Dad...
"What's your problem?" Naiinis na sabi ko.
"Nice greeting, Son." Sarcastic na sabi niya.
"Ano nanaman?"
"Come home, ipapakilala ko sayo yung girlfriend ko." Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. Probably his girlfriend.
"No."
"But--" Binabaan ko siya, ayoko ngang makita yun. Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa condo ng babaeng kausap ko kanina.
I knocked on her door.
"Hello again, Mr. Casanova." Hinalikan niya ulit ako ng mariin.
-Next day-
Papunta na sana akong classroom nang makita kong natalisod si Alice, tutulungan ko sana siya kaso natapunan niya ako ng ice cream.
"Sorry." Nang mapatingin siya saakin ay nagulat siya. Hah. Cute.
"Sorry?! Kakabili ko lang kaya nito!" Sabi ko. Pero honestly, okay lang naman eh.
"Sorry! Sorry!" Sabi niya tapos pinunasan pa yung damit ko.
"Kailangan mong bayaran 'to! Si Jane nagdesign neto!" Sabi ko. Actually, magagalit nga si Jane kasi regalo niya 'to saakin eh.
"W-wala akong pera!"Aniya
I smirked pero sa totoo lang natatawa na ko. "Ehh, Kailangan mong bayaran 'to!" Tinitigan ko siya.
Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan.
"P-paano?" Nagtatakang tanong niya.
"Be my assistant." Sabi ko. Wala na akong maisip na ibang dahilan eh. Ano sabihin ko? Be my girlfriend?
"Ehh?" Sabi niya na parang umaangal.
"Babayaran mo ba ako or you will be my assistant?"
"Bawal bang labhan ko na lang...?" Natawa ako sa sinabi niya. Ang cute niya.
"Bawal."
"Fine! Sige na." She sighed.
"Sure thing, wait.. what's your name?" Sabi ko. Gusto kong sapukin sarili ko, kilala ko naman siya! Bakit ko sinabi yon!
"Alice." Sabi niya tapos nginitian niya ako. Cute.
"So.. you're my assistant for a month." Umalis na ako.
Pagkarating ko sa Classroom, nandoon naman na sila Louie. Umupo ako sa tabi ni Joy at inakbayan siya.
"Hey Dylan. Why are you smiling like that?" Sabi ni Joy, nakangiti na pala ako.
"Huh? I am not!" Sabi ko sakanya.
"Liars go to hell, Dylan!" Sabi ni Joy na nakataas ang kilay. Tinawanan ko lang siya.
Alice's POV
Pagpasok ko sa classroom, nakita ko naman agad ang R5. Sinubukan kong iwasan si Dylan kaso nakita na niya ako.
"P.A. (Personal Assistant)!" Sigaw ni Dylan saakin.
"P.A.?" Sigaw pabalik ng R5. Ngumiti lang sakanila si Dylan at pinalapit ako sakanya. I sighed at lumapit sakanila.
"Po?" I said. He smiled at tinuro ang upuan na katabi niya at ni Jhake. Parang sinasabi niyang umupo ako kaya umupo na ako doon.
"Can you come with us later?" Nakangiting tanong ni Joy. Napatitig ako sakanya. Wow. Skincare kung skincare! Grabe naman ang kinis ng mukha neto. Gusto ko na maniwala sa tsismis na may insurance mukha niya.
"S-saan po?" Sana hindi halatang na-intimidate ako.
"Sa mall and condo ni Dylan." Kinindatan ako ni Louie.
WHAT?
--Dismissal--
"Sige na, Alice!" Pagpilit saakin ni Louie.
"Please, Alice." Tsaka ni Joy.
"Please, Alice! I want to be your friend!" At ni Jane.
So, eto. Kinukulit lang naman ako ng R5. NG R5. Gusto nila ako sumama sa mall tas sa condo daw ni Dylan. Sa totoo lang ayoko. Una, 100 pesos na lang ang pera ko, yung sweldo ko naman iniwan ko na sa kwarto ko. Tapos, m nakakailang sumama sa kanila pati na rin ang tingin ng mga tao saakin sikat kasi sila. Tapos ayokong kasama si Dylan, feeling ko uutus utusan lang ako nun.
"Nakausap ko na si Ate Umi, okay lang daw." Sabi saakin ni Jhake. Nagulat naman ako. Hala, paano niya nakausap?
"Pinsan ko pa naman yun kaya okay lang." Dagdag naman niya.
Natahimik na lang ako. Pinagmasdan ko yung leisure's room nila, grabe ang ganda naman dito. Mas maganda pa dito kesa sa kwarto ko.
"Payag ka na, please!" Pagpilit nanaman saakin ni Jane.
"Sige, kaso..." sabi ko tapos tumingin ako sa baba.
"Kaso ano?" Sabay sabay nilang sinabi.
"Wala akong pera..." Mahinang sabi ko.
"Oh! About that, I will treat you." Sabi saakin ni Joy tapos ngumingiti ngiti pa.
"No! I will treat her!" Sabi naman ni Jane.
"Me!"
"No, Me!"
"Me!"
"Me me me me!"
"Me me me me me me me me"
"SHUT UP! MAGHATI KAYO!" Napasigaw tuloy si Jhake.
"Fine!" Sabi nilang dalawa. Narinig naman naming kumalabog ang pinto at si Dylan na may kasamang babae.
"Let's go, Dylan!" Sabi ni Joy na kinuha ang bag niya.
"Nakumbinsi na namin si Alice." Sabi naman ni Jhake.
"Come with me na lang, Dylan." Hinalikan naman nung babae si Dylan. Napanganga naman ako. What?
Nung lumapit na si Joy kay Dylan, Pinigil niya yung halikan nung dalawa.
"What the hell! Get out, b***h!" Sabi ni Joy doon sa babae.
"Joy, stop!" Pinigilan ni Dylan si Joy kaya nakatakbo palayo yung babae.
"Ganyan talaga 'yang magpinsan na yan!" Sabi ni Jane saakin. Magpinsan si Joy at si Dylan? What? Akala ko super close lang talaga sila.
"M-magpinsan sila?" Sabi ko naman. Tumango naman ito.
Lumapit saakin si Dylan "Hoy, P.A., kung pwede pakibuhat naman ng bag ko." Sabi niya saakin sabay hagis ng mabigat niyang bag.
Kainis naman 'to. Palihim ko siyang inirapan.
Naglakad na kami papunta sa parking lot, kasabay kong maglakad si Jane, si Jhake nasa likod namin, Si Louie at Si Joy nasa Harapan tapos si Dylan nasa harapan ko.
May biglang kumuha ng Bag ni Dylan. Napalingon ako at nakita ko na si Jhake yun.
"Akin na yan, Jhake." Sabi ko sakanya.
"Wag na." Tinanguan lang niya ako.
"S-salamat." Hindi na siya sumagot.
Dylan's POV
Nakakainis! Nakakainis si Alice! Hinayaan niya ibigay yung bag niya kay Jhake.
"Kainis!" Sabay naming sinabi ni Joy. Nandito kasi kami sa condo ko, tinamad na sila mag shopping at malay ko kung bakit.
Nanonood lang kami ng movie sa sala. Katabi ko si Joy at si Alice. "Hoy, magluto ka nga!" Sabi ko kay Alice.
Palihim siyang umirap, pero halata naman siya tapos tumayo na.
"Saan ka pupunta, Alice?" Sabi ni Jane.
"Magluluto." Sabi niya at tuloy tuloy sa Kitchen.
"I like Alice!" Ani Joy.
"Me too!" Ani Louis.
"Lagi ko siyang isasama sa pagshopping ko!" Ani Jane.
"She is adorable, diba Dylan?" Sabi naman ni Jhake.
Yes, she is.
"She is annoying." Ang sabi ko sakanila.
"No, she is Adorable!" Ganti naman ni Joy.
"Yeah yeah! Fine! She is!" Sabi ko.
"Tapos na, naluto ko na." Sabi ni Alice nung lumabas sa kitchen.
Inayos na niya yung mga kailangan sa Dinner. Umupo na rin kami at siya.
Eto ang arrangement:
Dylan Alice
Joy ^Table^ Louie
Jhake Jane
"What is this?" --Joy
"Nilagang Baboy"--Alice
"Pagkain ba yan? Ayoko niyan."
"Oo! Walang lason yan, promise!" --Alice
"Hmm, Sige, tikman ko!" --Jhake
Kumuha na si Jhake ng sabaw pero inunahan ko siya, nagtaka naman siya.
"Akala ko ba ayaw mo?" --Jhake
"Ehh! Ako diba Master niya? Kaya AKIN dapat yan!"
"Ang damot mo! Para sainyong lahat yan..." --Alice
"See?" Jhake smirked.
Well... Masarap pala. Mas masarap pa sa luto ng Daddy ko! Nung tapos na kaming kumain, kumain din siya. Nasimot namin, ubos na ubos na.
"YUM YUM YUM!" --Jane
"YUMMMYYY!" --Louie
"Busog!" --Jhake
"I liked it!" --Joy
Pagkatapos naming kumain. Tumambay na ulit kami sa sala. Nanuod na ulit kami ng movie.
"Guys, Uwi na ako hah? Nandiyan na yung yung driver namin eh." Nagpaalam na si Jane.
"Bye, Jane."
Yung iba naman, mukhang walang balak umuwi. Napatingin ako kay Alice, hatid ko na kaya siya?
"S-salamat sa inyo.. Uuwi na ko.." Sabi ni Alice. Sabi ko na nga ba gusto na niya umuwi. Pagod na siguro kasi nagluto.
"Sino maghahatid sayo?" Tanong ni Louie.
"Kaya ko na mag-isa." Ani Alice
"No! You can't!" Ani Joy
"DYLAN!" Napangiti naman ako kay Joy.
"Ano?"
"Hatid mo na si Alice." Ani Jhake.
"Ayoko nga!" Sabi ko tapos ibinalik ko yung mata ko sa TV.
"Sige. Ako na lang maghahatid sa'yo, Alice." Napatingin ako sakanila, paalis na nga sila.
Hinabol ko naman sila.
"Ako na maghahatid, hindi mo dala kotse mo. Magcocommute kayo?" Sabi ko kay Jhake, Ngumiti lang siya tapos umalis na.
Alice's POV
Hinatid ako ni Dylan sa bahay ko. Nandito ako ngayon sa bahay/Restaurant ni Ate Umi, hindi pa umuuwi si Dylan kasi kumain pa ng Siomai ehh. Kahit na close na yung restaurant pinagbigyan ni Ate Umi, Talandi yan eh.
Umakyat na ako sa kwarto at hinayaan silang dalawa na mag-usap.
Bakit ganon? Bakit ako pinapansin ng mga R5? Diba Deadma lang mga tao saakin? Bakit nila akong pinansin?
Good night.
"Kyaaa! Ang gwapo naman ng Boylet mo!" Ano ba yan? Ginugulo ang tulog ko. Nakakainis! Pagkadilat ko, si Ate Umi, namumula.
"Ano nanaman ba?" Sabi ko sakanya.
"Ang cute ni Papa Dylan!" Sabi niya saakin tapos nahiga sa kama ko.
"Natutulog ako, Ate Umi!" Sabi ko sakanya tapos natulog na ako. Hay nako Ate Umi, kung alam mo lang kung gano kasungit at ka-hot nun.
Oo hot, hot ang ulo.