bc

Love Behind The Spotlight

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
independent
inspirational
drama
sweet
bxg
actor
actress
Neglected
like
intro-logo
Blurb

IT has been five years since Maurine Kim started and continued rejecting the now phenomenal and hottest superstar in the Philippines, which is Henry Jung. Jung was her senior in Averitian Academy, who captured her interest and soon became her lone crush. Year after Jung graduated, he soon became an actor who eventually turned into a very famous one, but then, due to entanglement created by fate, they met once again.

And that meeting made Jung fall inlove with her.

Ibang level na ata ang tuwang mararamdaman ng isang tao pag dumating 'yung araw na magawa ng suklian ng taong hinahangaan mo ang pagmamahal mo.

Pero hindi ganoon ang nangyari. Despite Jung's confession, Maurine intend to reject and try her best to avoid him. Kung kailan may pag-asa nang masuklian ang pag-ibig nya, saka naman ito hinadlangan ng ibang taong nakapaligid sa kanila.

chap-preview
Free preview
Front Page
Front Page "Henry Jung—despite the issues about his love life—remained vocally honest that he is single, and always ready to entertain anyone that can capture his interest," the TV broadcaster said that caught Maurine's attention. Hindi yata nagdaan ang isang araw na walang balita na patungkol sa kanya. Napabuntong hininga na lamang sya dahil sa naisip. Instead of focusing on the news, Maurine took care of the now available table and cleaned the messy plates. “Maurine! Bilisan mo naman ang kilos! Madami 'pang kakain at naghihintay ng bakante at malinis na table!" Napalingon sya ng marinig ang winikang iyon ng Manager ng pinagta-trabahuan nyang restaurant na si Mrs. Lee. Maurine looked around and noticed that her manager is right. Marami ngang tao! Siguro dahil sabado ngayon. Sweldo. With that realization, Maurine moves faster. Halos mahilo na sya kakapabalik-balik sa kitchen upang ihatid ang mga huhugasan niya 'pang plato, at babalik na naman sa labas upang mag-ligpit. She's working at Lee's Restaurant for 3 years already. Simula ng mag-aral sa Averitian Academy, pumasok na sya duon upang tustusan ang pag-aaral. In fact, hindi nya naman talaga kailangang gawin iyon dahil kaya naman syang pag-aralin ng Ina, kaya lang, nang malaman nya kung kanino galing ang perang ibinibigay sa kanya ay nagbago ang isip nya. Mas gugustuhin niya 'pang mahirapan sa pagta-trabaho, kaysa umasa sa isang tao. "Hay sa wakas! Natapos na rin ang hectic na araw na 'to! Makakapag-pahinga na tayo!!!" may halong pagod at galak na wika ni Sheena, kasamahan nya sa trabaho. "Kaya nga! Sobrang daming tao, parang kailangan ko ng massage ngayon." Pagsang-ayon naman ni Lucy, isa nya 'pang kasamahan. Ngumiti naman sya, "Pwede naman kayong magpa-massage bukas. Sweldo natin ngayon kaya may pang-gastos kayo." Aniya. Napatingin naman sa kanya ang dalawa. "Kami na namang dalawa? Hindi ka na naman sasama?" tanong ni Sheena. Hindi naman na sya sumagot pa. Alam nya naman na alam na rin ng dalawa ang sagot sa mga tanong nito. "Hays. Nakakasawa na rin na kami lang palaging dalawa ni Lucy. Hayst. Bakit ba naman kasi ang kuripot ni Mrs. Lee at hindi pa mag-hire ng maraming trabahador para iisa lang ang trabaho natin." Sheena once again said. "Hoy nagsasawa na din akong makasama ka noh!" Bwelta naman ni Lucy bago tumayo upang mag-inat. "Pero may point ka pagdating kay Mrs. Lee. Ang kuripot samantalang milyonarya nam---" "Andyan na si Mrs. Lee. Tahimik na." singit ni Maurine ng makitang papasok na sa Staff room ang amo. Agad namang umayos ng tayo ang dalawa. "Good evening po, Mrs. Lee!" magkakasabay na bati nilang tatlo sa amo nilang may hawak ng tatlong sobre ngayon habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanila. "Narinig ko na naman ang mga usapan nyo. Dapat sa susunod hihinaan nyo para hindi ko naman marinig," panimula nito na naging dahilan upang magtinginan silang tatlo at sabay-sabay na ngumiti. "Pasalamat kayo at mahal na mahal ko kayong tatlo kaya hindi ko kayo magawang palitan." dugtong nito na ikinangiti pa nila ng malawak. "Mahal ka din namin Mrs. Lee, pero bakit ba kasi ayaw niyo 'pang mag-hire ng mas maraming tao. Huhu. Ang hirap pagsabayin ng mga trabaho dito." Di napigilang wika ni Lucy. Pabiro namang umirap ang matanda. "Oo na. Malapit ng dumating iyong ibang hinire ko kaya tiis-tiis muna." Wika nito na syang lihim na ikinasaya ni Maurine. Sa wakas, mababawasan na rin ang trabaho nila. "Teka nga, ito na ang sweldo ninyong tatlo." wika ni Mrs. Lee bago isa-isang inabot sa kanila ang sobre. Ngunit ng sa kanya na ibibigay, bigla itong huminto at seryoso syang tiningnan. Napatitig tuloy sya dito ng may pagtataka. "He's here again, Maurine. Hindi ka titigilan 'nung tao kung patuloy mo siyang iiwasan. Subukan mo namang kausapin. Naawa na rin ako dun sa bata," wika nito. At sa tono at nilalaman pa lang ng salita nito, ay alam nya na agad kung sino ang pinapa-tungkulan nito. He really won't stop. Its been years. Bakit hindi na lang sya mag-move on at maghanap ng iba? "Oo nga, Mau. Kausapin mo naman. Pagod pa 'yung tao, at balita ko, may 2-months shoot pa 'yon sa ibang bansa para sa bago niyang pelikula. Sige na, pagbigyan mo na." dagdag naman ni Sheena, na siyang ikina-tungo lamang nya bago walang salitang umalis at iniwan ang tatlong kasama sa loob. Maurine doesn't have any bit of eagerness to talk to him. Ayaw nya. Hindi nya kaya, at mas magandang wag nya na rin talagang subukan na paki-harapan ang lalaki. Ngunit hindi ata iyon ang plano ng tadhana. Because one step out of the restaurant, sumalubong na agad ito sa kanya, suot ang isang nerdy glasses at medyo magulo ang pagkaka-ayos ng buhok. When they came face to face, Maurine noticed how good-looking this man infront of her. Mas lalo pa nga atang gumwapo. Pero hindi nya pwedeng ipahatala iyon. Hindi pwede. Hindi maaari. "Maurine...let's talk?" mahina ngunit malalim ang tonong gamit nito sa kanya. Halata ang pagpapa-kumbaba, at pag-asang pagbibigyan nya. But she knows what's best. She knows exactly what she should do. Maurine looked away. "Pagod ako. I just got out from work at gusto ko na lang magpahinga," matigas ang tonong saad nya. "Then rest on my car. Duon tayo sa loob mag-usap," sabat naman ng lalaki. "I want to go home. So please..." "Just talk to me, Maurine. I just want to talk to you about us---" "Wala namang tayo simula pa noon, Henry. Walang naging tayo kaya wala tayong dapat na pag-usapan." "Pero Mau, you know about my feelings for you, and I know about yours too!" "Umalis ka na, Henry! Just move on and forget me! Maghanap ka ng iba! Dun ka sa taong mamahalin ka at hindi ka pahihirapan. I'm not meant for you and so are you. Kaya tigilan mo na ako dahil kung ano man ang naramdaman ko sayo noon, natitiyak 'kong wala na 'yon ngayon sa akin. I moved on, so you should too." Aniya, bago agad na iniwan ang binata sa harapan ng restaurant.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook