ABALA SINA Mommy at Bea sa kusina nang araw na iyon. Nagpresinta sina Jem at Sunday Blue na tingnan si Tilly na himbing na natutulog sa crib. “She’s so beautiful,” bulong ni Jem habang binabantayan si Tilly. “Such an angel.” Tumango si Sunday Blue bilang pagsang-ayon. Ilang sandali na pinanood nila ang mahimbing na pagtulog ni Tilly bago sila umatras sa crib at naupo sa sofa. “Hindi ka talaga lilipat ng department?” tanong ni Jem. Umiling si Sunday Blue. “Gusto kong makatapos ng kolehiyo kaagad.” “Gusto mong makatapos ng Chemical Engineering,” ang nakangiting pagtatama ni Jem. “Whatever. It’s the same thing.” “Sa palagay ko ay medyo magagalit ka sa mga susunod na sasabihin ko at baka hindi mo tanggapin, pero sasabihin ko pa rin. Kahit na paano ay alam ko na kung paano tumakbo ang i

