bc

Going Back to 1945 ( A Romance Historical Fiction)

book_age16+
457
FOLLOW
1.2K
READ
reincarnation/transmigration
time-travel
mystery
soldier
office lady
like
intro-logo
Blurb

Roxanne Sta. Maria. Ordinaryong office girl at mabait na ate sa dalawa niyang kapatid na Alexa at Lucas. Sa totoo lang, hindi pa sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend sa ngayon. "Makakapaghintay ang love-love na yan!" Pangangatwiran niya.

Pero paano kung isang araw, bigla na lang may lalapit sa kanyang lalaki at magpakilalang boyfriend niya? And worst, isang sundalong Amerikano noong panahon ng pananakop ng Hapon.

Paniniwalaan ba niya ito?

chap-preview
Free preview
1 - ANG SIMULA
"Ang Intramuros ay tinatawag ding Walled City. Kaya yung mga distrito sa labas nito ay tinawag namang "extramuros" meaning sa labas ng pader." Napahikab ako habang pilit na nakinig sa Intramuros tour guide na nagsasalita sa unahan. Pang-ilang hikab ko na ba ito? Inip na inip na ko sa field trip na ito ni Alex o Alexa, ang bunso kong kapatid na nasa Grade 9 dito sa Intramuros. Kung hindi lang talaga walang makakasama si Alex ngayon sa field trip niya, hindi ako magtitiyaga dito. Wala naman kasi akong maaasahan kay Lucas, ang sumunod sa akin. "Ang mga pader na ito ay itinayo ng mga Kastila bilang depensa nila sa mga posibleng mananakop. Una na sa listahan ang mga Amerikano." Ako, si Roxanne Sta. Maria, panganay sa tatlong magkakapatid at solong bread winner, mula noong mamatay ang aming ina. Matagal na kaming walang komunikasyon kay Tatay mula nang mag-asawa uli ito at lumipat ng ibang lugar. Mabuti na lang at nasa fourth year college na ako nang mamatay si Nanay kaya yung natitira kong isang taon sa College ay naitawid ko sa pamamagitan ng pagiging student assistant sa university. Graduating na rin sa College si Lucas kaya kahit papaano ay makakaluwag na rin ako sa gastusin naming magkakapatid. Napansin kong naglakad ang grupo nila Alex kaya tahimik na lang akong sumunod. Nasa gawing unahan si Alex kasama ng ibang kaklase niya. "Nakatayo kayo ngayon sa harap ng isa sa mga pinakamatandang puno sa Pilipinas. This tree is believed to be more than a hundred years old. At kung nakakapagsalita lang ang punong ito ay maaari na niyang maikuwento sa atin ang lahat ng nangyari sa lugar na ito noong mga nagdaang panahon." Muli na naman akong napahikab. Ever since naman kasi wala akong kainte-interes sa subject na Philippine History. Tapos na kasi 'yun. Bakit ba pilit pa rin nating binabalilkan? Pinilit kong makinig sa tour guide, at saka tiningnan ang punong ibinibida niya. Pinagmasdan ko itong maigi. Wala namang kakaiba sa puno. maliban sa sinabi niyang matandang puno na nga ito. Pero tila may magneto ang puno para hindi ko maalis-alis ang tingin ko. "Kahit na nawasak ng ikalawang digmaang pandaigdig ang ilang bahagi ng pader ng Intramuros, may mga nanatili pa ring nakatayo lalo na ang ilang bantayog. Sumunod kayo sa akin para pasukin natin ang loob." Biglang umihip ang may kalakasang hangin kaya napapikit ako sa takot na baka mapuwing ako. Sa pagkakapikit ko, naroon iyong pakiramdam na tila may nakatingin at nagmamasid sa akin, kaya agad akong dumilat. Pero sa pagdilat ko ay iyong puno lang ang bumungad sa mga mata ko. Wala nang tao sa paligid kaya nagpalinga-linga ako. Pilit kong hinagilap ang grupo nila Alex. Nakita kong papasok na ang mga ito sa isang lagusan na tila arko kaya agad akong naglakad para sumunod sa kanila. Nang marating ko ang arko, napansin ko sa loob ang lumang arkitektura nung sinaunang panahon. Pakiramdam ko tuloy nasa ibang panahon ako. "Bakit pa kayo pupunta ng Vigan kung meron naman dito sa Intramuros?" Narinig ko iyon na komento ng tour guide sa isang estudyanteng nagtanong kung alin ang mas maganda sa Intramuros at Vigan. "Matapos ang Digmaang Kastila-Amerikano, isinuko ng mga Kastila sa Amerika ang Pilipinas, at iba pang mga teritoryo nito bilang pagtupad sa Kasunduan sa Paris o Treaty of Paris sa halagang twenty millon dollars. Maraming mga binago ang mga Amerikano dito. Noong 1903, giniba ang pader mula Puerta Santo Domingo hanggang Puerta Almacenes. Iyong mga tinanggal na bato ay ginamit sa paggawa sa iba pang bahagi ng lungsod. Pahapyaw kong tiningnan si Alex sa harapan. Mataman itong nakatingin sa tour guide na nagsasalita