Kabanata 10

3465 Words

Ilang araw ang lumipas. Sa araw ay ginagawa ko ang trabaho ko kay Cedrick. Nililinis ko ang mansyon at minsan ay nakikipagkwentuhan sa kanya. Madalas na kasi siyang nasa sala. Hindi ko nga alam kung anong biglang nagbago samantalang dati ay hindi naman iyon lumalabas ng lungga niya.   Sa gabi namin ay hinahanap ko ang vault at hanggang ngayon ay bigo pa rin akong makita iyon. Sabado na ngayon at natapos ko ng halughugin ang buong first floor at second floor ngunit wala manlang akong nakitang hint doon kung nasaan ang vault.   Isa lang ang napapansin ko. Katulad ng nakita ko sa banyo sa baba ay may ganoon din sa isa sa mga banyo sa second floor. It was almost in the same spot but in different elevation. May maliit ding umbok doon ngunit nang pindutin ko iyon ay wala namang nangyayari.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD