Kabanata 3

2166 Words
I think I'm lost Magdamag kaming nag iinuman habang nagvivideoke. Tatlong linggo na rin ang nakakalipas. Masyado akong naging busy sa pakikisama sa Tropa sa ilog at sa pag tambay. Lagi kaming nagbobonfire sa bakanteng lote sa bandang ibaba. Sa likod bahay nila Karllo Owens. Kumanta ako ng Paano ba ang magmahal by Sarah G at Piolo Pascual. Napapikit pa ko habang nakanta. Bakit ganun? Damang dama ko bawat lyrics ng kanta. Nasaktan na ba ako dati? Bakit may parte sa sarili ko na durog as in wasak. May ilang butil rin ng likido ang kumawala sa gilid ng mata ko. Is this really happening? I cried. Pinunasan ko agad para hindi mapansin ng tropa. Sinasabayan din nila ko habang nakanta. Hindi ko mapigilang maging emosyonal at sa bawat pagkanta ko tumutulo talaga ang luha ko. Sobrang sakit din ng puso ko at kumikirot ang utak ko. Napakalakas ng pintig noon kaya halos hindi ko na alintana ang ingay sa paligid. Iminulat ko ang mga mata ko saka pinasadahan ng aking mga mata ang mga tao sa paligid ko. Mga may tama na sila. Pangalawang case palang yan ng Red Horse at pang apat na Empi lights palang pero tinamaan na talaga sila. Sila Kayla, Rachelle, Karyl at Jhelai. Napapakanta parin sila kasabay ko. At pansin ko na medyo lasing na rin ang mga ito. Ganito kami magjamming sa inuman. Kantahan at sayawan. Kuwentuhan ng kung anu ano. Shumot ako ng isa pa. Saka ipinagpatuloy ang pagkanta.. Sumasabay pa rin naman sila sakin habang nakanta ako. At may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay. Natatawa nalang ako sa itsura ng mga ito. Nakakamiss talaga ang ganitong bonding. Malayo sa problema. Puro lang saya at inuman. Ang sarap sa pakiramdam na nagagawa ko ang gusto ko pag sila ang kasama ko. Walang napigil. Walang nakikielam. Yeah, I want to escape. This is reality. Torture na torture na ko dahil para akong robot na bigla bigla nalang kikilos pagkatapos ay hindi ko na alam. Buti pa nga ang robot nakainom yata ng memory plus sa sobrang talino. Samantalang ako? Kahit yata magpakalunod ako sa gamot balewala. Parang labada na nadedrained. Piste. Unexpected pa. Napasimangot nalang ako habang nakanta nang maalala ang kalagayan ko. Natapos ko ang pagkanta ko. Pumalakpak sila pagkatapos kong kumanta. Sumubo ako ng adobo saka lumagok ng isang empi sa shot glass .. Unti unti ko nanamang naalala ang panaginip ko. Gabi gabi akong tulala sa tuwing mananaginip ako ng tungkol sa lalaking 'yon. I think I'm lost. Marami ang nanliligaw sakin pero kapag nagiging kami naghihiwalay rin. Mas matagal pa nga yata silang nanligaw kumpara sa pagiging mag on namin. At worst madalas din di ko alam pangalan nila. Madalas kaming magkatalo sa pangalan. I can't remember anything. Lagi kong nakakalimutan. Ako rin ang nakikipagbreak. Kasi I think it is a waste of time, money and effort. Isang buwan na akong nagbabakasyon dito at wala akong ginawa kundi magliwaliw kasama ang barkada. Naisipan ko nalang na hanggang fling lang. I can't surrender eh. Fling lang more on hug and kisses. Nagmemake out man pero hindi nauuwi sa s*x. I'm afraid. Ayoko mawala ang Virginity ko ng ganun ganun lang. I deserve someone better yung makakapag pabago sakin. "Tulala ka nanaman. Hahaha! Lakas na ng tama mo. Oy!"sigaw ni Paul malapit sa tenga ko. Napatili lang ako kasi ang lapit niya sakin sobra. I was shocked ng bigla niya kong hinapit at hinalikan ng torrid. I feel it. Yung paghinga niya at amoy ng bibig niyang pinaghalong adobo at emperador lights nakakabaliw. Halos malunod ako sa halik niya. Pero unti unti ko siyang itinulak palayo kahit na mahirap at mas malakas siya. Naitulak ko parin tumilapon siya sa sahig. At nakatulog. Napangiwi nalang ako. Grabe. Napainom ako ng juice. Saka nagsuka. Yikes. First time ko sumuka sa inuman. Omygad. Naabutan ako ni Harold na nasandal sa upuan at nakatingala papikit pikit ako. Okay na ang pakiramdam ko ngayon pero talagang inaantok na ko. Hinila niya ang kamay ko saka ako binuhat papuntang motor. Hindi na ko nakapag paalam kasi lahat sila taob. Nahilik na nga ang iba. Kaya di na namin inabala pa. Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan pauwi. I sighed. Nakakahiya nagmukang alalay at taga sundo ang pinsan ko sakin. Ayaw niya naman kasing makijoin. Puro siya basketball. Jusko. "insan hindi ka ba napapagod kakabantay sakin? Baka magalit girlfriend mo niyan "concern kong sabi. Ngumiti lang siya at umiling ... "She'll understand. At kung hindi. Edi ibebreak ko. Mas mahalaga ka sakin. Tayo ang magkadugo. Magkababata. At mas kilala kita kumpara sakanya. Kaya don't mind her. Alright?"ngumiti siya ulit. At napangiti rin ako. Ang swerte ko dahil may pinsan akong katulad niya at marami pa sila. "Isang buwan nalang. Pasukan na ulit. Anong balak mo?" tanong nito sakin. Nang marating namin ang terrace nila lola. Patay na ang ilaw ng mga kapitbahay. Kina lola nalang ang bukas pero sigurado akong tulog na sila nila lolo. "Ayun ojt na namin sa Singapore this coming year. Ikaw san ka papasok? Palipat lipat ka ng school ah? Palibhasa mayaman haha."panunuya ko. Humalakhak siya saka ginulo ang buhok ko. Napaawang ang bibig ko ng hawakan ng pinsan ko ang baba niya. Pogi talaga ito. Kaya nga nung bata kami crush ko siya. Pero paghanga lang yun. Not in a romantic way. Nakakahiya ang incest no. Nakakasuka ang ganun. Pinsang buo ko pa naman. "I think sasama nalang ako sayo pag uwi mo. Mag cocondo nalang rin ako. Sa mismong katabi ng unit mo para naman mas mabantayan kita. Saka dun na lang din ako papasok sa school niyo."nakangiting saad niya. Ngumiti ako at tumango tango. "Pero insan. Wala kabang balak magsarili. I mean bakit ba nagpapakahirap kang taga sundo at taga bantay ko? Hahaha. Mabait naman ako ah. Saka di na tayo bata no. Alam ko ang ginagawa ko. Alam ko ang tama sa mali. Ang pwede sa hinde."makabuluhuan kong tugon. Pumalakpak siya na akala mo nagtatawag ng kalapati. Langhiya talaga oh. "insan!"nagsalubong na ang kilay ko at nakasimangot na ko. "kidding. Hindi ko rin alam. Siguro dahil gusto ko. At diba sabi mo noon gusto mo ng kuya kuyahan tipong ituturing ka na parang tunay na kapatid kahit di mo man kadugo. Alam ng lahat kung anong status mo at ng mga kapatid mo. Hindi kayo close. May sari-sarili kayong mundo. Kaya andito ako para makisalamuha at makisampid sa mundo mo para may kasama at karamay ka. Para maramdaman mong hindi ka nag iisa."ngumiti ako at nahabag. Niyakap ako ni Harold saka pinatahan nung napahagulgol na ko. Siguro kung wala siya at ang barkada ko wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. "Tumahan ka nga. Akala ko ba big girl kana. Bakit iyakin ka parin?"humalakhak nanaman siya. Kahit boses niya ang pogi. Nako. Nakakaloka talaga itong pinsan kong to. Boy Next Door at talaga namang Sexy I mean Macho. Hahaha. Oh girls sainyo na siya. Di kami talo. Magkamag anak. Hahaha. Tinahan ko ang sarili ko at kumalma naman ako. Nginitian niya ko at saka pinapasok na sa loob dahil mag uumaga na rin. Kinabukasan.. Maaga akong nagising. May aso ba namang nilalantakan ang pisngi ko. Jusme. Hindi ako ice cream. Pagmulat ko ng mata si 'Job' pala ang aso ko. Ang laki na niya. At ang bigat kaya halos mabuwal ako sa sobrang bigat niya ng pagdamba niya sa tiyan ko. Lumagutok pati buto ko. Kaiyak. Ang bigat. "Hey! Job! Hindi mo naman ako namiss niyan?"tumawa ako. At nagligalig ito. Lumabas na ko para kumain ng almusal. Naghanda na pala si mama. Nakain na rin si Prince ang bunso kong kapatid na pinaglihi ata sa pagka Prinsipe. Ang tangkad niyang 6'2 at ang kulay niyang moreno pero malakas ang s*x appeal. Lahing gwapo at maganda kaya wag na tayo magtaka. Sumandok ako at nagsimulang kumain. Pagkatapos naglinis lang ako at dumiretso sa bahay nila Harold. Andun si tita at nagluluto siya ng Sphagetti. Kung anong meron? Trip niya lang daw. Hahaha. Kaya nakakaloka. Kakaiba ang trip. "Puntahan mo nalang nasa kwarto niya. Kasama yung gf niya."saad ni tita ng di natingin sakin. Busy siya sa pagluluto. "Sige po.."naglakad ako paakyat ng hagdan. At kumatok kaya lang nakaawang ang pinto kaya pumasok ako. I was shock ng makita kong nakahiga sila sa kama at nagmemake out. Imbis na umalis ako ay napahagalpak ako ng tawa. Hahahaha! Mga bangag. Nasa baba si tita. Naagaw ko ang pansin nila at agad na umayos ng upo ang babae. Nginitian ko siya at napamura si Harold. Nagpeace sign ako. Naistorbo ko sila.. Pero balewala lang yun. Tingnan mo nakikipagkwentuhan na sila sakin ngayon. Natural na samin yun. Sila nga harap harapang nakikita na nakikipaghalikan ako sa mga kaflings ko. Nanonood kami ngayon ng anime. Hindi ko alam ang title eh. Di ko na inalam basta maganda.. "Tara may liga sa Linggo sa Covered court sa Bayan. Sama ka insan?"tanong sakin ni Harold. Hindi ako agad nakasagot kasi busy ako sa pinapanood namin. "Uh? Sige lang."nagkwentuhan lang kami ng kung ano ako doon. Nakatulog na nga ako. Ginising nila ko nung natapos na. Tinawag kami ni tita para kumain ng niluto niya. At napansin kong hingal na hingal ang dalawa siguro itinuloy ang naudlot nung tulog ako. Langhiya. Hahaha. Maingay kaming kumain dahil madaldal ang gf ni insan. Dumating sila kuya Ian at nakisalo samin. The next day ... Halos maloka na ako. Kasi kung saan saan na kami nagala. Kasama ko mga barkada ko at idagdag mo pa mga pinsan ko. Kung saan saan kami nakakarating nila ate Clarisa. Gala talaga. Tawanan at asaran dito. "Kabaklaan mo nanaman. Matulog ka nalang nga diyan."sabi ni Karllo kay James Christ .. Tumawa lang kami ng tumawa dahil sila sila nalang ang magpapakangharap nagyayabangan pa.. "Masaya ba kayo??"tanong nila Jaymar o Emack. Nag whooo lang at umoo kami. Nagtungo kami sa Boracay para magbonding. 9pm ng maisipan kong lumabas ng Resort Hotel. Medyo nanlalamig ako kaya nagsindi ako ng yosi at nagsimulang maglakad lakad. Suot ang robe sa katawan ko.. Nakalayo narin ako. Nakakailanghithit palang ako ay naubos ko na agad. Naupo ako sa tabing dagat.. Nakatingin lang ako sa kabuuan ng dagat. Ang malamig na simoy ng hangin at ang alon na humahampas.. "Tsk. Achooo!"sa sobrang lamig napapabahing na ako. Sana pala nagbihis na muna ko. Hindi ganitong naka two piece pa ko. Naka robe lang. Engot ko talaga minsan. "You okay?"may isang lalaking naupo sa tabi ko. Inabutan niya ko ng beer at nagsimulang lumagok sa beer na hawak niya. Tinanggap ko iyon dahil bukod sa yosi kailangan ko ng alak para mainitan. At hindi lamigin o sipunin. "How did you know?"nginitian niya lang ako. Saka nagsalita. " coz you tell me about it. Na kaya ka nagyoyosi at nainom dahil nilalamig ka."napaawang ang bibig ko at humalakhak siya. He's laugh is so adorable. Pero its kinda weird kasi hindi ko naman siya kilala. I didn't remember na may sinabihan ako tungkol doon. Napasimangot siya ng wala sa oras dahil nanatili lang akong nakatitig sakanya. "I know you didn't know who the hell I am coz you forget me."nakatanghod lang ako sakanya at pilit pinoproseso ang mga sinabi niya medyo mahina kasi yung last niyang sinabi. Kaya kumunot ang noo ko at nagtaka. "just nevermind.."aniya. Saka ko lang napagtanto na yung boses niya pamilyar. Napapikit ako at lumunok. Lumagok ako ng dalwang beses at narinig ko ang paghalakhak niya. "What's funny?"umiling siya habang nangingiti. This man is crazy.. "nothing.."ngumiti siya ulit. Kanina ko pa napapansin na yung ngiti niya pang model ng Close Up. Shet.. "wag kang magkunwaring kilala kita. Na nakalimot lang ako kaya di kita matandaan. "napawi ang ngiti sa labi niya. May kumirot sa puso ko. Bigla akong nakonsensya. Nagiging harsh nanaman ako. "okay lang."napayuko ako. Nakakahiya ako. Nakakasakit nanaman ako. "Sorry.."saad ko habang nabuntong hininga. Ngumiti lang siya. "its ok moo. I'm Jhustine.."aniya. Saka humalik sa pisngi ko at nagsimulang maglakad paalis. Napatunganga ako sa ginawa niya. Moo? What is it? Buong magdamag akong hindi nakatulog. Inubos ang beer na ibinigay niya sakin. Ilang beses akong nagpaikot ikot sa kama at nagpabalik balik. I already lost my mind. Sh*t! Halos inumpog ko na ang ulo ko sa kama. I can't recall. I am lost. f**k! Inumaga na ako. At ngayon palang ako matutulog. Pag gising ko muka agad ni Pamela ang nakita ko. Kaya nagulat ako at bumulagta sa kama. Shet! Ansakit sa pwet. Lumagapak yung pwet ko. Humagalpak siya ng tawa. Saka ako pinagmamadali lumabas dahil nga kainan na. Late na nga e kasi 1:38pm na. "puyat pa more. Ayan nganga ka ngayon. Lika na kainan na!"naikwento ko sakanya yung nangyari kagabi. Isa lang ang sinabi niya. " You can never bring back what has already been shattered."napahinto ako sa paglalakad palabas ng room ko. Kaya napalingon siya at tumawa ulit. Saka hinila ang kamay ko papunta sa cottage at nagsimulang kumain. This is torture. Nanakit ang ulo ko kakaisip. Tumagal kami ng isang linggo doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD