bc

THE CEO'S GAME OF SEDUCTION

book_age18+
13.5K
FOLLOW
56.6K
READ
revenge
dark
arrogant
boss
twisted
icy
evil
male lead
like
intro-logo
Blurb

SINFUL CEOS SERIES

THE CEO’S GAME OF SEDUCTION

Hendrikus Lavrenti

Hendrikus Lavrenti is the philandering Managing Director and CEO of Ciervo-Lavrenti MotoCorp Limitid. Malimit itong laman ng mga local news outlet at social media pages dahil sa rampant nitong pagkakaroon ng casual at s****l relationship sa kung kani-kaninong babae sa alta-sociedad. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na limang taon na itong kasal sa nag-iisang anak ng dating Chairman at CEO ng kompanyang kaniyang pinamumunuan sa kasalukuyan. At ang umuugong na tanong ng bayan ay kung bakit at paanong naaatim ng kabiyak nito ang lantaran nitong pagtataksil?

Patuloy kayang mananahimik ang asawa ni Hendrikus Lavrenti at hindi matitinag ang kumpyansa kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay magiging bahagi muli ng buhay ni Hendrikus ang kauna-unahan at natatanging babae na minahal nito ng husto na siya ring nag-iwan ng malaking sugat sa puso ni Hendrikus Lavrenti? Ang una’t huling babae na dahilan ng kaniyang ligaya’t luha―si Indira Fastrada.

Will a woman of great virtues like Indira Fastrada indulge herself into a fray-like relationship with her ex-lover―Hendrikus Lavrenti for the second time around in spite the fact that their long lasting love will fall into a different form, a love even in amid betrayal? Or would she end the CEO’s game of seduction and keep moving in the right direction?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
THE CEO’S GAME OF SEDUCTION HENDRIKUS LAVRENTI CHAPTER 1 HINDI NA MABILANG SA KAMAY ng beinte-dos anyos na dalaga na si Indira Fastrada kung makailang beses nang sumasayad sa balat niya sa nakalantad niyang likod ang malikot na kamay ng half-Filipino at half-Aussie na binatang si Todd Walker. Tila dadapuan siya ng skin disease ano mang oras kapag tumagal pa ang pahawak-hawak nito sa kanya. O kung hindi man ay pakiramdam niya ay magkakapulmonya siya. Isang taon ang tanda nito sa kaniya. Si Todd ay unico hijo ng matalik na kaibigan ng kaniyang ina who also happened to be her godmother sa binyag. Ang mga magulang ni Todd Walker ay ang may-ari ng pribadong ospital kung saan nagtatrabaho bilang resident Physician ang mga magulang ni Indira. At kahit ano pang excuse ang ibinato ni Indira sa kaniyang mga magulang noong mga nakaraang araw ay hindi pa rin siya pinagbigyan lalo na ng kanyang ina na huwag dumalo sa wedding anniversary ng mga magulang ni Todd sa gabing iyon. The invation was just okay. Ang iniiwasan lang talaga ni Indira ay ang nasa iisang lugar lang sila ni Todd. “Todd, take your hand off of me!” Mababa ngunit may hint ng talim ang boses ni Indira nang sitahin niya ang binata. Ilang pulgada na lang ay mahihipo na nito ang kaniyang pang-upo. “Why, babe? Do I make you uncomfortable?” Tila inosenting usisa nito. Bumuntong-hininga ang naiinip at naiirita na dalaga. “Keep your damn hand on yourself! Isa!” Himig nagbabantang utas ni Indira. Hindi niya sinasadyang medyo tumaas ang kaniyang boses kung kaya’t nasita siya ng kaniyang ina na si Ida na nakaukupa sa upuan na nasa kaniyang tabi. “Act like a decent lady, Ira! Treat Todd nicely. Sweet Mary! Nakakahiya sa parents niya kapag mapansin nila ang ganiyan mong pag-uugali.” Sermon ng kaniyang Mommy Ida malapit sa kaniyang tainga subalit maaliwalas at malawak ang ngiti nito sa ibang naroon din sa kanilang VIP table, partikular sa Daddy at Mommy ni Todd. Mainam na at napigilan pa ng dalaga na huwag tumirik ang mata gawa ng umuusbong na iritasyon. Hindi man lang nabakasan ng pagsisisi ang mukha ng binata na bagama’t mukhang kagalang-galang, alam niyang sa likod ng casual at sophisticated nitong image batid niya ang reputasiyon nito pagdating sa babae. Hindi na nga siya magtataka pa kung malalaman niyang halos lahat ng mga batang nurse sa Walker Medical Center ay nalandi’t naikama na nito, main reason why she doesn’t want him to be her boyfriend. Pumuti na ang uwak, that terrible idea will never happen. Over her dead body! 18th birthday ni Indira noon nang opisyal niyang makilala ang lalaking palaging ibinibida sa kaniya ng mag-asawang Walker at ng kaniyang ina. Anila ay si Todd daw ang lalaki na dapat niyang makatuluyan dahil kapwa silang nasa field ng medicine. But the thing is Indira didn’t find Todd interesting. May binatbat naman ang pisikal nitong anyo pero habang patagal nang patagal ay nakikita na niya ang ugali nitong kailanman ay hindi niya magugustuhan. Todd is like the young version of her mother. May ugaling makasarili at insensitive. “It’s okay, Mommy Ida. Indira here must be angry about me dahil naudlot ang out of the country date namin last week. Is that it, babe?” Pagkatamis-tamis na ngiti ang umukit sa mga labi nito na lalong ikinakulo ng dugo ni Indira. Feeling guwapo. Duh! Naisaloob niya. Her jaw tightened. Supposedly last week ay flight sana nila ni Todd papuntang Bondi Beach sa Australia. Todd’s parents gave her a round-trip plane ticket as a graduation present at dahil likas na epal si Todd ay iginiit nitong sumama sa kaniya. Hindi iyon natuloy dahil may out of town innovation meeting ito ngunit talagang likas na sinungaling ang lalaking iyon dahil nakita ito sa Pangkor Island sa bansang Malaysia na may kasamang sikat na ramp model ng kaniyang matalik na kaibigan na si Lunette na bakasyonista rin sa nasabing beach. Walang kaso sa kanya ang pagkakaroon nito ng kaliwa’t kanang babae. Ang nais lang ni Indira ay tantanan siya nito at tigilan na nito ang pagkaladkad sa pangalan niya sa publiko na siya ang future bride nito. That’s suck alone! Two weeks ago Indira completed her pre-med course which was Bachelor of Science in Human Biology sa Lavrenti College of Medicine. Lavrenti College of Medicine is the top medical college in the country. “Indira!” Matalim na untag ng kaniyang ina nang hindi siya kumibo sa sinabi ni Todd. Tila ito napahiya at apologetic na tumango kay Todd. Consciously, luminga si Indira sa paligid at palihim na umirap nang mabistong may ilang camera ang nakatutok sa kanila ni Todd. Tumama ang flash ng camera sa kanila nang sinadyang idikit ni Todd ang bibig sa kaniyang tainga. Alam na niya ang ibig nitong palabasin! Sinusubuan na naman nito ang mga tao ng wrong impression. Nagpapa-good shot ang herodes sa mga magulang nito. Hindi na siya magtataka kung bukas o sa makalawa ay may bago na naman itong pinoporma at ipagyayabang na magarang sports car. “Care to dance, babe? You should stop sulking, baby and about time to hit the dance floor. Shall we, babe?” Paanyaya muli ni Todd. He was openly staring at her flirtatiously. “That’s perfect, hijo. Stand up now, darling. Paunlakan mo ng sayaw ang iyong nobyo. Sweet Mary! Bagay na bagay talaga kayo sa isa’t isa. You look perfect together.” Gatong ng kaniyang ina at kulang na lang ay ibenta siya nito sa mga Walker para lamang sa pansarili nitong interes. Palagi itong nagpapabango ng pangalan sa angkan ng mga Walker. Her mother was aiming for a higher and more stable position in Walker Medical Center kaya kahit hindi niya gusto si Todd ay napipilitan siya na pakisamahan ang naturang binata upang hindi sumama ang loob ng kanyang ina sa kaniya at hindi mabahiran ang image nito sa mga Walker. Humugot ng malalim na hininga si Indira bago inukitan ng pekeng ngiti ang kaniyang labi. “Sure, Todd. But I have to go to the powder room first. Wait me up, okay?” Indira received a hesitating nod from Todd. Wala na itong nagawa nang tumayo siya. Noon lang siya nakahinga ng matiwasay nang makalabas siya sa Grand ballroom hall ng Damarcus Palace. Ang Damarcus Palace ay isang world-class event venue na orihinal na ancestral Palace ng angkan ng mga Damarcus. Sinadya ni Indira na magtagal sa powder room sa kadahilanang iniiwasan niya ang napaka-annoying na si Todd. Makalipas ang halos beinte minutos ay lumabas siya ng banyo. She was busy booking a cab online when she suddenly noticed Todd. Tila hinaharass nito ang isang waitress ng catering service. Panay ang protesta ng petite na dalaga habang hinihila ito ni Todd papunta sa isang sulok. Nasaksihan niya ang malakas na sampal na iginawad ng dalaga kay Todd dahil sinubukan nitong hawakan ang maselang parte ng katawan ng dalaga. That was her cue na lapitan ang mga ito at iligtas ang babae sa kamay ng manyakis na si Todd. “This son of a b***h! Napakawalanghiya!” Nagkiskisan ang mga ngipin ni Indira gawa ng sobrang galit sa nasaksihang kamanyakan ni Todd. She thought that she already saw the worst version of Todd Walker but she guessed she was wrong. Higit na mas masahol pa pala ito kaysa sa kaniyang inaakala. Nakakailang hakbang pa lamang si Indira ay may isang matangkad na lalaki ang biglang umanib sa eksena at walang anu-ano ay sinapak nito si Todd nang makailang beses dahilan upang mabuwal ito at bumagsak sa sahig. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay waring may nakalas na lubid na nakagapos sa dibdib ni Indira sa paglitaw ng estranghero sa eksena. Pamilyar kay Indira ang suot nitong maroon na vest. Naipalagay niya na isa itong parking valet ng Damarcus Palace. He was every inch of a hot ramp model rather than a valet. Napakurap si Indira nang Makita tumatakbo papunta sa kinatatayuan niya ang dalagang binastos ni Todd. Maingay itong humihikbi. Sinubukan niya itong salubungin pero dumiretso lamang ito sa pinanggalingan niyang powder room. She was still unmoving yet the beat of her heart became more unsettled when she saw the nice guy who punched Todd also coming to her direction. Mabibigat ang mga yabag nito at waring susundan ang serbidora ng catering service. Wala sa sarili ay biglang natulala si Indira habang lalong nagiging malinaw sa kaniyang paningin ang mukha ng parking valet. Kulang na lamang ay mahulog ang kanyang panga. The glow of his satin gray, deep set eyes literally caught her off guard. The carved lines of his elegant and dark face, his furrowed thick brows and his straight arrogant nose were so much more. Hapit na hapit sa braso nito ang mahabang manggas ng inner shirts nito palatandaan na may itinatagong well-developed muscle sa loob ng sleeves ng suot nito. Surely the guy is a chunk! There were also a muscles strained against fabric at his legs. Mas mukha itong high-paid ramp o commercial model kaysa maging valet. Indira caught her breath when the man around six two tall stopped near her and gave her a blank stare. His eyes were hypnotizing. Tila ba hihigupin siya ng mga iyon at habambuhay na magiging bilanggo sa malamig at hungkag na mga matang iyon. Habang wala sa sariling nakatulala siya sa pinakaguwapong mukha na kaniyang nasilayan, para bang may kakatwang lamig din ang lumalatay sa mga ugat ni Indira. “Iyong nobyo mo, ma’am, kailangan mo na yatang itali dahil masyadong mabangis baka may mabiktima pang iba.” Her body shivered at the sound of his voice. Sa mga sandaling iyon ay wala siyang plano na sagutin ang sinabi ng binata bagkus ay ibig niyang usisain ang sarili kung bakit ganoon na lamang kabilis ang pagtibok ng puso niya. Kakaiba. Nakakapanibago.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.8K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.8K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
632.2K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.5K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook