bc

SUDDENLY I LOVE YOU(On-going)

book_age16+
89
FOLLOW
1K
READ
revenge
one-night stand
arrogant
bxg
mystery
office/work place
small town
betrayal
office lady
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Kireigh Quenez, twenty-five years old, is the oldest daughter among the three. Her parents died because of an explosion while on board the airplane. She had no choice but to take responsibility for her siblings. She has no interest in loving and building a family. Not because she didn't want to, but she promised to herself that she would be the mother and father to her siblings. Aside from that, she's afraid to fall in love; that might be her weakness.

Kriford Valencio, twenty eight years old- the youngest son among the two heir of Valencio family. His parents are both farmers. They own ten farmlands in Valencio de Acienda. His father is a retired pilot. However, he's currently on vacation at Sta. Buena, Manila, to enjoy his free time with his best friend and to meet his fiance.

What happens when two people who have different perspectives on love collide? Is there any possibility to love and accept each other despite their parents' history?

chap-preview
Free preview
SILY 01: Kill this love
Si Kireigh Quenez ay isang simple at typical na empleyado sa kompanya ng kanyang tiyuhin. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho at tatlong beses na rin niyang tinanggihan ang offer sa kanya na maging CEO. Mas gugustuhin niya pa na maging isang normal na empleyado na karaniwang gumagawa ng mga pinagu-utos ng kanyang boss kaysa siya ang nag-uutos. "Ano, overtime kana naman ba?" Tinapik ni Rio Jonson ang balikat ng kanyang kaibigan at hinipan nito ang tainga. Nagkibit balikat na lamang si Kireigh sa inakto ng kanyang kaibigan. Alam naman niyang kahit anong gawin niyang dahilan hindi siya nito titigilan. Nagpatuloy lang sa pagtitipa sa keyboard si Kireigh at nanatili ang mata sa screen ng computer. Hindi alintana ang pag-iingay ng kanyang kaibigan sa tabi nito. Ni tumango hindi niya ginawa bagkus hindi nalang pinansin ang kaibigan niyang si Rio na pinipilit siya sa isang bagay na ayaw niyang gawin. "Tara na! Alas otso ang usapan para sa reunion natin, alas dyis na ngayon nandirito kapa rin sa office. Kanina pa ako nandito nababagot na ako kakahintay sayo." Noong nakaraang araw pang sinabihan ni Rio ang kanyang kaibigan para sa kanilang high school reunion pero mukhang walang balak na pumunta si Kireigh. Hindi dahil sa ayaw nito kundi wala naman siyang mapapala sa pagdalo sa kanilang reunion. Imbes na mag aksaya ng oras sa pakikipag platikan sa mga kaklase niya noon mas gugustuhin niya pang umuwi na lamang sa bahay at turuan ang nakababata niyang kapatid. "Sandali lang matatapos na itong ginagawa ko." Seryoso pa rin ang tingin ni Kireigh sa screen at hindi man lang tinapunan ng tingin ang kaibigan niyang kanina pa nakasimangot. "Tatlong oras na ang nakalipas pero hindi pa rin iyan tapos!" Pagrereklamo ni Rio, "Ano ba iyang ginagawa mo, nobela?" "Hindi, research ito ng kapatid ko." "Diba next week pa naman ang deadline niyan, monday palang naman ngayon. Baka gusto mong mag relax muna at pagpahingahin ang isip mo. Maghapon na tayong babad sa computer at nakaupo rito. Hindi kaba nagsasawa sa ginagawa mo? Kung hindi screen ang kaharap mo, sandok at walis ang hawak mo." Dahil panganay si Kireigh at maagang naulila sa mga magulang pinilit niyang maging malakas at matapang. Siya na ang tumatayong magulang sa kanyang mga kapatid kahit na mahirap. Kahit na malapit na siyang sumuko dahil malayo ang loob nila sa isa't-isa. "Kailangan na ito ng kapatid ko kaya wala akong karapatan para magpahinga. Sige na, mauna kana pumunta roon. Susubukan ko nalang pumunta pagkatapos ko rito. Tatawagan nalang kita kapag papunta na ako." Sabay ngiti ni Kireigh sa kanyang kaibigan. "Pangako susunod ako." Kahit na nagbitiw ng pangako si Kireigh hindi pa rin kumbinsido si Rio- bukod sa hindi