TIME KIND OF flew. Hindi na ako nagulat nang makatanggap si Sunday Blue ng tawag na nagsasabing nakapasa sa preliminary audition ng TV show. I firmly believed she would win the contest. Everyone celebrated kahit na igiit niyang masyado pang maaga para roon. Sinikap niyang ipakita sa lahat na hindi iyon big deal ngunit ginawang big deal ng lahat. At alam kong big deal iyon para kay Sunday Blue. Seeking for approval was innate to humans. So was winning and being the best. Napagpasyahan nina Ninang Angela at Mommy na bigyan si Bea ng pondo para sa pagsisimula ng munting negosyo. Bea was good in food business kahit na hindi pa siya natatapos sa culinary school. Naisip nila na mas convenient kung magtatayo na lang ng negosyo si Bea kaysa maghanap ng restaurant na pagtatrabahuhan. Siyempre ay h

