“LOOK! SHE’S smiling!” ang namamangha kong sabi kay Alex. Nakatutok ang aking paningin kay Tilly. Totoong ngiti na ang nakikita namin sa munting mukha ni Tilly at hindi lang basta paggalaw ng mga labi. Patuloy ang magandang progreso. Patuloy ang kanyang paglaki. She looked so much healthier now, so much pinkier. “She is totally adorable. The best baby ever.” Hindi ko na mabilang kung ilang milyong beses ko nang sinabi ang mga katagang iyon kay Alex. Banayad na natawa si Alex. “They are always the best baby ever. Naaalala ko noong ipinanganak ka. I totally believed you were the best baby ever.” Nang lingunin ko si Alex ay nahuli ko siyang napapailing-iling. “Ano ang ibig sabihin niyang pag-iling mo?” “Wala. You were the best baby ever.” Ibinalik ko ang aking paningin kay Tilly. She was

