INILABAS NA sa ospital si Tilly. Everyone was excited for her to come home. Iginiit ni Mommy na manatili pa rin sina Bea sa bahay namin hanggang sa kaya na nilang mag-isa. Dahil alam ni Bea na kailangan pa rin niya ng tulong at suporta, pumayag na siya. “Balang-araw, babayaran ko po ang lahat ng ginasta ninyo sa akin at sa baby,” pangako ni Bea kina Mommy at Daddy. Determinado ang kanyang mga mata. “It’s just money, honey,” ani Mommy. “Hindi mo kailangang masyadong mag-alala tungkol sa bagay na iyan. We’re happy to help you in any way we can.” “Hindi ko po gustong maging dependent sa inyo, Tito, Tita. I need a goal. I need you to promise me you’ll accept whatever payment I’ll give you in the future.” Tumango si Daddy. “Okay, you owe us. Basta mananatili kayo sa pangangalaga namin hangg

