Kabanata 6

2284 Words
I can't recall Mag iisang linggo na. At inaatake nanaman ako ng Selective Amnesia ko. Sobrang hirap na hirap ako. Madalas kasi akong mapagod sa dami ng ginagawa. More on oral presentation na kasi kami. Hindi namang ganoon kahirap pero its take too long to finish. Buti nalang at may katalinuhan ako. Yun nga lang madalas ma-overused ang utak ko kaya ang nangyayari. Nadedrain ako after. Pero kapag may mga Quizzes naman sa school nasasagot ko ng tama.. This is how my life goes. Hindi ako nakakalimot sa mga lessons pero sa mga bagay na nangyayari sa araw araw OO. Wala akong maalala. Tapos pakiramdam ko hindi ko ito katawan. Parang nakikigamit lang ako. "Tulala ka nanaman bessy... Anong next class mo? Vaccant ako e.."hindi ko nanaman namalayan ang pagdating ni Leah Vergara. Ang girl best friend ko ngayong kolehiyo. Madalas siya ang kasama ko. Since hindi naman iisa ang school namin ng mga kakambal ko.. "REED.. Kaso vaccant muna ko mga 4:30 pm pa yun. 1pm palang. Ano tara mall?"anyaya ko. Wala pang apat na segundo nakatayo agad ng tuwid si Bessy at hinila na ako. Lumabas kami.. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng school. May mga buildings na para sa course ko. Dumaan kami sa may Field,malawak at malaki ito. Sa gilid may malaking grandstand andun ang mga bleachers. Sa dinadaanan naman namin ay sa pagitan ng Field at Highschool building. Nilakad namin ni Bessy hanggang sa madaanan namin ang ULS kung nasaan ang gymnasium. Pagkalabas na pagkalabas palang namin sa Gate 3 tumawid na kami para sumakay ng jeep. Papuntang SM dasma.. "Bessy grabe ang init ngayon.. Tagaktak na ang pawis ko. Shet."ani Bessy habang nakaupo sa tabi ko. Panay ang paypay niya pero useless dahil sa init at siksikan pa kami. Parang sardinas.. Dumaan kaming walter at saka dumiretso ng Mall. Pagkarating palang nagtungo kami sa Jollibee para kumain. Umorder lang ako ng Sphagetti na may burger at Fries. Nakigaya naman siya sakin. Nagkwentuhan nanaman kami. Medyo maingay at madaldal kasi siya. Walang ipinagkaiba kina Lorraine.. "Bessy, nakakaboring naman. Bar tayo sa Sabado o kaya sa Friday night. Tapos sa condo mo ako ulit tutulog.. Hahaha!" "Sige ba. Pero isama natin si Ate Joyce sa may parteng Manila tayo. Sabi niya kasi may alam siyang Bar dun. Gusto mo?"nangislap naman ang mata niya sabay ngiti na abot hanggang tenga.. Napangiti nalang ako. Sabay tango niya. Kumain lang kami habang panay kwentuhan sa mga bagay bagay. "Bessy, kamusta Summer vaccation mo? Masaya ba? Saka asan na nga yung pinsan mo?"ani Bessy habang nakain ng fries.. "Ah? Bakasyon? Nagbakasyon ba ako?"kumurba ang kilay niya sabay sumimangot. Napaisip tuloy ako. Akala ko panaginip lang yun. "I thought its only a part of my illusions. A dream.."dugtong ko. Akmang kukutusan niya ko pero umilag ako.. "Whoa! Easy.. I'm telling the truth ."umiling nalang siya sa huling sinabi ko .. " Inatake kananaman siguro.."nagnod lang ako.. Humigop naman siya sa coke niya. I continue eating my burger... "Siguro.." "Bessy sino nga pala escort mo nung highschool Prom niyo?"tumingin tingin ako sa paligid bago sumagot.. "ewan ko.."tamad kong sagot. "pati ba naman yan nakalimutan mo? Ano ka ba naman bessy.."humawak siya sa noo niya at sinimangutan ako.. Ngumisi nalang ako... " Oo. Kung kelan naman gusto ko malaman bessy. Kamusta kana pala..?"aniya at kinamusta nalang ako. "Yan kasi alagaan mo sarili mo hehe.. Ok naman bessy ikaw ba kamusta kana?"dugtong niya pa dahil umiling lang ako. "Eto nganga. I can't recall bwisit. For petes sake.."naiinis kong sabi rito. "Yan kasi tanungin mo nalang mga friend mo bessy..."naalala ko ng konti.. Kaya medyo nahilo nanaman ako.. "Ayoko nga. Nakakahiya. Baka yung ex ko si Jervin. "sabi ko nalang sakanya. "Hahaha. Try mo lang,bessy.." " Ayoko. Hmp. Pero kasi siya ang nakita ko. Nung practice time. Diko lang alam kung siya nga o napalitan ni Ismael. Iww.." " Haha siguro pero mas mabuti parin kung magtanong ka.." " Wag na. Kapag nagtanong naman ako makakalimutan ko rin." " Haha bahala ka bessy basta ako wag mong kalimutan ha.." " Hahaha oo naman. Ako pa. Saka wag mo ring kalimutan magparamdam kasi talagang mabilis ako makalimot." " haha. Bahala ka bessy basta ako wag mo kakalimutan nako." " Oo na. Nga pala kailan nga pala tayo naging magbestfriend.. Nakalimutan ko na rin. Haha.." "yun lang. Diko na matandaan. Nakalimutan ko rin. Hehe." "tingnan mo to. Ulyanin.." "kala mo siya hindi.."sabay nagtawanan kami. At tinapos ang pagkain. Lumabas na kami para mamili ng mga damit. Gumala rin kami sa kabuuan ng mall. Namili ng mga make up sa Watson. "wag yan. Yung light make up lang.. Yun bagay sayo. Magmumuka kang clown niyan kapag hindi light.. Nagmumuka kang matapang.."sabi ko. Sinunod niya naman.. Iniwan ko na muna siya doon at nagdiretso sa Counter para bayaran ang pinamili ko. "Okay, 1,052 php.. Keep the change ..."lumabas na ko. Saktong tunog naman ng cellphone ko. May natawag. Pag kuha ko sa bulsa si Harold pala. "Hello?"humalukipkip ako at tumabi marami kasing nadaan. "Where are you?"untag niya. Sinabi ko naman kung nasan ako. "mall. Ikaw?" "Alright..wait me, then.."ano raw? Don't tell me walang pasok? Andaya. Meron pa ko mamayang 4:30 at 2:46pm na. Lumabas na rin si Bessy at niyaya ako sa Dress shop. "Eto ba bessy? Maganda?" Tinaas niya yung pink na Dress. Plain lang yun medyo cheap. Kaya sabi ko yung white na tube nalang. May design kasing ribbon na maliit. Tapos may paburda na flowers sa laylayan. "much better..sukat mo na. Nakapili na ko. Itong royal blue at red ang sakin."nagnod naman siya at sinukat ang kanya kanina pa kasi ako nakapagsukat. Nagbayad na kami at lumabas after. Tumawag na kasi si insan Harold. "There!"sabay kaway ko ng makita ang gwapo kong pinsan na nakasuot ng Red shirt, Bench brand niyan tapos naka maong na pantalon. Fitted kaya ang kinilabasan para siyang prinsipe sa Generation ngayon. Hindi dahil sa porma kundi pati sa itsura. Lahat tuloy ng tao sa Mall halos mabali na ang leeg sa paglingon at pagtingin. Yung iba halata sa itsura na may pagnanasa. Hayy.. Girls nga naman. Umirap ako ng tingnan nila ko dahil sinundan nila ng tingin si Harold papalapit sakin. I mean samin. Kumaway siya kay Leah para maghi. "Oh! Tara!"anyaya niya at hinila na kami sa Shop. Bibili lang naman siya ng bagong gitara. At yung bassist niya. Nagbabalak to sumali sa Boy Next Door since parte ng eskwelahan namin ang mga Miyembro ng BND mas mapapadali siya. Magkakaroon kasi ng Audition next week. Kaya abala siya ngayon. "This one?"ani Harold habang nakatingin samin ni Bessy. Nagnod lang ako sabay tili ni Bessy nung makitang kausap na ni pinsan yung nag aassist. "Shocks! Ampogi talaga ng pinsan mo. Ilakad mo nga ako. Omygosh! Makalaglag panty bessy! Look. May matipunong katawan medyo slim. Tapos ampogi niya sobra.. Tingnan mo nga ko. Shet! Baka ampangit ko tapos nakaharap pa naman siya sakin lagi .."halos mag hyperventilate na si Bessy sa gilid ko. Nagugusot na nga ang suot kong dress kasi napakaligalig niya. Tumawa lang ako at kinutusan siya. Nakita ko pang nagbayad si Harold sa Counter at dinala niya na yung binili niyang Electric Guitar at bassist. "Tara na. May klase pa kaya ako."Reklamo ko. May balak pa kasi siyang bilihin. Since wala na daw klase si Leah. Nakiusap nalang ako na samahan niya si insan. "Got to go. Ingat kayo. At ikaw Harold, ingatan mo bestfriend ko. Wag ka ding manchichix. Kahit break na kayo ng gf mo wag mo popormahan yang Fiona na yan. Nako."panunuya ko. Pero alam nilang biruan lang yun. Since, hindi naman ito yung unang araw na nagkasama sama kaming tatlo. Kumamot lang si Harold sa batok at tumaas ang pang itaas na labi. Nakita ko namang namula si Leah. "Uy! Grabe ka sakin, bessy. Ang ganda ko naman para maging fiona. Saka di naman Si Shrek tong si Harold.." Humagalpak ako ng tawa at napansin ko ng kung hindi lang talaga ako malayo ng konti sakanila. Ay lusaw na ko at nakahandusay sa sobrang sama ng titig nila. Napahawak pa ko sa tiyan ko katatawa. "HAHAHAHAHA!" talagang pumatok sa panlasa ko yung idea ko. Kaya halos mag gulong na ko sa sinabi ni Bessy. Tapos itsura pa nila. Kung magiging si Shrek ang pinsan ko. Napakagwapong lahi naman. Hahaha! Nagtinginan na ang mga tao samin pero halos mangilid parin ang luha ko katatawa. Nalapitan na tuloy ako ng dalawa at ihinatid na sa labas para makasakay pabalik sa school. Nilagay na rin ni Harold ang pinamili niya sa car ko na gamit niya bago sila bumalik sa loob. May quiz dapat kami ngayon sa Reed. Kaso tangina lang. Wala daw prof. Nagsayang lang ako ng pamasahe rito. :'< Sana nakapag palibre pa ko kay insan kung di ako nagtuloy. Naglakad ako palabas ng school. May mga nakasalubong akong irregular students na naging kaklase ko nung 1st year ako hanggang 2nd year. "Huy! Kamusta ka?"di ko na matandaan name niya. Basta nginitian ko nalang.. "ayos lang. Ikaw?" "I'm fine.. Sige, una na ko. May klase pa ko sa CBA 402.. Take care.."sabay alis niya. Mag isa nanaman ako. Nakakainis. Napatitig ako sa lalaking sumabay sakin sa paglalakad. Who is he? "Suplada ka pala talaga."sabi niya ng natatawa. Literal na kumunot ang noo ko at tipid na ngumiti. Pano ako nakilala nito? "Magkaklase tayo sa Reed. Don't you remember my handsome face?"aniya na may yabang sa kilos at ngumisi. Umiling nalang ako. Mabilis akong naglakad pero nasasabayan niya parin ako. "Hershey right?" "ah, yeah.." "I'm Bryan.. Bryan Ashley Yabut Meneses.. Gusto ko sanang makipagkaibigan sayo. Pansin ko kasi na lagi kang mag isa. May mga nalapit at nakausap sayo pero kapag di related sa school. Dedma mo. Medyo mailap ka.."sabi niya na para bang namamangha. "oh?"tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. He smiled akwardly. Straight-forward? Huh. Well, lemme see.. I smirked. "its none of your business. May mas mahalagang bagay na dapat pinagtutuunan. At higit salahat,hindi ako pumapasok sa school para makihalubilo sa mga mas angat. Mas mayaman at pinipiling kaibigan. Alam ko naman din. Kinakausap lang ako ng iba dahil mabait ako, na tutulungan ko sila."aminado ako. Kinakausap lang nila ko dahil may kailangan sila. Naasar ako. Yeah, masipag ako sa paningin nila at sobrang seryoso. Pero di ibig sabihin na. Para akong material na bagay na pagkatapos nilang gamitin ay ibabasura nalang. Yung iba kasi nakikipagkaibigan lang dahil may kailangan sayo. Dahil mapapakinabangan ka nila. Pero hindi ko sinabing ganun lahat ng tao. Depende parin yun sa mga taong nakakasalamuha natin. Hell,yeah.. Hinahayaan ko silang gamitin ako. Hindi naman lagi ako yung material na bagay. Pati rin sila napapakinabangan ko. Pero di ibig sabihin na kaya ako napayag para makipag gamitan sakanila. But I wish someday day realize it. "did I offended you? Sorry. Gusto ko lang talaga makipagkaibigan.." "for what? Para gamitin din ako? Para ano? Tell me.." "Grabe ka naman sakin. Muka lang akong gwapo I mean manloloko pero hindi ako mang gagamit. At dipa ko nanloko ng tao. I want you to be my close friend.. Can you?" "Really? Akala mo ba maniniwala ako? Sa panahon ngayon Anino ko nalang ang di nang iiwan. Ang di ako lolokohin." "gusto lang kitang maging kaclose pero kung may doubt ka. Sige, hindi ko naman din kasi ugaling ipagsisiksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw sakin."tatalikuran niya sana ko ng hilahin ko ang bag pack niya. Nakita ko pa ang pagtaas baba ng balikat niya at malalim na paghinga. Hinarap ko siya at yumuko ako. I feel so hopeless.. "Sorry.. Sige payag na ko.."sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Bryan. Mas naging malinaw sa mata ko kung gano ito kagwapo. May mala hugis almond siyang mata. Kulay brown iyon. Matangos ang ilong. May makipot at pulang labi. Makinis at maputi. Pati ngipin pang model ng toothpaste. Maayos at napakalinis niyang manamit. Clean cut ang style ng buhok at may piercing sa tenga. Nakasuot siya ng baston na pantalon kulay blue at nakawhite na tshirt.. "really? Salamat!"inakbayan niya ko habang naglalakad patawid. Huminto nga pala kami kanina sa gitna. Takte. Akala siguro ng iba LQ kami. Sh*t! Di ko namalayan. At hindi lang 'yon. Andaming nakakakilala sakanya. Famous ang tukmol nakakainis. Andami ring nagpapacute at naglalaway na girls sakanya. So? A Man beside me is a Real Campus Hearthrob? Nginitian niya lang ako ng tumingala ako para tingnan siya. Nanliliit ako sa isang ito. Litsi. At ngayon dahil Campus Crush siya sigurado na ako. Hell year to para sakin. Ngayon palang na halos patayin na ko ng titig ng mga taong nasa paligid ko. May dumating na BMW at may lumabas na lalaki. Hindi ko siya kilala. Psh. "Hi! I'm Kent.. Pinsan nga pala ko ni Bryan. Tara!"sabi nito sakin. Anong tara? "Sakay na.."tinulak naman ako ni Bryan pasakay ng BMW. At siya ang naupo sa driver seat. Si Kent sa Passenger seat. WTH?! Kidnapped ba ito?! Nilock na nila ang pinto ng kotse at humarurot ang takbo .. "Chill..wala kaming gagawing masama sayo. San ba ang Condo mo nakapwesto? Hatid kana namin. Bago kami umuwi.."ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba at takot. Namumutla na rin siguro ako. Lord, bata pa po ako. Mag aaral pa po akong mabuti ha. Please.. Wag naman sana. Umiwas ako ng tingin. At nagpababa sa Robinson Dasma. Hindi pwede malaman ng iba kung asan nakalocate ang Condo ko. Mamaya pasukin ako ng masasamang loob. "Are you sure? Don't worry mapapagkatiwalaan mo kami.. Please.."hindi ko alam kung dapat. Pero para convenient .. Sinabi ko na. At hinatid nga nila ko. Pasadong 7pm ako nakapasok sa Condo unit ko. Umalis na rin sila after. Nagpalitan muna kami ng number..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD