“ Kung ganon ano pong pwede kong gawin para tulungan niyo lang ang Ama ko. Gagawin ko po lahat sabihin niyo lang. ” “ Makakaya mo bang gawin ang ninanais ko? Kapalit ay pera na kailangan mo. ” “ Ou Mr. Salvador gagawin ko sabihin mo lang kung ano ang gusto mo kapalit ng tulong mo para sa Ama ko. ” sagot ni Elise ng hindi nag iisip. “ Makakaya mo bang ibigay ang sarili mo kapalit ng lahat ng kakailanganin ng Ama mo para sa gagawing Operasyon. Lahat sasagutin ko hanggang makalabas ito at tuluyang gumaling. Subalit isipin mong mabuti KATAWAN MO ang maaaring kapalit ng lahat ng hinihingi mo! Subalit huwag kang mag alala dahil may isa akong salita kapag pumayag ka. Ngayon rin ay maooperahan ang iyong Ama. Kaya mag isip ka! Hindi kita mamadaliin nasa sayo ang desisyon kung papayag ka ” Sabi ng Ginoo napaisip mabuti si Elise hindi niya makakayang pumayag sa gusto nitong maging kapalit, subalit hindi rin niya makakayang tuluyang malagay sa panganib ang kanyang Ama. Parehong hindi niya makakayang mangyari ang dalawa. Ngunit buhay ng Ama ang nakataya paano niya magagawang hindi isakripisyo ang kanyang sarili kung ito na ang mawawala sa kanila. Ang Dangal na kinaiingitan ay baliwala sa buhay ng Amang mawawala. Kung papipiliin man siya hahayaan na niya ang kanyang Puri ang siyang isakripisyo kesa pinakamahalagang buhay ng kanyang Ama. Mary Elise Madrid isang mahirap na may mataas na pangarap subalit nagawang ipagbili ang sarili para sa perang kailangan ng Ama. Harry Salvador isang mayaman na may malaking pinagdadaanan. Gagamitin ang sitwasyon para sa pansariling interest. Kapwa ay pagtatagpuin ng landas ang dalawa dahil sa isang insedente. Gagamitin ni Harry ang sariling pera para sa tulong sa Ama ni Elise kapalit ng katawan nito. Walang magagawa si Elise na tanggapin ang gustong kapalit ni Harry maligtas lang ang Amang nag aagaw buhay. Ang insedenteng iyon ay parang isang Fairytale na maglalapit sa dalawang taong pinagbuklod ng kani kanilang tadhana. Sa UNA at sa HULI ay parang lubid na pinagkabit sa magkadalawang dulo ay kapwa paiibigin at sa muli ay pagtatagpuin ng kani kanilang bitlig ng kapalaran. YOU’RE MY FIRST AND LAST LOVE – Mary Elise Madrid fall inlove in a one and last man of her life. Sa unang lalakeng nakakuha ng kanyang atensyon na parang STICKY na nakadikit na ayaw na siyang alisan. Is there any chance to meet again. They’re Fairytale's Story will come true.
Si Carmela isang ordinary office girl at si Ismael isang sikat na sikat na actor ay magkakakilala sa isang dating apps. Bigla nalang mapuputol ang kanilang communication dahil sa unti unting nahuhulog ang kani kanilang damdamin para sa isa't isa iiwas si Ismael at puputulin ito dahil sa pag aakala na may ibang Mahal na ang dalagang minamahal, subalit mapaglaro ang tadhana paglalapitin muli sila ng kapalaran. Duon magsisimula ang kanilang pag iibigan na halos walang kapantay na kahit anong bagay, palaging pinararamdam ng lalakeng actor kung gaano niya kamahal ang babaeng pinakamamahal. Matapos ang ilang buwan sila ay magsasama sa iisang bahay, kinupkop si Carmela ng actor matapos magpakasal ni MauMau matalik na kaibigan ni Carmela. Kasal nalang ang iniintay ng binata upang maging official na ang kanilang pagsasama subalit hindi maibigay ng dalaga dahil sa kagustuhan mahanap ang tunay na mga magulang. Nagsikap si Carmela sinunod niya ang ninanais ng puso niya ayon na rin sa mga salitang sinabi ng kanyang Nobyo nagsimula muli siya gumuhit hanggang nakilala ito dahil sa tulong ni Ismael at ilang mga kakilala nito. Naging matunog ang pangalan niya sa industriya at isang araw umuwi si Ismael na may hatid na balita ukol sa isang Architect na nakilala nito. Si Jenz Sandoval isang sikat na architect sa larangan nito, magiging close sila dahil sa mga obra ni Carmela at siya rin makatutuklas ng kaniyang sikreto ang paghahanap sa nawawalang pamilya. Ito rin ang tutulong sa kanya na makilala ang mga ito. Sa wakas magiging buo na ang lahat para kay Carmela dahil makikita na niya sa wakas ang kanyang pamilya at maibibigay na niya ang kasal na matagal ng iniintay intay ng kanyang minamahal. Araw ngayon kung saan ay sasabihin ni Carmela sana kay Ismael ang pagpayag niya sa kagustuhan nito na maikasal na sila upang maging legal na rin sa wakas ang kanilang pagsasama subalit isang matunog na balita ang lumabas buntis ang Actress na si Carla ang leading lady ni Ismael at ang lalaking Mahal niya ang tinuturong Ama. Labis na sakit, puot at hinagpis ang naramdaman ni Carmela para sa lalakeng minamahal walang ano ay umalis siya sa poder nito at nagpakalayo layo. Hindi na natuloy pa ang kasal nila at ang posibleng makita na sana ang pamilya na matagal ng hinahanap.
“ Nakikita mo ba ang putik na kinasasadlakan mo ngayon? Kung saan ay nararapat ka lang. ” Ang kasaganaan ng buhay na meron ka noon. Ang kapangyarihan na tinatamasa mo noon. Baliwala ngayon sa buhay na kinasanayan niya ngayon. “ Dapat yan sayo, nararapat ka lang sa buhay na meroon ka ngayon. ” “ HAMPAS LUPA ” paulit ulit na kataga na hindi mawala sa isip ni Eula isang babae na buhay Princesa noon, ngayon ay isang katulong nalang ngayon. Anong buhay pa ang higit na kahaharapin pa niya sa piling ng lalakeng minsang ay minahal at tinakbuhan, dahil sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Isang malaking Revenge ang magaganap sa pagitan ng dalawa. Muli pa kayang mangingibabaw ang pagmamahal sa nag uumapaw na galit na nararamdaman ni Apollo para kay Eula?
Matapos ang Masteral ay naghahanda na siya para sa kanyang Training para sa Delgado Empire Branch room dahil sa nalalabi na mga araw para makompleto ang pagpunta at pakay roon kailangan niya matapos ang Training sa gayon ay makuha ang nasabing Promotion sa Kumpanya na pinagtatrabahuhan subalit naging kabaligtaran ng unang Plano. Nagpakasal siya s lalakeng nakilala at nakagaanan ng loob dahil sa nalalabing araw at takot na magkawalay ay mas pinili niya ang lalake. Sa ilang buwang masayang pagsasama bilang mag asawa ay may isang babae na lumitaw at hiniling ang paglayo niya para sa sanggol na sinasabing dinadala nito na anak ng kanyang pinakasalan at minahal. Isang malaking desisyon ang kanyang binuo at tumakbo siya ng walang pasabi palayo sa kanyang asawa. Sa paglipas ng sampong taon ay lumitaw ang lalakeng tinakbuhan sa maraming taon. Isang paghihiganti ba ang dala nito sa pagdating? Paano niya haharapin at sasabihin ang kanyang tunay na dahilan sa pagtakbo matapos sila ikasal.
Makikita mo lilingunin mo rin ako Mr. Allan Cabreras. The Vice President of one of the Big Shoe Company in the Philippines. Kapatid lang naman at kakambal ng kanyang Bossy at aroganteng boss na super Coldy na President ng Cabrera's Shoe Company. Mr. Anthony Cabreras. Isang ambisyosang office girl si Joyce na lihim na tinatangis ang kapatid ng kanyang Boss na si Allan. Super gwapo, matangkad at may pagka playboy. Pero baliwala kay Joyce ang lahat ng iyon, sa kanya ay Mahal na niya ito. Hindi ordinary Crush kundi gustong gusto niya na talaga ang binatang si Allan Cabrera's. Kaya naman isang araw, tila natupad ang kanyang mithiin ng bigla nitong ipakilala siya sa harap ng lahat na Girlfriend siya nito dahil sa isang babae na humahabol habol rito. Sa sobrang tuwa ay pinanalangin na sana ay totoo na, ngunit kinabukasan ay para lang siyang hangin na dinadaan daan nito. Although binabati naman siya nito pero wala na yung sweet na Allan na nakita niya ng Gabi na iyon ng ipakilala siya na Girlfriend nito. Sa sobrang inis niya sinabi niya na gaganti siya rito, She's planning to seduce ang binatang Cabreras na siyang nagpahiya sa kanya sa maraming tao. She's going to have a plan. Sa birthday party ng magkapatid na gaganapin sa bahay ng pamilya nito. Papasukin niya ang kwarto ng lalake, habang natutulog ay tatabihan niya Ito at kinabukasan duon na magsisimula ang malaking plano. But how it's not Allan Cabreras ang lalakeng napasok at katabi niya ngayon? kundi ang bossy na kanyang Boss si Anthony Cabreras. Ano na ngayon ang gagawin ni Joyce na maling lalake ang kanyang katabi at kasama sa napakalaking kwarto na yon? Papaano niya ipaliliwanag sa galit na mukha ng kanyang boss ang kanyang nagawa. What will be the next to do? Kung walang kahit ano ang pumapasok sa isip ni Joyce