Si Raileigh ang tipo ng babaeng grabe kung magmahal. Kahit anong sakit ang maaari niyang maranasan sa isang tao ay isusugal niya pa rin ang puso hanggang dulo. Kaya noong bigla na lang siyang iniwan ng boyfriend niya na si Chaos ay mas pinili niya pa rin ang hintayin ang pagbabalik ng binata. Pero sa muling pagbabalik ni Chaos ay masusubukan kung gaano kasakit ang kayang tiisin ni Raileigh nang malaman niya ang dahilan kung bakit bigla na lang nawala si Chaos noon.
Dahil sa katigasan ng ulo ni Laurent Segovia ay dinala siya ng mga magulang niya sa Antipolo para ilayo sa bad influence niyang mga kaibigan. Kaya naman nag-isip si Laurent ng paraan para magrebelde at makabawi sa mga magulang niya. At sa Antipolo niya natagpuan ang sagot sa plano niya--si Aeious Salcedo. Ang plano lang ni Laurent ay gamitin si Aeious sa pagrerebelde niya sa mga magulang, pero biglang nasira ang plano niya nang tumibok ang puso niya para kay Aeious. At huli na nang matanto ni Laurent na... Si Aeious na ang kumokontrol sa larong sinimulan niya.
Alam ni Hestia sa sarili niya na sa lahat ng Montealegre, kay Silent Montealegre siya hindi dapat na mapalapit. May kakaiba sa binata na nagdadala sa kanya ng kakaibang pakiramdam na hindi niya mapaliwanag. Pero sadyang matigas ang ulo ni Hestia gaya ng palaging sinasabi ng ama niya. Dahil kahit alam niyang delikado ang puso niya, patuloy pa rin ang paglapit niya kay Silent Montealegre.
All she wants is to be happy. Pero sinumpa yata ng tadhana si Akira dahil puno ng kamalasan ang buhay niya. Puro lang sakit at kalungkutan. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Curse Montealegre. Si Curse na ba ang mag-aalis ng sumpa sa buhay ni Akira o magiging isa rin ito sa sumpa sa buhay niya?