SUNDAY BLUE went out with Jem. Pumayag siya dahil ipinaalam na sa wakas ni Jem na kasama nila sina Bea at Andres. Nakahinga ako nang maluwag nang malaman ko iyon. “Na-enjoy mong tuksuhin ako, ano?” tanong ni Sunday Blue habang naniningkit ang mga mata. Nakikita kong nakahinga rin siya nang maluwag nang malaman niyang kasama sina Bea at Andres sa date na sinasabi ni Jem. Nakangiting tumango si Jem. Nagsasayaw sa kaaliwan ang mga mata. “I don’t appreciate it,” ang mataray na tugon ni Sunday Blue. Inakbayan ni Jem si Sunday Blue at hinapit palapit. Hindi komportable ang huli ngunit hindi rin naman siya lumayo. “I just don’t wanna be miserable today. Totoo na naiinis akong makita ang iba na kasama ang mga mahal nila. Pero tama ka rin, hindi nila kasalanan. I realized I wanna be with my fr