marunong tumupad sa usapan ang kaibigan niya, sukdulan ng pagkamakasarili ito. Mula pagkabata magkasama na silang dalawa kaya kabisado na niya ang ugali ng kaibigan. "Jones, broke up with me..." Malungkot na pagkakasabi ni Rio. "You know how much I loved him, Kireigh. I can end my life sa isang iglap lang at hindi mo na muli akong makikita." Pagbabanta niya. Huminto si Kireigh sa kanyang ginagawa at in-off ang screen ng computer. Huminga muna siya ng malalim bago tiningnan si Rio. "Hindi nakakatawang biro iyon." Inirapan niya ang kaibigan at nauna nang maglakad. Natatawang hinahabol ni Rio ang kanyang kaibigan dahil sa bilis nitong maglakad. "May nakapagsabi naba saiyo na mas gumaganda kapa lalo sa tuwing nagagalit ka?" Pang-aasar sa kanya. "Huwag mo akong kakausapin!" Nang magbukas ang elevator naunang pumasok si Kireigh sa loob. Hanggang sa makalabas sila sa kompanya hindi pa rin niya kinikibo ang kaibigan. Mahal niya si Rio kaya sa tuwing nagbabanta na magpapakamatay ito para siyang nauubusan ng lakas ng loob. Pitong taon na ang nakalipas mula nang makita niya ang kaibigan sa bathtub ng condo nito na nakalubog sa tubig. Mabuti nalang at na revived niya pa at nakatawag agad siya ng ambulansiya. Kaya nang magising si Rio pinangako niya sa sarili na hindi na niya hahayaang mawala ang mga taong malapit sa kanya. "Hindi na tayo bata, Kireigh, mas lalong hindi kana bumabata. Bigyan mo naman ng oras ang sarili mo para mag-enjoy, para maging masaya." Biglang sumeryoso ang boses ni Rio. "Hindi sa lahat ng pagkakaton kasama mo ako o kasama mo ang mga kapatid mo. May sarili rin kaming buhay. Paano nalang kung bigla nalang kami mawala sa tabi mo? Sino ang mag-aalaga saiyo?" Nagpatuloy ang palitan nila ng mga salita hanggang sa marating nila ang parking lot. Hinanap ni Kireigh ang kanyang kotse. "Hindi ko kailangan ng taong mag-aalaga sa akin. Sanay akong mag-isa." Pumasok na sa driver seat si Kireigh at ganoon din si Rio. "Matanda kana, Kireigh, hindi pwedeng tumanda kang dalaga." "Ayos na ayos sa akin ang tumandang mag-isa, Rio." Pekeng ngumiti si Kireigh at pinaandar ang sasakyan. "Ayos lang din kung tumanda akong dalaga." Habang nasa byahe hindi pa rin siya tinitigilan ni Rio. Sanay na siya sa sa kanyang kaibigan dahil paulit-ulit naman siya nitong inaayang makipag date sa ibang lalaki pero ito ang unang beses na napaisip siya sa sinabi ng kaibigan. "Alam mong malaki ang utang na loob ko sayo, Kireigh. Malaki ang utang na loob namin ng mga kapatid mo sa pag-aalaga mo sa amin pero gusto ka rin namin na maging masaya. Gusto kitang makitang masaya kasama ang taong mahal mo. Gusto kitang makitang inaalagaan na walang pag-aalinlangan. 'Yung taong handa kang samahan sa hirap at ginhawa." Natatawang pinunasan ni Rio ang kanyang mukha na basa ng luha. "Mahal ko kayo kaya inaalagaan ko kayo. Kahit na mas matanda kapa sa akin hindi ako magsasawa na paghandaan ka ng pagkain, Rio, ako nalang ang pamilya mo kaya hindi ko hahayaan na mapariwara kana naman dahil sa walang kwentang lalaki." Parehas na ulila sina Rio at Kireigh. Magkasama ang kanilang mga magulang sa sumabog na eroplano. Isa sa kamag-anak ni Rio ang kumupmop sa kanya ngunit kalaunan namatay din ang kanyang auntie dahil sa sakit na lung cancer. Kaya nag desisyon na patirahin nalang ang matalik niyang kaibigan. Ang tiyuhin ni Kireigh ang nag-alaga sa kanila magmula pagkabata kaya nang magtapos siya sa kolehiyo nagtrabaho siya sa Winner Group bilang isang hr manager. "Malalaki na ang mga kapatid mo kaya na nila mamuhay mag-isa at isang taon nalang at twenty eight na ako. Gusto ko rin naman ma-settle sa isang tao na may pangarap sa buhay at matured mag-isip. Sa oras na makita ko ang lalaking iyon papakasalan ko na agad siya." "Akala ko ba kakahiwalay niyo lang ni Jones, bakit pagpapakasal na agad ang nasa isip mo?" Natatawang tanong ni Kerigh. "Paano ka mase-settle sa isang tao kung ikaw mismo ang madaling magsawa sa lalaki? Magkamali lang ng konti hinihiwalayan mo na agad. Masyado kang perfectionist para makahanap ng isang matured at goal setter na tao." "Eh, bakit ba? Hindi nila ma-meet ang standard at expectation ko. Wala pa sila sa kalingkingan ng dream man ko." Pagdadahilan ni Rio habang mine-make-up-an ang mukha. Malapit na sila sa kanilang destinasyon kaya nagsimula na siyang i-retouch ang maliit nitong mukha. "That's the problem with being in a relationship. You expected too much from that person, and when that guy didn't meet your expectations or standard, you broke up with him. You want a mature person that prioritizes his future with his woman, but ikaw itong immature at walang plano sa buhay." "Aray! Ang sakit mo naman magsalita." "Truth hurts, Rio. That's the reality, and the reality will hurt you so much until you fully understand the meaning of loving and marrying the same person you have dreamed of. Just learn to accept the flaws, mistakes, and imperfections of your loved ones and you will be happy for the rest of your life without doubts and regrets." "Wow!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Rio sa sinabi ng kaniyang kaibigan. "Just wow!" Patuloy pa rin siya sa pagpalakpak hanggang sa ma-ipark na ni Kireigh ang sasakyan sa parking lot ng mamahaling restaurant. "Ano? Papalakpak kana lang ba riyan, Rio? Baka gusto mo ng bumaba sa sasakyan ko." Pagbibiro ni Kiriegh at nauna nang bumaba. Inayos niya muna ang sarili bago lumapit sa kinatatayuan ng kanyang kaibigan. "Hindi ko alam na matured ka pala mag-isip pagdating sa pag-ibig." Tanong ni Rio nang makalapit sa kanya si Kireigh. "Siguro may boyfriend kana, no?" "Required ba na magkaroon ng boyfriend para maging matured sa mga bagay-bagay?" "Hindi naman, pero hindi naman magiging ganyan ang pananaw mo kung hindi mo naranasan, diba? Don't tell me may secret boyfriend ka at nahihiya ka lang na sabihin sa akin." Saglit na tumahimik si Kireigh at inalis ang tingin kay Rio. "Ano? Tama ako? Sinasabi ko na nga ba kaya late kana umuwi dahil nakikipag date kapa sa secret boyfriend mo. Sana man lang sinabi mo sa akin para nakapag celebrate tayo, diba." "I don't need a man in my life to be mature. I can be mature at any time. I can be happy without forcing someone to stay or to love me. I can enjoy and date myself every time I want to. I don't need a man to hurt me." Napatakip sa bibig si Rio dahil sa gulat. Naguguluhan siya kung saan hinugot ni Kireigh ang mga katagang iyon, na para bang ilang beses ng naiwan dahil sa pag-ibig. At kung magsalita parang aping-api ng mundo. "Mukhang ikaw ang galling sa break up at hindi ako. Lalim ng pinanghugutan mo, ah." "Just because, the truth--" "Alam ko na iyan, truth hurts diba and that's the reality." "No, the truth is, loving someone will never be justified to make yourself happy. Loving someone will never let you experience the true essence of love unless you figure it out as soon as you learn to appreciate and love yourself." Hindi maipinta ang reaksiyon ni Rio sa malalim na mga salita na lumabas sa bibig ng kaniyang kaibigan. Na para bang ibang tao ang kausap niya at hindi ang kaibigan niyang si Kireigh na walang pakialam sa kanyang sarili. Iyong kaibigan niyang sobrang focus sa trabaho, bahay at mga kapatid. Iyong kaibigan niyang ni isang beses hindi niya nakitang naging masaya kasama ng lalaki o nakitang may kalandian at kausap na lalaki sa telepono. "Are you in relationship, Kireigh? It seems like you are..." "I have no time to love a man. And my answer is no, I'm not in a relationship with any man that doesn't even know how to fulfill his promise and prove his sincerity in love." Kung may isang bagay man ang iniiwasan na mangyari ni Kireigh, iyon ang ma-inlove sa isang lalaki na papangakuan siya ng sandamakmak na matatamis na salita pero sa huli may balak pala siyang iwanan at pagmukhaing tanga at kawawa. "For pete's sake! You're already of legal age to fall in love. And besides, you are twenty-five years old." Tiningnan ni Rio ang kanyang cellphone. "Ano pa ba ang hinihintay mo? Maging trenta ang edad mo bago makipagrelasyon?" "I have no interest in rushing things. I'm more on slow process, but surely progressing. There's nothing wrong with my age, I have a lot of responsibility and obligation to my siblings." "You're so boring kaya walang nagbabalak na manligaw sayo. Masiyado kang seryoso sa buhay. Look at me, kahit iba-iba ang nakakarelasyon ko I'm still a virgin and I won't deny that they have kissed me in any form of kiss." Proud na pagkakasabi ni Rio habang inaayos ang kaniyang buhok. Sampung minuto na rin silang dalawa nakatayo sa parking lot at mukhang wala ng balak na pumasok sa loob ng restaurant dahil sa kanilang kwentuhan. "I doubt it." Kibit balikat na sabi ni Kireigh at nauna nang maglakad. "Believe me or not, I have never been touched, but I do touch them." "You're kind of embarrassing, Rio. How could you touch them? Give some respect to yourself. Para kang walang pinag-aralan sa ginagawa mo." Seryosong sabi ni Kireigh nang mahinto sila sa entrance ng restaurant. Pinagbuksan sila nang pinto ng security guard. "I have my reason." Pagdadahilan ni Rio, "That's the only way that I can do to test that guy. If he's seeing me as his woman in the future or if his love for me is pure and sincere or if he's just using me." Tanging pag-irap nalang ang nagawa ni Kireigh sa mga rason ng kaniyang kaibigan. Nauna siyang naglakad at hinanap ang kanilang batch mate ngunit ni isang anino sa mga iyon ay hindi niya nakita. "Akala ko ba may reunion tayo, bakit hindi ko sila makita?" Kinalabit ni Kireigh si Rio na tila'y may hinahanap. Hindi siya sinagot ng kaniyang kaibigan at dumiretso sa mesa na may dalawang lalaki. Napaawang ang bibig niya nang makipag beso si Rio nang salubungin siya ng isang lalaki. Nag-aalangan na lumapit si Kireigh sa pwesto ng kaibigan. "Rylm, this is Kireigh, my boring best friend." Nakangiting nakipagkamay sa kanya ang lalaking nakipag beso kay Rio. "Kireigh, this is Rylm, my future husband." Nawalan ng balanse si Kireigh dahil sa pagkagulat at saktong nasalo naman siya ng isang lalaki sa kanyang likuran. Agad siyang umayos sa pagkakatayo at pinasalamatan ang lalaki na hindi man lang tinatapunan ng tingin. Nagkibit balikat na lamang siya nang tumawa sina Rio at Rylm. "Oh. That's my friend, Kriford." Pakilala ni Rylm. "He's single." Dagdag ni Rio. Sa kadahilanang walang interest si Kireigh sa lalaking pinakilala sa kanya walang gana siyang tumango at kinuha ang baso na may lamang tubig. "That's my glass..." Kriford pointed the glass na ininuman ni Kireigh. "But you're allowed to use mine." Makahulugan na nagtinginan sina Rio at Kireigh. "Iyon naman pala, sissy, pwede mo naman pala gamitin kung ano ang kanya. Hindi kana tatandang dalaga." Sinamaan lang ng tingin ni Kireigh ang kaibigan. 'Di nagtagal umupo na silang lahat. Magkatabi ang dalawang lalaki at dalawang babae sa upuan. "May I take you.. I mean your order?" Kriford asked Kireigh. "Ha? No!" Sagot ni Kireigh na kinatawa nang tatlong kasama niya. "Oh. I'm just testing you. So, what do you want?" Nanatiling tahimik sina Rio at Rylm. Pinipigalan na matawa dahil baka masira ang momentum ng kanilang mga kaibigan. "I don't like you, so don't test my patience. Baka masaktan kita." "Ouch. I like you." Matamis na ngumiti si Kriford. "Grr. I don't like you, okay? You're not even my type." Pinanlakihan ng mata ni Kireigh ang kaharap niya na si Kriford na mukhang tinamaan sa unang pagkikita palang nilang dalawa. "But I can wait." Kireigh bit the bottom of her lip and glared at Kriford. "Wait my ass." Naiinis na sagot ni Kireigh. "Stop teasing me or else." "Or else, you will marry me?" "Or else, I'll kill you." Kireigh glared at him. "Don't mind her, Kriford. Mahilig lang talaga siyang magbiro." Pagsingit ni Rio sa kanilang usapan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook