Maaga akong gumising sa araw na ito ng Sabado. Nasa third floor na ang nakatoka kong lilinisan at hanggang bukas iyon. Tapos sa Linggo ay pahinga ko. Grabe, nami-miss ko na ang condo ko!
Nagluto ako ng almusal ni Cedrick at hinatid iyon sa kanyang kwarto. Sunod ko namang pinakain si Candy. Hindi ko na muna siya hinarot dahil baka mapagalitan nanaman ako.
Nagsimula akong maglinis sa third floor. Madalas ako dito pero palagi lang akong dumidiretso sa kwarto ni Cedrick. Hindi ko napansin na may dalawa pa palang kwarto doon.
Sinimulan ko ang paglilinis sa kanyang office. Pagbukas pa lang ng ilaw ay natanaw ko agad ang limang camera na sabay sabay na umilaw pagpasok ko. s**t!
Dito ata ang may pinakamaraming camera ha? Siguro ay may possibility na nandito ang vault. Saglit kong pinasadahan ang kwarto ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Winala ko na lang muna sa aking isip ang tungkol sa misyon ko at nilinis na lang ang kwarto. Hindi ako pwedeng magpahalata dito dahil napakaraming camera ang nakabantay sa akin.
Bawat anggulo ng aking katawan at mukha ko ay may camerang nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang mga ibabaw at mga libro. Mayroon siyang malaking shelve doon na puno ng libro.
Habang pinupunasan iyon ay pasimple kong binasa ang mga iyon. Puro tungkol sa business iyon. Wala namang kataka-taka at kaduda-duda doon.
Inayos ko ang mga nagkalat na papel sa lamesa. Doon ay muli kong nakita ang mga bank statements niya mula sa iba’t-ibang banko. Kulang kulang limang banko ata iyon at puro seven to six digits ang mga iyon! Agad ko ring binitawan ang mga iyon at ginilid saka pinunasan ang lamesa.
Kalmado ang itsura ng aking mukha pero sa kaloob-looban ko ay gusto kong mapamura ng malutong. Hindi talaga siya basta-bastang mayaman lang. Napakayaman niya! s**t! Nangangati ang kamay ko. Gusto ko nang makuha ang lahat ng iyon.
Winalis ko ang sahig pagkatapos. Matapos kong mailigpit ang kalat ay pinunasan ko ang namumuong pawis sa aking noo. Nakapatay kasi ang aircon sa loob at hindi ko naman mahanap ang remote. Wala naman akong nakitang electric fan sa paligid kaya naman binuksan ko na lang ang bintana ngunit hindi naman nagiging sapat iyon.
Grabe! Nanlalagkit na naman ako, nasa unang kwarto pa lang ako pero gusto ko na agad maligo.
Sunod kong pinuntahan ang isa pang kwarto sa tabi nito. Sinubukan kong buksan iyon ngunit naka-lock. Agad na nagsalubong ang kilay ko. Sa lahat ng kwarto dito ay ito ang may pinakamalawak na espasyo. The door of this room is located in the middle of the mansion. Wala ng sumunod pang pinto pagkatapos niyon. Ibig sabihin, purong dingding na lang iyon hanggang dulo.
Nilakad ko hanggang sa dulo ng pasilyo ngunit puro dingding na lang talaga iyon. Something’s strange. Naging alerto ako kung may camera ba sa paligid. Nang makitang merong maliliit na camera sa magkabilang dulo ng pasilyo ay agad kong winalis ang sahig doon hanggang sa makabalik ako sa gitna. Isang huling sulyap ang ginawa ko doon bago nagtungo sa kwarto ni Cedrick.
Kinatok ko iyon para makapaglinis sana ng kwarto niya. Nakatatlong katok na ako pero wala pa ring lumalabas. Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala talaga. Sinubukan ko ulit na kumatok ng dalawang beses at muling naghintay ngunit wala talaga! Bingi rin talaga!
Sinubukan kong pihitin ang kanyang kwarto. Laking gulat ko nang hindi iyon naka-lock. Bumalik ang tingin ko sa pangatlong kwarto, bakit naka-lock iyon? Posible kaya na nandoon nakatago ang vault? Lahat ng kwarto niya dito ay nakabukas, maliban doon. Umiling ako at tinanggal na muna sa isip iyon.
Tuluyan akong pumasok sa loob ng kwarto ni Cedrick. Sa pagkakatanda ko ay ito ang pangalawang beses na nakapasok ako dito ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mapagmasdan ang loob ng kwarto niya dahil agad din niya akong kinaladkad palabas. Ngayong malaya kong nakikita ang kabuuan ng kanyang kwarto ay wala naman akong nakitang kakaiba sa kwarto niya.
Napaka-plain at boring ng itsura nito sa loob. Higaan lang, may maliit na lamesa sa gilid kung saan nakalagay ang tray ng pagkain na dinala ko kanina. Sa gilid ay isang malaking cabinet. Wala manlang siyang walk-in closet? Ang dami-daming pera pero ang pangit ng kwarto. Pambihira!
Sinimulan kong maglinis. Narinig ko ang malalakas na lagaslas ng tubig mula sa kanyang banyo. Tamang-tama. Saglit lang naman akong maglilinis dito. Aayusin ko lang ang higaan at magwawalis ng sahig. Wala naman kasi gaanong gamit kaya wala rin gaanong lilinisin.
Tinupi ko ang kumot at inayos ang bed sheet. Pinagpag ko na rin iyon. Infairness, malambot ha. Masarap lundagan ang kwarto niya. Perfect ito para sa s*x. Napangisi ako. Nagiging mahalay ako ng wala sa oras.
Habang winawalis ko ang sahig sa kanyang kwarto ay napapaisip ako sa itsura niya sa loob ng banyo. Panigurado ay hubad siya sa loob. Medyo na-cucurious tuloy ako.
Teka, ang cr pa pala! Kailangan ko rin linisan ang banyo! Nako tamang-tama, maglinis kaya ako ng banyo habang nasa loob siya at naliligo. Para naman may kaunting inspirasyon ako habang naglilinis. Nakakapagod din kaya! Kailangan ko makakita ng malaking putotoy!
Natawa ako sa iniisip ko. Hindi naman na kasi virgin ang mata ko. Halos ang buong katawan ko naman hindi na dahil ilang beses na akong nahawakan sa iba’t-ibang maseselang bahagi ng aking katawan. Ang p********e ko na lang ang natitirang matibay at matatag pero kung gusto naman ni Cedrick na matikman ang alindog ko ay pwedeng-pwede naman.
Nilagay ko sa dustpan ang mga kaunting dumi na nawalis ko sa kwarto ni Cedrick. Habang ginagawa ko iyon ay narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Agad akong humarap sa kanya para maipaalam na nilinisan ko ang kwarto niya ngunit lahat ng salita sa aking isip ay nagsiliparan sa malayo nang makita ko siya.
He walked out of the bathroom naked! As in really naked! Ang kamay nito ay may hawak na twalya na siyang pinangpupunas niya sa kanyang buhok.
Sinundan ng aking mata ang maliliit na butil ng tubig na gumapang mula sa kanyang leeg, pababa sa matitipuno nitong dibdib, pababa sa malinamnam nitong pandesal, at pababa sa jumbo hotdog nito.
Nagtagal ang titig ko sa kanyang p*********i. s**t! Para akong papanawan ng ulirat sa nakikita ko! Hindi pa man buhay na buhay iyon pero kita na agad ang kalakihan niya. Oh my gosh! This is not really good. I’m feeling hot right now kahit napakalamig sa loob ng kwarto niya.
Nanlaki ang mata ko nang dumaan siya sa harapan ko. s**t, wala manlang siyang kamalay-malay na minamanyak ko na siya! Ang ganda pa ng lakad niya at akala mo ay model!
Naglakad siya patungo sa kanyang cabinet ngunit bago pa siya makarating doon ay nasagi niya ang walis at dustpan na nasa gilid ko. Wala na atang isang metro ang layo namin sa isa’t-isa kaya naman amoy na amoy ko ang bango ng kanyang katawan.
Nagkaroon din ako ng mas malapit na view sa kanyang katawan at hindi ko naiwasang mapamura.
“s**t!” Agad siyang napalingon sa gawi ko.
“Aira!?” Halos mapatalon ako sa galit nitong boses. Pinilit ko ang aking sarili sa na magsalita.
“S-Sir! Sorry po!” Mabilis niyang ipinalibot ang twalya sa kanyang bewang saka ako malakas na hinablot at hinila palabas ng kwarto. Masakit ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi ko iyon gaanong ininda dahil nag-enjoy naman ako sa libreng show niya kanina.
“T-Teka sir, yung mga gamit. Naglinis kasi ako sa loob. Pasensya na sir, wala naman akong nakita!” Malalaki ang ngisi kong sabi. Hindi naman niya nakikita ang expression ng mukha ko eh.
Hindi niya ako pinakinggan. Pabalya niya akong binitawan pagdating namin sa labas. Pagkatapos niyon ay pumasok siya agad sa loob at kinapa ang dustpan at walis. Siyempre bilang mabait at maalalahanin na katulong ay pumasok ako ulit para matulungan siya sa pagkuha ng gamit.
Narinig ko ang malulutong niyang pagmumura.
“Bakit pumasok ka nanaman!? Get out, Aira!” Pigil ang aking tawa. Galit na galit naman!
Paglabas namin ay galit niya akong pinagsabihan.
“Are you out of your mind!? Bakit ka nasa loob ng kwarto ko!?” Medyo hindi ako nakapag-focus dahil nakatambad sa mukha ko ang dibdib niya. Nakaka-distract ang katawan niya. Bakat na bakat pa ang katawan niya na natatakpan ng manipis na twalya.
“Sir, kasi diba nakatoka ako ngayon saka bukas na maglilinis dito? Kumatok naman ako kaso hindi ka sumasagot eh…” Mahina kong sabi dito.
“And so you assumed that you can freely roam around inside my room? Pumasok ka ng walang paalam sa kwarto ko. Hindi ba’t sinabi ko na sayo na maghihintay ka lang sa labas kapag hindi pa ako lumabas?!” Namumula ang mukha niya sa labis na galit.
Hindi talaga ako makapag-focus! Gusto kong ituon lang ang mata ko sa kanyang mukha kaso parang may sariling isip ang mata ko at kusa iyon bumaba sa kanyang katawan at pababa sa parte niyon na natatakpan ng tuwalya.
“Eh kasi nga po ang tagal kong naghihintay sa labas. Sayang po ang oras. Sinubukan ko rin na buksan kanina kaya nung nakita kong bukas, pumasok na ko.” Kalmadong pangangatwiran ko sa kanya.
Marahas niyang ginulo ang kanyang buhok. Ramdam kong nagpipigil itong saktan ako. Malas niya lang dahil bulag siya. Wala siyang laban sa akin. Galit niya akong tinalikuran. Hindi ko naiwasan ang mahinang mapatawa at dahil doon ay napahinto siya.
Papasok na sana siya sa kwarto niya ngunit humarap itong muli. This time, his face darkened.
“You’re laughing.” His voice is accusing me. Agad akong tumikhim.
“Sir, hindi po.” Maang-maangan kong sabi. Nagsalubong ang kilay niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Ilang pulgada na lang ang lapit ng aming katawan nang tumigil siya.
“You think this is funny? Why? Did you enjoy looking at me very naked infront of you?” My brows shot up. Pigil na pigil ang ngiti ko.
Wow, Cedrick! Ang galing mong manghula!
“Sir, sunod sunod ang english mo. Hindi ko naiintindihan.” Kailangan kong galingan ang pagpapanggap ko. Distracted lang ako pero alam ko pa rin kung sino ang katauhan na pino-portray ko. I am Aira Batungbakal, hindi nakatapos ng pag-aaral at hindi marunong makaintindi ng english.
Ilang minuto siyang hindi nagsalita. Maya-maya ay pumasok na siya ng kwarto niya. Napapikit ako nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Sungit talaga!
Maganda ang mood ko habang nagluluto ng pananghalian. Nagawa ko pang kumanta at sumayaw habang hinahalo ang sarsa sa niluluto kong afritada. Habang ginagawa iyon ay hindi mawala sa isip ko ang itsura ng katawan ni Cedrick. Pakiramdam ko talaga ay naging sulit ang mga pahirap na ginawa niya sa akin sa mga nakalipas na araw. Bawing-bawi naman kanina!
Alam kong badtrip siya sa akin pero wala naman ng bago doon. Akala niya naman masisindak niya ako sa ganyan niya. Well, oo medyo pero hindi sobra sobra ‘no. Natatakot lang ako kapag pumapasok na sa usapan ang lion niya dahil wala naman akong laban doon.
Pagkatapos magluto ay muli ko siyang inakyatan ng pagkain. Blanko ang mukha niya nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Mukhang hindi pa rin siya nakaka-move on sa nangyari pero kunsabagay, ako rin naman. Habang buhay atang mananariwa sa alaala ko ang katawan niya.
Wala siyang sinabi nang kinuha niya ang tray sa akin. Akmang isasara na niya ang pinto nang may maalala ako.
“Ah, Sir Cedrick, paano ko po pala malilinisan ang kwarto sa dulo? Iyon sana ang lilinisin ko ngayong hapon. Hindi ko kasi nalinis kaninang umaga dahil naka-lock.” Pinanuod ko ang unti-unting pandidilim ng mukha niya.
“No need for you to do that. Wala namang gamit doon masyado.” Agad na nabuhay ang pagtataka sa akin. Pasimple akong sumilip sa dulong kwarto. What are you hiding there, Cedrick?
“Nalinis mo na ba ang office ko?” Malamig na sabi nito. Tumango ako kahit hindi niya nakikita at sumagot ng oo.
“Opo, sir. Kung wala na po pala akong lilinisin ngayong hapon at bukas ay pahinga ko na po pala?” Nagliwanag ang mukha ko sa na-realize ko. Ayaw niyang ipalinis ang kwartong iyon at wala naman ng ibang kwarto pa na dapat kong linisin dito sa third floor kaya baka naman pwedeng magpahinga na ako?
Well, kung gusto niya na maglinis ako ulit ng kwarto niya habang nandoon siya ay pwedeng pwede naman.
“Ano ka, sinuswerte? Did you really apply to be a maid or did you go here to have a vacation? Nalinis mo na ba ang mga bintana?” Agad na nagsalubong ang kilay ko. Teka, anong ibig sabihin niyang bintana?
“Nagpunas naman na ko ng bintana sa bawat kwarto…” Mahina kong sabi.
“Turn around.” Sinunod ko ang sinabi niya at nakita ang naglalakihang bintana ng bahay. Nakalimutan kong punong-puno nga pala ng salamin ang mansyon na ito. Sa may hagdan banda ay may malaking salamin na halos sakop ang buong kabahayan.
“Lilinisan ko rin yan?” Gulat na sabi ko dito.
“Of course. Sinong gusto mong maglinis niyan? Ako?” Sarkastikong sabi niya.
“Pwede naman…” Mahinang sabi ko.
“What!?” Umalingawngaw ang malalim niyang boses.
“Ha? Ibig kong sabihin, opo! Lilinisan ko na ngayon din.” Umirap ako sa kanya bago siya tinalikuran.
Halos magdabog ako habang pababa ng hagdan. Nakakainis talaga! Uwing-uwi na ako sa condo ko tapos biglang papalinis niya sa akin ang mga bintana na iyon? Kahit kailan talaga ay panira ng diskarte itong Cedrick na ito!
Mabuti na lang talaga at good mood ako ngayong araw dahil nasilayan ko ang malaking hotdog niya. Kinuha ko ang panglinis at sinimulan na linisan iyon. Kinuha ko rin ang isang hindi kalakihang hagdan mula sa bodega para hanggang sa taas ng first floor ay malinisan ko. Pagkatapos ko dito ay sa second floor naman tapos ay sa third floor.
Nasa bandang hagdan lang naman ang salamin na ito kaya hindi rin ako mahihirapan.
Inumpisahan kong linisan ang salamin mula sa loob ng bahay. Hindi naman siya gaanong madumi kaya medyo na-eenjoy ko ang aking ginagawa. Mabilis lang din iyon na natatapos. Agad akong umakyat sa ikalawang palapag at nilinis din ang salamin doon. Ganoon na rin sa third floor.
Patapos na ko noon, bandang alas-tres ng hapon nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto. Lumingon ako at nakita si Cedrick na naglalakad patungo sa direksyon ko, sa direksyon ng hagdan.
“Hi, Sir Cedrick! Patapos na po ang salamin. Pwede na po akong mag-day off pagkatapos?” I am wishing for him to say yes. Ganoon na lang ang pagkairita ko nang umiling ito.
“Nalinisan mo na ang salamin? Sigurado ka?” Mapanutyang sabi nito. Ayaw naman nitong maniwala!
“Opo.” Tumango-tango ito.
“Kahit sa labas?”
“H-Ha?” Napalunok ako at napatingin sa salamin. Pati ba sa labas!?
“Why? Akala mo sapat na nilinis mo lang ang salamin dito sa loob ng bahay? Mag-isip ka nga, anong sense kung sa labas ay hindi mo lilinisin iyan?” Naiinis na sabi nito.
“Eh, Sir Cedrick, ang taas. Paano ko lilinisan dito sa third saka sa second floor.” Naiiyak na ko sa inis! Gustong-gusto ko ng pilipitin ang leeg niya. Sa isang iglap ay nakalimutan kong nakita ko ang katawan niya dahil urat na urat na ko talaga sa kanya.
“Diskarte mo na iyan. But to give you a hint, sa second at third floor ay may space doon para matungtungan ng tao. You can use the ladder to go there. Adjustable naman ang hagdan na nasa bodega. It can reach the third floor.” Nakanganga ako habang nakikinig sa kanya. Hindi na ata ito tama! Aangal na sana ako at magrereklamo nang muli itong magsalita.
“Don’t ever think of not doing it. I have my eyes on you, Aira. Sa oras na hindi mo ginawa iyon, sa tabi ka ni Candy matutulog ngayong gabi.”
Sinasabi nitong bulag na ito? He have his eyes on me raw pero bulag nga? Agad na nalihis ang atensyon ko sa kumikislap na kulay pulang camera sa corridor. Oh, he meant that.
Ilang minuto akong natulala sa sinabi niya. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil doon. Kanina pa siya nakaalis sa harapan ko at mabuti na lang at napigilan kong itulak siya sa hagdan.
Nakabusangot ako habang tinititigan ang salamin mula sa labas. Samahan pa ang galit na ungol ni Candy sa hindi kalayuan.
Nagsimula akong pagpawisan. Alas-tres pa lang ng hapon at tirik pa rin ang araw. Saktong sakto pa dahil nakadirekta ang init sa pwesto ko.
Kanina sa loob ay hindi ko iyon ininda dahil hindi naman masakit sa balat ang sikat ng araw. Medyo makapal kasi ang salamin kaya hindi iyon masyadong nakakapasok sa loob. Isa pa ay may aircon naman doon kaya masarap maglinis doon.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinimulan na ang paglilinis. Mas ramdam ko ang pagod ngayon dahil sa pangangalay ng aking braso. Kanina pa ako nagpupunas. Kanina pa nakaangat ang kamay ko! Tapos ang init-init pa! Naliligo na ako sa sarili kong pawis at pakiramdam ko ay umitim nanaman ako! This is so unbelievable!
I adjusted the stairs. Inalog-alog ko pa iyon para masiguro na matibay at hindi ako babagsak kapag tumuntong ako. Nang masigurong ayos na ay umakyat na ako papunta sa sinasabi niyang space sa second floor.
Halos mapamura ako pagkarating sa taas. Ito na ba ang sinasabi niyang space!? Kalahating metro lang ata ang pwedeng maapakan doon! Isang maling galaw ay babagsak ako kaagad. Paano pala kapag kailangan kong linisan ang tuktok!?
Lumingon ako sa baba. Napamura akong muli. Medyo magkataasan iyon at kapag nalaglag ako ay tiyak na pilay ang aabutin ko. Lalo naman siguro kapag nasa third floor na ako!
I’m not afraid of heights. Ilang beses na rin naman akong nalagay sa panganib dahil sa misyon ko. I even climbed from twenty-eight floor to twenty-fifth floor without harnest and safety gears. Ngunit iba naman kasi ito, maglilinis ako ng salamin! Paano kung masyado akong na-engrossed sa paglilinis at nakalimot na kaunti lang pala ang inaapakan ko!
Ininda ko ang init at pangangalay ng braso. Nilinis ko ang salamin. Maingat akong tumitingkayad habang nakakapit ang isang kamay sa poste ng bahay. Nang matapos ako doon ay dumiretso na ako sa third floor.
Mabilis ang aking paghinga nang makatungtong ako doon. Nanginginig na ang aking braso. Sabi ni Cedrick abot sa third floor! Eh kapos naman! I needed to climb up to the space! Nakakabwisit talaga ang lalaking iyon.
Nang maayos na akong nakaposisyon doon ay muli akong lumingon sa baba. f**k! This is too high! I need to be more careful! Mawawala ang ganda ko sa mundong ibabaw kapag nahulog ako dito.
Dahan-dahan akong naglinis ng salamin. Napatigil ako nang makita si Cedrick na kampanteng naglalakad pabalik sa kanyang kwarto. Ang hayop na ito! Ang sarap ng buhay niya!
Hindi ko napigilan ang pagsapak sa salamin kung saan siya kita. Ininda ko ang sakit na nararamdaman sa kamay ko. Nakita kong napatigil siya ng bahagya at lumingon sa gawi ko.
Maya-maya pa ay sumilay ang ngisi niya.
“f**k you, Cedrick Mercado!”