PINAG-ISIPANG maigi ni Sunday Blue ang tungkol sa pagkakaroon ng career sa musika. She liked performing, she realized that after the open mic. She loved music. Hindi na niya kailangan pa iyong itago. She decided to audition for the reality singing contest. Madaling araw pa lang ay nakapila na siya. Dahil halos nasa tatlong milyon ang kabuuan ng premyo, napakahaba ng pila. Jem was with her. Iginiit ni Sunday Blue na kaya na niyang mag-isa ngunit iginiit din ni Jem na dapat siyang sumama dahil siya ang may ideya niyon. I was thankful Jem was with her. Gusto kong ako ang makasama niya sa pila na iyon. Makailang beses ko na siyang kinumbinsi na sumali sa mga singing contest ngunit hindi siya nakinig. Nais kong mayroon isang taong susuporta sa kanya, at maniniguro na hindi siya maduduwag sa b

