“WHOA! SINO ito?” Tinabihan ko si Bea upang makita ang kanyang tinutukoy. Abala si Bea sa laptop ni Sunday Blue. Inililipat niya ang ilang mga larawan mula sa camera. Plano kasi ni Sunday Blue na ipagawang photobook ang mga larawan niya sa Finland. May kakilala si Bea na siyang gumagawa ng mga photobooks ni Tilly. Napangiti ako nang makitang kinunan pala ni Sunday Blue ng larawan si Ryan. Ang ilang kuha ay hindi aware ang guwapong lalaki. Ang ilan naman ay nakangiti si Ryan sa camera. Bea and Tilly were sleeping over at Sunday Blue’s. Halos isang linggo na mula nang makabalik siya mula sa biyahe. Kaagad siyang isinabak ng manager niya sa trabaho. Nanatiling itim ang kulay ng kanyang buhok. Halos araw-araw siyang kinukulit ni Jem tungkol doon. “That’s Ryan,” tugon ni Sunday Blue, kaswal