na tila interesado sa pakikinig. Ito talaga ang mga interest ni Alex. Actually, namamangha nga ako sa batang ito dahil pati ang culture ng Japan, US at Korea ay alam niya. Naglakad uli ang grupo namin, at nakarating sa isa pang lagusan. "Ito ang re-constructed main gate ng Fort Santiago. Alam n'yo naman siguro na dito ikinulong si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani noong panahon ng mga Kastila." Tila hindi nauubusan ng sigla ang babaeng tour guide habang nagpapaliwanag sa grupo namin, habang sama-sama kaming naglalakad papasok sa loob ng Fort Santiago. Medyo may edad na ito, pero mas bata siyang tingnan. Siguro ay dahil sa lagi nitong nakangiti at maaliwalas na mukha. "Itong mga bakas ng paa na ito ay nagsisilbing alaala sa huling paglalakad ni Jose Rizal papunta sa Bagumbayan o tinatawag natin ngayong Luneta, noong araw ng kamatayan niya, nang hinatulan siya ng kamatayan ng pamahalaang Espanya." Pakiramdam ko ay unti-unti akong nagkakaroon ng interes sa mga sinasabi ng tour guide. Dahil ba sa toned voice niya o dahil sa nakangiti niyang mukha? "Pero noong taong 1898, bilang tanda na pinamumunuan na ng mga Amerikano ang Pilipinas, itinaas dito ang bandila ng Amerika at ito na rin ang ginawa nilang headquarters nila." Naglakad na uli kami pabalik sa gawi ng pinanggalingan namin kanina. "Hanggang sa binigyan tayo ng pagkakataon ng mga Amerikano na pamahalaan natin ang sarili natin, at tinawag itong Philippine Commonwealth, sa ilalim ng pamumuno ni President Manuel Quezon." Iyan ang pagpapaliwanag ng tour guide habang naglalakad ang grupo namin pabalik. Mula kaninang umpisa hanggang ngayon ay nakakahangang hindi man lang bumaba ang energy niya, at palagi siyang may ngiti. "Buong akala ng mga Pilipino noon ay masaya at malaya na tayong mamumuhay. Pero, noong December 7, 1941, nag-umpisang umatake ang bansang Hapon sa Pilipinas. Pagkaraan ng isang taon, January 2, 1942, tuluyan tayong nasakop ng mga Hapon. "Pero nung sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas, sinakop din nila ang Intramuros, especially itong Fort Santiago. Maraming sundalong Pilipino at Amerikano ang nakulong dito. At tinatayang may anim na raan o six hundred na sundalong Pilipino at Amerikano ang namatay sa mga lihim na lagusan at dungeon dito, habang tumatakas sila dahil sa kakulangan ng hangin at 'yung iba naman ay namatay sa gutom." Tila may kumurot sa dibdib ko nang marinig ko ang huling sinabi ng tour guide, at para bang biglang bumigat ang dibdib ko. Ganoon na ba ako ka-apektado sa kuwento niya. Napahawak pa ako sa dibdib ko na para bang damang-dama ko ang sakit. "Patunay dito ang pamosong Death March, kung saan naglakad mula dito sa Intramuros hanggang sa lalawigan ng Bataan ang libong sundalo na Pilipino at Amerikano, na nahuli at sumuko sa digmaan. Imagine kung gaanong hirap ang dinanas nila?" Tuloy pa rin ang pagkukuwento niya hanggang sa mapansin kong nasa tapat na kami uli ng punong dinaanan namin kanina. Huminto ang grupo namin sa tapat ng puno, at patuloy na nakinig sa kuwento ng tour guide. "Isipin na nga lang na lalakarin mo yung ganoong kalayo ay parang napakahirap na, di ba? Iyon pa kayang may sugat ka, or gutom na gutom ka na? Tunay na mga bayani ang dapat nating itawag sa kanila." Wala sa loob na napalingon ako sa likuran ko sa dahil sa pakiramdam uli na may nakatingin sa akin. Pero tanging iyong puno lang ang nakita ko sa likuran ko. Kasabay nito ang muling pag-ihip ng hangin sa gawi namin. Ipinagwalang bahala ko ito, at muling tumingin sa unahan kung saan nagbibigay na ng mga panghuling mga salita ang tour guide na nagpapahiwatig na tapos na ang tour. Paisa-isa nang naglakad ang grupo namin paalis sa lugar na iyon para pumunta na sa pinagparadahan ng bus na sinakyan namin. Nang inihakbang ko ang mga paa ko palayo ay parang may narinig akong boses. Mahina lang ito pero malinaw sa pandinig ko. "Rosanna...." ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
67.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
237.3K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
35.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.6K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
91.1K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
46.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook