Pagod na pagod ako habang nagluluto ng hapunan. Amoy pawis at amoy araw na ata ako at hindi na talaga ako natutuwa.
Masama ang mood ko habang kumakatok kay Cedrick. Ingudngod ko kaya sa mukha niya itong tray ng pagkain? Nakakabwisit siya eh! Sobra niya akong pinapahirapan! Ilang araw na akong nagtitiis at puro reklamo lang ang ginagawa ko.
Kung hindi lang kasi ako sisiraan ni Sir Tristan ay nung unang araw pa lang nag-back out na ako sa misyon na ito. Subukan niya kaya na siya ang magpanggap na katulong dito! Ewan ko lang kung kakayanin niya!
Maaliwalas ang mukha ni Cedrick pagkabukas ng pinto. Sobrang fresh ng mukha niya at nakaplastar ang malalaking ngisi sa kanyang labi. He is really enjoying this! Maybe he is doing this on purpose!
Kinuha niya ang pagkain na dala ko at akmang sasaraduhan na sana ako ng pinto nang magsalita ako.
“Tapos ko na ang trabaho ko ngayong linggo, Sir Cedrick. Ibig sabihin pwede na po akong umuwi bukas para sa day-off ko?” Maayos kong pakiusap sa kanya. I wanted to congratulate my self for not shouting at him. Malapit na kasing mapigtas ang pasensya ko sa kanya.
“Hindi ba’t sa Linggo pa ang day-off mo? Bakit ba atat na atat ka?” Nakangising sabi nito sa akin. Leche ka talaga!
“Eh tapos ko na ang trabaho ko ah!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Agad na nawala ang ngisi sa kanyang mukha. Naging madilim at seryoso ang kanyang tingin.
“Stop raising your voice on me!” Umangat ang kilay ko sa kanya. At bakit? Hindi porket mayaman ka ay didiktahan mo ako sa gusto ko ha!
“Hindi kita naiintindihan!” Galit na sabi ko dito. Parang bumuhos lahat ng galit at pagod ko sa mga nagdaang araw at hindi ko na ma-control ang sarili ko. I’m just amazed. Buti at hindi ako nakakapag-english ngayon.
“You’re so stupid!”
“Hindi ako stupid!” Singhal ko dito.
“Yes, you are! Hindi naman malalim na english ang sinasabi ko pero hindi mo naiintindihan!” Namumula na ang mukha nito sa inis. Mabuti naman! Para quits!
“Ano naman!? Perpekto ka ba? Hindi porket mayaman ka at mas mataas ang estado mo sa buhay ay pwede mo na akong ituring na ganito. Mas okay pa nga maging si Candy dahil atleast siya, spoiled sayo at hindi mo ginaganito!” Bumalik ang pagiging mapaglaro sa kanyang mukha.
“So you want to be Candy?” Mahinahon na niyang sabi. Bigla akong naging alerto. s**t! I don’t like his smirk. Whatever he is planning out in his mind, that won’t make me really happy.
“B-Bakit?” Umiling ito saka ako pinagbagsakan ng pinto.
Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama. s**t! Ano bang pinaplano ng demonyong iyon!? Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Alam ko na agad ngayon pa lang na hindi ko iyon magugustuhan.
Kinabukasan habang nagluluto ako ng almusal ay nakita ko si Cedrick na naglalakad palapit dito sa kusina. Ito na mismo ang kumuha ng kanyang pagkain saka umakyat ng kwarto. Medyo nagdududa nga ako. Seryoso naman ang kanyang mukha pero may something akong naramdaman eh.
Napatagal ang kain ko ng almusal sa pag-iisip kung ano ba ang gagawin ko sa araw na iyon. Naabutan pa nga ako ni Cedrick sa kusina nang ibalik niya ang tray doon.
“Aira, after you wash the dishes, dumiretso ka sa labas at puntahan mo kung nasaan ako.” Iyon lang ang sinabi niya saka naglakad palabas ng mansyon. Napalunok ako. s**t, what is it this time!?
Habang naghuhugas ay parang ayoko ng matapos. Gusto ko na lang dito. Ayokong malaman kung ano man ang gusto niyang ipagawa at gawin sa akin.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng bahay. Hindi pa ganoon kataas ang sikat ng araw at hindi pa mainit sa balat ang init nito. Nakakaisang hakbang pa lang ako sa labas nang makita ko si Cedrick na hinahaplos ang balahibo ni Candy. Ni Candy na malayang nakaupo sa gitna ng damuhan at ni isang tali o kadena ay walang nakalagay sa kanya. s**t!
Paano ako lalapit sa kinalalagyan niya kung si Candy ay malayang makakapunta sa akin at anytime ay pwede niya akong sakmalin!? He is absurd! Anong pumasok sa isip niya!? Hindi lang ata mata ang may diperensya sa kanya, pati ata utak niya ay may problema!
Napako ako sa kinatatayuan ko nang bahagyang lumingon sa pwesto ko si Candy. Narinig ko ang malakas na ungol nito saka mabilis na tumakbo palapit sa direksyon ko. Halos madapa ako habang bumabalik sa loob. Mabilis kong sinara ang pinto. Narinig kong inuntog nito ang kanyang katawan sa pinto. Her loud growl enveloped my ears. Nakakabingi iyon at galit na galit.
Nanginginig ang aking katawan. s**t! I have never been this scared in my entire life! This is the first time I’m shaking because of too much fear! I didn’t even flinch when an assassin tried to fire a sniper on me. Wala rin akong pakialam kahit sino ang kaharap ko, huwag lang ang lion na ito!
Napasinghap ako nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Cedrick. The side of his lips rose. He is really enjoying this! Gustong-gusto niya na nahihirapan ako at nanginginig sa takot!
“Hindi ba sabi ko, pumunta ka kung nasaan ako?” Malamig na sabi nito. I even heard a slight mischief in his voice! It’s as if he’s just stopping himself to laugh at me.
“Sir Cedrick! Paano ko naman gagawin iyon kung nandyan si Candy!? Ni hindi mo nanaman nga siya tinali!” Halos mapatalon ako nang sumilip ang ulo nito sa pinto. Good thing is that, she’s too big and wide. She couldn’t enter the door.
“And so?”
Anong and so!?
“Sir naman!” Hindi ko na napigilang magtaas ng boses.
“Are you raising your voice on me?” He crossed his arms.
“Hindi po!” Galit ko pa ring sabi.
“Really?” Halos mapasabunot ako sa sariling buhok. Nanggigil na ko talaga!
“Sir, bakit po ba kasi? Nalinis ko naman na ang kulungan ni Candy, diba? Napaliguan ko na rin siya. Bale next week po ulit iyon mauulit.” Nai-stress na sabi ko.
“Sabi mo kahapon diba naiinggit ka kay Candy? I just thought if you want to switch lives with Candy.” Napanganga ako sa sinabi niya.
“A-Anong ibig mong sabihin, Sir?” Umangat ang isang kilay nito bago ngumisi.
“Since wala ka ng trabaho, aside from cooking our food, might as well lock yourself inside Candy’s cage room. Ayaw mo niyon, para maiba naman. Huwag kang mag-alala, Candy won’t join you inside.”
Seryoso ba siya!? s**t! Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napamura sa utak ko. What the hell!? Nababaliw na ba siya!?
“Sir, galing mong magbiro ha.” Pilit akong tumawa.
“Ayaw mo?” He sounded offended and demanding.
Talaga ba? He have the audicity to be offended!? Ako dapat iyon! He wanted me to lock myself inside Candy’s disgusting cage room?! Hindi ko pa nga makalimutan ang amoy sa loob niyon! I don’t think I’ll last for an hour doing nothing there!
“Siyempre ayoko. Kung gusto mo, ikaw na lang.” Pabalang kong sagot. Agad na nandilim ang mukha niya.
“You have the guts to say that in my face…” Malalim ang kanyang boses at naririnig ko ang pagkairita doon.
Hindi ko na talaga maintindihan ang ugali ng lalaking ito. Kanina lang mapang-asar samantalang ngayon ay badtrip na naman at mukhang mananapak.
“Nakakabastos naman kasi, Sir Cedrick. Sinusunod ko na nga lahat ng utos mo tapos ganito pa ang trato mo sa akin. Hindi nga ako nagreklamo na mag-isa lang ako dito na naglilinis ng pagkalaki-laking mansyon na ito tapos kahit maayos na pakikipagkapwa-tao hindi mo magawa.” Nauurat na sabi ko dito.
Nakita kong nandilim ang mukha niya.
“If you don’t like my treatment on you then you are free to leave my house. Hindi naman kita pinipilit na magtrabaho dito. I can look for someone who can replace you. One who’s more capable of doing the job. Hindi ka kawalan sa bahay na ito, Ms Batungbakal.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas siya muli at sinarado ang pinto.
Sinilip ko siya sa bintana at nakitang pinapapasok niya si Candy sa loob ng kulungan nito. Gumilid ako nang muli siyang bumalik dito sa loob at dire-diretsong naglakad papunta sa hagdan.
Hindi ko alam kung napansin niya na nandoon pa ako pero walang emosyon ang mukha niya at tila wala namang pakialam.
Lalo akong napuyos sa galit. Siya na ata ang may pinakamasamang ugali na nakasalamuha ko. Mas masahol pa siya kaysa kay Tristan pangit! Hindi ko kinakaya ang mga salitang sinasabi niya. Paano pala kung totoong mahirap ako at nangangailangan ng trabaho? Kawawa naman kung sino ang magkakatulong sa kanya dahil aalipinin niya ng ganito!
Nagkulong ako sa kwarto ko buong araw. Lumalabas lang ako sa tuwing kailangan kong magluto at kapag hahatiran ko na siya ng pagkain.
I contacted Amir that night. Sinabi kong sunduin niya ako sa tapat ng village na ito dahil uuwi na ako sa condo ko. Pumayag naman na si Cedrick noong pinaalam ko sa kanya iyon kanina nang maghatid ako ng hapunan. Wala naman siyang pakialam at halos ayaw nga niya akong harapin. Edi huwag, as if naman gusto ko ring makaharap siya.
Well, pwede naman. Kung nakahubad siya, aba ay willing ako!
Iniwan ko ang mga gamit ko doon. Mamaya kasi hindi na niya ako papasukin sa Lunes kapag bumalik ako. Para atleast may dahilan pa ako. Dinala ko ang mga personal kong kagamitan lalo na ang mga related sa misyon ko. Mahirap na at baka may lahing pakialamero pala ang Cedrick na iyon.
Pagkasakay ko ng sasakyan ni Amir ay agad kong tinanggal ang wig na suot ko ng isang linggo. I took a deep breath. Ang presko talaga kapag maiksi ang buhok.
“Bakit dito ka nagpasundo? Bakit hindi na lang sa tapat ng bahay ni Cedrick?” Nagtatakang tanong ni Amir. Umismid ako sa kanya.
“Are you out of your mind? Edi baka nakahalata na si Cedrick kapag may sumundo sa akin na nakakotse.” Nagsalubong ang kilay niya. Bago siya magsalita ay nagsimula na siyang magmaneho.
“Paano naman siya makakahalata? Diba bulag iyon?” Umirap ako sa kanya. Hindi ko gustong magmaldita kay Amir pero dala na rin ng naipong stress kay Cedrick ay naibunton ko na rin kay Amir iyon.
“Have you forgotten about the security cameras surrounding his mansion? He may be blind but I know someone out there is watching him. That’s probably the reason why all agents didn’t succeed.” Napatango siya mukhang naramdaman ang pagiging badtrip ko.
Both of us remained silent until we reached the building. Saglit lang ako na nagpaalam sa kanya saka ako dumiretso na sa loob.
Dumiretso agad ako sa higaan ko pagkapasok. s**t! I missed my bed. Malaki ang pagkakaiba ng higaan ko doon sa maid quarters ni Cedrick kumpara sa higaan ko. I have a queen size bed samantalang doon kay Cedrick ay parang pang single bed lang ng pipitsuging motel. Napakatigas pa at hindi talaga kumportable.
Masarap ang tulog ko sa gabing iyon. Halos tanghali na nga ako nagising at wala pa sana akong balak na bumangon kung hindi ko lang narinig na nagwawala ang aking phone.
“Hello?” Namamaos pa ang aking boses. Pilit kong binubuksan ang aking mata ngunit nakakasilaw ang liwanag ng araw mula sa labas.
“Aira, anong oras ka pupunta dito? You need to report to me.” Akala ko naman kung sinong tumatawag. Si Sir Tristan lang pala. Ang ganda na ng umaga ko tapos bubungad pa siya. Kahit kailan talaga ay pangit ang lalaking ito!
“After lunch, Sir. I also need to talk to you about my mission.” Binaba niya ang tawag at hindi na sumagot sa akin. Kita mo iyan, ang bastos talaga kausap.
Bumangon na ako at nag-ayos. Pagkatapos maligo ay nagbihis ako ng normal na attire ko sa tuwing pumupunta ako sa Olivion. Pinili ko ang black na wig. Ang haba nito ay hanggang sa aking bewang. I wear my shades and a black hoodie before entering my car.
May isang kotse ako. BMW iyon ngunit marami akong plate number na nakatago para palitan iyon sa tuwing kinakailangan. Bihira ko lang din naman ito gamitin dahil madalas ko namang kasama si Amir. Halos siya na rin ang nagsisilbing driver ko dahil lagi ko naman siyang kasama sa Olivion o kahit sa mga misyon namin.
Mabilis lang akong nakarating sa Olivion. I presented my tattoo behind my neck. Agad din akong pinapasok nang makita iyon ng security. Lahat ng mga agents ng Olivion ay may tattoo. Ito ang nagsisilbi naming pagkakakilanlan.
Tinanggal ko ang suot kong shades at hoodie pagkapasok sa opisina ni Sir Tristan. I saw him standing infront of his huge window where the whole city is overlooking.
“How was your first week?” Nanatili itong nakatalikod nang magsalita ito sa akin. Naramdaman ko ang pagkutya niya sa akin. Humarap siya at nakita ko ang malaking ngisi sa kanyang mukha. Maybe he knows what I have gone through?
I wanted to erase his smile. Napakasakit niyon sa mata. Masyadong nakakairita. Ang pangit talaga!
“Good.” Matipid kong sagot. If he’s expecting me to back out, then he’s wrong. Hangga’t kaya ko pa ay tatapusin ko ang misyon na iyon. Mareklamo lang ako at alam kong mahirap ang magiging sitwasyon ko kung paano ko pakikisamahan pa ng mas matagal si Cedrick but I know I will find a way.
“I wasn’t able to start my mission yet because of the lack of details you gave me last week. You didn’t even give me the blueprint of his house before hand. Akala ko naman ay simpleng mansyon lang iyon ngunit hindi. Maraming pasikot-sikot doon.” Hindi ko naitago ang pagkairita ko. He was about to speak when I continued my speech.
“Second, hindi ka nagbigay ng mas malalim pang background information sa akin. Do you expect me to know him in just a week? If you want me to finish this mission earlier than the time you gave me, then atleast give me more details about that Cedrick Mercado.” Umangat ang kilay niya at ngumisi.
“Lastly, I need your help.” Natuloy ang ngisi niya at hindi nagtagal ay natawa na ito.
“Woah, you need my help? The great Aira Valdez, the number one agent of Olivion as of this moment needs my help in this very simple mission?” His voice is taunting.
Halong magpanting ang tenga ko sa narinig. Simple mission!? Akala niya simple lang ang pinagdaanan ko doon?
“Do you think my mission there is simple?” I felt offended. Ang sarap sabihin na subukan niya kahit isang araw lang na siya ang pumasok doon bilang katulong. Ewan ko lang kung kayanin niya. Napakayabang nito. Palibhasa puro utos lang ang alam gawin.
Nagkibit-balikat siya.
“What is it?” Mukha itong aliw na aliw.
“I need you to hack their security cameras inside the house. Keep the cameras be frozen for atleast one hour. Magsasabi ako kung anong rooms ang kailangan niyong i-hack at kung anong oras iyon para hindi makahalata ang kung sino mang nagmamatyag sa loob ng mansyon ni Cedrick.” Tumango-tango ito sa akin saka naglakad patungo sa kanyang lamesa kung nasaan ang kanyang laptop.
Saglit siyang humarap doon at maya-maya pa ay nagsalita itong muli.
“All in all, the mansion has fifty security cameras. Five were located outside of the house and that includes the gates. The rest were hidden and scattered in different places inside.” Lumapit ako at sumilip sa laptop niya.
Nagulat ako nang makita ang bahay ni Cedrick. Nahahati sa walong camera ang nakikita ko sa monitor ngayon at nakikita ko ang mga hallway at loob ng kwarto ng mansyon. Wow, he got access that fast? May silbi rin talaga itong lalaking ito minsan.
I can’t deny the fact that his hacking skills are incredible. Kung sana ay bawas-bawasan niya ang pagiging bossy niya ay tiyak na magkakasundo naman kami.
“Alright, I will keep you updated. I’ll text you tomorrow the details. Kung anong kwarto at kung anong oras mo i-freeze ang camera. Make sure to make it realistic para hindi magduda ang nagmamatyag at nagbabantay sa kanya. Expect for more development on my mission by next week.” Saglit itong tumitig sa akin bago tumango.
Pagkalabas ng opisina niya ay nakita ko si Amir na naghihintay sa akin sa labas. Nakasandal ito sa pader at nang makita ako ay mabilis siyang umahon.
“Tapos na agad? Ang bilis naman ng pagrereport mo sa loob?” Natawa ako sa kanya.
“Siyempre, wala pa namang progress ang misyon ko.” He smiled with me.
Inimbitahan niya ako sa office niya dahil may inorder daw siyang pagkain doon. I gladly followed him.
Habang kumakain kami ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa misyon ko. Tungkol kay Cedrick Mercado.
“Alam mo, kung nandoon ka lang ay baka hindi ka na nakapagpigil at nabaril mo na iyon. If you could only see the way he treated me for the past week! Grabe talaga, he even wanted me to stay inside that lion’s cage!” Napuno ng rant ang usapan namin. I can see him enjoying my rants.
“What’s funny, Amir? You’re enjoying my misery!” Bintang ko sa kanya.
“Hindi naman. Natutuwa lang ako na kasama kita ngayon. I kinda missed your rants. Naging abala ka kasi sa mission mo last week at bilang lang ang pagkakataon na nagkakausap tayo.” Natahimik ako sa sinabi niya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti.
Amir is ruthless when we’re on a mission but when it comes to me, he became so soft and fragile. That’s not a good thing. Pwede akong magamit ng kung sino sa kanya. Dapat ay hindi siya nagpapakita ng kahinaan sa kahit na sino.
Winaksi ko sa aking isipan ang bagay na iyon. Ngumisi ako kay Amir.
“Kasi naman, kung pumayag ka sana na mag-make out tayo noong nakaraan edi sana hindi mo ako gaanong na-miss.” Agad siyang napailing at sa huli ay tumawa na lang. We both know that I’m just joking him and I admired him for not taking it seriously.
Saglit pa akong nagtagal sa opisina niya. Pinili na nga ni Amir na huwag ng tapusin ang kanyang trabaho doon dahil bihira lang naman daw ako makakalabas ng ganito dahil sa misyon ko.
Bandang alaskwatro ng hapon nang magpasya akong umalis. He presented himself to drive me home but I told him that I brought my car kaya wala na siyang nagawa.
Hindi pa ako gaanong nakakalayo sa Olivion nang may mapansin akong tatlong van na sumusunod sa akin. Naging alerto ako at agad na tinawagan si Amir.
“Hello, Aira? May nakalimutan ka ba?” Magaang tanong niya.
“Amir, track my car. May tatlong van ang nakasunod sa akin. Send some agents to follow us.” Narinig ko ang mabilis na pag-type ni Amir sa kanyang laptop.
“Alright, I’ll keep my eyes on you. Mag-ingat ka, Aira.” Binaba ko ang tawag. I looked on the rear view mirror and saw them still following me.
Nilapasan ko ang building ng condo ko at lumiko sa masikip na eskinita. Ang dulo nito ay highway patungo sa south. Binalik ko ang aking tingin sa salamin at napansin kong sunod sunod na lumiko ang tatlong van sa eskinitang ito. Medyo bumagal ang kanilang takbo dahil may kasikipan talaga ang daan at maaaring mabangga sa kung saan ang sasakyan nila kung pinilit nila na makahabol sa akin.
When I reached the end of the street, agad akong kumanan sa malawak na kalsada. Mas binilisan ko ang takbo ng aking sasakyan at mangilang-beses na nagpapalit-palit ng lane.
Maya’t maya ang tingin ko sa likod at naningkit ang aking mata nang makita na humahabol ang isang van sa akin.
Fuck, sino nanaman ba ang gustong pumatay sa akin!?